Chapter 8 : Golden Apple

1953 Words
Celestina POV "Ano ba talaga ang pinaplano mo Master?" tanong ko kay Master Marcus habang nakatingin siya sa bintana. Pinapanuod niya si Luna na umiiyak. Sa tinagal ng pagsisilbi ko kay Master Marcus may mga bagay pa din siyang hindi ipinagkakatiwala sa amin ni Allu. Alam ko na nag-iingat lang siya. Matapat akong naglilingkod kay Master kaya naman nauunawaan ko siya. Hindi kasi lahat ng plano niya ay sinasabi niya sa amin ni Allu. Minsan nga nagugulat na lang kami ay nagawa na niya pala ang isang bagay. "Matatapos din ito," sabi niya at uminom siya ng alak mula sa hawak niyang baso. "Tila hindi kayo naaapektuhan sa nangyayari ngayon kay Luna?" napalingon ako sa nagsalita at nagulat dahil hindi ko inaasahan na nandito siya. "Hangga't maaga pa tumigil ka na. Kasal niyo ngayon. Huwag kang gumawa ng eksena," kaagad kong pigil sa kanya. Tinignan ko si Master Marcus tila hindi siya natinag sa sinabi niya. Umiinom pa din ito at nakatanaw sa paalis na si Luna kasama ang mga royals at sina Heneral Araval. "Walang matutuloy na kasal dahil alam ko na ang plano niyo. Anong kalokohan ito at dinamay niyo pa kami?!" sabi pa nitong muli. Nakikita ko sa mga mata niya ang galit. Sa pagkakataong ito ay humarap na si Master Marcus. At walang anu-ano ay nabasag ang hawak niyang baso. Naku naman! "Kalokohan? Akala ko ba matalino ka? Mukhang nagkamali ako. Sa tingin mo kalokohan ang nangyayare ngayon?" Mahinahon na sabi ni Master Master sa kanya pero alam ko na nagpipigil lang ng galit si Master. Naku naman bakit kasi pumunta ka pa dito eh. "Tila wala kayong pakealam sa nararamdaman niya! Hindi ba kayo naaawa? Makasarili kayo dahil kaligayahan ng sarili niyong anak ipinagkakait niyo," Arrrrgh! Parehas silang dalawa hindi nagpapatalo. Pero sana maghinay ka sa sinasabi mo ngayon Leo wala kang alam. Sa unang pagkakataon ay nakita ko na natigilan si Master Marcus. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya. "Walang awa? Makasarili? Sa tingin mo ganun ako? Kung makasarili ako ay tinakbuhan ko na ang mundong ito. Sana noon pa lang iniwanan ko na ang magulong mundong ito. Madami akong pagkakataon! Pero dahil alam ko na madaming madadamay na inosenteng nilalang na naninirahan dito sa mundong ito kinaya kong isakripisyo ang sarili kong anak," tinignan ko si Leo mukhang nasisiyahan pa siya sa kanyang naririnig. Hindi kaya----- "Walang awa? Siguro dahil ipinagkait ko kay Luna na magkaroon ng ama. Buhay pa ako pero ang alam niya ay patay na ako. Oo, wala akong awa dahil pinagkaitan ko din ang aking sarili na maalagaan ang nag-iisang anak ko. Oo, akong awa dahil sinasakripisyo ko ang nararamdaman ng aking anak para sa kapakanan ng nakakarami," emosyonal na sabi ni Master Marcus. "Mas pinili kong masaktan siya para mailayo siya sa nakaambang panganib sa buhay niya! Tiniis ko na huwag siyang makita at matiis. Dahil kapag nalaman nilang anak ko si Luna ay hindi na siya titigilan nang mga sakim sa kapangyarihan..." huminto muna sa pagsasalita si Master at parehas niya kami tinignan ni Leo saka siya muling nagsalita. "Mas pipiliin kong masaktan at makitang umiiyak si Luna kesa makitang wala na siyang buhay," dugtong na sabi ni Master Marcus. Nasasaktan ako sa sinabi ni Master Marcus. Alam ko kung ano ang mga pinagdaanan niya. Kung gaano siya nagtiis huwag lang mapahamak si Luna. Pati ang sarili ay sinasaktan at tinitiis niya. "Maraming salamat nakuha ko ang gusto kong kasagutan," nakangiting sabi ni Leo at yumuko ito tanda ng pag galang kay Master Marcus. "Makikipagtulungan ako sa inyo pero hindi ko maipapangako na kapag hindi ko matiis na nakikitang umiiyak o nasasaktan si Luna ay baka itakas ko siya mula sa magulong mundong ito," sabi ni Leo at tumalikod na ito para umalis pero lumingon itong