SAVYRAH'S POV:
Hindi talaga ako makapaniwala sa aking nakikita. Katulad na katulad talaga ng school ko ang Monstreus High sa mundong ito.
Pinikit-pikit ko pa ang aking mga mata para makasigurado na hindi ako nagmamalikmata, pinunasan ko pa ito ng aking dalawang palad para maalis lang ito. Ngunit ganon at ganon pa rin ang aking napapagmasdan. Nilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid.
Ang Cafeteria na nasa aking kanang direksyon, nasa harapan pa nito ang malawak na fountain na may estatwa pa ng isang babaeng may hawak na sandata.
At sa kaliwa ko naman ay daan papuntang laboratory, either science or I don't know the last room, cause no one allowed to go in that part. Sa una at pangatlong room lang ang pwede kasi kwarto iyon ng mga studyante. May nasa likuran pa noon na garden at tambayan namin ng mga kapatid ko kapag magkakasama kami.
Sa harapan namang daan ay matatagpuan ang quadrangle, plaza, office, two new school building. Bago pa lang kaya wala akong alam kung ano ba ang purpose ng mga ito kung marami naman ng gusali sa Monstreus High. May ipapatayo ulit na bago sa lumang plaza na matatagpuan naman kapag dumiretso ka sa daan sa mismong gate na nasa ibaba.
*KRING ×3*
Pati ang pagtunog ng alarm ay nakakasakit sa aking tenga. Isa nga ba talagang paggurahaw sa mga studyante para bumalik sa kani-kanilang eskwelahan? O may nangyayaring apoy kaya kailangan ng paapulahin.
Ipinagsantabi ko muna ang mga nakikita ko at napag-isipan na ngang bumalik sa aking paglalakad papunta sa section ko.
Magpapalipat na lang ako ng seksyon kaysa ang maghanap pa. Hindi ko pa naman ugali ang ganon. Kapag hindi talaga nagpapakita, bakit mo pa papagurin ang sarili sa paghahanap?
'Di ba? Masakit lang sa ulo.'
***
Okay. That's it. Nice, I'm finally here. Katabi lang ng seksyon ko ang office ng principal. Kaya minsan ay masyadong behave ang mga kaeskwela ko dahil maririnig daw ang napakalakas na ingay sa kabilang room.
May iilan naman na wala ng pakealam, kapag gusto nilang magkuda, gagawin at susundin nila ang kanilang mga nasa isipan.
"Look who's here? 'Buti pumasok ka pa?"
Huh? Sino naman kayang nagsalita na iyon? Parang minion ang tono. Sobrang liit na may pagkatinis.
'Sarah? Is that you?' Bigla ko na lang naalala ang babaeng 'yon.
Nararamdaman kong nanggagaling ito sa aking likuran kung kaya napalingon ako rito. Malay mo siya pala ang maging tagasagip ko sa araw na ito. Kung hindi man ito ang room ni Reilly, magtatanong na lang ako rito, pero syempre kailangan hindi halata na hindi talaga ako ang babaeng 'yon.
Nang makaharap na ako ay ganon na lang ang gulat ko sa aking nakita. Napamaang pa ang aking panga habang ang akin namang mga mata ay napalaki dahil sa mga taong ito.
'Putakte! Anong klaseng mukha naman ito? Okay lang naman sana kung nagpapak sila ng maraming make up, kaso ano ito? I'm not a judgerist… p-pero kasi 'e. hindi ko talaga maibigkas nang tama… 'Nyeta!' Pati ang aking isipan ay nakikipag-usap na rin sa akin.
Hindi naman talaga maitatanggi. Para silang mga witch na nakikita ko talaga sa mga libro o hindi kaya ay sa mga telebisyon, mahahaba at matitilos ang baba. May taling pa na malaki sa kanilang mga ilong. Ayos naman ang kanilang mga ngipin, doon sila nakabawi. Basta maganda ang ngipin mo ay ayos na.
Ang nagsalita ata kanina ay ang babaeng ito na may sumbrero sa kaniyang ulo. Ang kanilang mga suot ay kakaiba sa mga studyante, kulay itim na cloak ito, pero ang hood ay kulay violet. Hanggang tuhod ang cloak at ang pang-ibaba ay isang black skirt na may malaki , at saka mahabang sinturon.
Ang blouse nito ay kulay violet na may highlight sa manggas na itim. May logo ang kaniyang necktie, at ang logo na ito ay ang mismong pinapasukan namin.
'MH' ang nakalagay at may buwan na nasa ilalim ng dalawang letra na ito. Ang kulay ng buwan ay kulay lila.
"Huwag mo akong tingnan nang ganiyan? Hindi mo ba ako nakikilala, huh? Loser?" Mapangutyang tanong nito sa akin na ikinataas naman ng aking kaliwang kilay.
Hanggang noo ang taas nito para malaman niya na hindi ko siya maintindihan. Napakamot pa ang aking kaliwang kamay sa aking pisngi. Hindi makakuha ng tamang isasagot.
'Ano bang dapat na sagot kung wala naman talaga akong alam sa tinutukoy niya? Saka haler, loser? A-ako loser? 'E ni hindi ko nga siya kilala, saka hindi ko pa naman siya nakakalaban sa mga laro. O-oh wait… tamad nga pala akong sumali sa mga activities.'
Ngumiti naman ako nang alanganin sa babaeng ito sabay iling na rin.
Napansin ko naman ang pagkapula ng kaniyang pisngi. Napalabi pa siya at napalingon sa mga kasamahan niya. Nakita ko ang mga tingin na may binabalak.
Hanggang sa muling ibalik nito ang paningin sa akin. Napatayo naman ako nang maayos habang hindi pa rin inaalis ang aking ngiti kahit sa totoo lang ay gusto ko ng putulin ang baba ng babaeng ito.
"Don't you know that I am the next queen of the Wi—"
"Hindi ko naman tinatanong. Saka ano bang gusto ninyo sa akin? Can't you see? We're in the middle of the class, we need to stud—I mean, we need to go inside of our room, and listen to the boring lecture. And maybe, baka may mapulutan pa kayong aral sa diskasyon ng guro natin. Halata kasi na wala kayong good manners." Pagpapatigil ko naman agad sa nais na ipahayag nitong babaeng ito sa akin.
Hindi ko naman kasi kailangan malaman kung sino siya at ano ang estado niya sa buhay. Saka kailangan ba talaga kapag mam-bu-bully sila ay ipapaalam pa sa target nila kung sino sila? Para hindi ito makalaban kasi nga mataas sila at kailangan dapat galangin?
Anong mindset ba ang meron sila?
Mamatay man ako nang maaga, walang sinuman ang nararapat galangin kung wala silang ipinapakitang magandang gawain.
Napansin ko pa ang mga studyante na napabulong na lang sa mga katabi nila. Nang lingunin ko ang buong paligid, ay ngayon ko lang napagtanto na parang nasa isang pelikula kami na kailangan tutukan ng lahat, para malaman kung sino ang mananalo o hindi.
Pinapalibutan kami ng mga ito habang may mga cellphone sa kanilang kamay, may iilan naman na nakatingin lang at walang pakealam sa mga cellphone na nasa tabi nila.
Kaso napabaling muli ang aking paningin sa aking harapan matapos kong maramdaman ang isang kakaibang kilos na paparating.
"Once you slap me, I'll slap you many times." Seryosong babala ko sa babaeng ito na naging dahilan para mapatigil sa ere ang paparating na palad sana sa aking kanang pisngi.