"O, HINDI ba bukas pa ang dalaw mo sa akin, Nerissa?" si Tito Ico na nagtataka. Marahang pinalaya si Eira mula sa yakap nito. Hindi umimik ang babaeng Nerissa pala ang pangalan. Hanggang baywang ang tuwid na tuwid at itim na itim na buhok. Slim at mahinhin ang kilos. Bumaling kay Alex ang babae na parang gusto nitong si Alex ang sumagot sa tanong ni Tito Ico. "Dinaanan ko siya, Uncle," sagot nga ni Alex. "Pinapasundo na kayo ni Mama. Nagpahanda na siya ng dinner. Dinaanan ko na si Nerissa para hindi ka na makatanggi. May maiiwan na sa kubo." Napailing-iling si Tito Ico bago tiningnan si Nerissa. "Wala ka bang ibang inaasikaso, Neri?" "Wala naman, Sir Ico," sagot ng babae. "Ako na'ng bahala sa kubo mo." Bumaling si Tito Ico kay Alex. "Andoy naman, naalala mong agahan ang pagsundo kay N

