Nagising ang diwa ni Satana ng marinig ang malakas na katok sa pintuan ng silid nila. Dali-daali naman itong bumangon at binuksan iyon.
Nagulat nalang ito nang bumungad sa pintuan si Agustin, na pawis at hingal na hingal.
“Agustin anong nangyari?”
pag-aalala ni Satana.
“Nasaan si Lino? kailangan na nating umalis dito!”
takot na tugon ni Agustin.
“Ano bang nangyayari?”
Tanong uli ni Satana.
“Mga halimaw ang tao dito! Mga halimaw sila Satana!”
malakas na sigaw ni Agustin, at bakas na bakas ang takot sa mga mata nito.
Bigla namang napatigil si Satana sa natahamik, napa-upo nalang ito sa gilid ng kama at pinagmasdan ang natatarantang si Agustin na abala naman sa pag-aayos ng kanilang mga gamit.
Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.
“Mg aswang, mga aswang ang mga tao dito Agustin”
Napatingin si Agustin sa asawa at napakunot-noo.
“Alam mo ang tungkol sa kanila?”
pagtataka nito.
Napatango nalang si Satana bilang tugon.
“Kung ganoon, kailangan na nating umalis, hinahabol nila ako Satana at alam kong ano mang oras mula ngayon ay makakarating na sila dito.”
Napatayo naman si Satana at hinarap ang asawa.
“Agustin hindi mo naiintindihan, ako at ang pamilya ko ay kabilang sa kanila, mga aswang din kami Agustin.”
Napatulala nalang bigla si Agustin sa narinig. Bigla ay napaatras nalang ito mula sa kanyang kinatatayuan.
“Hindi totoo yan. Sabihin mo sa akin na nagsisinungaling ka!”
Sigaw ni Agustin.
Napatakip nalang ng bibig si Satana at biglang nanlumo.
“Patawarin mo Agustin. Patawarin mo ako.”
Pagmamakaawa ni Satana.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin Satana? Bakit mo hinayaang mapahamak kami ng anak mo?”
Nanginginig na bigkas ni Agustin.
“Patawad Agustin, natakot ako na baka hindi mo ako matanggap, kaya kita pilit na pinigilan na pumunta dito kasi ayaw kong mapahamak kayo ni Lino.”
paghihinagpis ni Satana.
“Kukunin ko na si Lino at aalis kami sa lugar na to!”
Gigil na bigkas ni Agustin.
Bago pa man naka kilos ay agad namang nahawan ni Satana ang braso ng asawa at pinigilan ito.
“Huwag! Delikado Agustin, Maraming nakaantabay sayo sa mga oras na ito, si ama ang pinuno ng Baryo hindi ka nila pupuntahan dito, antayin na natin ang bukang liwayway bago tumakas, mas ligtas kapag nasilayan na natin ang araw.”
Tensyonadong sabi ni Satana.
Napatigil naman si Agustin at agad namang tinanggal ang kamay ng asawa sa kanyang braso.
“Hindi ko na alam kung mapagkakatiwalaan pa kita Satana, patawad pero aalis kami ng anak ko, sa ayaw mo man o sa gusto.”
Giit ni Agustin.
...............
Pagsapit ng madaling araw ay nagulat naman ang mag asawang Trining at Solomon sa biglaang pagsulpot ng kanilang anak na si Fonse sa kanilang silid.
“Bakit mo kami ginagambala sa kalagitnaan ng gabi Fonse?”
Tanong ni Solomon.
Huminga naman ng malalim ang lalaki at ipinaliwanag ang lahat sa ama.
“Alam na ng dayo ang tungkol sa atin itay.”
Nangangambang sabi ni Fonse
“Ano? hindi maari ito.”
sabat ni Trining.
“Maghanda ka Fonse, hindi pwede makalabas sa baryong ito ang dayo, Ipunin mo ang ating mga kagawad at kabaryo oras na upang ilagay si Agustin sa dapat niyang paglagyan.”
Pagbabanta ni Solomon.
.................
Nanginig naman ang buong katawan ni Satana nang marinig ang malakas na kalampag mula sa kanyang pintuan.
Mabilis nitong binuksan iyon at bumungad naman sa kanya ang galit na mukha ni Fonse.
“Anong kailangan mo?”
Kabadong tanong nito.
“Asan ang mag-ama mo?”
Agad namang sinuyod ni Fonse ang paningin sa loob ng silid at napansin na wala na doon si Agustin pati na rin ang anak nito.
“Hindi-Hindi ko alam Fonse.”
Nanginginig na sagot ni Satana.
“Hindi, natakasan tayo!”
Agad namang huumakbang patalikod si Fonse, ngunit bago pa man makaalis ito ay hinarangan na ito ni Satana.
“Utang na loob Fonse, hayaan mo na ang mag-ama ko, hayaan mo na silang makaalis sa lugar na to!”
Nabigla naman si Satana ng bigla siyang sampalin ni Fonse sa pisngi.
“Hangal, mas pipiliin mong ipahamak ang lahi natin para sa lalaking yun? Malalagay tayo sa panganib Satana! Hindi lang tayo kundi pati ang buong Baryo!”
Sigaw ni Fonse sa labis na galit.
“Hindi ako papayag na saktan niyo ang pamilya ko!, Magkamatayan na tayo Fonse!”
At nagulat pa si Satana ng biglang pisilin ng kapatid ang leeg niya at tuluyang sinakal ito.
“Hindi mo ako matitinag Satana, sisiguraduhin ko na pati ikaw ay magbabayad sa patatraydor na ginawa mo.”
Pagbabanta ni Fonse.
......................
Takot man ay naglakas ng loob parin si Agustin na lisanin ang baryo bitbit ang anak na si Lino,
ilang minuto din itong naglakad sa mala-gubat na daanan hanggang sa marating din nito ang labasan.
Nakahinga ng malalim si Agustin ng maramdamang nakakalayo na sila, tahimik ang paligid at sinamantala naman nito ang pagkakataon upang makatakas mula sa lugar.
Ilang sandali pa ay narating narin nila ang kalsada na kung saan sila binaba ng tricyle na sinakyan nila.
Madilim ang paligid, ngunit tiniis parin ni Agustin ang hirap at pagod para lang makaalis sa lugar.
Matiyaga itong naglakad sa malawak na daanan, nagdarasal at umaasa na sana ay makaligtas pa sila. Ngunit muling nangamba si Agustin ng walang mahagilap na sasakyan.
Dumagdag pa dito ang biglang pag iyak ng anak na si Lino.
“Tahan na anak, ligtas ka na, makakaalis na tayo dito”
Sambit nito at niyakap ang kargang sanggol.
Ilang minuto pa ang lumipas.
Nabuhayan naman ng loob si Agustin nang makita ang isang liwanag, liwanag na tila mula sa isang sasakyan.
Mariin niyang pinagmasadan iyon, at ilang saglit lang ay napangiti nalang ito nang makompirma na iyon nga ay isang sasakyan at papalapit na ito sa kinatatayuan nila.
“Tulong! Para, Para!”
Agad naman itong kumaway-kaway, at hinarangan ang daanan.
Maya-maya pa ay dahan-dahan namang tumigil ang sasakyan sa harapan nila.