Light Beneath The Dark 17

1320 Words
SAVYRAH`S POV: Nakahalumbaba lang ako sa aking kinauupuan habang naghihintay ng guro na paparating sa room namin. Pairap-irap pa ang aking mga mata sa tagal nito. Ang mga kaklase ko naman ay masaya pa na wala sila, kanina pa nila ako inaaya na maglaro ng baraha pero umayaw naman ako. Nasa sahig ang mga ito. Naka-cross ang mga paa habang busy sa kanilang ginagawa. Nag-iingay rin kung sino ang natatalo sa kanila, minsan ay nagmumurahan sila at mag-aasaran. But, that's all part of their friendship. Walang ibang meaning 'yun sa kanila. At sa totoo lang din ay kanina pa ako bagot sa loob ng room na ito, gusto kong umalis o lumabas man lang kaso pinagsabihan nila ako na bawal daw. Masita pa ako ng mga royalties kapag nakita akong pagala-gala. 'Bakit ang mga royalties? Hindi rin ba sila nasa labas?' *Kring. Kring. Kring.* "YES! LUNCH TIME NA!" Malakas na sigaw ng apat na 'yon at sabay-sabay pang nagsitayuan sa kanilang pagkakaupo sa sahig. Nag-stretching pa ang mga ito ng kanilang katawan bago ako balingan nila ng tingin. Nakangiti pa sila nang napaka-creepy. Napangiwi ako sa binibigay nilang titig at nauna na akong umiling-iling. "Tara na, Reilly! Let's go to the cafeteria! Libre lang ang pagkain kaya 'wag ka ng matakot pa sa bibilhin mo." Masiglang sabi sa akin nitong si Clyde. Inakbayan na naman niya ako sa aking balikat na hinayaan ko na lang. Ganito rin naman ang mga kapatid ko, kaso ang pagkakaiba lamang ay magkasing-tangkad lang kami nitong si Clyde. Mas mataas pa sa kaniya sina Hansley at Dillian. "Hindi ako natatakot sa bibilhin ko, ang inaalala ko lang ang mga babaeng mukhang engkanto. Pero naalala ko na nasa infirmary si Witch, sarili niyang kapangyarihan ito rin pala ang magpapahamak sa kaniya." Napailing na lang ako habang inaalala ang nangyari kanina. Hindi talaga ako makapaniwala. Kailangan pa ba natin ng kapangyarihan sa mundo, kung ito rin naman ang magpapahamak sa atin sa dulo? " Si Farah 'yon, she deserved it. Kung nasa infirmary siya, wala kang alalahanin pa. Kaya tumayo ka na r'yan bago pa man tayo maunahan ng mga studyanteng mapanghusga." Wala na akong nagawa nang si Aira na ang humila sa akin patayo. Tinulungan pa siya nitong si Clyde kaya hindi na ako makakatakas pa sa kamay nila. Masyadong big deal talaga sa kanila ang pagbabago ni Reilly kaya nilulubos-lubos na nila na makalapit sa akin at maramdaman ko na hindi sila balakid o problema. Kahit sa totoo lang ay naiinis ako sa mga ikinikilos nila. 'Pag pinagpapatuloy nila ay naalala ko lang ang mga kapatid ko na hanggang ngayon ay gusto kong makita. "Tara! Let's go!" Malakas na sigaw nitong si Hansley saka nauna na siyang lumabas sa room. Habang ang dalawa naman na sina Aira at Clyde ay nakahawak sa aking dalawang kamay. "Mukha ba akong may ginawang masama? Grabe naman kayo makakapit sa kamay ko? Tatakas ako? Tatakas?" Sarkastikong tanong ko sa mga ito at pilit na inaalis ang mga kamay nila sa akin pero mas lalo nila pa itong hinigpitan. "Aray! Sakit naman! Baka gusto ninyong makatikim sa akin." May inis sa aking boses dahil sa sakit na nararamdaman. "He he he! Sorry na, Reilly. Baka lang kasi na tumakas ka, first time pa naman naming makasama ka sa mga oras na ito. Bakit ba ngayon ka lang nagbago? Sa tagal na nating magkasama at pam-bu-bully ng mga akala mo makapangyarihan, saka ka lang nakaisip na mag-iba... kung kailan pa talaga malapit na tayong magtapos." Nagtatampong tugon sa akin nitong si Aira. Isinandal niya pa ang kaniyang ulo sa aking balikat habang nakayapos naman nang hindi ganon kahigpit ang kaniyang braso. Hindi na rin ako umangal o nagkibo sa naging akto niya, actually kanina pa ako hindi masaya sa atmospera ng school na ito. Medyo nilalamig ako kaso itinatago ko lang. Kaya kailangan ko talaga ng body heat sa kaniya kaysa naman sa lalaki pa ako napunta. Medyo weird pa naman 'yon sa iba. Napansin ko rin na si Caleb lang ang tahimik sa tabi ko. Ang dalawang sina Hansley at Dillian ay nagkwekwentuhan ng mga kung anu-ano. Tungkol lamang sa buhay nila at masisingit naman ang mga studyante sa Monstreus High na kilala lang nila. May balak makisama sa usapan namin si Clyde kaso hindi niya magawa. Hanggang sa dumating na nga kami sa cafeteria na hindi pa puno. Maaga pa naman ata. Kinse minutos ata ang inilagi namin sa paglalakd bago makarating nang tuluyan lang dito. Hindi ko na nga sana balak pumasok dahil sa estatwa ng babaeng may sandata sa kanang direksyon namin kung pupunta man kami sa cafeteria. May nag-uudyok talaga sa akin noon pa man kahit na nasa tunay kong mundo pa ako, gusto nitong lumapit ako sa kaniya kaso hindi ko magawa-gawa dahil sa mga bully na studyante. At mapupunta sa Guidance Office kahit na hindi ko naman kasalanan. "Alam kong maganda ang statue na 'yon, pero huwag kang lalapit sa gawi nito," pabulong na saad ni Aira sa akin at parehas ko'y nakatingin din pala siya sa direksyon ng estatwa na 'yon bago ako hinila papasok sa loob ng cafeteria. "May nagsasabi na may sumpa ito, kung sino man ang magbalak na hawakan ito ay mawawalan ng kapangyarihan. Kaya mag-iingat ka, kahit na gaano pa kaganda 'yan sa ating mukha. May itinatago pa rin 'yan na kayang sirain ang buhay mo." Dagdag na sabi pa nito sa mga katagang inilabas niya kanina at pinaupo na ako sa katabi ni Hansley. Nasa dulo kami ng cafeteria. Akala mo ay parang maliit lamang siya sa labas, nasubukan ko na iyon noong nasa totoong mundo pa ako. Maliit lang talaga ang pwesto ro'n. Kaso nasa mundo kami ng magic, lahat ay posible na. Ikaw na lang talaga ang magugulat sa mga nakikita mong kakaiba. "Anong order ninyo? Kami na lang ang kukuha nitong si Aira. Sabihin na ninyo bago pa magbago ang aming isipan. Baka isa-isa tayong pupunta sa counter para lang mag-order." Banta nitong si Hansley sa amin. Masyado rin siyang advance mag-isip. "Same as before, parang hindi naman tayo palaging magkakasama. Kaya si Reilly na lang ang tanungin natin, ano bang gusto mong kainin?" Sabay turo naman nitong si Clyde sa aking direksyon. Siya ang katapat ko sa upuan na ito na pa-rectangle. Apat lang ang nakareserba sa bawat hanay. Napakibit balikat naman ako sa tanong niya bago maisipang magsalita." Kahit 'yon na lang din na order ninyo. Hindi naman ako mapili sa pagkain. I can also eat humans flesh." "Eew! Ano ka demonyo?" Sabay-sabay na sagot ng mga ito sa aking sinabi pero ngumisi lang ako at napa-cross arm na lang. Naisipan na lang din ng dalawa na umalis sa aming direksyon para pumunta sa counter at mag-order ng kakain. Inilibot ko na lang din ang aking mga mata sa paligid. May mga nakatingin sa aming gawi mula sa aking kaliwang direksyon. Hindi sila makapaniwala na nandito ako sa harapan nila, may iilan naman ang itinaas pa ang kanilang notebook at may nakalagay ro'n na offensive words. Bullying without using mouth or fist. Lalaki ito na kulay pula naman ang uniform niya. Maybe, he's a fire user. Depende raw sa uniform mo ang kapangyarihan mo, kung simple lang at paiba-iba ang iyong isinusuot sa loob ng school, ay isa kang low class students. Pagbibigay ng impormasyon sa akin ni Dillian habang naglalaro silang apat ng cards. Kaya niyang mag-multi task kahit na gaano pa 'yan kalala o kahirap na gawin. Hindi niya rin sinasabi sa guro ang talento niya, sapagkat alam niyang napaka-walang kwenta nito. Ibang-iba sa mga talento ng studyante sa loob ng paaralang ito. At ang mga low class students na 'yon na tinutukoy niya , ay kami mismo. Oo—mismong 'Eclipse Section', ang tinatawag nilang patapon na studyante. Kung kaya't walang mga guro ang pumupunta kasi wala rin daw nangyayaring kakaiba. And that's how Monstreus High works. And it s*cks.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD