Light Beneath The Dark 22

1232 Words
SAVYRAH'S POV: Nakarating na nga kaming dalawa ng lalaking ito sa isang mala-palasyong bahay na ito. Kinaliligiran ng magandang mga bulaklak ang harapan, samantalang may mga butil naman na dust ang bumubuhos sa puno na malago ang sanga, nandoon ang mga pixie na patuloy ang pagbagsak ng kanilang mga dust. Iba-iba ang kulay kaya nakakabighani itong pagmasdan. Kaso hindi kami nito pinapatamaan, kundi ang bubong lamang ng bahay kung kaya't nagkakaroon ng kulay na hinalo-halo. "Wow, ang ganda huh," Nakangiti kong wika sa katabi ko habang pinagmamasdan pa rin ang mga dust na gawa nila. Naglalakad pa rin kaming dalawa para makalapit na nang tuluyan sa bahay nila. Pansin ko rin ang pagkagulumihan nito. Nagtataka siyang nagtanong sa akin," How did you see them? They're invisible." "I don't know. Baka nagpakita talaga sila sa akin, or isa sa abilidad ko na ngayon ko lang tuluyang natutuklasan." Tanging naisagot ko na lang sabay kibit balikat pa. Wala rin akong alam kung bakit nakikita ko ang mga bagay na ito o mga nilalang na ito kung pinoprotektahan pala ito ng mga royalties. Siguro isa ngang ability ni Reilly. Baka nga unti-unti ng nagpaparamdam sa akin ang kapangyarihan nito, kaso bakit hindi ko feel na may masakit or what na palagi kong nakikita't nababasa sa mga fairy movies or tales. "Maybe, you're right. Mauna ka muna," utos niya sa akin sa malumanay na salita pero nandoon pa rin ang kalamigan. "Hindi ba pwedeng ikaw na muna? Ikaw naman ang royalties, so royalties first." "It's ladies first. Just do what I've said before they notice us." Walang gana nitong sabi sa akin na ikinatango ko na lang kahit na gusto kong umangal pa. Nauna na nga akong pumasok sa pintuan na gawa sa kahoy na pininturahan ng kulay purple at sa gitna naman nito, ay may nakasabit na word na 'BEWARE.' Ipinagsawalang bahala ko na lang ang nakikita ko bago tuluyan na ngang makapasok sa loob ng kanilang bahay. Sakto rin na may paparating na tao sa aming direksyon. Nang lingunin ko ang harapan ko ay nakita ko ang lalaking hindi ko expect na makikita ko ngayon. 'Pero bakit kailangan ko pang magulat kung isa rin naman siyang royalties.' Salungat naman ng aking isipan at saka naisipan na rin na yumuko sa direksyon nito. "Magandang umaga, Prince Kaze." Magalang na pagbati ko sa lalaking ito at muling tumayo nang maayos. Ngumiti naman siya nang malawak sa akin saka inilahad ang kaniyang kanang kamay sa aking harapan. "You're that girl who fight back with Ms. Dhina? And you are the girl who can't talk back nor communicate with the others, before? Right?" Pangongorek ni Prince Kaze habang nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pagkamangha. Tanging tango na lang ang aking isinagot, hindi ko rin alam kung ano ang magiging alibay ko. Hindi naman ako nabuhay na walang nangyayaring gulo, hindi rin ako katulad ni Reilly na hahayaan na lang ang bully na saktan at gawin ang gusto nila sa akin. Maganda rin naman ang laging malapit sa gulo, para naman mawala ang pagka-bored ko sa school na pinapasukan ko. Hindi naman ako katulad nila na matalino at may alam. Masyadong bagsak ang kaalaman ko sa lahat. Tamad din pala ako na alamin ang mga dapat na matutunan ng utak ko. "By the way, I am Kaze. Don't be to formal to me. Dinala ka rito ni Cooper, so it's mean, he trusted you—" "I am not." Mabilis na pagsingit naman ng lalaking nasa likuran ko at naglakad ito sa aking harapan kung kaya't ang nais na sanang paghawak ng aming mga kamay ay hindi na nangyari. "Yeah, he isn't. I'm just here because of his so called 'deal'. So… yeah, that's it." Komento ko rin sa naging sagot ni Prince Cooper. "Huh? Deal? Ano namang deal?" Nagtatakang tanong ng mga taong kakarating lang din dito sa aming direksyon. Isang babae lang ang nandito at sa tingin ko ay pati sa royalties iisang babae lang din ang kasama nila. Masyadong tiwala naman ata ang mga magulang nito, pero may kamukha ang babae sa kaliwag direksyon niya. Parehas kulay blue ang mga mata nila at lalong-lalo na ang bracelet na suot din nila. Or… magsyota ata sila kaya magkahawig na sila. Maybe, I am wrong too. "I—" "Gusto niyang pumayag ako sa alok niya na makisalamuha sa inyo kapalit ng pagpapalabas ko ng kapangyarihan ko. Hindi na rin ako makaimik nang hawakan na lang niya ako sa braso at hinila papunta rito. Pero nagtataka lang ako kung nag-iisip ba ang prinsipe ninyo o sadyang hindi siya nag-iisip na magkakaroon ng problema sa mga studyante kapag nakita nila akong kasama ninyo. Hindi ko rin naman gustong makisalamuha sa inyo dahil mga prinsipe at prinsesa kayo. I know my limitations—" "You know your limitations, but you already disrespecting us." Salungat naman ng lalaking nasa harapan ko at lumingon pa sa akin nang may seryoso ang kaniyang mukha. He also rolled his eyes because of annoyance. "My family said so," kiming sagot ko na lamang at saka napakibit balikat pa ako. "Really? Wow, so ibig sabihin sakit ka sa ulo ng mga magulang mo? Mabuti hindi ka nila sinasaktan. Kasi kapag sa amin, mahirap ang parusa 'e. You know, we need to respect our King and Queen even he/she's our parents." Salaysay naman nitong babae sa akin habang may pamangha-mangha pa ang kaniyang mga mata. "Well, they are too..." 'Muntikan na akong mawalan ng hininga dahil sa mga pinaggagawa sa akin ng mga magulang ko. Lalong-lalo na kapag pinipilit ako ni Mommy na sumali sa isang Mafia Family. Habang ang ama ko naman ay pinaparusahan ako kapag nakikita niyang mas malaki ang pinsalang nagawa ko sa mga nakaaway ko. At maski ang magkambal na ginawa akong laruan kapag bored sila sa bahay.' Mahabang komento ng aking isipan kasi hindi ko magawang sabihin sa kanila dahil hindi ko naman sila kilala. "Wow! Bakit hanggang ngayon hindi ka pa rin nadadala? Hindi ka ba nababahala na maparusahan sa pagiging walang respeto mo lalo na sa aming mga mas mataas pa sa iyo?" Nagugulumihang tanong sa akin ng kamukha ng babae. "Hindi, mas nakakatakot pa ang mukha ng mga magulang ko kaysa sa inyo. Pero kahit na ganon man sila ay hindi ako nadadala. Kaya kahit na mamatay man ako ay wala akong pake. May respeto naman ako, 'yun lang hindi ko alam kung saan ko ba itinago. Hahanapin ko na lang mamaya kapag nakatulog na ako." Ngumiti pa ako sa kanila nang malawak pero kita sa kanilang mga mata na hindi sila makapaniwala. Sino nga ba? Sa sinabi ko nga, hindi ako si Reilly. At hinding-hindi ako magiging katulad ni Reilly na masyadong makahiya. Kaya kong rumespeto sa isang tao kung nakikita kong deserving sila sa respetong ito. At saka kahit na mga royalties ito ay may mga pagkakataon pa rin na hindi lahat ng katulad nila ay mapagkakatiwalaan. Kaya dapat lahat ng mga sekreto ng aking pagkatao ay hindi dapat lumabas, pasalamat na lang ako sapagkat may kaibigan akong nakilala rito na binigyan pa ako ng sets na makakatulong sa akin na mas lalong pangalagaan ang aking sarili sa mga nilalang na wala pa akong kaalam-alam. Ang tangi ko lamang gagawin ay bantayan ang bawat ikinikilos ng aking katawan at pigilan na may maisiwalat na kung ano. Kung hindi, ay tiyak na chimbog ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD