Chapter 6 : New Mission

1150 Words
Luna POV "Biglaan naman itong misyon nating ito," nakasimangot na sabi ni Kalla. "Tapos hindi pa natin kasama si Leo. Nakakapanibago lang," malungkot namang sabi ni Antonette. "Kasal na bukas ni Leo eh," narinig ko naman ang boses ni Smith napatigil naman ko sa aking pag iimpake. "Smith naman minsan bunganga mo walang kontrol eh." angal ni Antonette kay Smith. Oo, tama kayo ng dinig simula kasi nang mahuli kami ng hari at gurong Marcus ay iniwasan ko na si Leo. Sobrang hirap para sa akin na gawin yun lalo na at nasa iisang dorm lang naman kami nakatira. At kaming pito lang din naman ang sama-sama sa aming silid aralan. Mahirap iwasan si Leo sa loob ng isang buwan kasi hinaharang niya din ako. Minsan nga pag may nakakakita na kasama ko si Leo ang talim ng mga tingin sa akin ng mga studyante pero hindi naman nila ako inaaway. Hanggang tingin lang sila. At bukas na nga ang kasal nina Leo at Allu. Ilang beses na pinigilan iyon ni Leo pero maski siya ay walang nagawa. Inaya niya ako umalis dito sa academy. Gusto niya na magpakalayo-layo kami. Pero hindi ko iyon tinanggap. Hahabulin at hahabulin lang din naman kami ng kawal ni Haring Felix at baka itakwil pa niya si Leo. Ayoko mangyari iyon sa kanya. Kaya kahit masakit tatanggapin ko para sa ikabubuti ni Leo. Ganun talaga siguro kapag nagmamahal. Handa kang magparaya at masaktan para sa ikabubuti niya. Isang linggo na hindi pumapasok at nakatira dito si Leo ipinatawag siya ng hari. At bukas na gaganapin ang kasal nila ni Allu. Kaya naman sobrang busy ng lahat maging sa kaharian nila. Ang sabi pa nga ay dito mismo sa Academy gagawin ang seremonya ng pag-iisang didbdib nila. Kaya mas maigi na wala kami. Atleast hindi ko masasaksihan ang kasal nilang dalawa dahil baka mamaya magbago ang isip ko at hilahin ko si Leo palayo rito. Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok sa pinto. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad saka ko binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin ang mukha ni Axter. "Aalis na tayo," tumango naman ako saka kinuha ang aking gamit saka sumunod kila Axter palabas ng dorm. Pero bago ako lumabas nang tuluyan malungkot kong tinignan muna ang kwarto ni Leo. Nandito kami sa opisina ni Headmaster Grim dahil ngayon pa lang niya sasabihin sa amin ang aming bagong misyon at bakit biglaan naman at kahapon lang nila sinabi sa amin. "Mabuti at nandito na kayo," bungad na sabi sa amin ni Headmaster Grim nang makapasok na kami sa kanyang opisina. "Bakit po tila napaka biglaan naman po ng pagbibigay niyong misyon sa amin?" tanong ni Antonette nang makaupo na kami isa-isa. "Wala kaming balak na ibigay sa inyo ang misyon na ito pero..." tumigil muna si Headmaster Grim sa pagsasalita at tumayo siya saka humarap sa bintana at tinanaw niya ang labas. Nagkatinginan naman kaming pito. May nangyare kaya? Napakaseryoso kasi ng mukha ni Headmaster ngayon at iba din ang kanyang aura. "Masyado ng maraming kawal ang nasasawi dahil sa misyong ito. Pati na ang matataas ang ranggo ay umuuwi dito na halos agaw buhay," nabigla naman kami sa sinabi bi Headmaster. "Bakit wala kaming nababalitaan na may nagaganap na ganito Headmaster?" tanong ni Hezreal. "Hindi na namin ito ipinaalam sa nakakarami dahil baka magkagulo nanaman ang mamamayan ng buong Majika. Matagal nang bumagsak ang kaharian ng Dark and Light Kingdom. Dahil sa biglaang