Twenty Four

1348 Words

HATINGGABI na ay nasa isang sulok parin si Joy ng isa sa mga guest rooms sa bahay ng pamilya Callanta. Nakasalampak lang siya ng upo, hawak ang wine glass habang nakatingala sa kisame. Hindi tamimik ang gabing iyon dahil marami siyang iniisip. Sa mga ganoong pagkakataon ay mailap ang antok. Five years... Pumikit siya kasunod ang paghinga nang malalim. Paano niya makakalimutan ang gabing iyon na malakas ang buhos ng ulan sa Baguio? Isang stranghero ang nag-alok sa kanya ng payong, inihatid siya sa Taxi para hindi siya mabasa ng ulan. Mula nang gabing iyon ay hindi na nawala sa isip niya ang lalaki. Inurong niya ang naka-schedule na pagbaba ng Maynila para isa-isahin ang mga restaurant at cake houses sa Baguio—nagbabaka-sakaling muli niyang makita ang estranghero na may pinakamagandang ngi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD