Episode 1.#The Beginning

1061 Words
Chapter 1 Pov of christine Sabi nila ay wala tayong karapatan na kwestyunin ang plano ng diyos para sa atin.Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko maiwasan na tanungin siya. Habang nakatunghay sa katawan ng aking ama na wala ng buhay. Bakit kailangan niyang kunin ng maaga si papa sa amin,gayong alam naman niya wala naman kaming ibang inaasahan,kundi siya lang.Paano na kaming makakapatid? paano kami bubuhayin ni mama gayong ang alam lang nito ay gawaing bahay At magalaga sa amin. Maagang nabuntis si mama kaya hindi ito nakatapos ng pag aaral, ngunit sinigurado naman ni papa na matutupad niya ang ipinangako nitong buhay kay mama.Masipag at masikap si papa,kaya naging maayos ang pamumuhay namin.Naging maganda ang takbo ng negosyo namin na groceries store na may dalawang branch na.Lahat ay nasa ayos,hanggang sa mangyari ang hindi inaasahang aksidente. Inararo ng isang bus ang sasakya ni papa at nagkaroon ito ng internal bleeding kaya died on arival na ito ng dumating sa hospital. "P-papa.."Mahinang sambit ko. habang pinagmamasdan ito,para lang itong natutulog. how i wish na natutulog nga lang talaga siya para maaari pang gisingin. "Bes..." napalingon ako sa bestfried kong si february.agad naman itong lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap.Napaiyak nalamang ako sa balikat nito. "Si papa,bes.."Usal ko "kaya mo yan bes,kailangan mo magpakatatag."Tugon nito habang hinahagod ang likod ko.. Wala akong nagawa nang mga araw na yon kundi ang umiyak.. Doon ko nalamang idinaan ang sakit sa biglang pagkawala ni papa. Nang mailibing si papa ay marami ang nagbago sa buhay namin. Napilitan si mama na imanage ang negosyong naiwan ni papa.Ngunit dahil wala naman itong alam ay madali itong naloko nang mga kapatid ni papa hanggang sa malugi nalang ito at napilitang isara. Naging mahirap samin ang pagbangon lalo at wala naman kaming ibang malapitan.Tanging sina tita clara lang ang tumutulong sa amin,Ang nanay ng bestfriend ko.Minsan ay nahihiya narin kami sa kanila,kaya kahit kailangan ay hindi na namin sinasabi at nagtutulungan nalang kami ni kuya. Nagtrabaho si kuya christian sa isang carwash bilang boy habang nagaaral,laking pasalamat namin at natulungan siya ni tita clara na makakuha ng scholarship para makapagpatuloy sa college. samantalang ako naman ay tumangap ng labada at kung sino ang may gusto magpalinis ng bahay.. Malaking tulong rin na panggastos at pangbaon sa school ni crissy. Nahirapan man kami ay kailangang kayanin lalo na para kay mama. Natalo ito ng depresion na halos ayaw ng lumabas ng bahay,sarili nito ang sinisisi niya sa pagkalugi ng negosyo na naiwan ni papa.kung hindi nga lang laging nakaalalay si tita clara dito,baka nawalan narin kami ng ina. Until dumating ang araw ng graduation namin.Ang dapat sana ay pinakamasayang araw ko ay naging malungkot dahil sa pagalis ni feb. Sa manila na ito nagtuloy ng pagaaral samantalang ako ay hindi pa malaman,ayoko naman na dumagdag pa sa alalahanin ni kuya. Nang malaman ni tita clara ang balak kong paghinto ay gumawa ito ng paraan na makakuha rin ako ng scholarship.Nakapasok din ako na tindera bilang sideline sa isang maliit na tindaha,malapit sa university na pinapasukan ko.Naging maayos ang simula namin,Ngunit ang mga kapatid ni papa ay hindi parin tumigil. Kaya,labag man sa loob ni mama ay napilitan itong ibenta ang bahay namin at lumipat nalang kami ng iloilo kung saan naroon ang mga kamaganak ni mama. Naging mahirap ang simula namin,dahil ang lugar nila mama ay malayo sa city. parteng bundok na ito at isang oras din ang lakarin bago makarating sa patag,kung saan maari kang makasakay pabayan.Limitado rin ang biyahe ng sasakyan kaya nagstay in nalang si kuya sa pinapasukang bar,bilang waiter habang nagaaral. Isang taon nalang at gagraduate na ito,kasalukuyan na siyang nag iintern sa isang architecture firm sa iloilo city. Samantalang ako ay nakakuha din ng scholarship at nakapasok rin sa isang kainan na walking distance lang din ang layo sa university na pinapasukan ko.kinakailangan ko rin magstay in dahil mas mahihirapan ako sa araw araw na biyahe.laking pasalamat ko dahil mabait ang naging amo ko at pinatira niya ako ng libre sa restaurant niya.Hindi naman ito kalakihan ngunit dahil masarap ang mga luto dito ay dinarayo ang kainan na ito.Tatlo lang kaming nagseserve dito at dalawa sa kusina na taga luto at taga hugas.At si tita len ang may ari ang kahera. Ngunit dahil ako lang ang malayo ang inuuwian ay ako lang ang nagstay in dito. Mahirap noong una dahil ito ang unang beses na nahiwalay ako sa pamilya ko pero kakayanin ko ito.. Para sa kanila,para sa pangarap ko.. "Oh paano Christine,ikaw ng bahala dito..wag mong kalimutang isara ang mga pinto at bintana ha."Narinig ko pang saad ni ate Len "Opo ate."Tugon ko agad habang nagwawalis..Narinig ko ang mga yapak nito papalayo.Pagkuway ay ang pagbukas at pagsara ng pinto,hudyat na nakaalis na ito. Dahil ako lang ang naiwan dito,sa akin narin naiiwan ang lahat ng linisin.Pagod man sa maghapong pagtratrabaho ay kailangan ko parin magtira ng lakas para sa maglinis.Ito nalang ang bayad ko sa pagtira at pagkain ko ng libre dito. Bukas ay balik eskwela na ulit tapos na ang dalawang araw na bakasyon kaya kailangan maaga ang gising ko. "Hays! kapit lang self!"kausap ko sa sarili.Mabilis ang mga kilos ko na iniligpit lahat ng kalat,ipinatong ko sa lamesa ang mga nagkalat na upuan.Nang matapos sa paglilinis ay inipon ko lahat ng basura sa isang itim na garbage bag at dinala sa labas para kunin ng mga kumukuha ng basura mamayang madaling araw. papasok na sana ako nang mamataan ko ang isang lalaking nakatayo sa kabilang kalsada,may kausap ito sa celphone niya. Naisip ko baka isa sa mga trabahador na gumagawa ng building na yan.May ginagawa kasing condominium sa tapat namin kaya isa rin sila sa dagdag na costumer ng kainan. Nagtama ang paningin namin ng lalaki, ramdam ko pagbilis ng t***k ng puso ko.Kaya wala sa sariling napahawak ako rito. Bakit ganito ang t***k ng puso ko? Anong meron sa lalaking ito? Hindi naman ito kaba na may kasamang takot? Dahil hindi naman nakakatakot ang itsura ng lalaki. Ang gwapo nga eh,akala ko nga knina artista.Parang mayamanin.Kahit simpleng jeans at tshirt lang ang suot nito.Lutang parin ang gandang lalaki at katawan niya. Hindi ko kayang mapangalanan ang pakiramdam na nadarama ko. Ngayon ko lang naman ito naramdaman,hays! kung ano man ito,wala akong panahon para alamin pa..Kailangan ko na magpahinga at maaga pa ako bukas.. No choice..Ganito talaga ang buhay mahirap..Hays!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD