SAVYRAH'S POV:
"So, who's here? Kailan ka pa natutong makisama at sumabay sa mga studyante na ito? Huh, Nerd?" Pananabat ng isang babae matapos niyang makalapit sa aming direksyon. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya sapagkat masyado akong pokus sa aking pagkain.
Kaso may nag-uudyok na lingunin siya kaya ginawa ko na lang din. Hanggang sa maging isa itong pangingilatis sa buong pagkatao ng babae.
Desente ang pananamit nito, kulay gray ang kaniyang pang-itaas na damit, at kulay pink naman ang skirts niya na may belts pa na maliit. May logo ito ng school. Ang necktie naman niya ay ginawa niyang ribbon. She also had a doll earrings and doll necklace.
'A doll manipular?' Hula ko sa kapangyarihan ng babae depende sa nakikita kong kasuotan nila.
Pero gaano ba karami ang bully ni Reilly? Hanggang sa pagkain ba naman ay mayroon pang e-extra? Hindi ba pwedeng time first muna? Isipin na muna naman nila ang pagkain bago sila mam-bully?
Mygod! Where is their brain?
Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit may kamukha siya. Kaso imposible rin naman, hindi 'yon mahilig sa hard make up. At lalong hindi rin siya 'yung tipo ng babae na mahilig sa pink.
Kaya imposible na siya ito. Imposible na siya si—
"Pwede ba, Sarah. Manahimik naman kahit kailan 'yang pam-bu-bully mo kay Reilly. Bumalik ka na lang kaya sa pinanggalingan mo para kuntento kami rito." May inis sa boses nitong si Aira sa babaeng akala ko ay hindi totoo.
Pero shocks! She's Sarah the annoying doll lover?
Paano siya napunta rito? A-at… A-at nakikilala niya ba ako? Huwag naman sana, ayokong ma-guidance office na naman ako dahil sa kaniya. Punyeta siya! Hindi ko pa rin naalis sa aking isipan ang ginawa niya noon.
'Kaso, t-teka… paano siya napunta rito? Ano bang nangyayari?' naguguluhang tanong ng aking isipan kung bakit nandito si Sarah sa mundo ng Monstreus High kung nasa mundo naman namin siya.
Hays! Ang gulo!
"So what? Saka huwag ka ngang assuming na babalik pa ako sa walang kwentang lugar na 'yon, 'no! And for your information, hindi mo ako pwedeng diktahan sa aking ginagawa. Because… you're just a piece of trash." Mapang-uyam na sabi nito kay Aira saka ngumisi pa nang nakakaloko.
Katulad na katulad niya talaga si Sarah, masyadong matapang sa mahina pero hindi naman magawang maipagtanggol ang sarili sa masasama.
"Bakit ikaw? Hindi ka rin ba mukhang basura?" Walang gana kong pananabat naman sa babaeng ito.
Sa pagkakaalam ko kasi hindi ko naman mukha at katawan ito kaya magagawa ko na ang gusto ko. I don't care about what will the cost of it.
Napansin ko naman ang gulat sa mukha ng lahat ng mga tao sa loob ng cafeteria na ito. Maski si Sarah ay napasinghap sa narinig, napapikit pa ito at mariing iniyukom ang kaniyang mga kamao.
"What did you say?!" May panggigigil sa tono ng boses niya at sobrang diin pa niya kung ibigkas ang mga kataga.
"Hmm… nothing. Did I say something wrong that made you felt embarrassed? Huh?" Ngumiti pa ako nang malawak at saka isinandal ang aking kaliwang baba sa aking balikat.
"How dare you to talk to me like that? Hindi mo ba naalala kung ano ang nagagawa ko sa iyo?" May banta sa tono ng boses niya kaya napaisip naman ako bago umiling. At naging sanhi ito upang mas lalo siyang nagalit sa akin. "Then, I'll make you my doll!" Galit na dagdag niya sa akin bago iharap sa akin ang kaniyang kanang kamay.
Nakita ko ang papalabas na kulay abong liwanag sa palad niya, pero may nakahalong pink na hindi ganon nakikita. Kung marunong kang magkilatis sa paligid ay mapapansin din 'yon agad.
Hanggang sa ang liwanag na iyon na nanggagaling sa palad niya ay napunta sa aking mukha. Napakurap-kurap naman ang aking mga mata, itinaas ko na rin ang aking kanang kamay para lang paypayin paalis ang usok na iyon. Dahil sa tindi ng amoy na parang isang patay na palaka, at hinaluan ng dumi ng kalabaw, ay saka ako napatayo sa aking pagkakaupo. Pinipilit na lumalayo sa mabahong inilalabas ng kaniyang palad.
Tuwang-tuwa pa ang babae sa ginagawa niya, maski ang iba ay galak din sa kanilang nakikita. At ang mga mukha naman ng ka-seksyon ko ay nag-aalala nang lingunin ko sila.
"Just wait everyone, and you will see my new doll." Matalinghaga niyang tugon sa mga ito at pangiti-ngiti pa sa aking direksyon.
"Shuta naman! *Cough* *Cough*. Anong klaseng amoy ba ito?! Urgh! Hindi ako magiging manika, tanga! Mamatay ako sa baho niyang inilalabas ng palad mo!" Inis na singhal ko sa babaeng ito at patuloy pa rin na inilalayo ang mabahong liwanag.
Hanggang sa mapagdesisyonan ko na lang na takpan ang aking ilong. Baka sakali na ito ang solusyon sa hindi ko na paglanghap nito.
Kaso hindi pa rin ito tumitigil, patuloy na nagsusumiksik sa aking ilong at naging sanhi para ako ay tuluyan na ngang mahilo. Papikit-pikit na lang ang aking mga mata bago ko maramdaman na naging manhid ang aking mga paa.
Unti-unti na ring bumabagsak ang aking katawan sa sahig na ito nang may sumalo sa akin sa muntikang pagkakabagok sa paroroonan ng aking ulo.
"Go to the guidance office now!" Malakas na sigaw ng isang lalaki na nahahalataan ko o nakikilala ko ang boses. Baritono at sobrang lalim nito, may halong pagka-otorisado rin na parang siya ang batas. Hindi ko matansya kung hanggang saan sa kaloob-looban ko ang pagsalita niya. "You're such a pain in the ass." Dagdag na sabi pa nito sa akin bago ako mawalan na talaga ng malay.
***
(At the Infirmary room)
Nagising ako sa kulay violet na kama, at puting kisame. Inilibot-libot ko pa ang aking mga mata sa buong paligid para lang malaman kung nasa'n ako. Kaso wala akong makita kahit ni isang clue man lang, masyadong plain ang paligid, walang kahit na gamit man lang. Ang kama lang talaga ang natatanging kakaiba na isa naman na hindi nakaka-offend sa akin.
I love violet color.
"Mabuti naman gising ka na," aniya ng isang tono ng matinis pero maliit na boses.
Kaso nang libutin ko ang buong paligid ay wala akong nakita na taong nagsasalita, hanggang sa maisip ko na iangat ang aking ulo. At doon ko na nga natagpuan ang isang fairy na nakangiti sa aking direksyon bago siya lumaki sa aking harapan.
Ngayon ay nakita ko na ang buong mukha niya na masasabi talagang goddess of beauty. Bagay rin sa kaniya ang suot na pang-doctor.
Dahil sa nakita ko ay tuluyan ko na ngang napagtanto kung nasa'n ba ako. Naalala ko na rin ang eksena na nangyari sa cafeteria, hindi nga ako naging manika pero nahilo naman ako at nawalan ng malay dahil sa lakas ng amoy ng nilalabas ng palad ni Sarah.
"T-teka… sino ang nagdala sa akin dito?" Taka kong tanong sa babaeng doctor na umasikaso sa akin nang maalala ko ang huling eksena.
May tao talagang tumulong sa akin. Pero hindi ko naman matukoy kung sino ba ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.
"Ah! Siya ba? Hindi ko alam kung bakit lumabas siya sa lungga niya. Pero ang swerte mo bata, si Headmaster Klein ang tumulong sa iyo sa mga bully mo. Alam mo bang hindi 'yon umaalis sa opisina niya at lalong-lalo na kapag oras ng break time. Kaya ang swerte-swerte mo talaga." Tuwang-tuwa na puri nitong babae sa akin samantalang ako naman ay hindi maipinta ang pagmumukha.
'Paano naman naging swerte ako? Oo nga masaya ako na dumating siya at nailigtas ako. Kaso ang sabihin na ako lang daw 'yung kayang blah blah blah blah blah. Masyado namang mababa ang kaligayahan nila. Hayst! Ewan daw!' Reklamo ng aking isipan sabay kamot pa sa aking ulo sa matinding frustration.
Kaso nahihiwagaan talaga ako sa headmaster na 'yon. Sino kaya talaga siya at bakit may kaboses talaga siya?
'Who really are you, Headmaster Klein?'