bc

Love and Lies

book_age18+
93
FOLLOW
1K
READ
drama
like
intro-logo
Blurb

Nagmahal..Nagtiwala... nasaktan..

Niloko at iniwan.. Ngunit dahil sa dalawang batang nasa sinapupunan ko ay kailangan kong magpakatatag..

Kaya pinilit kong tumayo at lumaban..

hinarap ang mundo ng magisa..malayo sa lalaking nangako sa akin na walang iba..

Ngunit ang akala kong kwento na tapos na ay nagsisimula lang pala..Hanggang saan ako dadalhin ng kumplekadong sitwasyon ko?

chap-preview
Free preview
Prologue #Pain
Prologue Pov ni christine Ang sakit... Sobrang sakit.. Nakakamatay ang sakit.. Naging sunod sunod ang pagagos ng luha ko..ndi mapigilan at ayaw magpaawat.. Kahit anong punas ko ay nagmistulan itong talon na patuloy lang sa pagagos.hindi ko narin alintana ang panlalabo ng suot kong salamin dahil sa pagkabasa ng luha. Bakit? ndi ko mapigilang tanong sa isip. paano niya nagawang manakit ng ganito? "mary jane arcenio do you take francis emanuel Del Ruiz,to be your wedded husband,to have and to hold from this day forward,for better or for worse,for richer,for poorer,in sickness and in health,to love and to cherish, as long as you both shall live?" narinig kong tanong ng pari.. Mga salitang nagmistulang patalim na humihiwa sa aking puso.. "F-francis.."Usal ko habang nakatingin sa dalawang taong sumusumpa sa isat isa na habang buhay na magsasama. Wala sa sariling napahawak ako sa malaki kong tiyan, narandaman ko rin ang marahang paggalaw nito sa loob ko. Habang panay parin ang agos ng mga luha ko at ayaw magpaawat.. Bakit..Bakit ka nagsinungaling francis?bakit mo ako niloko? Paano na ako? paano na kami ng mga anak mo? Tanong ko sa isip habang nakatanaw parin sa lalaking minahal ko ng higit pa sa sarili ko pero sinaktan lang ako at niloko. yong inakala kong lalaking iba sa lahat..Responsable at may paninindigan ay puro lang pala kasinungalingan..Yong imahe na binuo niya na pinakilala niya sa akin ay isa lang palang impostor.. Niloko niya ako.. Sinaktan niya ako.. Pinaniwala sa mga pangako niya na mapapako lang pala. Bigla nalang siyang naglahong parang bula. Ngayon alam ko na ang dahilan.. Pero hindi ko parin maintindihan bakit kailangan pa niya akong paniwalain na mahal niya ako,pero hindi naman pala.Hindi manlang ba siya nakonsensiya?Noong mga panahon na magkasama kami dama ko na totoo..Bawat salita, mga titig niya sa akin,at mga kilos niya. Ni hindi ko manlang naramdaman na nagkukunwari lang pala siya,na niloloko lang pala niya ako. Sa isiping iyon ay lalong bumaha ang mga luha ko,hindi ko na naisip ang kahihiyan na may nakakakita sa ayos ko.Wala akong pakialam,Dahil hindi nyo naman alam kung anong nararamdaman ko. Sino ba naman ang magaakala na ang isang construction worker na boyfriend ko ay isa palang billionaryo at kilalang business man. Mapait akong napangiti, Ilang buwan ko na siyang hinahanap para sana ipaalam ang kalagayan ko. Ngunit ang iniisip ko na masusurpresa ito sa dala kong balita ay ako pala ang higit na masusurpresa. Isang araw ay napanood ko nalang ito sa tv kasama ang isang magandang babae at masayang ibinabalita sa lahat ang nalalapit na kasal nila.. Pero itong tangang puso ko ay patuloy paring umasa na kapag nakita niya ako at nalaman ang kalagayan ko ay magbabago ang isip nito.. Kaya pikit mata akong lumuwas sa manila gamit ang kaunting pera na naipon ko para sa pagaaral ko.Ngunit nanghina ang loob ko nang matanaw ko ang masayang mukha nito na nakatingin sa babaing pakakasalan niya..kaya kahit gaano ko man kagustong isigaw na itigil ang kasal ay wala akong lakas ng loob na gawin..Dahil hindi ko alam kung may kailangan ba akong ipaglaban pa. "Yes,father..I do"dinig kong sagot ni francis na lalong nagpahagulhol sa akin. kaya nagpasya nalamang akong umalis bago pa makaagaw ng atensiyon ng lahat.kasal ang event na ito,hindi libing..Pero para sa akin ay nagmistulan itong funeral dahil simula sa araw na ito ay ililibing ko na ang puso ko... Mabibilis at malalaki ang hakbang ko habang palabas ng simbahan..Hindi ko na alintana ang laki ng tiyan ko,basta kailangan makaalis na kami sa lugar na ito. tsaka ko nalamang iisipin kung paano ko bubuhayin ang dalawang batang nasa sinapupunan ko. Hindi parin maabot ng isip ko kung bakit kailangan niyang gawin ito? ang manloko ng babae..Ginamit lang ba talaga niya ako?at ako naman itong si tanga na madali lang bumigay..Napasapo ako sa dibdib ko na naninikip dahil sa napupunong ng ibat ibang emosyon. Nagpatuloy lang ako sa paglakad,hindi na ininda ang kanina pang nanakit na mga paa at pagod na katawan.Madaling araw ng dumating ako dito sa manila sakay ng bus, isang araw at kalahi din ang naging byahe ko mula iloilo hangang manila. Ni hindi ko na nagawa pang kumain dahil agad kong hinanap ang address ng simbahan na narinig kong sinabi nila nang tanungin sila ng reporter kung saan ang venue ng kasal. laking pasalamat ko at agad ko naman itong natagpuan..Nauna pa nga ako sa mga taong nagayos ng kasal nila.Matiyaga akong nagintay sa kanya,at tanging baon kong tubig lang ang pansamantalang pumapatid ng aking gutom.Nanghihina akong napahinto sa paglakad,at nasapo ang ibabang parte ng aking tiyan. May kaunti akong kirot na naramdaman kaya kinabahan ako at nagalala para sa mga anak ko.Hindi maaring mapahamak sila,hindi ko kakayanin na mawala sila.. Ang mga anak ko nalang ang magsisilbing alaala ko sa una't huling lalaking minahal ko.Sa kanila ako kakapit para makatayo ulit,sila ang magiging dahilan ko para lumaban at magpatuloy sa buhay. Masakit man ang ginawa niya ay mas pipiliin ko paring panatilihin ang pagmamahal ko sa kanya kesa ang magalit at punuin ng sama ng loob ang puso ko.Gusto parin isipin nalang ang magandang pinagsamahan at nakaraan namin kahit maikling panahon lang ay naranasan ko ang maging masaya sa piling niya,kesa ang isipin ang masakit na tagpong ito. marahan kong hinaplos ang aking tiyan. "Mga anak sorry ha kung napahirapan kayo mama,kapit lang mga baby ko ha..Wag nyo akong iiwan.."Kausap ko sa mga batang nasa tiyan ko. I decide na umupo muna sa gilid ng kalsada habang mahigpit kong hawak ang backpack na dala ko.Ang sabi nila ay nagkalat ang magnanakaw dito sa manila kaya hindi ako maaring maging kampanti.Pasimple kong iginala ang paningin kung may kahinahinala, Nang masigurong safe naman ang paligid ay tsaka lang nakampanti ang loob ko.Nang matantiya ko nang maayos na ang pakiramdam ay unti unti akong tumayo.Ngunit nang makatayo na ako ay bigla namang pagikot ng aking paningin,napasapo nalamang ako sa aking sintido. kahit nahihilo ay pinilit ko paring maglakad para makahanap ng mas safe na lugar na pwede ko ipahinga ang sarili.. Napahinto naman ako nang tumindi ang nararamdamang pagkahilo at napakapit nalamang sa pader. "Miss are you okay?"narinig kong tanong nang isang babae kaya pinilit kong lingunin ito..Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya pero nakikita ko ang magandang ayos at pananamit nito. pinilit ko na ibuka ang bibig ko para sagutin ito ngunit tanging ungol lang ang lumabas dito. "Im a doctor..I will take you in a hospital" nagaalala nitong saad "Wala ka bang kasama?your pregnant, its not good na magisa ka lang.." Pagpapatuloy pa nito. Ngunit,hindi ko na talaga kinaya pa kaya naipikit ko na nang tuluyan ang mga mata ko.. "Oh my God!.. help! someone help us please..she passed out! help us please!"narinig ko pang sigaw nito bago ako tuluyang nawalan ng malay sa paligid

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.7K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.6K
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
5.7K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook