Light Beneath The Dark 14

1210 Words
SAVYRAH'S POV: "Once you slap me, I'll slap you many times." Seryosong babala ko sa babaeng ito na naging dahilan para mapatigil sa ere ang paparating na palad sana sa aking kanang pisngi. Kaso ang akala ko na hindi niya na gagawin ang pagsampal, ay isa lamang pa lang biro, she really slapped me really hard. At ito ay naging sanhi para mapunta ang aking ulo sa kaliwang direksyon. Napahawak pa ako sa aking bibig nang may malasahan ako na mapait na hindi rin. Nanggagaling mismo ang bagay na ito sa aking labi. Nang iharap ko ang aking kanang kamay ay ganon na lang ang pagsinghap ng lahat sa kanilang nakita. Mas nauna pa ang kanilang reaksyon kaysa sa akin na parang wala lamang akong naramdaman. Mas masakit pa ang sampal ni Mommy sa akin. Para lamang kagat ng pusa ito, kaya dumugo kahit na hindi naman ganon kalala. Pero naalala ko rin ang babala ko rito kung kaya't napalingon ako sa kaniyang direksyon at binigyan siya nang seryosong mukha. Mabilis ding gumalaw ang dalawa kong braso, tig kabilaan kong binigyan ng masarap at mainit na sampal ang kaniyang pisngi. Iniilagan ko pa ang kaniyang baba na maling kilos lang ay masasaktan ka na. Halatang-halata sa mga studyante rito ang pagkagulat. Kita ko pa sa peripheral vision ko ang mga mukha nilang hindi makapaniwala. "Si Reilly ba talaga iyan?" "Grabe hindi ako makapaniwala!" "Akala ko ba mahina at ayaw niyang manakit ng iba?" "What the heck! Is that Reilly Weist?" "Ahhh! S-stop it! Stop it! Ushera dizi!" Humihiyaw niyang sigaw sa akin sabay sabi ng katagang hindi ko alam ang kahulugan. Pero naramdaman ko na lang ang sarili kong tumalsik papasok sa seksyon namin bago tuluyang mapatama sa pader. Malakas na napauntog ang aking ulo sa sementong ito kung kaya napadaing ako sa sakit. "Arggh! F*ck!" Reklamo ko sa sobrang lanit ng aking ulo. 'Huta! Wala namang ganiyanan. Kailangan talaga gamitin ang kapangyarihan kapag alam nilang agrabyado sila?' "Tama lang 'yan sa iyo, ang galing mong makipag-kompitensya sa akin, wala ka pa ring binatbat. Oh! Oo nga pala, wala kang kapangyarihan. Kaya ano pa bang aasahan mo?" Mapang-uyam na tugon nito sa akin matapos makarating sa aking direksyon. Hinang-hina naman akong napalingon sa kaniya. Nasa likuran ang dalawang alipores niya na pangisi-ngisi lang sa akin. Pero halatang may balak na masama. Ang dahan-dahan nilang paggalaw ng bibig ay isang senyales na may bibigkasin silang spell na makakasira na naman sa akin. Kung kaya napatawa naman ako nang mahina. Hawak-hawak ang aking ulo habang ginagalaw ito pakaliwa't pakanan. I also tried myself to stand up slowly. Kunting panginginig lang ang aking tuhod dahil sa nangyari pero kaya ko namang i-manage. Nagtataka naman ang kanilang itsura. Napatigil din sa pag-spell ang dalawa kasi hindi nila alam ang ginagawa ko. "What are you laughing at?" Inis na singhal nitong leader ng witch at akmang sasampalin na sana ulit ako nang igalaw ko ang aking kaliwang kamay saka tinabig ito palayo. Napaupo naman siya sa sahig dahil sa gawa ko kahit na hindi naman malakas ito. Nagulat pa ang kasamahan niya at hahawakan na sana pero hindi ito nagpatulong. Itinaas pa nito ang kaniyang kaliwang kamay sa dalawa para ipahayag ang mga katagang hindi niya maisalita. Tanging kamay lang ang makakagawa. Kaya wala na ring nagawa ang dalawa kundi ang sundin ito. At ako naman ang napangiti nang malawak. "Bagsak agad? Ang weak mo naman, saka hindi ka talaga magpapatulong? Aww! Kakaawa naman sila." Nang-aasar kong sabi sa babaeng ito na masama ang tingin sa akin pero hindi ko iyon pinansin. Ang dalawa niyang kasamahan ang binigyan ko ng aking atensyon. "Sige, gamitan ninyo lang ako ng mga spells ninyo para ipagtanggol lang 'yang leader ninyo na wala sa inyong pakealam. Pero kahit anong gawin ninyo, hindi ninyo mababago sa aking isipan na malakas lang kayo dahil sa may kapangyarihan kayo," "Bwisit ka! Ano bang pake mo kung may kapangyarihan kami? Saka inggit ka lang dahil nagagawa namin ang gusto namin, kesa sa iyo na kahit anong gayuma pa o spells ang itira sa iyo. Hinding-hindi ka na talaga magkakaroon ng kapangyarihan. You're just a loser," galit na argumento naman nitong babae sa akin na ngayon ay nakatayo na ulit sa pagkakadapa. Pinapagpagan niya pa ang kaniyang likuran habang hindi pa rin maganda ang timpla ng mukha sa aking harapan. "Me? A loser? You sure? Bakit? Kailangan ko ba ng kapangyarihan para maging kahanga-hanga akong tao sa harapan ninyo? Kailangan ko bang magkaroon ng isang abilidad para mapatunayan lang na malakas ako at hindi loser na inaakala ninyo? Paano kung magkaroon pala ng himala at lahat ng nilalang sa mundo ay mawalan ng kapangyarihan? Ganiyan pa rin ba ang sasabihin ninyo—" "Walang kwentang salita! Paano mo naman nasasabi, isa ka bang arakulo, di ba hindi? Kahit kailan walang mangyayaring ganiyan! Ikaw lang ang nag-iisip para ikaw naman ang tingalain ng iba. Yuck! Walang magtatangka na maging alipin mo, loser! Anak ng mahirap kaya mukha kang basura." Tumatawa niya pang panglalait sa akin bago ikumpas na naman ang kaniyang kanang kamay sa aking harapan. At iyon naman ay naging sanhi na makaramdam ako ng kung anong humahawak sa aking paanan. Hanggang sa makita ko na lang ang aking sarili na ginagapangan ng isang ugat na may tumutubo pang dahon. May iilan na kulay pink na bulaklak na manipis. Sa una ay magilawgaw ang dating nito sa akin pero sa huli ay nakakaramdam na ako ng paninikip sa aking paghinga. Nagpalabas ako nang malakas na paghinga habang pinipilit na igalaw ang aking mga kamay para maalis lang ang damuhong ugat na ito. Ang mga studyante naman ay pinagmamasdan lang ako. Ang ilan ay pinagtatawan pa ako habang sumisigaw ng 'Loser!', imbis na tulungan akong makaalis dito. Ganito ba talaga sa Monstreus High? Mas malala ang pam-bu-bully? Huta! Kung wala lang silang kapangyarihan talaga—kayang-kaya ko silang patayin din. Kaso... arggh! Paano ba ako makakaalis dito? Patuloy pa din sa paggalaw ang ugat hanggang sa aking ulo. Malapit na ito at kunting kilos na lang ay mamatay na ako. "F*ck! Mga walang halang na studyante! Ganito ba talaga kayo? Gagawin ang lahat para maging mataas lang sa iba? Ha! Ha! Ha! Ha! Gagamitin ang kapangyarihan para sa sariling interes kahit na alam na ninyo na maraming ma-a-agrabyado? Mas malala pa pala kayo sa mga nilalang sa impyerno! Sana masunog ang mga kaluluwa ninyo!" Galit na galit kong sigaw at patuloy pa ring pumapalag sa ugat na ito na kunti na lang ay magiging puno na ako. 'Huta talaga! Mapapamura ako ng pakshet kapag hindi pa rin nila titigilan ang ganito? Papatayin talaga nila ako? Huta! Ano bang napuntahan ko? Kampo ng mabubuti o ng mga masasama?' "Hahahaha loser! Dami mong satsat! Tulungan mo na lang kaya—" "WHAT'S THE MEANING OF THIS, MS. DHINA!" Malakas na sigaw ng isang baritonong boses na nanggagaling sa aming likuran. Dahil na rin sa boses na iyon ay tuluyan na ngang itinigil ng babae ang pagkumpas ng kaniyang kanang kamay sa akin, at biglang napaharap sa taong iyon. Samantalang ako naman rito ay napaubo na lang nang malakas at saka sunud-sunod pa. Pero nasa aking isipan ang pagpapasalamat sa taong nagpatigil sa gustong gawin ng babaeng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD