SAVYRAH'S POV:
"WHAT'S THE MEANING OF THIS, MS. DHINA!" Malakas na sigaw ng isang baritonong boses na nanggagaling sa aming likuran.
Dahil na rin sa boses na iyon ay tuluyan na ngang itinigil ng babae ang pagkumpas ng kaniyang kanang kamay sa akin, at biglang napaharap sa taong iyon.
Samantalang ako naman rito ay napaubo na lang nang malakas at saka sunud-sunod pa. Pero nasa aking isipan ang pagpapasalamat sa taong nagpatigil sa gustong gawin ng babaeng ito.
"P-Prince K-Kaze… you're here—"
"Why'd you care if I'm here? Saka nakakalimutin mo na ba ang batas sa paaralang ito? No one's allowed to kill someone who can't fight back? Baka gusto mong isabi ko pa sa mga magulang mo ang mga ginagawa ninyo ng kaibigan mo sa kapwa studyante mo? Hmm?" Mahabang paliwanag nito sa tatlo na hindi na magkanda-ugaga sa kanilang kinatatayuan.
Ang nasa kaliwa ng babaeng nam-bully sa akin ay kung saan lumilingon, pinipilit na huwag makipag-eye contact sa isang prinsipe. Ang nasa kanan naman niya ay pinapanatili ang sarili na huwag manginig ang kaniyang katawan o ang kaniyang mga daliri. Pero hindi niya magawa.
Samantalang itong babae naman na ito ay napayuko naman nang sobra hanggang sa hindi na niya napigilan ang kaniyang baba na matamaan ang hinaharap niya.
"A-aww! O-my god! I'm bleeding!" Hestirikal na sigaw nito sa dalawa na hindi na rin alam ang gagawin.
Hahawakan ba nila ito o hihingi ng tulong sa iba? Kahit naman na wala namang dapat ikabahala. Nakakamatay ba ang baba niya?
'Then… suites herself. Karma is a b*tch.'
"Use your teleportation and bring Dhina to the Infirmary before she died. It's not my fault anyway. I hope it's a lesson for you now. Huwag kang maglalagay ng poison spell sa baba mo. Okay? Then, go!" Pumalakpak pa itong prinsipe na ito sa harapan nila hanggang sa makita ko na lang na nawala na ang mga ito sa aming harapan.
Akala ko nga ay ligtas na rin ako sa lalaking ito pero hindi pa pala. Ako naman ngayon ang binigyan niya ng kaniyang atensyon.
Pinagmamasdan ang aking buong pagkatao hanggang sa mapailing na lang.
"And you, ilang taon ka na ritong nag-aaral pero hindi mo pa rin alam ang kapangyarihan mo. Aren't you tired of them—bullying you?" Seryosong tanong nito sa akin na ikinakibit balikat ko naman.
Tumayo na rin ako sa pagkakaupo ko matapos makalaya sa ugat na iyon. Punyeta na ugat 'yan! Kung noon gustong-gusto ko pang makakita ng mga ugat ng puno, pero ngayon parang gusto kong ipaputol sa kakilala ko.
"Is it really necessary? Kailangan ba talaga ng kapangyarihan para may mapatunayan?" Wala sa sariling bigkas ko sa lalaking ito na napatango-tango na lang.
Hindi talaga ako makapaniwala. Bakit pa?
"Yeah, if you have no powers, then how can you fight yourself from the others?" Sarkastikong turan nito sa akin at binigyan pa ako nang makahulugang tingin. Kahit na wala maman akong naiintindihan.
"I can use my fist and my foot. But they should never use power too, it's unfair…"
"Walang unfair sa mundong ginagalawan mo, Reilly. Kung wala kang kapangyarihan, wala ka ring mapapatuluyan."
"Then, I can be stone, saka pwede bang tulungan mo ako. Nandito ka rin lang naman, di lubusin na lang natin, saan ba ang seksyon ko?"
"R-really? Are you that person I've know? The Reilly who can't speak properly—"
"Oh! That's the old me. Wala na akong pakealam sa kaniya… I mean, my old self. Is there have any problem of changing my personality? Huh?" Tinaasan ko pa ito ng aking kaliwang kilay pero kita ko naman na hindi siya makapaniwala sa akin.
O hindi siya maka-react kasi nga nagulat siya na ganito lang ang trato ko sa kaniya? Kahit na alam ko naman na prinsipe siya rito.
'My parents is also a Queen and King, but I never call or treat them as what they are. Lol. So, in the end, I'm doomed.'
"W-well… That's a nice part of you. Ang section mo ay nasa dulo lang nitong building na ito, wait… how did you forgot your room?" Pagbabago naman niya ng usapan nang may mapansin na kakaiba sa aking itinanong.
Kung kaya't napaismid na lang ako at nag-isip na ring maglakad papalayo. "Cause I want too. You know, change for the better." Ngumiti pa ako nang pilyo saka nilampasan na rin siya.
May mga studyante pa rin dito ang hindi umaalis. May patuloy pa rin ang nag-vi-video at may iilan na masama ang tingin sa akin dahil sa paraan ng pagsasalita ko sa prinsepe na kinahahangaan nila.
May maipagmamalaki naman talaga ang tumulong sa akin. Malaki ang biceps niya, labas ang litid nito sa kamay hanggang sa palad. Mahahaba ang mga daliri, maporma, tulad na lang ngayon na naka-long sleeves slim fit shirt siya na tinernuhan ng blue trousers with a belt in it. Ang pang-apak niya ay isang black sneaker. Ang laki pa ng size.
Ang pagmumukha naman ay sakto lang sa pagiging pogi sa akin. Hindi siya gwapo at hindi rin pangit, wala naman kasing pangit na nilalang ang ginawa ng may lalang sa atin.'Yun lang mga taong kung makapanghusga sa kapwa, ay akala mo perpekto na sila.
"Hindi ka ba magpapasalamat sa akin?" Habol na tanong nito matapos kong makalayo sa kanila.
Didiretso na rin sana ako sa kanang daan na ito pero hindi ko pa nagagawa kasi nga bigla na lang siya ulit nagsalita.
Naalala ko rin na hindi maganda ang estilo ng seksyon dito dahil sa nangyari kanina. Ang lakas kaya ng impact ng pagkakatama ko sa pader. Pasalamat ako hindi ako masyadong napuruhan.
Pero bakit nga kaya?
"Fine, sorry and thank you for saving my life from the ugly creatures who almost eat me. And please, pakiayos ng room, hindi makakapag-aral ang mga studyante kapag sira ang kwarto nila. Salamat!" Kumaway pa ako rito at tumakbo an rin para lang makalayo.
Hindi sa ako'y nahihiya, naalala ko na baka kanina pa nagsisimula ang klase sa amin. Sapagkat alam ninyo na nasa huling seksyon ako kaya walang alam ata ang mga nasa dulo na may nangyayaring pelikula pala rito.
Kaso ngayon nauunawaan ko na... magkaparehas nga kami ng school nitong si Reilly pero magkaiba kami ng seksyon. Atleast sa room may pagkakasalungat, kapag nagkataon na magkaparehas pa baka isipin ko na ito na siya ang aking great great great great grandmother.
'Ang baba pala ng pagiging matalino ni Reilly. Akala ko magiging matalino na ako kapag nandito ako sa mundo niya, mas lalo pa lang bumagsak. Haist! Grabe!'