Light Beneath The Dark 21

1211 Words
SAVYRAH'S POV: "Magandang umaga, Prince Cooper." Pagbati ko nang may paggalang sa taong nasa harapan ko. Imbis na ngumiti o magbati sa akin pabalik, ay wala siyang pasabi na iikutan niya pala ako. Tinitingnan nang maigi ang aking buong katawan, at paano gumalaw ang aking paa sa damuhan. Hindi naman ako natatakot, I'm just felt uneasy in the way he look at me like this with a cold stares. "Why are you here? Who give you permission to enter this place? Are you one of the royalties? A daughter of the Duke, or just a trespasser?" Malamig na tanong nito sa akin at tumigil na nga sa pag-ikot. Nasa harapan ko na siya ngayon at nakatingin sa akin nang may mapanuri ang mga mata. "E-eh? Pardon? As far as I know, this is enchanted. May nakapagsabi na rin sa akin na hindi makakapasok—" "Don't talk to me like that, Ms. Low Class." 'Low Class talaga? Grabe rin naman itong manglait. Hindi ba pwedeng kahit ibang pangalan na lang ang banggitin niya, huwag lang 'yang tawag na 'yan.' Reklamo ng aking utak habang pinapanatili ang saya sa aking mukha kahit sa loob-loob ko ay hindi ko kayang makipagplastikan sa taong nasa harapan ko. "E-eh… Sorry, Prince Cooper." Muli akong yumuko sa harapan niya pero umismid ako nang palihim. "Tsk. Answer my question with honesty. Or else I'll gonna punish you—" "Aba grabe naman 'yan, sinabi ko na nga ang rason ko kung bakit nandito ako tapos paparusahan pa ako? Ano bang batas ang nagbabawal sa isang studyante na makapasok dito? Saka ang garden na rin ang nagbigay permiso sa akin na makapunta sa loob, kaya ang graden lang din ang may karapatang paalisin ako rito. Grabe namang pagpaparusa 'yan, hindi makatao." I burst out my anger because of what he said. Napansin ko naman ang pagkagitla niya sa pagkawalang respeto ko. Napaatras pa siya sa kinaroroonan niya pero unti-unti rin na nagbago at naging blangko. "Don't talk to me like that. I am…" "Yes, you are the Prince of this world. Nagagawa mo ang mga bagay na gusto mo, pero masama na bang gawin ang gusto ko? I just want to go out and do everything to make this power—" "Tsk. Stop." Pagpapatigil niya sa akin na agaran ko namang iginawa. "Ganiyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?" "Hindi, ako lang ang nagbago. Lahat ay nagbago," 'Pati ang aking katawan at mukha ay hindi ko na nakikita. Unti-unti ko na ring nakakalimutan kung sino o ano na ba talaga ako?' Ito sana ang gusto kong isunod sa aking sasabihin pero magtataka ang lalaking ito at baka isipin pa na kaaway pa ako ng mundong ito. "Gusto mo ba talagang matutunan ang kapangyarihan mo? And I already know who you are, Reilly Weist, right?" Pangongorek nito sa akin na ikinatango ko naman. "Ako nga, may iba pa ba?" 'Pwera na lang kung bumalik ako sa sarili kong katawan at maski si Reilly ay nabuhay.' Salungat naman ng aking isipan. "But… nevermind. Kung gusto mo talagang mailabas ang natatago mong kapangyarihan, then you're willing too about my decision," "Huh? Decision? Ano namang desisyon? Saka huwag na lang 'uy! Baka 'yang desisyon mo na 'yan ay ipapakain mo ako sa piranha—" "What is piranha? Where did you find that word, huh? And how can piranha eat you? Is he a monster?" Tiningnan pa ako nito nang seryoso matapos may marinig na hindi niya alam ang kahulugan. Nagsabi pa ng kung anu-ano na hindi naman kaparehas sa tinutukoy ko. "Isang uri ng lamang dagat na matatalas ang mga ngipin, maliit din ito. Saka nakita ko lang siya sa isang libro tungkol sa ibang mundo. Nag-re-research ako tungkol sa mga hayop at buhay na nilalang sa mundo natin. Kaya naisipan ko na tingnan din naman ang mundo ng iba." Nakangiti kong pagayag pero nasa isipan ko na sana ay maniwala sa akin ang lalaking ito sa mga pinagsasabi ko. Bakit ko pa ba kasi naibubulalas ang mga bagay na wala na rito sa mundong ito? Saka kung ano pa talaga ang kinatatakutan ko, siya pa ang naisabi ko? Nga naman... anong klaseng pag-uutak ang meron ka, Savyrah? "Hmm... Is that so, I see how you improve a lot. 4 days being absent in this school, huh? So, handa ka bang kunin ang offer ko?" "Huh? Offer? Ano namang offer?" Napakamot pa ako sa aking batok dahil hindi ko alam kung ano na ba ang pinag-uusapan namin ngayon nitong prinsipe na ito. Saka hindi rin sinabi ni Daddy kung saang kaharian ba ito o anong kapangyarihan ang meron itong si Prince Cooper? Siguro kailangan ko na talagang mag-aral nang palihim sa bahay tungkol sa kanila at sa mundong ito. Dapat hindi na ako tamarin, kung marunong akong magtaas ng karapatan ko, kailangan ko ring tulungan ang aking sarili na lumago pa ang pagkakaroon ng laman sa aking utak. "Tutulungan kitang palabasin ang kapangyarihan mo kapalit na hahayaan mo ang mga kaibigan ko na mapalapit din sa iyo?" "Huh? Sino ba 'yang mga kaibigan mo at saka hindi naman ako espesyal. Pati nga mama ko parang gusto na lang ibalik ako sa kaniyang t'yan, pero dahil masyado na raw akong malaki ay huwag na lang." Nagtataka kong tanong dito sa prinsipe na ito. Hindi ko talaga maintindihan ang tumatakbo sa utak nito. Kanina masyadong blangko ang mukha at saka ang tono ng boses ay sobrang lalim, mas malalim pa kaysa kay Daddy. Hindi siya baritono pero malalim siya kung magsalita. Ngayon ay nagbago na, napalitan na ito ng ngisi at parang may binabalak pang hindi maganda sa naiisip niya sa desisyon na ito. 'Oh, no!' "I'm curious about who really you are. And this is the consequence of talking to me in disrespectful ways. So, deal or no deal?" Wow, pati pala sa ibang mundo ay naglalaro rin pala sila ng ganito. Ang kaibahan lang ay hindi pera ang makikita mo, kundi kung ano ang mangyayari sa akin kapag tinanggap ko ito. Pero kung hindi ko tatanggapin, wala ring magtuturo sa akin, alam kong nandiyan lang o nanonood lang ang matandang hukluban na 'yon sa amin. Kapag nalaman niya na may magandang oportunidad, sige lang siya nang sige basta mapagkakatiwalaan niya. Kaya hindi na ako magtataka kung ipagpipilitan din niya ako na pumayag sa ganitong bagay. Saka tama rin naman din si Daddy if ever na mag-deal ako. Malalaman ko ang kapangyarihan ni Reilly, at kung mangyari man 'yun, baka sa huli ay may maiisip na ako kung paano ako babalik sa tunay na kaanyuan ko. "I'm waiting, what's your answer?" Napa-cross arm pa ito sa aking harapan habang nakatingin sa akin nang may pagkadeterminado na hihintayin niya nga ako sa sagot ko. Nagpalabas na lang ako nang mahinang buntong hininga at dahan-dahang tumango. "Okay, it's a deal." Iyon na lang ang tanging nailabas ng aking bibig na ikinangisi niya nang demonyo. "That's great. Then, I'll introduce you to them. Let's go." Utos niya sabay hawak pa sa aking kanang braso. Hindi na lang din ako nag-angal pa. Pero sa totoo lang ay masyadong mabilis naman ang lalaking ito. Kakasagot ko pa lang 'e, hindi ba pwedeng bigyan pa ako kahit ng kunting time man lang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD