SAVYRAH'S POV:
"Saan ka nagpunta kagahapon, Reilly? Alam mo bang hinahanap ka ni Mr. Weyn kasi sinabi na namin sa kaniya na pumasok ka." Nagtatakang tanong sa akin nitong si Aira sabay hawak pa sa aking kaliwang balikat.
Nakaupo siya sa armchair sa katabi kong upuan habang malapit naman ang kaniyang mukha sa aking direksyon.
"Huh? Akala ko wala ng pumapasok na guro sa room na ito? Saka sa pagkakaalam ko nasa infirmary ako kahapon. Remember, ang baho ng inilalabas na kapangyarihan noong Sarah." Pagpapaalala ko naman sa kaniya sa nangyari sa cafeteria.
Napangiti naman siya nang alanganin sapagkat napansin niyang nagkamali nga siya ng sinabi sa akin.
"Oo nga pala, bakit ko ba nakalimutan? Saka sila rin kayang tatlo. Pero talaga? Mabaho ang kapangyarihan ni Sarah? Akala nga namin ay magagawa ka na niyang bagong manika, kaso iyon ang narinig namin mula sa iyo. Kaya pala panay ka paypay nang paypay sa mukha. Pero ang nakakapagtaka lang… bakit hindi sa iyo tumalab ang kapangyarihan niya? Huwag mong sabihin na kaya mong labanan ang abilidad ng mga taong narito?" Hinawakan pa ako nito sa aking dalawang pisngi at pinaharap sa kaniya. Mapanuri niya pa akong tinitigan samantalang ako naman ay hindi na maipinta ang aking mukha.
Pinipilit ko pang inilalayo ang aking mukha sa kaniya ngunit patuloy lang niya akong inilalapit sa kaniyang direksyon.
"Ano ba? Wala naman akong itinatago. Saka hindi ba ninyo naamoy ang inilalabas noon? Hindi ba gumagana ang mga pang-amoy ninyo?" Naiinis na tanong ko rito.
At sa wakas ay tuluyan na nga niya akong inalis sa pagkakahawak. Napaupo na ito nang maayos sa armchair habang ang kaliwang kamay ay inilagay niya pa sa ibabang labi niya. Malayo ang kaniyang iniisip, hindi ko ma-reach kung hanggang saan.
"Wala 'e. Ang nararamdaman lamang namin kagahapon ay ang pag-aalala. Sino bang hindi kung makikita namin na mawawala na ang isa naming kaeskwela, magiging kulang na ang Eclipse Section. Pero kung 'yun nga ang naamoy mo, siguro may nagpoprotekta lang sa iyo na hindi mo alam," konklusyon niya bago muling lumingon sa aking direksyon. Ngumiti pa siya nang nang-aasar. "Hindi mo ata sa akin sinasabi na may minamahal ka na pala kaya ganiyan ang pagiging protektado niya sa iyo."
"Huh?" Iyon na lang ang lumabas sa aking bunganga sapagkat wala akong maintindihan sa sinasabi niya.
"Don't deny it, Reilly! You had a boyfriend." Ngumisi pa siya nang malawak at sakto rin na nagsipasukan ang tatlong kalalakihan na nakanganga pa sa aming harapan habang pabaling-baling ang tingin sa akin at maski kay Aira.
"Anong boyfriend? Pinagsasabi mo r'yan, Aira. Si Reilly magkakaroon ng minamahal? Ngayon pa nga lang nagawang makipagkomunikasyon sa iba, ha ha ha! Patawa ka!" Tumawa pa nang pagak itong si Hansley bago niya hampasin sa kanang balikat ang katabi niya sa kaliwa na si Clyde.
Masama namang tingin ang ipinukol nitong si Clyde kay Hansley. Animo ay isang tigre na handa ng manginain, lumabas pa ang gilagid nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa lalaking napangiti na lang pero humihingi ng tulong ang kaniyang mga mata. Palingon-lingon pa ang ulo nito sa iba't ibang direksyon. Hindi na alam kung ano ang gagawin.
"Tama ka, pre. Hindi totoo na magkakameron ng boyfriend si Reilly kasi kagahapon pa lang siya nakikipag-usap. You're right." Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Clyde at ngumiti pa nang malawak sa kaibigan na hindi na maipinta ang mukha.
Nakangirit pero nakadikit ang mga ngipin sa isa't isa. Tumalikod pa ito kay Clyde habang ang kaniyang mga kamao ay kumuyom.
"Ano bang uri ka ng nilalang, Clyde?" Paniningit naman nitong si Dillian na nagtataka na rin.
"Syempre, isa akong magician." Proud na sagot pa nitong lalaking ito sabay saludo pa.
"Magician your face. Hindi mo nga magawang makontrol ang kapangyarihan mo." Umikot pa ang mga mata nitong si Aira pagkatapos niyang sabihin ang ganoong kataga.
"Atleast may kapangyarihan. Paano mo masasabing hindi ka magician? Baka patay ka na ganon kung hindi ka katulad natin. Duh?!"
"Anong sabi mo?"
"Wala."
Napapailing na lang ako sa dalawang ito. Para silang aso't pusa.
Pero dahil sa sinabi ni Aira ay bigla akong may naalala. 'Yung usapan namin ni Daddy. Hindi sana kami matatapos kung walang sisingit sa eksena. Saka wala rin naman akong magagawa, nasa katawan ako ni Reilly kaya kailangan ko ring gampanan ang pagiging anak nila kung hindi ay baka deadbols na ako sa lugar na ito.
'Ay hindi rin pala, kukulitin ko si Avies na makikitulog na lang ako sa bahay nila. Malaki rin naman iyon at maraming mga kama.' Salungat din ng aking isipan bago ipilig ang aking ulo.
Kailangan kong gawin ang iniuutos sa akin ni Daddy. I'll make him proud of me.
"Ey guys, I need to go now. May gagawin lang pala ako." Paalam ko sa mga ito at saka tumayo na sa aking pagkakaupo. Hindi ko na rin isinama pa sa pupuntahan ko ang bag na 'yon.
Babalik din naman ako kapag nagkataon.
"E saan ka naman pupunta, aber?" Nagtatakang tanong sa akin ni Aira pero kumaway lang ang aking kaliwang kamay at nagmadali na ngang tumakbo papalayo.
***
(Monstreus Garden)
"Concentrate raw. Paano naman ang pag-co-concentrate?" Nagugulumihang tanong ko sa aking sarili habang nakaupo sa lupa.
Bakit ba wala si Daddy rito? Hindi niya ba ako—
"Aww!" Inis na reklamo ko nang may hangin na humampas sa aking ulo. Parang hindi na nga hangin 'e, parang isang palad ng tao na abot na ata sa tuhod ko ang pagkakasapok.
Ang lakas 'e.
" Close your eyes and feel your power, I mean her power." Maotoridad na utos sa akin ng lalaking alam ko na agad ang tono ng boses.
Napasimangot na lang ako sa naging entrada niya at ginawa na nga ang iniuutos niya. Pumikit na lang ako habang ang akin namang kamay ay naka-cross arm.
Muli na naman akong nakaramdam ng hampas sa aking ulo na mas lalong ikinainis ko. Sana hindi ko na lang pala tinawag sa aking utak ang taong ito. Magtuturo na nga lang parang bossy pa. Lagi namang tiklop kay Mommy.
"Ilagay mo sa magkabilang tuhod mo ang dalawang palad mo. Magseryoso ka naman kahit ngayon lang, Savyrah."
"Oo na lang po," pangsusuko ko kay Daddy at ginawa na nga ang sinabi niya.
Ipinatong ko ang aking dalawang kamay sa aking tuhod. Pumikit muli ako bago damdamin ang buong paligid.
Concentrate…
Concentrate…
Concentrate…
Concentrate…
'Where are you na? Kailan ka ba sa akin magpaparamdam? Hindi ba ako karapat-dapat sa kapangyarihan na ito? Kung ganon, sabihin mo sa akin ang dapat kong gawin. Ipapakita kong ito'y karapat-dapat sa akin.' Seryoso kong banggit sa mga katagang ito kahit na hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga salita na ito.
Basta na lang nag-pop up sa utak ko na sinalita rin naman ng isipan ko.
Naghintay pa ako ng ilang minuto, nag-concentrate nang maigi kaso sumapit na ata ang isang oras ay wala pa rin akong nararamdaman.
"Wala naman 'e! Ano bang klaseng buhay ito?! Gusto ko lang naman patunayan na may ambag din naman ako sa mundong ito." Sabay dilat ng aking mata at bumagsak sa damuhang sahig na ito.
Nakita ko ang kalangitan na tinatabunan naman ng matataas na puno na maliit lang ang dahon nito. Patuloy lang siya sa pagtaas nang pagtaas.
"Wait—the Prince of Ice is coming to your place. Galangin mo siya, anak. Siya ang may mas mataas na ranggo sa mundong ito. Call him Prince Cooper, okay? Not in his name. You got it, Savyrah? I need to go, now. Bago pa man niya maramdaman ang presensya ko. Act like you don't know he's coming, goodbye." Mabilis na babala niya sa akin bago ko maramdaman na wala na akong kasama sa aking kanang direksyon.
Ginawa ko na nga lang ang sinabi ni Daddy at nagpatuloy lang na nakahiga sa d**o. Pumikit ako habang dinadamdam ang kapaligiran lalo na ang hangin na dumadaan, maski ang alikabok na hindi naman ganon kasakit sa paghampas sa aking mukha.
Nararamdaman ko na rin ang yabag ng lalaking ito na naglalakad sa aking direksyon.
'Act like you don't know he's coming with your place.'
"Paano ba mailabas ang kapangyarihang ito? Parang tanga lang, mas masarap pang humawak ng mga sandata't baril tapos dagger. Hay! Sarap ng—" bago ko pa man matapos ang aking sasabihin ay bigla na lang may umepal na tao sa aking harapan.
"What are you doing here?" Idinilat ko naman ang aking kanang kamay para makita ang pagmumukha ng taong ito.
Kaso ganon na lang ang pagkilos ko nang mabilis. Tumayo ako sa aking pagkakahiga at nagmadaling yumuko sa harapan ng prinsipe na ito.
Bakit walang nagsabi sa akin na may maipagmamalaki rin pala ang anak ng hari sa kaharian na ito sa larangan ng mukha?