SAVYRAH'S POV:
(Next Day)
"Talaga bang hindi ka na magpapasabay sa akin, anak? Kaya mo na ba talagang mag-isa? Hindi na rin ba magbabago ang isipan mo na sa Monstreus High ka muna maninirahan hanggang sa matapos ang iyong taon doon?" Takang tanong sa akin ni Tatay Hairo nang malaman niya na hindi na ako magpapasundo pa.
"Opo, tay. Saka huwag na rin po kayong mabahala sa akin, kaya ko na po ang sarili ko. Natutuwa nga po ako na hindi na ganon ang trato sa akin ng mga studyante, mayroon pa rin pa naman pong mga makukulit na studyante na hindi nadadala. Kaso hindi na ganon kalala, kaya 'tay huwag ka ng mag-alala pa sa nag-iisa mong anak. Sapagkat ako'y magiging okay lamang. Ha?" Ngumiti pa ako nang malawak saka siya niyakap nang may pagmamahal.
Gumanti naman din siya sa yakap ko at hinagod-hagod pa ang aking likuran.
"Nagpapasalamat ako sa ating makapangyarihan na nagbago ka na. Ayos lang sa akin na ganiyan na ang ugali mo, ang mahalaga ay nararamdaman ko na at pinapakita mo na sa amin ng nanay mo na mahal mo kami. Iyon lang ang gusto ko magmula ng isilang ka at lumaki. Akala ko talaga'y ayaw mo sa aming nanay mo na mahirap lang at walang maipagmamalaki. Pero masaya akong malaman na hindi ka nahihiya," madamdamin na wika sa akin ni Tatay Hairo habang pasinghot-singhot pa ng sariling sipon sa matinding emosyon.
Napangiti lalo ako sa narinig ko, ang kaninang siyang nagtatapik sa aking likuran ay nagkapalitan. Ako naman ngayon ang nagpapatahan kay Tatay Hairo, pinaparamdam ko na nandito lang ako kahit na ilang buwan lang ako na hindi magpapakita sa kanilang dalawa ni Nanay Dema.
"Ako rin po, Tatay Hairo, nagpapasalamat ako dahil hindi ninyo ako pinagalitan noong nawala ako. Maliban na lang kay Nanay Dema na grabe ang galit sa akin sapagkat ako ay masyadong pasaway na anak. Pero tahan na po kayo, kailangan ko na po talagang pumunta sa aking paaralan para maayos ko pa ang aking mga gamit." Pagkalas ko sa aming yakap na dalawa saka itinuro pa ang isang bag na akala mo ay kakaunti ang laman dahil hindi halata rito na marami itong damit.
Isa itong magic bag na kahit anong ilagay mo ay mananatiling maluwang ang loob nito. Dito lang sa mundo ni Reilly makikita ang mga bagay at nilalang na hindi totoo sa naturang tirahan ko.
At saka parang unti-unti ko na ring na-ipapasok sa aking pagkatao ang lugar na ito, dahan-dahan ko na ring tinatanggap nang malumanay ang kinaroroonan ko ngayon. Nandito naman si Daddy at ngayon ko lang din nalaman ang ipinupunto niya.
My brother also reincarnated here in the Monstreus World, pero mukha nila raw ang ginagamit. Ngunit hindi sinabi ni Daddy kung nasa'n sila. I think ako na naman ang gagawa ng paraan para magkita-kita kaming tatlo. Si Mommy na lang ang problema ko, kahit na ganon siya ka-strikto at ka-bayolenteng ina ay pinapahalagahan ko pa rin siya't iniidolo.
"Oo nga pala, anak. Sige! Sige!" Ngumiti pa ito sa akin at kitang-kita ang kaliwanagan sa kaniyang mukha. Hinawakan pa ako nito sa aking kanang balikat at saka ito pinisil." Mag-iingat ka ro'n. Alam kong matanda ka na at darating ang araw na mag-aasawa..."
"Grabe naman si Tatay Hairo. Asawa talaga? Asawa agad ang nasa isipan mo? Hindi ba pwedeng magkaroon muna ng relasyon at saka sampong taon na pagsasama naming dalawa bago namin maisipang magpakasal?" Salungat ko naman agad sa sinasabi nito. Hindi nagustuhan ang ipinupunto nito.
Kakaiba rin itong ama ni Reilly, suportado pa sa anak na magkaroon agad ng asawa. Si Daddy nga ay kunting kita pa lang sa akin na may kasamang lalaki, ay para itong manginginain. Dagdagan pa na may kapatid akong dalawang lalaki at magiging resbak pa ito ni Daddy. Kaya walang nagkaka-interest na lumapit sa akin dahil may nakabantay na mga mata.
"Ay basta! Gusto ko na bago pa man kami mamatay ay magkaroon man lang kayo ng..."
"Paalam, 'tay Hairo. Huwag mo muna pong isipin ang pag-aasawa ko, hindi pa po talaga ako handa sa ganiyang bagay. Sa susunod po nating pagkikita!" Pinulot ko ang bag na nasa aking tabi lang sa ibaba sabay takbo palayo sa ama kong hindi ako titigilan kapag patungkol na ito sa mga bagay na gusto niyang sundin ko.
Mas pabor pa nga ako sa kagustuhan ni Daddy kaysa kay Tatay Hairo. Hindi pa naman ganon katanda ang edad ko, 20 years old pa lang naman ako kaya masyado pa akong bata rito.
Ilang taon ba pinapakasal ang mga kababaihan o kalalakihan dito ng mga magulang nila kaya ganito sila ka-open minded na magkaroon na ng asawa o anak ang kanilang mga anak?
***
"You already late. Sinabi ko na sa iyong hihintayin kita pagkapasok mo sa gate na ito kapag sumapit na ang ika-otso ng umaga," seryosong sermon sa akin nitong lalaki na kanina pa pala nag-aabang sa akin sa gate na pinasukan namin ni Avies noon.
Nakasuot siya ng hood na itim at nakatabon ito sa kaniyang mukha, saka mayroon din siyang suot na face mask para itago ang kaniyang ilong at bibig. Kulay itim din ito. Favorite color niya yata ay itim din tulad ng akin. Pero ang kaniyang pang-ibaba naman ay simpleng black pants lang na kulay itim din. Parang hindi siya prinsipe kung magsuot. Hindi siya tulad ng ibang mga anak ng hari't reyna sa mundo ng Monstreus World na kung magsuot ay sosyal na sosyal. Pinapainggit pa ang estado nila sa mga mababang tao.
Kaso naalala ko na parang hindi naman ganon katagal ang pag-uusap naming dalawa ni Tatay Hairo. Kung kaya't napalingon agad ako sa relos ko na ngayon ko lang naisipang gamitin, regalo ito ni Tatay Hairo sa anak niyang si Reilly, sobrang elegante ng relo na ito, gawa sa ruby ang handle ng relos niya. At ang loob naman nito na kinalalagyan ng mismong orasan na may numero at mga arrow ay may bumabagsak na iba't ibang kulay na parang isang snow drops, ang kaibahan lang ay pinong-pino na parang sa alikabok ng mga pixies. Kumikinang din ito na hindi masakit sa mata kung pagmamasdan, pero ginawa ko na lang ang kailangan ko. Kaso ganon na lang ang pagkatakhan ko sa aking nakita.
Ganon? Ang bilis naman ng oras talaga?
"Grabe naman, limang minuto lang naman ang lumagpas sa usapan natin. Saka kailangan ko lang talagang pilitin si Tatay Hairo na huwag mag-alala sa akin. Ngayon pa naman niya nararamdaman na mahalaga siya sa akin, ay saka naman ako aalis. Pero saan nga ba tayo pupunta? Nakalimutan ko na 'e," nakangiti kong wika pero may pag-aalinlangan pa sa kadahilan na may nakalimutan ako na senaryo kagahapon.
Ang naalala ko lang talaga ay makikipagkita kami nitong prinsipe na ito sa gate na ito sa ika-walo ng umaga. 'Yun nga lang... pinaghintay ko siya ng limang minuto.
"Tsk. We're going to—"
"Reilly! Mabuti nakita ulit kita!" Malakas na sigaw ng kung sinuman sa kaliwang direksyon namin nitong si Prince Cooper. Nagawa niya pa ring patigilin sa pagsasalita ang nasa harapan ko.
Ang hindi ko lang nagustuhan ay ang ginawa nitong pagyapos sa akin nang mahigpit na parang ako ay papatayin. Pinipilit ko naman siyang inilalayo sa aking direksyon, medyo hindi rin ako kumportable kapag may yumayakap sa akin nang walang paalam, ako lang dapat ang gagawa.
"E-err! Hey, umalis ka na nga sa akin. ISA, AVIES." May pagbabanta sa aking bunganga nang banggitin ko ang mga katagang 'yon at nagawa ko ring diinan ang pangalan niya para malaman niya na seryoso ako.
Napansin niya naman na hindi talaga ako kumportable sa ginawa niya, ay saka lamang din siya lumayo sa aking gawi.
"He he he! Na-miss lang kita, alam mo bang nakaka-boring sa lugar na ito. Wala man lang akong makakaasaran gaya ng kasama kita. Saka hindi mo sinabi sa akin na pinalitan mo na pala ang boy best friend mo, at ako 'yun. Napakaduya mo talaga!" May pagtatampong tugon na naman niya habang seryosong nakatingin kay Prince Cooper na tahimik lang sa tabi pero nakikinig siya sa pinagsasabi nitong lalaking ito. " May pa-misteryoso pa, akala mo..."
"He's Prince Cooper. You need to respect him, or else, I'll punch you hard before I kick your but*." Babala ko sa lalaking ito na napalaki pa ang mga mata dahil sa pagkagulat.
Hindi inaasahan na ang kinukutya niya ay ang prinsipe na kailangang respetuhin sa mundong ito. Saka kaya ganito ang reaksiyon ko sa narinig, ay dahil ako lang ang may karapatan na gawin ito.
"Patawad sa naging asal ko, Prince Cooper. Hindi ko lang inaakala na magkakaroon ng chansa itong si—"
"Enough. We're in a hurry. Reilly, you need to say goodbye to your FRIEND, and we will go." Malamig na utos sa akin nitong lalaking ito na ngayon lang nakisali sa usapan. Pero nakakapagtaka lang kung bakit diniinan niya ang salitang 'Friend', so weird.
"Okay, alis na kami, Avies. Magpakasaya at maghanap ka na ng mapang-aasawa. Saka kapag nagkaanak kayo, ibigay na lang ninyo sa akin ang bata para ipakita ko sa tatay ko. Masyadong advance, gusto ng magkaasawa't anak ako. Pero ayoko, kaya ikaw na lang ang pag-asa ko. Goodbye!" Nakangiti ko pang paalam dito at hinawakan na ang kanang kamay ni Prinsipe Cooper.
"G—" hindi ko na narinig pa ang gustong sabihin ni Avies sa akin pero halata sa mukha niya ang pagkadisgusto at ang pagtingin niya sa kamay naming dalawa ni Prince Cooper na magkahawak, ay dumilim ang ekspresyon ng pagmumukha niya.
Pero hindi ko na lang 'yun pinansin pa. Ngayon ay iisipin ko na lang ang kahaharapin ko sa pupuntahan naming lugar na pagsasanayan ko. Ang hindi ko lang maalala ay kung saan ba 'yon. Nakalimutan ko na kasi.
Ginamit ni Prince Cooper ang kakayahan niyang makapunta sa ibang lugar gamit lamang ang teleportasyon. Kaya nakarating na agad kami sa destinasyon namin.
Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Isa itong open field na may apat na pader na nakapwesto malayo sa bawat isa. Dalawa sa harapan namin at dalawa naman sa pinakadulo nito. Sa itaas ng pader ay may mga flag na dalawa ang kulay, at saka iba-iba pa sa bawat flag.
"Welcome to the Monstreus Training Field. And in this place, we will train your body in any various exercises. In order to make your power to come out spontaneously, we will also take you on a mission when the Headmaster ask us to help the other kingdom. Are you ready?" Mahabang paliwanag nito sa akin na ikinatahimik ko naman sa aking kinatatayuan.
Handa na nga ba ako? O handa na ba ang katawan ni Reilly na palabasin ang natatangi niyang kapangyarihan?