Chapter 7 : Lukso ng dugo

1058 Words
Luna POV "Luna sandali!" napalingon kaming lahat sa tumawag ng pangalan ko handa na kasi kaming umalis para sa bago naming misyon. "Celestina," tawag ko sa pangalan niya. Ano kaya ang ginagawa niya dito? "Pasensya na sa inyong lahat pero maaari ba na hiramin ko muna si Luna sa inyo?" hinging pahintulot ni Celestina. "P-pero----" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Heneral Araval. "Makakapaghintay kami," nakangiting sabi ni Heneral Araval. "Maraming salamat Heneral Araval," sabi ni Celestina at yumuko ito tanda ng pagbibigay galang niya kay Heneral Araval. Lumapit sa akin si Antonette at bumulong siya sa akin. "Tawagin mo lang kami kung magkaroon man ng problema," Pag aalalang paalala sa akin ni Antonette na ikinatango ko. Lumapit sa akin si Celestina at hinawakan niya ako sa balikat ko sabay pumitik siya. Sa isang kurap ko lang ay nakapag teleport na kami. Napatingin naman ako sa kapaligiran. Base sa aking nakikita ay isa itong silid pero hindi ko alam kung kanino itong kwarto na ito. "Kanino itong kwarto Celestina?" tanong ko kay Celestina pero hindi niya sinagot ang tanong ko. "Maiwanan ko na kayo," Nakayukong sabi ni Celestina habang papalabas siya ng kwarto. Hahabulin ko sana siya ng may narinig akong yabag na papunta sa akin hanggang sa nakita ko si Gurong Marcus na papunta sa akin. Ibig sabihin si guro talaga ang nagpasundo sa akin? Bakit hindi ko agad naisip yun? Saka bakit nandito siya diba kasal ngayon ng kanyang anak? "Guro," niyuko ko ang aking ulo at sa pag-angat ng aking ulo ay tumambad sa aking harapan ang kwintas na regalo sa akin ni gurong Marcus. Agad akong napahawak sa aking leeg at ngayon ko lang napagtanto na wala sa akin ang kwintas. Pero kailan pa at paano? Hindi ko namalayan na wala pala iyon sa akin. "Mukhang hindi mo alam na naiwala mo na ang kaisa-isang regalo ko sa iyo," seryosong sabi ni Gurong Marcus. "Patawad guro," hingi ko ng paumanhin habang nakayuko dahil nahihiya ako. Lumapit siya sa akin at pinikit ko na ang aking mata at nakahanda sa anumang kaparusahang ipapataw sa akin ni Gurong Marcus. Pero nagtaka ako nang hilahin ako ni Gurong Marcus at pinaupo niya ako sa isang upuan na may salamin na nakaharap sa amin. Nakikita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin maging si guro dahil may kalakihan ang salamin. Nakita ko kung paano niya isinuot sa akin ang kwintas. Nagtataka na talaga ako sa ikinikilos ni Gurong Marcus. "Bagay na bagay talaga sa iyo ang kwintas. Hindi ako nagkamaling ibinigay ko ito sa iyo," nakangiting sabi ni gurong Marcus habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. "Bakit sa akin niyo po ibinigay ito? Bakit hindi kay Allu na anak niyo?" hindi ko alam kung bakit may halong pagtatampo sa aking boses. "Nahahalata ko na masama ang iyong loob sa akin. Pero hindi na mababago ang desisyon ko. May dahilan ako kung bakit ko ito ginagawa," paliwanag sa akin ni Gurong Marcus habang kinukuha niya ang suklay na nasa lamesa. "Hindi ko po alam kung bakit niyo ipinapaliwanag ito sa akin ngayon at nagtataka na po ako sa mga ikinikilos niyo," diretsahang sabi ko kay gurong Marcus. Hindi ko alam sa aking sarili hindi ko mapigilan na maging madaldal sa harap ni Gurong Marcus. Pakiramdam ko na madami akong gustong ikwento sa kanya. Medyo napaawang ang aking bibig ng suklayin niya ang aking buhok. Medyo nakakaramdam pa nga ako ng antok dahil ang gaan ng kanyang kamay. Hindi ko mapigilan na hindi tumingin sa repleksyon ni Gurong Marcus sa salamin. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga oras na ito. May parte sa aking puso na nasasaktan at masaya. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ito. Parang may nabuo sa aking pagkatao. "Sana ay magawa ko pa ulit sa iyo ang ganito," sabi ni Gurong Marcus at dahan-dahan niya pa ding sinusuklay ang buhok ko. Nang marinig ko ang sinabi ni Gurong Marcus ay automatic kong hinawakan ang locket ng kwintas ko kaya naman napatingin sa akin si gurong Marcus ulit. Sinubukan kong buksan iyon dahil curious ako kung ano ang laman ng locket pero hindi ko iyon mabuksan. "Mabubuksan mo lang iyan kapag wala na ako. Binalutan ko iyan ng aking kapangyarihan. Kaya dapat ingatan mo ang regalo ko sayo," nanigas naman ako sa sinabi ni gurong Marcus. "M-mas gugustuhin ko pa pong hindi malaman kung ano ang nasa loob kesa malamang wala na kayo sa mundong ito," Pinipigilan ko lang na huwag maiyak. Kahit noong unang beses ko pa lang siya nakita sa kagubatan magaan na agad ang loob ko sa kanya. Pakiramdam ko talaga ay bahagi siya ng pagkatao ko. Tumayo ako saka buong tapang na humarap sa kanya. Lalakasan ko na ang loob ko dahil baka maging huli na ang lahat at hindi ko na maitanong sa kanya ang bagay na ito. "G-guro? B-bakit pakiramdam ko ay konektado tayong dalawa sa isa't isa? Bakit pakiramdam ko na anak niyo ako? Guro? Kayo po ba ang ama ko?" nakita ko na nagulat si gurong Marcus pero agad din siyang nakabawi. Sa wakas naitanong ko na. Kahit noon ay gusto ko nang itanong sa kanya ang tungkol dito. Nahihiya lang ako dahil baka kung ano ang isipin niya. Imbes na sagutin ako ni Gurong Marcus ay ngumiti lang siya sa akin sabay gulo sa buhok ko. Biglang sumikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. "Mag-iingat ka sa bago mong misyon. Kailangan pagbalik mo buhay ka kundi may parusa ka sa akin. Sana nga lang ay hindi pa ito ang huli nating pagkikita," sabi ni guro na may ngiti sa kanyang labi. B-bakit parang may iba? Sa isang kurap ko lang aay nakabalik na ako kung nasaan ang mga kasamahan ko na naghihintay sa akin. "G-guro." Nagpalinga linga ako sa aking kapaligiran dahil hindi ko matanggap na sobrang bilis ng pangyayari. Madami pa akong gustong sabihin at itanong sa kanya. Yung tanong ko nga lang kanina ay hindi pa niya nasasagot. Lagi na lang siyang ganito. "Luna? Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong sa akin ni Antonette. Hindi ko magawang sumagot dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak nang yakapin ako ni Antonette. B-bakit nakakaramdam ako ng lukso ng dugo kay gurong Marcus? Bakit? Nagsinungaling ba sa akin si Axter? ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD