Hindi mapakali si Satana palakad-lakad ito sa parehong dereksyon, lubos parin ang pag-aalala nito sa kaligtasan ng kanyang mag-ama.
Hinihiling niya na rin na sana’y tuluyan ng makaalis ng baryo ang mga iyon.
Maya-maya pa ay nagulat nalang si Satana ng pumasok ang ilang mga kalalakihan sa tirahan nila,
Iyon ay ang mga kagawad ng Baryo, may mga dala silang armas at tila ba ay may kakaibang balak.
“Anong ginagawa ninyo dito?”
Nangangambang tanong ni Satana
“Hinuhuli ka namin sa salang pagtatraydor sa ating lahi. Sa pakikipag-ugnayan sa isang tao na walang abiso mula sa ating pinuno.”
Pormal na pahayag ng isang kagawad.
“Hindi niyo pwedeng gawin sa akin ito. Anak ako ni Solomon, ang pinuno ng lahi!”
Pagmamatigas ni Satana.
“Patawad Satana, pero galing na mismo sa pinuno ang utos.”
Paliwanag ng kagawad.
Pagkatapos noon ay lumapit ang dalawa pa sa mga iyon upang hawakan siya sa magkabilang braso,
wala nang nagawa si Satana at sumama nalang sa mga ito.
................
Nakahinga ng maluwag si Agustin ng makita na huminto ang isang truck sa harapan niya, sa likod nito ay may iilang sako na sa tingin niya ay may lamang mga kalakal.
Dali-dali itong tinungo ang pintuan ng driver at kinatok iyon.
“Manong tulungan niyo kam, kailangan naming makalayo sa lugar na ito!”
Takot na tugon ni Agustin
“Bakit? anong nangyayari?”
Tanong ng driver na tila natatakot narin.
“Mga halimaw ang mga nilalang sa baryong ito, kailangan kong iligtas ang buhay namin ng anak ko!”
sabi ni Agustin sa natatarantang boses.
“Anong ibig mong sabihin?”
Pagtataka naman ng may edad na driver.
“Mga aswang sila, utang na loob manong, kailangan na naming umalis, kailangan kong iligtas ang anak ko. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat, ilayo mo lang kami dito.”
Napatango nalang ang driver at binuksan ang pintuan ng sasakyan.
“Sige, kung ganoon umakyat ka na.”
pagmamadali ng driver.
Paakyat na sana si Agustin nang biglang naalala nalang nito asawang si Satana na naiwan sa loob ng Baryo.
Napatingin nalang ito sa kawalan at nag-isip.
“Ano pang inaantay mo? Sakay na.”
sigaw ng driver.
Pinagmasdan naman ni Agustin ang inosenteng mukha ng anak na si Lino.
at sa muling pagkakataon ay bumakas sa isipan nito ang mukha ng asawa.
Ayaw niyang masira ang pamilya niya, ayaw niyang mawala ang babaeng pinakamamahal niya.
at ang ina ng anak niya.
“Satana. kailangan kong balikan ang asawa ko!”
Sambit nito.
“Anong bang pinagsasabi mo?. Sumakay ka na.”
Sigaw uli ng driver.
“Salamat manong, pero hindi pa ako dapat umalis, hindi ko dapat iniwan ang asawa ko, kailangan kong bumalik!”
Napakamot naman ng ulo ang driver na tila ay nababagot na.
“Sige! bahala ka, kailangan ko ng umalis!”
Biglang nabaling ang tingin ni Agustin sa anak na si Lino at biglang naalala ang panganib sa buhay nito.
“Sandali lang manong, pwede mo bang dalhin itong anak ko?”
Napatingin naman ang driver sa sanggol at umiling.
“Manong, parang awa niyo na dalhin niyo ang anak ko sa bayan, antayin niyo ako dun. Kapag sumikat na ang araw at hindi pa ako nakarating, dalhin niyo ang anak ko sa malayo, ibigay niyo siya sa pamilyang kayang umaruga sa kanya.”
Nanlumo naman si Agustin habang pinagmamasdan ang mukha ng anak.
“O sige, sige na, akin na yang bata.”
Sambit ng driver.
Agad namang hinalikan ni Agustin ang noo ng anak at sinabi.
“Babalikan kita anak, sisikapin kong mailigtas kayo ng ina mo. Mahal na mahal kita.”
Maya-maya ay inabot na nito ang bata sa driver..
“Maraming salamat po, kayo na po ang bahala sa anak ko”
Tumango lang ang driver at tuluyan ng pinaandar ang sasakyan.
.............................
Napayuko nalang si Fonse habang sinasambit ang masamang balita sa ama.
“Nilibot na po namin ang lahat ng sulok ng baryo, ngunit hindi na po namin mahagilap si Agustin itay.”
Nanghihinang pahayag ni Fonse
“Gawin niyo ang lahat! hindi ako makakapayag na basta nalang tayo matakasan ng dayo!”
Pasigaw na tugon ni Solomon.
“Ngunit paano kung nakaalis na si Agustin? wala na tayong magagawa.”
depensa naman ni Fonse
“Sundin niyo inuutos ko! hanapin niyo ang dayo! at wag kayong babalik dito hanggat hindi niyo dala si Agustin at ang anak niya.”
galit na utos ni Solomon.
Napatango nalang si Fonse bilang tugon.
..............
Tahimik lang si Satana habang nakasandal sa seldang pinag kulungan sa kanya,
Sa pagkakataong iyon ay mas lalo pang tumindi ang kanyang pangamba.
ilang saglit pa ay dumating na rin ang kanyang inang si Trining. Dali-dali itong lumapit sa kanyang selda at pilit na inabot ang kanyang mga kamay.
“Ayos ka lang ba dito anak?”
pag-aalala ni Trining.
“Pakawalan niyo ako nay, kailangan kong mahanap ang mag-ama ko”
Pagmamakaawa ni Satana.
“Hindi ko pwedeng gawin yun anak, labag iyon sa batas ng lahi.”
napayuko nalang si Satana at nalumo.
“Pansamantala lang ito Satana, makakalaya ka rin dito.”
Sambit naman ni Trining.
“Si Agustin nay, ang anak ko, paano na sila?”
Paghihinagpis ni Satana.
“Hindi ko alam Satana, pinaghahanap parin sila ng pangkat ni Fonse, pero ayon sa narinig ko ay hindi na nila mahagilap ang mag-ama mo”
Sa pag uusap na iyon ay pilit na nilakasan ni Satana ang kanyang loob, at patuloy parin na hinihiling na sana nga ay tuluyan ng nakaalis ng baryo ang kanyang pinakamamahal na mag-ama.
..................
Takot man ay pilit na nilakasan ni Agustin ang loob, alang-alang sa kanyang asawa.
Kasalukuyang naka kubli ito sa isang malaking puno, dahan-dahan siyang sumilip mula doon at natanaw ang mga nagkukumpulang mga mamayan sa sentro at tila ba ay may pinagpupulungan ang mga iyon.
Pilit na hinanap ng mga mata niya ang asawang si Satana ngunit hindi niya iyon mahagilap.
Dahil sa tila abala ang lahat ay naisipan ni Agustin na puntahan ang bahay nila Satana,
tahimik itong umalis at maingat na naglakad palayo sa sentro.
.........................
Katahimikan ang namayani sa paligid ng bahay nila Satana, naisip nalang ni Agustin na baka wala ni isa sa mag-anak ni Satana ang nandoon kaya mabilis itong pumasok sa loob.
Sinuyod ni Agustin ang loob ng bahay, ngunit wala doon ang asawa.
Paalis na sana ito, ngunit napatigil naman ito ng bigla siyang makarinig ng mga yapak ng paa.
Muling tumindi ang kabang nararamdaman nito ng mapansin na tila papalapit ang mga yapak na iyon sa kanya.
Hindi niya alam ang gagawin, kaya mabilis itong tumakbo at tinungo ang pinto.
Ngunit bago paman ito tuluyang makalabas ng bahay ay isang pamilyar na boses ang narinig niya mula sa kanyang likuran.
“Agustin”
Mariing tawag nito sa kanyang pangalan.