"Mauna ka ng matulog. Punta lang ako ng library." Lihim akong napapikit. Tama ba itong ipinapakita ko? Ang pagtatampo ko sa nobya? Ano bang problema ko? Ayaw lang akong sakyan nagkakaganito na ako? Marahas akong napabuga ng hangin. Nagpalipas ako ng oras sa library. Inisa-isa ang magiging mission ng mga Agent ko. Kinabukasan ko ibibigay ang mission ng bawat isa. Dahil sa susunod na linggo lilipad ako patungong Europe. Iisa-isahin ko na ang mga leader ng sindikato. Masyado na silang marami, kailangan na nilang ibaon sa lupa! Bumalik ako ng kuwarto. Nakatagilid ang nobya ko at halatang mahimbing ng natutulog. Muli akong nagpakawala ng mabigat na buntong hininga. Hindi ko akalain na magtatampo ako ng ganito sa kasintahan. Lalong nadagdagan ang pagtatampo ko at hindi man lang ako ni

