Chapter 5

1118 Words
TUMIGAS ang mukha ni Faye ng makita ang kanang kamay ng daddy niya. Mabibilis ang hakbang na nilagpasan niya ito. "Miss Faye - -" "Hindi ba sinabi ko na sa iyo na huwag ka ng pupunta rito?" inis na wika ko sa lalaking mukhang manyakis kung makatingin. Talagang wala akong tiwala sa lalaking ito. Napapansin ko na habang tumatagal, nag-iiba ang paraan ng pagkilos nito. Hindi ko na maramdaman ang pagka-ilang nito. Para bang nakakalimutan nito na anak ako ng amo nito. Lalong bumugso ang inis sa dibdib ko ng mapansin ko ang bahagyang pagngisi nito. Ngunit sadyang itinatago pa nito. Marahil hindi pa rin nito nakakalimutan na anak ako ng taong kinatatakutan nila. "Sinusunod ko lang ang utos ng daddy mo--" "Wala akong pakialam sa utos ni daddy. Hindi na ako bata para pabantayan niya. Kaya kung puwede huwag ka ng babalik dito--" "Wala kang magagawa Miss Faye. Kung i-utos ng ama mo na dalhin kita sa kaniya at kaladkarin, gagawin ko. At wala kang magagawa sa bagay na iyon." Biglang namula ang mukha ko at talagang ngumisi ang gago. Lalo na ng mapatingin ito sa parteng ibaba ko. Lihim na nanginig ang kalamnan ko ng makita ang pagnanasa sa mga mata nito na para bang hinuhubaran ako nito. Sa sobrang galit ko, bigla ko itong binigwasan sa mukha. Kita ko ang pag-igting ng panga nito at pamumula ng magkabilaang-pisngi nito. Bigla ring tumalim ang mga mata nito sa galit. Ngunit hindi ako nagpasindak. "Huwag mo 'kong binabastos! Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo. Anak lang naman ako ni Mr. El Mondrasel. Kaya kung mahal mo pa ang buhay mo, dumistansya ka at alamin mo ang lugar mo!" Bigla itong napayuko. "Pasensya na Miss Faye." Marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ito tinalikuran. Ramdam ko pa rin ang pamumula ng buong mukha ko sa galit sa kabastusan nitong ipinakita. Aaminin ko na habang tumatagal, nakakaramdam ako ng kakaibang pangamba sa kanang kamay na ito ng daddy ko. Pakiramdam ko, anumang oras may gagawin itong hindi maganda. At iyon ang kailangan kong paghandaan. Hindi maaaring lagi itong nandito. Kailangan kong makausap ang daddy ko! Kailangan ko ring ipagtapat dito na may pagnanasa ang gagong iyon sa akin. 'Di naman yata papayag ang ama ko na hayaan ang tauhan nito na bastusin ang sariling anak niya. Walang kaalam-alam si Faye ang mapanganib na ngisi ng lalake. NAPAKUNOT ang noo ko. "May problema ba kuya?" Kakamot-kamot naman sa ulo ang tricycle driver. "Pasensya na ma'am, na-flat ang gulong ng sasakyan ko. Kung makakapaghintay--" "Hindi na ho. Malapit na rin naman ang bahay ko, lalakarin ko na lang ho." Sabay abot ng pamasahe rito. "Pasensya na talaga ma'am." Isang tango at simpleng ngiti ang pinakawalan ko bago ito tinalikuran. Tiningnan ko ang relong nasa bisig ko. Pasado alas siyete na ng gabi. Dumiritso kasi ako ng Supermarket at wala ng laman ang refrigerator ko. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. May bahaging madilim sa parteng dadaanan ko. Siguro aabutin pa ng tatlo o limang minuto ang lalakarin ko bago makarating sa apartment ko. Tahimik ang paligid, mabibilis din ang paghakbang ko lalo na't may kabigatan ang mga dala-dala ko. "Wow! Pare, mukhang sinu-suwerte tayo.." Biglang napa-angat ang tingin ko mula sa 'di kalayuan sa akin. Limang lalake at mukhang mga nakainom. Lihim na gumalaw ang panga ko. Dire-diretso lang ang lakad ko ng biglang humarang ang mga ito sa daraanan ko. Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa mga ito. At parang mga baliw na nagsitawanan pa! "Mukhang palaban ka ah, miss beautiful?" Akmang hahawakan nito ang panga ko ng mabilis ko itong iniwas. Ramdam kong nakapalibot na ang mga ito sa akin. "Umalis ka diyan," mahina ngunit matigas na bigkas ko. At humalakhak pa ang mga gago. "Palaban nga pare!" wika ng isang matabang lalake. Bigla kong nabitiwan ang mga dala-dala ko at mabilis na pinilipit ang kamay nito na akmang hahawak sa mukha ko. "Aahh!" sigaw nito. Akmang hahawakan ako ng isa ng mabilis ko itong sinipa sa mukha. Umikot din ako at sinipa sa tiyan ang isa. Binigyan ng malutong na suntok sa panga ang lalaking nasa harap ko na naghuhumiyaw pa rin sa pagkakapilipit ko sa kamay nito. Nang maramdaman kong may susuntok sa akin, mabilis akong nakaiwas at binigyan ito ng suntok sa leeg at mabibilis na sinipa at sinuntok sa sikmura ang isang lalake. At 'di ko na binigyan pa ng pagkakataon ang mga ito na makabangon at pinagsisipa ko ang mga ito hanggang sa makatulog. Inis na napahingal ako ng marahas. Pagod na nga ako sa maghapon, pinagod pa ako ng mga gagong ito. Kinuha ko ang mga dala-dala ko at nagmamadali akong umalis sa lugar na iyon. PAGKARATING sa apartment, 'agad kong inayos ang mga pinamili ko. Nagluto na rin ako at ramdam ko na ang matinding pagkagutom ko. Naligo na rin ako pagkatapos. HABANG nakatutok sa laptop ng mag-vibrate ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko. Unknown number? "Kumusta Miss Faye?" Sino naman kaya ito? At paano nito nakuha ang number ko? Biglang kumabog ang dibdib ko. Ngunit 'agad ko rin ipinilig ang ulo ko. Imposible naman na ang lalaking iyon. Simula ng kumain kami nito sa labas, hindi na ito muling nagpakita pa. May parte man sa puso ko na makikita itong muli ngunit mas naisip kong mas mabuti na rin iyon upang hindi na ito madamay pa sa sitwasyon na mayroon ako ngayon. Wala rin naman akong balak ipaalam sa kahit kanino kung sino talaga ako at ano ang pagkatao ng pamilyang mayroon ako. Lalo na, iniiwasan ko rin ang magkaroon ng koneksyon sa mga kalalakihan. Dahil alam ko naman na oras na malaman ng mga ito kung sino ang ama ko, tiyak na lalayuan din ako at katatakutan ng mga ito. Sino naman ang gugustuhing mapunta sa panganib at kapahamakan? Iyon din paminsan-minsan ang nagpapalungkot sa akin. Na kung dumating na ba sa punto ng buhay ko na gusto ko ng may makasama sa buhay, may magmamahal kaya sa akin hanggang huli? Kahit malaman kung ano ang katayuan ng sariling ama ko? May lalake bang ipaglalaban ako? Bigla akong napabalik sa ulirat ng muling mag-vibrate ang cellphone ko. "Namiss mo ba ako?" Doon biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko, kilala ko na kung sino ang taong ito? Pero paano naman kaya nito nakuha ang number ko? Bigla akong napahilot sa sintido. Ano bang kailangan ng lalaking ito at kinukulit pa ako? Gusto yata talaga nitong mapahamak. In-off ko na lang ang phone ko at nag-concentrate sa ginagawa. Pero inis na napabuntong-hininga ako at kung bakit ito ang nakikita ko sa screen ng laptop ko! Pati isip ko ginugulo ng lalaking iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD