Chapter 2
Christine's pov
Pagkababa ko ng tricycle ay halos takbuhin ko na ang papasok sa kainan na pinapasukan ko.Alas sais na at dapat kanina pa akong alas singko nakapasok.Dahil kinailangan ko pang tapusin ang research ko para sa report ko bukas.Mabilis ang bawat hakbang ko habang inaayos pa ang pagkakasara ng bag ko na nakalimutan ko na palang isara dahil sa pagmamadali.Ngunit bago pa man ako nakapasok ay bigla akong natigilan nang bumaga ang katawan ko sa isang matigas na bagay.Dahil sa pagkabigla ay hindi agad ako nakabalanse ngunit naging maagap ang braso ng kung sino sa pagalalay sa bewang ko para hindi ako tuluyang matumba.Napasubsob ang mukha ko sa dibdib nito at tumilapon ang suot kong salamin.
"s**t!yong salamin ko"bulalas ko..Humigpit ang pagkakayakap nito sa akin na ikinagulat ko naman. Nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy nito,hindi ko tuloy napigilan ang sarili na mapapikit at mas namnamin ang mabangong amoy nito. "hmmm...Smells good."Narinig kong turan nito habang inaamoy ang buhok ko.Sa narinig ay bigla akong natauhan at bigla ko itong naitulak palayo sa katawan ko.Agad kong dinampot ang suot kong salamin,ngunit nagkaroon na ito ng basag dahil sa pagkabagsak. Naku naman dagdag gastos nanaman ito!Sigaw ng utak ko. Agad ko itong isinuot,pwede pa namang pagtiyagaan.Ani ko sa sarili.
"Dont worry,I buy you a new one."Narinig ko uling salita ng lalaking nakabangga ko.Inis ko itong binalingan,ngunit ganon nalamang ang pagbagsak ng panga ko nang mapagsino ito.Yong lalaking nakita ko kagabi sa tapat ng ginagawang condominium.Bigla nanaman ang pag ahon ng kakaibang kaba sa dibdib ko at nagsimula nanamang magkarerahan na parang mga kabayo.Napahawak ako sa dibdib ko na para bang sa paraang yon ay kakalma ang t***k ng puso ko.
"Are you okay?"nagaalalang tanong nito na pumantay pa sa pagkakaupo ko.God!sigaw ng isip ko dahil mas lalong naging abnormal ang pintig ng puso ko nang magpantay ang mga mukha namin. Mas lalo kong napagmasdan ang magandang kurba ng itsura nito.Ang gwapo niya!sigaw ng utak ko,iniling ko nalang ang sking mga ulo para maging sagot. Lalong bumakas sa mukha nito ang pagaalala."Come,I'll take you in the hospital."Turan nito. s**t!OA ha!ospital agad?ani ko sa isip.Umahon ako sa pagkakaupo at bahagya pang ipinagpag ang suot kong uniform.
"No need,I-im fine"sagot ko rito. Ganon din ang ginawa nito at pumantay sa akin. "Are you sure?" paninniguro nito at mariin pa akong tinitigan sa mukha.
God!bakit ba nag eenglish ang lalaking ito na no nosebleed tuloy ako.Ani ko sa sarili
"H-hindi naman ako nasaktan." Tugon ko. "Okay,about your eye glasses papalitan ko nalang" saad pa nito,umiling naman ako
"Wag na,okay pa to."Maagap na sagot ko at bahagya pang iniayos ang salamin sa aking mata.
"Tsk! Its not look okay." turan nito.
"Okay lang,isa pa hindi mo naman kasalanan,ako yong hindi tumitingin sa daan,pasensiya na po sir." ani ko
"No ako din naman,Im busy with my phone kaya hindi kita napansin agad."Sagot nito. Naiiling nalang ako,hindi talaga siya papatalo.
"By the way,Im Francis."Pakilala nito sabay lahat ng kamay.
"Chris-"
"Uy christine!Tama na muna yang paglolove life mo dyan,tulungan mo muna kami dito at marami tayong customer." narinig kong sigaw ng isa sa mga kasamahan ko.Bigla naman akong nakadama ng pagkapahiya. Tsaka lang nagbalik ang isip. May trabaho pa nga pala ako. Nang igala ko ang paningin sa paligid ay halos mapuno ng customer ang kainan na,ang lahat ay nakatingi sa amin.Dama ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Sana bumuka nalang ang lupa at kainin ako.
"Pero bagay kayo ha! para lang akong nanonood ng live na teleserye"dugtong pa ng kasamahan ko,sabay tawa ganon din ang mga taong naroon.Na wari bang sinangayunan pa ang sinabi nito
God!nakakahiya talaga!
"Maganda at gwapo,tiyak na maganda at gwapo rin ang mga anak nila."Segunda naman ng isang customer. Wow! ang advance naman ng mga 'to magisip.First meet anak agad!ani ng isip ko habang naglalakad na papunta sa kusina kung saan naroon ang hagdan na paakyat sa aking kwarto.Ni hindi ko na nagawang magpaalam pa sa kanya dahil walang ibang laman ang isip ko kundi matakasan ang awkward na sitwasyon.Mabilis lang ang ginawa kong pagbihis at agad narin akong bumaba.Dahil sa pagiging abala sa trabaho ay nawala narin sa isip ko ang nakakahiyang tagpo kanina.Kinabukasan ay maaga nanaman akong gumising para maglinis ng kainan.At ihanda sa kusina ang mga gagamitin ng kusinero sa pagluluto,nag iwan narin ako ng listahan ng mga kailangang bilhin.Bago maghanda sa pagpasok sa University.Ganito talaga ang buhay ng mahirap pero para sa pangarap kailangan kong lumaban. Minsan naiisip ko kung buhay siguro si papa ay hindi ko dadanasin ang ganito. Ngunit sabi nga nila lahat ng nagyayari sa buhay natin ay may dahilan. Malaki ang pagkakangiti ko habang naglalakad palabas ng gate ng university na pinapasukan ko.Mataas kasi ang nakuha kong marka sa report na ginawa ko kahapon.Hays!kunting tiis nalang tine! kausap ko sa sarili.Tapos na ulit ang maghapon ko sa eskwelahan at oras naman para magtrabaho sa kainan. " Fighting!"malakas na saad ko na naging dahilan nang paglingon sa akin ng ilang estudyante. Nahihiya naman akong tumingin din sa kanila at mas binilisan pa ang paglakad. Ngunit ganon nalamang ang pagkagulat ko nang makalabas na ako ng gate at matanaw ang lalaking nakabangga ko kahapon. Ngumiti ito sa akin at kumaway, kaya agad ko siyang nilapitan. "Hi!" Nakangiting bati nito. s**t!mura ko nang muli nanamang magsimulang magtakbuhan ang kabayo sa dibdib ko.Baka heart attack talaga ang kalabasan ko nito.
"A-anong ginagawa mo dito?"kunot noo kong tanong.
"Diba sabi ko papalitan ko ang salamin mo."sagot naman nito
"Hindi na kailangan, ayos pa naman ito"tugon ko dito.
"Tsk!hindi ka makakapag aral ng mabuti pag ganyan ang itsura ng salamin mo." Seryoso na nitong sabi habang tinitigan ako sa mata.Wala sa sarili ko namang nakagat ang labi ko para mapigilan ang emosyon na pumupuno sa puso ko.Nakita ko ang pagbaba ng paningin niya sa labi ko at sunod sunod na paglunok nito.
"Pero may trabaho pa ako francis." tugon ko dito.Kung tama ang pagkakaalala ko,iyon ang binangit niyang pangalan.
"Dont worry napaalam na kita kay ate len."Maagap na saad nito.
Wala na akong nagawa pa nang hawakan niya ako sa braso at igiya papasok sa tricycle na pinara nito.
Goodluck nalang talaga heart!ani ko