Chapter 4 : Sa pagitan nina Leo at Axter

2318 Words
Luna POV Napag desisyunan ko na pumasok na ulit sa klase namin dahil isang linggo na din ako hindi napasok. Nabalitaan ko din na tinatanong na ako ng mga guro namin kila Antonette. Pinipilit nga ako umalis ni Axter dito sa academy pero hindi ko naman magawa. Papasok na sana ako sa classroom namin nang may narinig akong nagtatawanan at nabobosesan ko sila. Sina Smith , Antonette , Hezreal na nakikipagtawanan kasama si Allu. Rinig na rinig kong masaya silang nagkwekwentuhan. Isang linggo lang akong nawala naging close na silang lahat. Kaya hindi imposible na maging close din sina Allu at Leo. Kasalanan ko din naman ito dahil ako na ang kusang lumayo sa kanilang lahat. Sinubukan nila akong kausapin pero ako lang yung ayaw na lumabas ng kwarto ko. Maski nga kay Axter ay ayoko din makipag usap. "Luna," Napapitlag ako nang makita ko si Leo. Bakit nawala sa isip ko na ngayon nga pala ang balik niya mula sa mahabang pagpapahinga. "Nakabalik ka na pala," walang emosyon kong sabi. "Mag usap tayo," puno ng awtoridad ang boses ni Leo pero hindi ako nagpatinag. Kailangan ko maging malakas sa pagkakataong ito. Ayoko na makita niya nanaman akong mahina. "Wala na tayong dapat pag usapan pa," sabi ko at tinalikuran ko siya sabay pumasok na ako sa classroom namin. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin kaya siguro sila napatingin sa aming lahat. Nagtama ang paningin namin ni Allu. Pero agad din siyang napatingin kay Leo. "Nauna na ako sayo sabi kasi ng tagasilbi mo natutulog ka pa eh," sabi ni Allu kay Leo. Hindi lingid sa kaalaman ko na sa palasyo natutulog si Allu dahil na din sa kagustuhan ni gurong Marcus. Pero anong pake mo Luna? Wala kang karapatang masaktan ngayon! Umupo ako sa tabi ni Axter. Maski siya ay walang alam na may plano na akong pumasok. "Close na agad kayo ni Allu?" pabulong kong tanong kay Axter pero hindi ako nakatingin sa kanya. Matagal siya bago nakasagot sa akin kaya naman sa iba ko na lang binaling ang atensyon ko. "Luna," tawag sa akin ni Axter. "Naiintindihan ko, hindi mo naman kailangan magpaliwanag sa akin," sabi ko. Walang emosyon akong napatingin sa color maroon na envelope na may mga gold na design na inaabot sa akin ni Allu. Nakatayo na pala siya sa harap ko. "Ano yan?" walang gana kong tanong. Napatingin ako kila Kristal, Antonette, Smith at Hezreal nakatingin sila sa amin ni Allu maski sina Leo at Axter. "Pinabibigay ni ama imbitasyon ito sa aming kas----" naputol ang sasabihin ni Allu nang magsalita agad ako. "Sa tingin mo pupunta ako?" masungit na tanong ko kay Allu kaya naman napayuko siya. "P-pero..,"sa totoo lang wala akong nararamdaman na galit kay Allu. Sadyang hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang inaasta ko ngayon. "Talagang iimbitahin niyo ako?" napangisi ako. "Luna naman maayos ka niyang kinakausap." mahinahong sabi ni Antonette. "Allu umupo ka na." maawtoridad na sabi ni Leo. "Ah kinakampihan niyo siya?" tanong ko. "Naiintindihan naman namin ang sitwasyon mo Luna pero sobra na ito," sabi naman ni Kristal. "Tama na yan hindi ito ang oras para magtalo talo tayo," sabi naman ni Hezreal. "Luna mag usap tayo," sabi naman ni Leo pero hindi ko siya pinansin. "Ayaw na niya makipag usap sa 'yo respetuhin mo na lang ang desisyon niya para hindi na din lumala ang lahat," Mahinahong sabi ni Axter. Sasagot pa sana si Leo kay Axter pero dumating na si Ms. Mavea. "Luna naiintindihan ka naman namin pero sana naman wag mo ilayo ang sarili mo sa amin," napatingin naman ako kay Smith. Nararamdaman ko ang kalungkutan sa kanyang boses. Napatingin ako kila Antonette, Hezreal at Kristal. Alam ko noong huling pag uusap namin ni Kristal ay may hindi kami pagkakaintindihan pero nakikita ko sa mukha nila ang kalungkutan. Umayos na kaming lahat ng pagkakaupo dahil magtuturo na si Ms. Mavea. Wala akong maintindihan sa sinasabi ni Ms. Mavea dahil iisa lang ang nasa isip ko. Ako ba talaga ang may problema? Bakit ko nilalayo ang sarili ko sa aking mga kaibigan gayong hindi naman nila din ito ginusto. Nandito kami sa training room dahil gusto makita ni Ms. Mavea kung may nag improve ba sa combat skills naming lahat. At si Smith nanaman ang makakatikim ng parusa ni Ms. Mavea dahil siya ang huling dumating sa training room. At gaya ng inaasahan ko si Leo ang umalalay kay Allu para makarating agad sa training room. Tinawag ni Ms. Mavea sina Axter at Leo ibig sabihin silang dalawa ang partner sa training na ito. "Sa pagkakataong ito wala kayong gagamiting sandata. Lakas laban sa lakas. Tibay laban sa tibay ang labanan ngayon." Parehas na tumango sina Leo at Axter. Sa tingin ko ay walang gustong magpatalo sa kanila. Parehas ko kasi sila kilala bilang seryoso pagdating sa kahit anumang bagay lalo na sa labanan. Parehas na silang naghanda. Base sa buka ng kanilang bibig ay nag uusap silang dalawa. Parehas na nakakunot ang noo nila kaya masasabi ko na hindi nanaman sila nagkakasundo. Unang sumugod si Leo at inambahan niya ng suntok sa mukha si Axter pero nasalag ito ni Axter. Hinawakan niya ang kamao ni Leo saka niya hinawakan ang balikat ni Leo at binuhat niya si Leo para ibalibag sa sahig. Narinig ko nga ang pagsigaw ni Allu kaya naman napairap ako. "Padalos dalos ka pa din sa kilos mo," Napakunot ako ng noo sa sinabi ni Axter kay Leo. "Tss," ayan lang ang lumabas sa bibig ni Leo at agad niya ulit sinugod si Axter. Nagpalitan lang ng suntok sina Leo at Axter. Ilag doon suntok doon. Nahihilo na nga ako sa palitan nila ng suntok dahil mabilis ang kilos nilang dalawa. "Mukhang matatagalan tayo dito," sabi ni Smith at umupo na lang siya sa lapag. Ganun din ang ginawa nina Hezreal, Antonette at Kristal. Napapagitnaan ako nina Antonette at Kristal. Kaming dalawa na lang ni Allu ang nakatayo. "Kaya mo yan Axter!" Hindi ko alam kung bakit ko nasigaw yun. Nakita ko na ngumiti si Axter habang nakatingin kay Leo. At napatingin naman sa akin si Leo na parang naiinis. Nanlaki ang mata ko nang matamaan sa pisngi si Leo ng suntok ni Axter. Sa gulat ko ay napaupo na lang din ako sa sahig. "Malakas talaga ang tama sayo ni Leo," Nakangiting sabi ni Hezreal pero hindi ako nakasagot. Napayuko tuloy ako nahihiya kasi ako sa inasal ko sa kanila kanina. Dahil doon hindi ko na masyadong napanuod ang laban nina Leo at Axter. "Namiss ka namin," sabi naman ni Antonette habang nakahawak sa kamay ko. Napalingon naman ako kay Kristal nang tapikin niya ang balikat ko. Ngumiti siya sa akin at nag thumbs up. Kaya naman napangiti na din ako. "Uyy okay na sila," Pang aasar na sabi ni Smith kaya naman natawa kaming tatlo nina Antonette at Kristal. "Haynaku Smith panira ka ng moment ng tatlo eh," mukhang mas stress si Hezreal kay Smith. Napalingon kami ng makarinig kami ng pag c***k ng mga semento. Parehas nang hingal na hingal sina Leo at Axter. Panay pawis na din silang dalawa. Parehas din na putok ang kanilang labi. "Bakit parang nagpapatayan na sila?" nag-aalalang tanong ni Allu. "Parang hindi ka naman sanay sa madugong training Allu," sabi ko. "Hindi ko lang maiwasan na mag alala," sabi niya kaya naman napakunot ako ng noo. Hindi siya kay Leo nakatingin. Tatanungin ko na dapat siya pero nahagip ng mata ko ang pagbagsak ni Leo sa semento. Parehas na dumudugo na ang kanilang kamao. Para na nga sila panda kasi parehas silang may black eye. Hindi talaga nagpatalo ang dalawang to. "Itong dalawang to kahit kailan," natatawang sabi ni Ms. Mavea kaya mas lalong napakunot ang noo ko. Okay? Anong nangyayare? "Mukhang natalo mo nanaman ako," seryosong sabi ni Leo. "Sa pagkakataong ito patas ang laban natin," tapos bigla na lang bumagsak si Axter sa tabi ni Leo tapos bigla silang nagtawanan. "Nababaliw na ba sila?" bigla kong tanong. "Mabuti nga at mukhang ayos na silang dalawa," nakatingin na sabi sa akin ni Kristal. "Oo nga. Siguro naman nakita mo Luna kung paano magbangayan yang dalawa na yan," sabi naman ni Antonette. Napatingin kaming lahat kay Ms. Mavea nang tumayo siya sa harap namin. "Mauna na ako dito na lang muna ang training niyo. Pinapatawag kaming lahat ni Headmaster. Magpapadala na lang ako ng healer para magamot ang dalawang yan," nakangiting sabi ni Ms. Mavea kaya naman napatayo kami para magbigay ng galang sa kanya tapos umalis na din siya. Napatingin kami kina Leo at Axter. Si Axter nakatayo na at nakalahad na ang kamay niya kay Leo para tulungan siyang makatayo. Ramdam ko ang kasiyahan sa mga kasama ko na sina Antonette , Hezreal , Smith at Kristal nang abutin ni Leo ang kamay ni Axter. Hinila naman siya ni Axter para makatayo na din siya. "Basta hindi ako nang iwan," nakangiting sabi ni Axter kaya naman napaiwas ng tingin si Leo. "Para sa akin nang iwan ka pa din," seryosong sabi ni Leo. "Haynaku si Leo talaga," napapailing na sabi ni Hezreal. Ako lang ba ang walang alam sa mga nangyayari? "Ang laki ng pinagbago mo Leo," natatawang sabi Axter at ginulo niya ang buhok ni Leo kaya naman masamang tumingin si Leo kay Axter. "Ano ba! Hindi na ako bata," sabi naman ni Leo at inalis niya ang kamay ni Axter sa buhok niya. "Okay, guys gulong gulo na talaga ako." natawa naman sila sa akin. "Dapat kasi Luna magiging personal knight ni Leo si Axter noong mga bata pa kami noong mga panahon na tapos na ang labanan sa pagitan ng White Clan at Grisser Clan. Si Axter din kasi noon ang nag alaga kay Leo. Sinagip kasi ni King Felix si Axter," kuwento naman ni Antonette na ikinagulat ko. "Simula noon sa Sacred Kingdom na tumira si Axter noong nagpapagaling siya. Naging magkasundo sina Leo at Axter noon. Wala pa kasi noon si Lira kaya naging kuya ang turing niya kay Axter," kwento naman ni Kristal. "Maski naman sa amin naging kuya siya. Tuwing bumibisita kami sa Sacred Kingdom kasama namin siya magsanay at maglaro. Pero higit sila naging close ni Leo," kwento naman ni Hezreal. "Okay eh ilang taon na si Axter kung ganun?" tanong ko. "Mas matanda si Axter sa ating lahat. Pero alam mo naman sa mundo nating ito hindi mahalaga ang edad. Saka mabagal tumanda ang mga nilalang dito," nakangiting sabi ni Antonette na ikinatango tango ko. Loko tong si Axter hindi man lang sinabi sa akin. "Naalala ko na hiniling ni Leo sa ama niya na gawin na lang na personal knight si Axter. Pumayag naman si King Felix dahil may karanasan naman na si Axter diba nga dati siyang heneral ng angkan niyo. Pero tinanggihan iyon ni Axter. Nagtampo si Leo kay Axter," kwento naman ni Smith. "Kaya naman pala." Sabi ko at nakatingin ako sa dalawang nag uusap na sina Leo at Axter. "Hindi lang iyon. Bigla na lang nawala ng parang bula si Axter sa palasyon. Labis na nagdamdam si Leo. Alam mo naman bata pa si Leo noon agad din nawala ang tampo niya kay Axter. Kaya naman humingi ng tulong sa amin si Leo para isurprise si Axter pero biglang parang bula na nawala si Axter. Kaya ang simpleng tampo ni Leo kay Axter ay nauwi sa matinding galit," mahabang kwento ni Antonette. "Bakit saan nagpunta si Axter?" tanong ko sa kanila na ikinatawa nila. "Para hanapin ka Luna. Itinuloy niya pa din ang paghahanap sayo kahit na mataas na karangalan na maging isang personal knight ng nag iisang crown prince ng buong Majika," sabi naman ni Kristal. "Kaya pala masungit sa akin si Leo dahil pala doon," sabi ko na lang. "Tumpak! Pakiramdam kasi ni Leo ay pinagpalit siya sa walang kasiguraduhan kung mahahanap o buhay nga ba talaga ang prinsesa ng White Clan," natatawang sabi ni Smith. Hindi na rin naman namin naririnig ang usapan nilang dalawa. Mukhang malalim ang kanilang pinag uusapan. "Atleast ngayon mukhang bati na sila," hindi ko mapigilan na hindi ngumiti habang nakatingin ako sa kanilang dalawa. "Basta ingatan mo siya," malakas na pagkakasabi ni Axter kay Leo. "Makakaasa ka," sabi naman ni Leo at nagshake hands silang dalawa yung parang mag tutumbang braso sila. Ganun ang posisyon ng kamay nila. Ano kaya ang pinag uusapan nilang dalawa? Naglakad na palayo si Leo kay Axter. Ganun din si Axter. Pupuntahan ko na dapat si Axter at tutulungan pero nagkatinginan kami nina Antonette ng tumakbo sa direskyon ni Axter si Allu at inalalayan niya si Axter. "Dadalhin na kita sa clinic," rinig kong sabi ni Allu kay Axter. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Awww! Ano ba?" papalag pa kasi si Axter pero agad na pinisil ni Allu ang balikat na napuruhan kanina sa laban nila ni Leo. "Wag ka na umangal mas lalo ka lang mababalian sa akin eh," nakangiting sabi ni Allu. Ganyang Allu ang nakasama ko noong nagtratraining kami. "Ano na Luna wala nang sagabal oh. Puntahan mo na si Leo," sabi ni Smith at hinila niya ako papunta kay Leo. "A-ano ba Smith uy!!" sabi ko at narinig ko naman ang tawanan sina Kristal , Antonette at Hezreal. "Go Luna kaya mo yan," pang checheer ng tatlo sa akin. "Humanda ka talaga sa akin Smith!" bulong ko kay Smith pero tinawanan niya lang ako dahil nasa harap na kami ni Leo. Patakbong umalis si Smith. Dalawang minuto na siguro ako nakatayo dito sa harap ni Leo at dalawang minuto na akong nakayuko at siya naman ay nakatingin lang sa akin. "Tatayo ka lang ba jan sa harap ko?" napaangat ako ng tingin kaya naman nagtama ang aming mga mata. Nararamdaman ko nanaman ang mabilis na pagtibok ng aking puso. "Gamutin mo ako." parang batang sabi ni Leo at hinila niya ako kaya naman napaupo ako sa lap niya. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD