Light Beneath The Dark 19

1424 Words
SAVYRAH'S POV: Napag-isipan kong pumunta sa Monstreus Garden nang sumapit ang gabi. Alam kong wala ng tao rito sapagkat uwian na. May sabi-sabi rin noon na may nakakatakot daw na huni silang naririnig dito, pero para sa akin ay isa itong paraiso. Saka naging tambayan ko na rin ito, kung nandoon ako sa mundo ko. Katulad na katulad talaga ng school na ito ang pinapasukan ko. Kaya nakaka-miss ang dalawa kong kuya na palagi akong binubungangaan at tinatanong sa bagay na ayoko. Sana hindi na lang nangyari ang aksidente na 'yon, sana bumalik na ako sa mundo ko. Ayoko na rito, gusto ko ng umuwi at yakapin ang mga mahal ko sa buhay. Kung hindi sana nangyari ang aksidente sa daan hindi ko makikita ang kalunos-lunos na bagay sa aming tatlo. Tatanggapin ko na lang din ang hiling ni Mommy sa akin para sa ikabubuti ng buhay niya. "I miss you all." Mahinang bulong ko sa hangin at tumingin pa sa kalangitan. Bigla na lang din lumakas ang hangin, at dumilim ang itaas. Hindi ako natinag sa pagbabago ng panahon, ang nararamdaman ko lang ngayon ay pangungulila at ang pagkawala ng minamahal. Napansin ko rin na parang may bumagsak na mainit na likido sa aking kaliwang mata na bumaba sa aking pisngi hanggang sa tumama na ito sa aking leeg. Itinaas ko naman ang aking kaliwang kamay at saka ito pinahiran. "This is my first time to see you crying, my daughter." Nagulat na lang ako sa narinig kong boses. Hindi ako nagkakamali, alam kong ganitong-ganito ang tono ng boses niya. Malamig at may pagkalalim kung magsasalita siya. Pero isa lamang ba itong panaginip? Totoo bang nandito siya? "D-dad?" Utal na banggit ko sa taong unang pumasok sa aking utak. Dahan-dahan pa akong humarap sa aking likuran. Napayukom din ang aking mga kamao upang pigilan ang sarili na umiyak nang makita ang ama kong nakatitig sa akin, lalong-lalo na sa mga mata ko na punong-puno ng pangungulila. Patuloy rin ang pagbagsak ng aking luha sa aking mga mata. Gusto kong tumakbo, gusto kong lumapit sa direksyon niya, at damhin ang kaniyang katawan. Baka sakali na kapag ginawa ko 'yon ay hindi na siya mawawala sa aking tabi. Ayokong magising ako na hindi pala totoo ang lahat ng ito. 'Paano mapupunta si Daddy rito kung nasa ibang mundo naman ako?' sambit ng aking isipan kaya napayuko ang aking ulo. Pumikit na lang ako at pinapaalam sa aking sarili na hindi ito totoo. Saka paano niya rin nalaman na anak niya ako? Hindi naman sa akin itong katawan na ito. Baka ibang tao ito, baka si Tatay Hairo lang pala ito na sinusundo na ako pero ibang nilalang ang nakikita ko. Sa sobrang pagka-miss sa totoong magulang ko... lahat na lang ay makikita ko na hindi naman talaga totoo. Kaso ganon na lang ang gulat ko nang may humawak sa aking dalawang balikat. Hindi ganon kaangat ang ginawa ko, tiningnan ko lang ang dalawa niyang braso, nakita ko ro'n ang dalawang marka ng buwan at araw. Nasa kaliwa ang marka ng buwan at sa kanan naman ang araw. Alam kong iisang tao lang ang meron nito, isang parte ng pagkatao ko na mas gusto ko pa kaysa sa ibang tao. Kaya doon na ako tuluyang bumigay, mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit. Wala na akong pake kung isa lamang ba itong panaginip o hindi. "Daddy... I miss you, daddy. Miss ko na kayong lahat." Mahinang pagpapaalala ko rito. Naramdaman ko rin na niyakap niya ako pabalik. Isang yakap ng ama na nagungulila rin. "Ako rin, hinahanap kita kung saan ka ba napunta—saan kayo napunta ng mga kuya mo. Pero hindi ko lubos maisip kung bakit napunta ka sa ibang katawan..." Mabilis akong napakalas sa yakap na ito nang marinig ang mga katagang lumabas sa bunganga niya. Hindi lang talaga ako makapaniwala, tiningnan ko nang tuluyan itong nasa harapan ko, at nalaman ko talagang hindi talaga siya ibang tao. Si Daddy nga ito, ang tunay na ama ko na mahal ko despite being a strict father. "H-how?" Iyon na lang ang lumabas sa aking bunganga habang nilalagay sa aking utak ang lahat, inaalam ko rin nang maigi ang iba pa niyang sinabi na hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan ang ipinupunto niya. "I'm not a human, Sa—" "Reilly, dad. I am Reilly in this world." Pagpapatigil ko naman agad sa sasabihin niya. Baka lang ay may nakikinig o nakakakita pala sa amin. Di sira na naman ang buhay ko at mabalita na naman ito a buong Monstreus High. "Don't worry, Savyrah. Walang makakakita sa atin dahil kaya kong mag-invisible ng mga bagay o maski tao. And they can't hear us too, ang Monstreus Garden na ito ay isang enchanted, walang nakakapasok dito maliban ang mga royalties." Nakangiting pagsasabi nito sa akin. Ina-assure lang sa akin na walang makakaalam sa tunay na pagkatao ko. "B-but how... paano mo nalaman na ako pala ang anak mo? Sa sobrang ganda ko, tapos napunta lang ako sa gitna ko lang? Mas maputi nga siya, pero mas maganda ako. Kaya paano?" Nagtataka kong tanong dito sa taong ito. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya nasabing anak niya ako kung nasa ibang katauhan naman ako. Katulad din ba siya ni Avies na kayang makita ang totoong ikaw? Pero masyado raw na 'rare' ang gano'ng bagay. Out of 1 people in Monstreus World can have this ability. "Because of how you talk and your attitude. Alam mo bang walang tao ang nagsasalita nang ganiyan? And for your information, kid, lahat ng mga nilalang dito ay gustong magkaroon ng kapangyarihan. Tanging ikaw lang ang umaangal o ipinaglalaban pa rin na kaya mong lumaban kahit na alam mong talo ka." Napanguso naman alo sa aking narinig. Kasalanan ko bang hanggang dito sa mundong ito ay nadala ko ang totoong pagkatao ko. Saka hindi ko rin naman kayang magpanggap na ibang tao, nakakaasar kaya ang ganon. And of course, masyadong mahirap. "Malay ko ba, ako na ang may mali," "Mali talaga 'yan. Alam mo bang mas mapupunta ka sa delikadong pagsubok kapag pinagpatuloy mo pang ipinaglalaban ang prinsipyo mo..." "Hindi naman mali 'yon. Kaya kong lumaban nang walang kahit anong kapangyarihan, I can use different types of weapon—aray!" Inis na singhal ko nang wala siyang pakundangan na piningot ang ilong ko. Napahawak naman ako ro'n matapos niyang gawin 'yon at saka hinimas-himas para mawala lang ang sakit. "Dapat 'yan ang sinasabi mo. Ang tapang mo nga, poploks ka naman kung minsan." "Poploks talaga, dad? Iniba mo lang naman 'yung b—oo na na nga hindi na nga sasabihin. Grabe ka namang makatingin." Napangiwi na lang ang aking bunganga sa matalim niyang pagtitig sa akin. Pero sa huli ay napabuntong hininga na lang siya nang mahina bago ako muling hinawakan sa aking kanang balikat. Napalingon naman alo ro'n saglit saka nagugulumihang lumingon sa kaniyang mga mata. "Basta anak tatandaan mo lang na lumayo ka sa mga taong alam mong masisira ang buhay mo. Kaya kong tulungan ka kapag nasa loob ka ng paaralang ito, pero huwag na huwag kang gagawa ng kung anong magpapahamak sa iyo sa labas dahil hindi ko na sakop ito. Huwag mong kakalimutan ito, naiintindihan mo ba?" "Yes, dad. Grabe ka talaga magsermon, nawala bigla ang pagka-emo ko dahil sa iyo." Nakasimangot turan dito na ikinailing na lang siya bago ngumiti nang tipid. "Alam mo bang liwanag ang kapangyarihan ng babaeng hinihiraman mo ng katawan?" "Po? Talaga? Paano ko ito mailalabas, daddy? Tulungan mo kaya ako." Ngumiti pa ako nang malawak para lang mapapayag ko siya kaso hindi ko nakuha ang gusto kong sagot. 'Ano pa bang aasahan ko sa taong ito?' "Kaya mo na 'yan, anak." "Paano naman, dad? Hindi ko nga alam kung ano ang—" "Concentrate, feel your power, and also train yourself para lumabas nang kusa ang kapangyarihan mo. Paalam muna anak. Kapag may kailangan ka ay pumunta ka lang dito at banggitin ang pangalan ko na palagi mong sinasabi sa akin noon. Nandiyan na ang magsusundo sa 'yo, nag-aalala na rin ang mukha nito. I'm happy because you change the personality of her towards her parents. Do it, daughter. But don't forget that you also have a real family." Iyon na lang ang sinabi niya sa akin bago siya mawala nang tuluyan sa aking direksyon. "Hmmpp! Lagi namang nang-iiwan." Reklamo ko sa taong hindi man lang ako hinihintay sa sasabihin. Hindi pa nga ako nakakapagpaalam. Saka kaya ko ba talagang ilabas ang kapangyarihan ni Reilly? Di susubukan. Wala namang mawawala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD