Luna POV
"Ang bigat," idinilat ko ang aking mata sa pagkakapikit nang may narinig akong nagsalita.
"S-Sage?" akala ko talaga ay iniwanan niya na kami. Si Sage ang nakahawak sa kamay ko kaya naman hindi talaga ako tuluyang nalaglag sa bangin.
"Titigan mo na lamang ba ako o iaangat mo din ang iyong sarili? Kundi talagang bibitawan kita." Masungit na pahayag ni Sage sa akin.
Hindi ko na lang inintindi ang pagsusungit niya. Tinulungan ko din siya sa pag angat sa akin. Nakakapit ang isa niyang kamay sa kulay berdeng vines. Nang maiangat ko na ang aking katawan ay kusa nang pumaitaas ang vines na kinakapitan ni Sage.
Sa kanya kaya iyon?
"Siguro ay matakaw kang kumain kaya napakabigat mo," tukso sa akin ni Sage nang makarating na kami sa pinaka itaas.
"Salamat sa pagliligtas mo sa akin pero hindi mo na ako kailangan pang tuksuhin," pikon kong wika kay Sage. Talagang napikon ako sa sinabi niya. Grr!
"Pikon! Tss." sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Mamaya na kayo magtalo jan, tulungan niyo muna ako," napatingin naman ako kay Hezreal na nakahiga at hawak hawak niya ang ulo ng torong pula ang mata.
Nawala na tuloy sa isip ko ang tungkol sa kinakalaban namin kanina ni Hezreal. Ibabato ko na sana ulit ang boomerang dagger ko nang tumakbo si Sage sa direksyon ni Hezreal at tumalon siya saka niya sinipa sa katawan ang toro na kanina pa umaatake kay Hezreal. Tumalsik naman ang toro kaya naman tinulungan ko si Hezreal na makatayo.
"Okay ka lang ba?" hays ano ba naming klaseng tanong yan Luna hinihingal na nga si Hezreal eh.
"Oo naman Luna, hindi ang kagaya niya ang papatay sa akin," nakangiting sagot ni Hezreal at ginulo niya ang buhok ko kaya naman napangiti na lang din ako.
"Masyado na tayong matagal dito. Marahil ay nakabalik na doon sina Heneral Araval. Itong pasaway na lang ang gawin nating hapunan ngayon. Malaki naman siya tiyak akong sobra pa ito para sa ating lahat," sabi ni Sage na may kasabikan.
"Maganda ang iyong mungkahi matagal tagal na din ako hindi nakakain ng karne ng taurus," Hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi nilang dalawa.
"Kinakain ba yan?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila at nginisihan lang nila akong dalawa at sabay nilang sinugod ang tinawag ni Hezreal na taurus.
"Akala naming ay mamaya pa kayo darating nais na sanang sumunod ni Axter sa inyo," Bungad na sabi ni Heneral Araval sa amin nang makabalik kaming tatlo sa pagpapahingahan naming ngayong gabi.
"May pasaway kasing lumusob sa amin at dahil doon ay siya ang magiging hapunan natin ngayong gabi." seryosong sabi ni Sage.
"Isa ba yang Taurus?'' tanong ni Antonette nang makalapit siya kila Sage at Hezreal na buhat buhat ang natalo nilang Taurus ni hindi man lang nila ako hinayaan na tulungan sila hmp!
Pabagsak na binaba nina Sage at Hezreal ang Taurus sa lapag dahil nabibigatan na din sila.
"Oo, bigla na lang ako inatake ng taurus nang kukunin n asana naming ang golden apple," pahayag naman ni Hezreal saka nag sink in sa utak ko ang golden apple.
"Hala ang golden apple!" Bigla kong sigaw. "Paumanhin, hindi ko na nakuha ang golden apple dahil muntikan na din ako malaglag sa bangin." Dugtong kong sabi at nang marinig iyon ni Axter ay agad siyang lumapit sa akin.
"Nasugatan ka ba? May bali?" Natawa naman ako dahil ininpeksyon ni Axter ang aking katawan binatukan ko nga nagiging OA eh.
"Ano ka ba Axter," natatawa kong sabi pagkatapos kong batukan siya.
"Wow! Karne ng taurus ang ating hapunan ngayon. Ngayon pa lamang ay naglalaway na ako," Sabik na wika ni Smith.
"Sino may sabing bibigyan ka namin? Eh dalawa lang kami ni Sage na nakatalo jan. Diba Sage?" inaasar ni Hezreal si Smith tapos nakipag apiran pa si Hezreal kay Sage at ang nakakapagtaka ay nakipag apir naman si Sage kay Hezreal.
"Pinagpapalit mo na ba ako sa kanya ha Hezreal? Akala ko ba ako lang? Huhuhu! Mga taksil!" Nagkunwari pa na umiiyak at nasasaktan si Smith sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang dibdib kung saan nakalagay ang kanyang puso. At napuno ng halakhakan ang aming kapaligiran.
"Osiya, tama na ang biruan alam kong gutom na kayong lahat. Ako na lang ang magluluto ng taurus pero Kristal maaari mo ba akong tulungan?" tanong ni Heneral Araval kay Kalla at binuhat na niya ang taurus.
"Sige po kukunin ko na lang po muna ang mga kahoy para sa pagluluto," sagot naman ni Kristal.
"Mukhang naging malapit sa isa't isa sina Hezreal at Sage ah," pansin ko nga din iyan Kristal.
"Nagsimula lang naman iyan noong natalo nilang dalawa ang taurus tapos habang nasa daan kami pabalik dito silang dalawa yung nagkwekwentuhan. Akala ko nga pipi yang si Sage eh," may konting pagkainis na sabi ko dahil naaalala ko pa din yung pang aasar sa akin ni Sage kanina.
"Sige susunod na ako kay Heneral Araval," nakangiting sabi ni Kristal.
"Sarapan niyo ha natatakam na din ako," Napatingin naman ako kay Antonette na tuwang tuwa ang mukha ngayon.
"Sasama na lang din ako sayo Kristal.'' At tumayo na din sa pagkakaupo si Hayley at sabay silang umalis ni Kristal.
"Axter tignan mo oh, lahat sila tuwang tuwa dahil sa taurus talaga bang masarap iyon?" tanong ko sa katabing kong si Axter na nakaupo sa damuhan habang ako nakaupo sa nakatumbang puno.
"Maging ako ay sabik na muling makakain ng karne ng taurus Luna. At napakasarap naman talaga ng karne ito kung titignan mo ay matigas ang kanyang katawan pero kapag naluto mo ito ng tama ay napakalambot ng karne nito na kusang matutunaw sa iyong bunganga," nakangiting sabi ni Axter.
Sana nga talaga ay magustuhan ko din ang lasa ng taurus.
Third Person POV
"Wooh! Ang sarap talaga ng karne ng taurus," natatawang sabi ni Smith kaya naman napatingin sa kanya ang lahat ng may ngiti sa labi maliban na lang kay Sage dahil talagang seryoso siyang tao.
Bihira lang din siyang magsalita at kumibo sa mga bagay-bagay. Ang dahilan niya ay tinatamad siyang magsalita.
"Eh halos nga ikaw ang nakaubos ng pagkain natin ngayon eh napaka takaw mo talaga tsk tsk," pang-aasar ni Hezreal kay Smith. Noon pa man ay kinaugalian na nilang asarin ang bawat isa't isa.
Napailing na lang sina Kristal at Antonette sa tinuran nina Hezreal at Smith dahil nag umpisa nanaman sila sa pagiging isip bata nila. Buti na lamang ay sanay na sila dito.
Samantala si Luna ay nakangiting tumitingin sa dalawa pero parang may kakaibang lungkot ang pinapahiwatig ni Luna. At si Axter ay nakatitig lang kay Luna na para bang wala nang kinabukasan at parang malulusaw si Luna sa kanyang pagtitig.
Ang magkakatabi naman sa nakatumbang upuan ay sina Smith , Hayley , Sage , Kristal , Hezreal sa katapat naman nila ay sina Heneral Araval , Axter , Luna at Antonette habang sa gitna ay may bonfire na nagsisilbing ilaw nila sa dilim. Hanggang sa tumayo si Heneral Araval kaya naman nalipat ang atensyon sa kanya.
"Ngayon tapos na tayong maghapunan at hindi pa malalim ang gabi. Bibigyan ko kayo ng kinseng minuto upang makapagpahinga at makapaghanda upang sa pagsasanay niyo," Sa pagkakataong ito ay naging seryoso pa lalo ang mukha ni Heneral Araval.
Kilala din si Heneral Araval sa pakikidigmaan. Nakasama na siya ni Axter noon sa labanan. Bihasa si Heneral Araval sa pag gamit ng iba't ibang sandata. Marami na din siyang napatumba na malalakas sa panig ng dark shadow. Naipakita na din niya ang kanyang galing noong ikatlong digmaan sa mundo ng Majika kung saan nagawa nilang ikulong kung saan ang hari ng dark shadow. Kaya naman madami ang gumagalang kay Heneral Araval.
"Pagsasanay?" bigla na lang nasabi ng mga Royals maging si Luna at Axter.
"Oo, pinaalam din sa amin ni Headmaster ang tungkol sa hindi niyo pa natatapos na misyon at handa rin kaming tumulong upang hanapin ang nawawalang mahiwagang bato," Sa pagkakataong ito ay nakatingin si Heneral Araval kay Luna. Naging alisto naman si Axter sa pwedeng mangyari.
Nagkaroon tuloy ng pagdududa si Axter dahil hindi man lang sila kinausap ni Luna na ipapaalam sa iba ang tungkol dito.
"Huwag kang mag alala Axter hindi kami kaaway. Magkaiba man ang ating misyon alam ko na iisa lang naman ang hangad nating lahat dito. Ang mag wagi ang liwanag sa kadiliman," sabi ni Heneral Araval dahil nabasa niya ang nasa isip ni Axter base na din sa mukha nito.
"May tiwala kami sa inyo," sabi ni Luna at tumayo siya at inilahad niya ang kanyang kamay kay Heneral Araval tanda ng pakikipag kaibigan.
Napangiti naman ang lahat ng tanggapin ni Heneral Araval ang pakikipagkamay ni Luna sa kanya. Habang nagpapahinga at naghahanda silang lahat sa kanilang pagsasanay ay ipinaliwanag ni Heneral Araval na maging silang tatlo nina Sage at Hayley ay magsasanay din. Sinabi din ni Heneral Araval na si Headmaster ang nakaisip nito upang maging handa pa daw sila sa kahaharapin nila sa misyong ito.
"Hindi sa nag rereklamo ako pero sana nga lang pagkatapos nito ay makahabol tayo sa ating aralin sa Academy. Wala pang kalahati ng taon simula nang magbukas muli ang Academy ay puro napasabak na agad tayo sa mga misyon," seryosong sabi ni Smith habang nag aayos ng kanyang sapatos.
"Isipin mo na lang na ginagawa natin ito para sa kapakanan ng nakakarami. Hindi naman tatakbo ang Devron makakahabol din tayo sa ating mga aralin," Pagkatapos sabihin iyon ni Hezreal ay tinapik nito sa balikat si Smith. Gusto lamang niya palakasin ang loob ng kanyang kaibigan.
"Para sa Devron Academy at para sa buong Majika!" Sabay sabay na bigkas nina Hezreal , Smith , Luna , Axter , Antonette , at Kristal.
Hindi nila alam pero bigla na lamang nila iyon nasabi kaya naman nagkatinginan silang lahat at sabay-sabay na tumawa dahil iisa lamang pala ang nasa isip nilang lahat. Narinig at nakita naman iyon nina Heneral Araval , Hayley at Sage na nagmamasid sa kanila habang naghahanda sa pag sasanay.
---