pagkamatay ng hari at reyna nito. Malaki ang epekto nito sa ekonomiya at balanse ng ating mundo. Tumigil lang ang usap usapan at kaguluhan nang ianunsyo ni Haring Felix na unti unti nang nakakabangon ang Dark and Light Kingdom pero ang totoo mas lalo lang lumala ang pagkabagsak nito. Nabalot ng kadiliman ang kaharian pati na ang nasasakupan nito may nabalitaan pa kami na ang ilan sa mamamayan ng Dark and Light Kingdom ay sumanib na sa pwersa ng mga Dark Shadow. Madami na ang nakakapansin sa unti unting pagkawala ng liwanag ng ating buwan at araw dito sa ating mundo. Kaya ang misyon niyo ay hanapin ang dinakip na crown prince ng Dark and Light Kingdom," hindi ako makapaniwala na meron pa palang Dark and Light Kingdom dito sa mundong ito madami pa talaga ako na dapat aralin. "Malaki nga talagang problema ito kung mawawala ang buwan at araw sa mundong ito madami ang maaapektuhan. Mawawala ang kalakasan ng nakakarami pati na ang kanilang kapangyarihan," sabi naman ni Axter. "Kaya nga matagal na namin hinahanap ang crown prince ng Dark and Light Kingdom para maipasa na sa kanya ang kapangyarihan ng dark at light." Sabi naman ni Headmaster. "Napakahalagang misyon nito Headmaster pero sa amin niyo binibigay na mga studyante pa lang dito sa academy na ito. Maging kami ay nagtatanong sa amin kung magagawa ba namin ng tama. Lalo na wala ang aming leader," sabi naman ni Kristal. "Naniniwala kami sa kakayahan niyong mga royals at nakikita namin ang determinasyon sa mga mata niyo...." huminto muna si Headmaster sa pagsasalita at isa isa niya kami tinignan. "At alam namin na hindi niyo kami bibiguin." Natahimik kami sa huling sinabi ni Headmaster nang may kumatok. Pinapasok naman ni Headmaster. Assistant pala ni Headmaster si Mr. Dolvin. "Headmaster nandito na po sila." Tapos may pumasok na tatlo. Isang babae dalawang lalake. Medyo may katandaan na yung isa. "Mabuti at dumating na kayo. Royals sila ang makakasama niyo na maaaring makatulong sa inyo sa inyong misyon." Sabi ni Headmaster at napatingin kami sa kanilang tatlo. "Ako ang heneral ng Dark and Light Kingdom ako si Araval kalahating tao kalahating orc. Pero dito ako lumaki sa Majika at naging heneral ng Dark and Light Kingdom. Tinanggap ako nila kahit na ang ina ko ay isang mortal kaya naman gagawin ko ang lahat mahanap lang ang nag iisang tagapagmana ng Dark and Light royal family," mahabang kwento niya. Isa siyang orc. Pero ang mukha niya ay katulad lang sa amin. Nagbigay galang naman siya siguro ay alam niya na maharlika sina Antonette, Kristal, Smith at Hezreal. "Ako naman ang kanang kamay ni Heneral Araval ako si Hayley isa din akong half orc. Maasahan niyo na tutulungan namin kayo dahil ito naman talaga ang layunin namin. Sa katunayan ay kami ang humingi ng tulong kay Headmaster Grim," sabi naman nung babae at nagbigay galang. Pansin ko na may pagkakahawig siya ng mukha kay Heneral Araval. "Sage," sabi nang ikatlong pumasok sa opisina ni Headmaster. "Pagpasensyahan niyo na siya. Tahimik talaga siya pero maaasahan ang isang to." nakangiting sabi ni Hayley. "Tss." - Sage Sa tingin ko may pagkakatulad sila ni Leo. Napailing na lang ako nang mapagtanto ko na iniisip ko nanaman si Leo. Dapat ituon ko ang atensyon ko sa mission naming ito. Pero ang tanong magagawa ko ba gayong hindi nga naiyak ang aking mata ang puso ko naman ang naiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD