NADATNAN nina Eira at Sky ang mga kapatid sa mansion. Hindi niya inaasahan ang mga susunod na mangyayari pagkatapos ikuwento ni Sky ang nangyari sa kanila—uminit ang ulo ni Ate Berry at bago pa may nakapag-protesta, nasa kalsada na sila ng Poblacion para sa 'resbak' na binanggit ng dati ay cool niyang kapatid. Mas lalong hindi napaghandaan ni Eira ang bilis ng mga pangyayari. Sa mga unang segundo ay naglalakad pa lang sila, nang mga sumunod na sandali ay nagkagulo na! Ang mga kapatid niya—sina Ate Berry, Ate Amira, at Sky, nakikipag-sabunutan na sa blonde at sa dalawang kasama nito! Sa pagkataranta kung aawat o tutulong ay hindi na namalayan ni Eira na umalpas sa palad niya ang cellphone na dahilan ng lahat ng gulong iyon. Nang pakiramdam niya ay malinaw na uli ang kanyang isip ay nasa