muli kay Master at nagulat pa rin ako sa sinabi niya kay Master. "Masaya ako at buhay kayo Master Morgan White." Luna POV Habang naglalakad kami sa kagubatan ng Deep Forest ay itinaas ni Heneral Araval ang kanyang nakakuyom na kanang kamay. Ibig sabihin ay tumigil kami sa aming paglalakad na siyang aming ginawa. "Ilang oras na lamang ay lulubog na ang araw. Dito na lamang tayo magpalipas ng gabi at may sasabihin din ako sa inyo. Pero bago iyon maghati muna tayo sa tatlong grupo," nakinig kami sa sinabi ni Heneral Araval. "Ang unang grupo ay sina Hayley, Axter at Kalla kayo ang magtatayo ng ating magiging pahingahan ngayong gabi. Ang pangalawa ay sina Smith, Antonette at ako. Kami naman ang maghahanap ng mga kahoy. Ang pangatlo ay sina Luna, Sage at Hezreal kayo naman ang maghahanap ng ating kakainin ngayong gabi," maawtoridad na wika ni Heneral Araval. "May pagkain pa naman po kaming dala ngayon maaari po natin itong paghati hatian," wika ni Antonette. "Kailangan nating magtipid ngayon upang may makain pa tayo bukas. Nasa kagubatan naman tayo ngayon kaya naman natitiyak ako na madami tayong makikitang makakain natin ngayon," lahat naman kami ay sumang ayon sa sinabi ni Heneral Araval. "Ako na lang ang sasama kina Hezreal at Sage ikaw na lang ang maiwanan dito," nag-aalalang sabi sa akin ni Axter. "Axter, hindi na ako bata. Paano ako matututo kung lagi mo na lang ginagawa na proteksyonan ako? Mag tiwala ka naman sa akin," Pangungumbinsi ko kay Axter. "Sige na Axter pumunta ka na sa mga kasama mo," nakangiting wika ko sa kanya at wala na siyang nagawa kundi ang sundin ako. Naiintindihan ko naman kung bakit ganun sa akin si Axter pero kailangan ko din naman matuto sa aking mga sariling paa. Hindi habangbuhay ay nanjan siya upang lagi na lang ako tulungan o sagipin. Ayoko lang masanay na lang na lang dumarating si Axter upang tulungan ako. Ano pa ang silbi ng aking pagsasanay kung lagi na lang na ganun ang mangyayari. "Huwag lang kayo lalayo kailangan din natin makabalik agad," muling paalala ni Heneral Araval at sumagot naman kami. "Prutas na lamang ang ating hanapin nasisiguro ko naman na madaming prutas sa kagubatang ito. Baka kasi may makasalubong pa tayong di kanais-nais," sabi ni Hezreal at sinang ayunan ko naman iyon mukhang hindi naman kasi mag sasalita si Sage eh. "Ayos ka lang ba Luna?" biglang tanong ni Hezreal sa akin habang naglalakad kami upang maghanap ng prutas. "Oo naman," sinigurado ko na magmumukhang totoo ang aking ngiti kay Hezreal. Ayoko na kasing makita nila ang isang mahinang Luna. Alam ko na may sasabihin pa si Hezreal kaya naman iniwas ko na agad ang tingin ko sa kanya. Sa hindi kalayuan ay may natanaw ako. Pinasingkit ko pa ang mata ko upang mas lalo kong makita at makumpirma kung bunga ba talaga ang nakita ko. Agad ko din naman agad itinuro iyon kina Sage at Hezreal. Kaya naman pinuntahan naming iyon agad. "Ngayon pa lang ako nakakita ng ganitong kalaking puno at nasa gitna pa siya ng bangin. Pero ano ang bunga na iyan? Gold na apple? Sa mundo ng mga tao ay may mansanas din ngunit hindi pa ako nakakakita ng mansanas na ginto," wika ko habang nakatingin sa malaking puno. Nalula pa nga ako nang tumingin ako sa ibaba. Napaka taas na pala ng aming naakyat. O sadyang malawak at mataas ang Deep Forest? "Ang bungang iyan ay tinatawag na golden apple. Malimit lang makakita ng ganyan dito. At talagang napakaswerte mo Luna dahil nakakita ka ng tree of golden apple. Kung makakakuha tayo kahit ilang bunga lamang niyan ay tiyak akong magagamit natin ito sa ating paglalakbay," pahayag naman ni Hezreal samantalang si Sage naman ay walang kibo habang nakatingin sa kawalan. "Ano ba ang nagagawa ng bungang iyan at tila tuwang tuwa ka?" Natatawa kasi ako sa reaksyon ni Hezreal eh. "Kaya nito na bigyan tayo ng ibayong lakas pero may limitasyon lang ang pag gamit nito. Kaya din nito na bigyan tayo ng invisibility pero sa maikling oras lang din. Pero kahit maikling oras lang ang kaya nitong ibigay ay malaki na din ang tulong nito lalo na sa labanan," paliwanag sa akin ni Hezreal. "Ano pa ang hinihintay natin kumuha na tayo ng bunga nito," nakangiting sabi ko kay Hezreal. "Tayo na lang ang gumawa dahil mukhang hindi naman tayo tutulungan ni Sage," natatawang sabi ko kay Hezreal kaya naman tumawa din ito. Medyo malayo naman sa amin si Sage kaya nasisiguro ako na hindi niya kami naririnig. Si Hezreal na daw ang bahala kung paano ko maabot ang bunga ng golden apple. Basta ang gawin ko daw ang magtiwala sa kanya. Wala naman ako fear of heights kaya naman ayos lang sa akin na ako ang kukuha. Naramdaman ko naman na umangat ako sa lupa ayun pala ay ginamit ni Hezreal ang kanyang kapangyarihan sa pagkontrol ng elemento ng lupa. Naramdaman ko nga din ang pagyanig ng lupa eh. Hanggang sa nararamdaman ko na din na papalapit na ako sa puno ng golden apple. Ginawan din ako ni Hezreal ng makakapitan sa gilid. "Konti na lang Hezreal," sigaw ko habang inaabot ko ang bunga ng golden apple. Mapipitas ko na sana ang bunga ng golden apple ng maramdaman ko na tumatagilid ang lupang kinatatapakan ko na gawa ni Hezreal. Nahihilo na din ako dahil winawagayway ako nito. Idagdag mo pa na nakikita ko na kung sakaling mawala ang kapangyarihan ni Hezreal ay talagang durog-durog ang katawan ko dahil napaka taas at lalim ng bangin. Tatawagin ko na sana si Hezreal pero nang paglingon ko ay may kinakalaban na si Hezreal na isang kamukha ng toro at kulay pula ang mga mata nito. At doble ang laki nito sa pangkaraniwang toro. Hinanap ko sa paligid si Sage pero wala siya. Wag niyang sabihin na iniwanan niya kami?! Nahihirapan si Hezreal sa pagkalaban sa toro dahil natitiyak ko na matigas ang balat at katawan nito gawa na din na doble ang laki nito. Idagdag pa na isang kamay lang ang gamit ni Hezreal. Dahil kinokontrol din ni Hezreal ang lupa upang hindi ako malaglag. Buti na lang at dala-dala ko ang boomerang dagger ko matutulungan ko si Hezreal kahit na malayo ako. Ibinato ko na ito sa direksyon ng toro at nagawa naman nitong putulin ang isa sa mga sungay niya. Itinaas ko ang aking kamay upang saluhin ang boomerang dagger ko. Nalipat ang atensyon ng toro sa akin dahil sa ginawa ko. Patakbo na itong pumupunta sa akin. Pero nagkamali ako dahil si Hezreal ang inatake nito mula sa tagiliran ni Hezreal kaya naman tumalsik siya at nawala ang kontrol niya. Nawala ang binuong patungan ko ni Hezreal kaya naman bumulusok ako paibaba. Dahil sa takot at gulat ay hindi ko mapigilan na hindi sumigaw. Sumabit ang damit ko sa sangang nakausli kaya nakahinga ako ng maluwag. Kahit kinakabahan ay pinilit ko na iangat ang aking kamay upang makakapit sa sanga. "Lunaaaa!! Aaargh!" rinig kong sigaw muli ni Hezreal marahil ay nilulusob nanaman siya ng toro. "Kaya mo iyan Luna kailangan ni Hezreal ng tulong," pagpapalakas ko ng aking loob. Nang makakapit ako sa sanga ay naghanap naman ako ng mapagpapatungan ko ng aking paa. Napangiti ako sa aking sarili dahil nakakaya ko na umakyat kahit na mataas ang aking binagsakan. Aangat na sana ako kaso dumulas ang paa ko sa sinasampahan kong maliit na bato bigla na lang itong nalaglag sa sa ibaba kaya naman nataranta nanaman ako ulit. Nabitawan din ng isa kong kamay ang pagkakahawak ko sa sanga. Nakalambitin na lang ako gamit ang isa kong kamay na nakahawak sa sanga. Nanlaki ang mata ko nang unti unti na din bumibigay ang sanga na kinakapitan ko. Nababali na ito. "H-Hindi!!!" napapikit na lang ako nang marinig ko ang pagkabali ng sanga. Ito na ba talaga ang katapusan ko? ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD