SAVYRAH'S POV:
*At Eclipse Section*
*Tok. Tok. Tok*
Katok ko sa pintuan ng huling classroom na ito. Sa katapatan naman nito ay isang bangin na kapag titingin ka sa ibaba ay makikita mo ang isa pang building na ang daan ay papunta sa may gate. Para walang mangyaring aksidente rito ay gumawa ng harang na made in stone ang headmaster or may gawa ata.
Kaso nagtataka naman ako sa nangyayari sa loob ng room, bakit ang tagal namang buksan? Wala bang teacher sa loob? O baka sadyang late na talaga ako?
"Haist. I need to do it again." Wala sa sariling bigkas ko at saka itinaas muli ang aking kamao para sana'y kumatok sa pinto.
Pero hindi ko na nagawa pa kasi kusa na itong bumukas at bumungad sa akin ang tahimik na classroom, at saka ang estudyanteng lalaki na nakatingin sa akin nang nagtataka.
"Bakit ngayon ka lang pumasok, Reilly? O-oh… naalala ko nga pala na hindi ka marunong makipagkomunikasyon sa iba." Napapakamot na lang ito sa kaniyang batok habang alanganin na nakangiti sa akin nang may maalala siya.
He's wearing a loose long sleeves shirt and a loose black pants. May necktie rin siya na suot na may tatak ng logo ng school namin. Hindi siya mataba at hindi rin payat, kumbaga ay nasa katamtaman lang ang kaniyang sukat. But he likes to wear loosen clothes, and it's kinda weird also cute when it comes to him.
Singkit ang kaniyang mga mata, hindi ganon kakapal ang kaniyang labi, kulay brown ang kaniyang kulay ng balat (hindi itim), hindi ganon kanipis ang kaniyang labi pero mapula ito, at napansin ko rin na matangkad siya. Ang taas niya kasi compare sa akin na ang liit-liit, pati sa ibang mundo ang unfair pa rin sa akin ng height. Naging pantay lang ang mundo sa akin kapag pinag-uusapan ang ilong. Tama lang ang laki at haba nito, hindi siya matangos na matangos o 'di kaya'y pango.
Kaso ang mas napansin ko rito ay ang nasa likuran niya. I mean sa loob ng room nila nang libutin din ng aking mga mata ito.
'They are only four students? Where's the other students and also the teacher?' Tanong ng aking isipan.
"Nasa'n ang iba pa?" Biglang usal ko sa lalaking ito.
Kaso ganon na lang ang pagtaas ng aking kaliwang kilay nang mapansin siyang napanganga at dahan-dahan pang ginalaw ang kaniyang kamay papunta sa kaniyang bibig. Nang maglapat na ito, ay saka lang nagpakurap-kurap ang kaniyang mga mata na akala mo ay nakikipagbiruan ako.
"Y-you… you're talking to me now…" may pautal-utal pa niyang saad sa akin habang hindi pa rin nawawala ang kaniyang pagkagulumihan sa mukha
"Masama ba 'yon? For the changed." I cheerfully said before I walk in.
Tuluyan na nga rin akong napansin nang iba at lahat sila ay hindi makapaniwala na nandito na ako. Why?
Ilang araw ba akong nawala? Sa pagkakaalam ko, humigit sa lima na ata?
"Sa wakas! Kompleto na rin tayo!" Tuwang-tuwa na sigaw ng nag-iisang babae sa loob ng room.
Apat lang sila at kung isasama ako ay lima na kaming lahat. So, ibig sabihin wala na talagang iba pa na papasok... kundi kaming lima lang?
"Bakit lima lang tayo?" Out of nowhere kong tanong.
Wala kasi akong kaalam-alam. Pero si Reilly, panigurado na alam niya at magtataka ang apat na ito.
"Ginamitan ka ni Farah ng kapangyarihan 'no? Kaya wala ka ng maalala." sabay turo pa nitong lalaki na kulay yellow ang buhok at malaki ang mata.
Sinasabi rin ng kaniyang mga mata na tama ang kaniyang hinala. Kahit sa totoo lang ay wala talaga akong maintindihan.
"He he he parang ganon na nga... wala na akong maalala, mabuti na lang may tumulong sa akin noong muntikan na akong mamatay sa pagkalun—"
"Ano?! That's insane! It's against the law of the school. Bawal pumatay ng mga studyante," bulalas na saad ng lalaki na may dimple saka taling sa kaniyang ibabang labi.
Siya lang din ata ang mahilig na sumuway sa palatuntunin ng headmaster sa loob ng school na bawal ang magsuot ng pambahay na damit.
Feeling at home rin ito sa room namin, wala siyang pakealam kung anong posisyon niya sa upuan. Nakaupo siya sa lalagyan ng mga ballpen o papel habang ang kaniyang mga paa naman ay nakasandal sa isa pang gawa sa kahoy na upuan.
Ang daming upuan na nandito, kakaunti naman ang studyante. Weird.
"Unless, Hansley... kung nasa labas tayo ng school. We can do what we want. We can kill if we want too." Sabay irap pa nitong babae sa nagngangalang 'Hansley.'
Samantalang ako naman dito ay unti-unti na ring may nalalaman. Not all, at least may alam na ako kahit papaano.
"Lugar ba talaga ito ng mabubuti o ng masasama? Naging baliktad na ata ang mundo." Tanging komento ko sa sinabi nila bago ilagay ang aking palad sa aking baba. Napalingon pa ako sa buong paligid at pinagmamasdan ito nang maigi.
Pero nagulat na lang ang aking sistema nang may umakbay sa akin mula sa kanan kaya napagawi ako rito. Ito pala 'yung lalaking nagbukas ng pinto kanina.
"Pati yata ikaw, Reilly. Naging baliktad na rin ata ang ugali mo, it's not you." Tiningnan pa ako nito nang seryoso kung kaya napalunok ako ng sariling laway.
Gusto kong umiwas sa mapanuri nitong titig kaso naalala ko na mas mabubuking ako. Kaya nakipaglaban din ako sa tingin niya. Matira ang matibay.
"Yeah! Napansin din namin. Pero alam mo naman ang mga nangyayari ngayon, Clyde. Kapag nasaktan ka nang paulit-ulit, sino bang hindi magbabago? Kaya maganda na rin 'yan kay Reilly, at least kaya na niyang patunayan na hindi siya mahina." Depensa naman ng lalaking may kulay dilaw ang buhok. Napalayo na rin ng tingin itong lalaking ito na si Clyde. Kaya malaya na rin akong napasulyap sa lalaking iyon.
Siguro sa section na ito, siya ang masunurin at sumusunod sa batas ng school. Malinis ang kaniyang yuniporme. Ayos ang pagkakalagay ng necktie niya sa manggas ng kaniyang long sleeves shirt.
"Pero gusto ko pa rin ang dating Reilly na kilala ko. Kaso hindi ko naman siya nakakausap kaya ayos na rin ito. Siguro naninibago lang ako sa dating niya. You know... she's talking to me now. And I'm happy!" Tuwang-tuwa na saad nito bago ako ulit akbayan habang hindi pa rin nawawala ang kasiyahan sa kaniyang mukha.
"Us too! Not only you!" Angil naman ng tatlo pa saka binigyan ng masamang tingin ang lalaking ito na napapangiwi na lang bago kamutin ang kaniyang batok gamit ang kaliwang kamay.
"He he he oo na! Oo na!" Napailing-iling na lang ako pero sa loob-loob ko ay masaya akong nakikita silang masaya.