Chapter 5 : Mini Revelation

1707 Words
Third Person POV "Anong ibig sabihin nito?" agad napatayo mula sa pagkakaupo sa  hita ni Leo si Luna dahil narinig niya ang boses ng kanyang gurong Marcus kasama na ang mahal na Haring Felix. "Akala ko masisiyahan ako sa pagbisita ko dito sa Academy. Ibang tanawin naman pala ang masasaksihan ko," pang-uuyam na sabi ni gurong Marcus kay Haring Felix. "Leo!" hindi makapaniwala si Haring Felix at nakararamdam siya ng kahihiyan kay gurong Marcus dahil sa nasaksihan nila. Maski sina Antonette, Hezreal, Smith at Kristal ay nagulat sa biglaang pagdating nina haring Felix at Master Marcus. Kung kanina ay tawa sila ng tawa ngayon ay kinakabahan sila at hindi nila alam kung ano ba ang sasabihin nila. Nakaramdam sila ng guilty dahil sila ang may pakana nito kung bakit nakita nina Haring Felix na nakaupo si Luna sa hita ni Leo. Habang si Luna naman ay nakayuko lang dahil sa kahihiyan. Habang si Leo ay seryoso ang mukha. "Wala kaming ginagawang masama. Kung tignan niyo si Luna ay parang gusto niyo siyang ipakulong," biglang sabi ni Leo at tinago niya si Luna sa kanyang likod. "L-Leo huwag mo silang sagutin. Aalis na lang ako," sabi naman ni Luna at pinipigilan niya na baka lumala pa ang pangyayari. "Hindi Luna, nais kong ipaalam sa kanila na tutol ako sa kasunduang iyon. Ayoko maikasal kay Allu!" pagkatapos na sabihin iyon ni Leo ay biglang lumakas ang hangin. "Ang kasunduan ay kasunduan!" Galit na sabi ni haring Felix. Mahigpit si Haring Felix pagdating sa mga kasunduan. Dahil siya ang tipo nang hari na walang binabaling kasunduan. At oras na nakipagkasunduan ka sa haring Felix ay dapat na matupad mo din iyon. Dahil si haring Felix ay may isang salita. "Ama may sarili na akong pag-iisip. Nasa tamang edad na din ako. Paano ko pamumunuan ang buong Majika kung wala akong sariling desisyon? Kung sa ganitong bagay pa lamang ay pinipigilan niyo na ako?" pangangatwiran ni Leo pero napailing si haring Felix. "Magkaiba ang bagay na iyon Leo. Ang pamilya ng mga Devron ay may isang salita at tumutupad sa kasunduan. Kung ipipilit mo ang gusto mo ay wala itong patutunguhan.  Makinig ka sa akin Leo. Ama mo ako at alam ko kung ano ang ikabubuti ng anak ko." mahabang sabi ni haring Felix at tumingin siya kay Luna saka tumalikod at naglakad paalis. Alam ni Luna na hindi para kay Leo ang sinabi ni Haring Felix kundi para sa kanya. Labis ang kalungkutan at sakit na nararamdaman ni Luna sa mga oras na ito. "Kung ako sayo Prinsipe Leo. Sundin mo ang ama mo kung nais mong sumunod ang mga nilalang ng Majika pagdating ng iyong termino ay kailangan mo munang matutunang sundin ang namumuno dito ngayon." nakangiting sabi ni gurong Marcus. Nangingitngit sa galit ang puso ni Leo pero minarapat na lang niya na hindi sumagot dahil alam niyang si Luna din naman ang kawawa sa bandang huli. "Magiging okay din ang lahat. Pinapangako ko sayo. Gagawa ako ng paraan," bulong ni Leo kay Luna pero nanatiling tahimik si Luna. "Nais ko lang itanong sa inyo nasaan ang aking anak na si Allu," tanong ni Gurong Marcus kaya naman nakaisip si Leo para gumanti. "Ginagamot niya ang sugat ni Axter. Nagulat nga kami mukhang kilalang kilala nila ang isa't isa. Mukha ngang masayang masaya si Allu dahil masosolo niya si Axter," nakangising sabi ni Leo dahil doon nag iba ang timpla ng mukha ni Gurong Marcus at napalingon din ang kanyang ama sa kanilang muli. Samantala nasa garden naman sina Allu at Axter. Ginagamot ni Allu ang mga natamong sugat ni Axter mula sa laban nila ni Leo kanina. "Alam mo bang magagalit ang ama mo dahil sa ginagawa mo," wika ni Axter kay Allu habang tinitignan niya ito. Ngayon na lang niya muli nakita ang dalaga. Ang huling kita niya rito ay bata pa ito. Hindi niya aakalain na lalaking ganito kaganda ang dating kasama niya magsanay. "Alam ko iyon Axter. Hindi ko lang talaga napigilan ang aking sarili na hindi mag-alala sayo," puno ng pag-alalang sabi ni Allu habang ginagamot pa din niya si Axter. "Hindi ko namalayan ang pagdadalaga mo Allu," hindi mapigilan ni Axter na hindi tumingin sa magandang mukha ni Allu at mapupulang labi. "Paano ay umalis ka upang gawin ang iyong misyon," sagot ni Allu kay Axter at tumigil ito sa kanyang ginagawa upang salubungin ang titig ng binata. "Hindi ka ba nagtanim ng galit sa akin katulad ni Leo?" tanong ni Axter kay Allu at agad naman umiling si Allu. "Labis kong naiintindihan ang iyong sitwasyon Axter. Hindi ko lang maiwasan na hindi mag-alala dahil mukhang lubos kang napalapit kay Luna. Pero hindi ibig sabihin nun ay galit ako kay Luna. Iniisip ko lang ang iyong nararamdaman," Napatigil si Allu sa pag gamot kay Axter at napaiwas siya ng tingin. "Selos ba ang iyong nararamdaman?" Tanong ni Axter na siyang ikinapula ng mukha ni Allu saka tumango. "Bakit ka natatawa?" Biglang tanong ni Allu nang marinig niya na tumawa si Axter. "Hindi ka pa din nagbabago Allu. Sinasabi mo pa din sa akin ang tunay mong nararamdaman." "Noon pa man ay alam mong iniibig kita Axter. Pero mukhang nabihag ni Luna ang iyong puso," napangiti ng mapait si Axter dahil sa sinabi ni Allu. "Kahit aminin ko na may konti akong nararamdaman sa aking puso na gusto ko si Luna ay hindi pwede Allu. Siguro ay nagpadala lang ako sa bugso ng aking damdamin na gusto ko siyang maprotektahan at hindi mawala sa aking tabi. Pero mas nananaig pa rin sa akin ang kapakanan ng buong Majika. Pero patawad dahil hindi ko pa alam kung masusuklian ko ang pag ib----." Hindi na natapos ni Axter ang sasabihin niya dahil nag salita na si Allu at tinakpan nito ang bibig niya gamit ang isang daliri ni Allu. "Naiintindihan ko Axter. Sapat na sa akin na alam mong iniibig kita," nakangiting sabi ni Allu kay Axter. Tinignan ni Axter si Allu. Natatakot si Axter na sabihin na noon pa man ay may kakaiba na siyang nararamdaman kay Allu pero dahil torpe at natatakot si Axter na baka masaktan niya si Allu ay hindi niya ito maipagtapat. Ayaw niyang paasahin si Allu. Baka kasi mamaya nagkakamali lang pala siya sa kanyang nararamdaman. Saglit niya nakalimutan ang nararamdamang iyon kay Allu dahil napalayo siya upang hanapin si Luna sa mundo ng mga tao. Nabaling niya ang atensyon at emosyon niya kay Luna. Pero nung nagkaharap silang muli ni Allu ay muling nanumbalik ang dating nararamdaman niya. At heto siya ngayon naguguluhan sa kanyang nararamdaman. Hindi malaman ni Axter kung niloloko siya ng kanyang sarili o hindi niya lang maamin kung sino ba ang mas matimbang sa kanilang dalawa sa kanyang puso. "Ang bagal kumilos ni Leo," Natatawa si Allu sa kanyang sinabi. Hanggang maaari kasi ay pinalitan na ni Allu ang kanilang usapan dahil alam niyang hindi kumportable si Axter doon. "Akala mo lang Allu. Hiningi na ni Leo ang aking basbas." "Hulaan ko hiningi niya ang basbas mo noong naglalaban kayo no?" "Tama ka. Nakikita ko naman na seryso siya kaya naman binigay ko na." "Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto kay Luna. Bukod sa kagandahang taglay niya ay busilak pa ang kanyang puso," buong paghangang sabi ni Allu. Noong unang dalhin ni Gurong Marcus si Luna sa kanilang tahanan upang isailalim ito sa pagsasanay ay magaan na ang kanyang loob kay Luna. Kahit na nag-anyong bata si Allu noong mga panahon na iyon ay itinuring niyang nakakatandang kapatid si Luna. "Mukhang nagiging matigas na ang ulo ninyong dalawa," parehas nagulat sina Allu at Axter nang marinig nila ang boses ni Master Marcus. "Master," Agad na yumuko silang dalawa upang magbigay ng galang sa kanilang master. "Naging padalos dalos kayo sa inyong ginagawa," seryoso ang mukha ni Master Marcus. Nahihirapan sina Allu at Axter na tukuyin kung galit ba o hindi si Master Marcus dahil walang reaksyon ang mukha nito. "Hindi lang kayo ang nahihirapan dito. Maski ako ay hirap na hirap na pero tinitiis ko lang ang lahat para sa kapakanan ng nakakarami. Sana ay hindi masayang ang matagal nating pinaghanda. Axter, malaki ang tiwala ko sayo huwag mo sana sirain," dugtong pang sabi ni Master Marcus. "Patawad Master Marcus hindi na po mauulit," nakayukod na sabi ni Axter. Labis naman nagsisisi si Allu sa kanyang naging aksyon. Hindi naman niya alam na bibisita pala si Master Marcus ngayon dito sa academy. Nagpadala siya sa labis na pangungulila kay Axter. At mukhanh dahil sa kanya ay mapahahamak pa si Axter. "Axter maghanda ka," mahinang sabi ni Master Marcus saka kinilos ni Master Marcus ang kanyang kamao. Naging alerto ang mata ni Axter nakita niya na sumunod pala kay Master Marcus si Haring Felix kasunod noon ay ang royals at si Luna. At agad naman iyon naintindihan nina Axter at Allu. "Axter!!!" Sigaw ni Luna nang makita niyang tumalsik si Axter dahil sinuntok siya ni Master Marcus. Agad pinuntahan ni Luna si Axter at inalalayan na makaupo. Humihingi na ng tawad si Axter kay Luna sa kanyang isipan dahil peneke niya ang kanyang pagtalsik. Nadaplisan lang si Axter ng suntok pero kinailangan niya na magpanggap na napuruhan siya. "Ano bang nangyayari ngayon?" Naguguluhang tanong ni Antonette para kasi siyang nanunuod ng palabas eh. "Guro, pati ba naman ang inosente ay idadamay mo? Hindi mo dapat ginawa iyon kay Axter," pagtatanggol ni Luna kay Axter. "Hindi ko matatanggap ang kalapastanganang ito!" Galit na sabi ni Haring Felix. "Babawiin niyo na po ba ang kasunduan?" masiglang tanong ni Smith. "Hindi! Dahil sa susunod na buwan ay din ay ikakasal na sina Leo at Allu!" Maawtoridad na anunsyo ni Haring Felix na ikinangisi ni Master Marcus. "Ama!/A-ano?" Sabay na sabi nina Leo at Allu. Parehas silang nagulat. Pati sina Antonett, Smith , Kristal, Axter at Hezreal ay talagang nagulat sa biglang pag anunsyo ng mahal na hari. Para naman nahati sa dalawang piraso ang puso ni Luna dahil sa kanyang narinig. Hindi niya aakalain na muli nanamang kukunin sa kanya ng tadhana ang saglit na kasiyahang natamasa niya kanina. "Ano na ang susunod mong hakbang Leo? Handa ka pa rin kaya ipaglaban ang anak ko?" Sabi ni Master Marcus sa kanyang sarili habang nakatingin kay Leo. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD