Light Beneath The Dark 24

1311 Words
SAVYRAH'S POV: "Yes, I am. Wala rin naman akong choice, and I needed it too. Nasa'n naman ang ibang mga kasamahan mo? Huwag mong sabihin na nasa canteen pa sila para bumili ng makakain nila?" Out of nowhere kong tanong na sakto naman na pagdating ng mga ito. Dala-dala pa nila ang binili nilang pagkain na panigurado na sa cafeteria lang makukuha. "Yeah, they are. We have no time to go in Cafeteria if we're here. That's why, sila na mismo ang nag-manage ng mga pangangailangan dito." "Ah, okay. Naiintindihan ko na, pero masyado namang maraming dala itong si Amiros. Ginamit talaga ang kapangyarihan niyang hangin para ikulob ang mga ito sa bawat isa." Itinuro ko pa ang lalaking malawak ang ngiti habang papalapit sa aming direksyon. Kumaway pa ito sa akin bago muling ibaling ang tingin sa kaniyang dala. Nasa pagitan siya nina Save at Kaze. Si Kathy lang ang nakita kong may hawak na inumin na nasa limang litro ng plastic bottles. At si Save naman ay hawak niya`y kulay puting garapon at sa loob ay puti rin na sari-saring kulay. "Lagi siyang gutom, that's why he needed more food," "So, ibig sabihin food lover siya. 'Buti naman hindi siya tumataba?" Mangha-mangha kong saad habang nakangiting nagmamasid sa mga ito na parang mga nag-pa-fashion show pa sa daan. "I don't know. Don't ask me about that." Walang emosyon niyang saad na ikinatango ko naman. Napahalukipkip na lang ako sa matinding kabagutan. Napaupo rin ako sa lupa na alam kong ikinagulat niya. Ginawa ko ring pangsandal ang kanan kong palad na nakasandal din sa tuhod ko na nakalapat sa lupa. "Sorry, we're late." Nakangiting turan nitong si Kathy matapos nilang makalapit sa aming dalawa. Pero napadako ang tingin nito sa aking gawi. "Anong ginagawa mo r'yan, Reilly? Hindi ba't madumi ang lupa na lalapat diyan sa iyong pang-upo?" Nagtatakang tanong nito sa akin na ikinakibit balikat ko na lamang din. "There's no chair in the training area, so, ginawa ko na lang upuan ang lupa," "May sementadong sahig, bakit hindi ka ro'n umupo?" Tinuro naman nitong si Save ang training ground na nasisikatan ng araw. May mga puno naman din dito sa area na ito ngunit hindi saklaw mismo ang gitna. At masyado rin na malakas ang paglabas ng init na nanggagaling sa itaas kung kaya't nadadamay ang iba pang mga bagay. "Mainit 'e. Saka hindi na ba tayo magsisimula? Pero, ano bang una kong gagawin? Basic Training ba, Physical training or what?" Pagbabago ko naman ng usapan para hindi na kami ma-stock pa sa pag-upo ko sa lupa na ito. Hindi rin naman sa akin kaso ang pagdumi nito. Marami naman akong dalang kasuotan na sakto lang din sa akin kahit na kay Reilly lahat ng ito. 'Oh! I remember, kay Reilly nga pala itong katawan kaya hindi posible na magkasya lahat ng dala ko rito.' "It's basic training. But how did you know about that?" Seryosong tanong naman nitong si Prince Cooper kaya napalingon ako sa gawi niya sabay ngiti. Pero sa isip-isip ko ay gusto ko ng saktan ang sarili ko sa pagiging tanga ko kung minsan. "Books. Marami kasi akong binabasa na libro tungkol dito kaya baka ganito rin ang mangyayari sa 'tin. Malay ko ba na tama talaga ang nasabi ko." Kiming tugon ko sa kaniya sabay nguso pa nang iiwas ko ang paningin ko rito. Sana naman ay maniwala ito sa akin, hindi ko naman sinasadya na sabihin 'yon. Ganon ang pinapagawa ng mga magulang ko noong panahon na dinala nila ako sa organisasyon nila para tingnan ko raw kung anu-anong mga pinaggagawa nila. Tinukoy pa nila ang tatlong training na ginagawa ng mga ito: ang Basic Training, Physical Combat Training, at ang huli ay ang Weapon Training. "If that so, then lets proceed to our real intentions here. Ibigay mo na lang kay Amiros ang magic bag mo, at poporma ka naman dito. Kailangan mong takbuhin ang pa-rectangle na training area, sa susunod natin gagawin naman ang Physical Combat Training, if nakita na namin na lumalakas na ang pangangatawan mo, at lalong lumiksi na ang iyong mga kilos sa pagtakbo o kung ano pa man. Do you understand?" Panimula nitong lalaking ito na ikinatango ko naman. Tumayo pa ako sa aking pagkakaupo bago pagpapagin ang aking likuran na punong-puno ng mga alikabok at lalong-lalo na ng lupa. Napalayo pa sa aking direksyon itong si Prince Cooper pero hindi ko siya pinansin, patuloy ko lang pinapagpagan ang aking pang-upo hanggang sa makita ko nang maayos na ako kung kaya't bumalik na ako sa natura naming usapan. "Game na ako. Ano pa bang hihintayin natin?" Nakangiti kong pahayag saka ginalaw-galaw ang aking ulo pakaliwa't pakanan. Nag-warm up muna ako ng aking pangangatawan bago sumabak sa ganitong klaseng pagsasanay. Ayokong sumabak sa training na wala man lang warm up. Kaso ang ipinagtataka ko lang kung bakit ganito ang mga tingin sa akin ng mga royalties. Ano na naman bang mali ang ginawa ko? "Anong ginagawa mo, Reilly? Hindi tayo sasabak muna sa Physical Combat Training kaya hindi mo na kailangan pang gawin 'yan," komento nitong si Kathy na nagugulumihan ang tono. Napakibit balikat naman ako bago tapusin na ang aking pag-warm up. Pinawisan pa ako sa aking ginawa ngunit nararamdaman naman ng aking mga paa na handa na akong sumabak sa takbuhan. Kakayanin ko ito! Para kay Reilly at sa reputasyon niya sa mundong ito! "Naalala ko lang ang mga itinuro sa 'kin ng isang nilalang na nanirahan sa ibang mundo. Hindi ko alam kung totoo ba ito, pero ginawa ko pa rin. Dito ba ang main base ko?" Tanong ko kay Prince Cooper saka itinuro pa ang harapan ko bago ang tatakbuhan ko. Iikot lang naman ko sa Training Area ng mga limang beses. Sa sobrang layo ng tatakbuhin ay nakaramdam ako ng matinding pagkakaba. Napalunok pa ako ng sariling laway ngunit pinapatatag ko ang aking sarili. Inaalala na mas malawak at mas matagal pa ang ginagawa kong pagtakbo noong ako'y nasa poder pa lang ng mga magulang ko. Lalong-lalo na kapag nakagawa ako ng mali sa paningin ng ina ko. "Okay. If that's so, then you need to starts now. You can rest if you want, not that to much. I only allowing you to rest in 1 minute, then run again. Do you understand?" Tanong na naman nitong si Cooper sa akin sa seryosong boses na ikinatango ko pa sabay saludo sa kaniyang boses. Mag-form na rin ako sa kinatatayuan ko, inilagay ko ang aking kamay sa aking kaliwang paa na naka-bend na lalong-lalo na ang aking kanang paa. Samantalang ang kanan ko namang kamay ay nakahawak sa aking tagiliran habang pinagmamasdan nang mabuti ang tatakbuhin kong area na ito. Kung titingnan ay masyadong malapit o madali lang. Pero kung titigan nang mabuti ay malalaman mo ang katotohanan. Hindi pantay ang nakikita ng ating mga mata sa naturang kabuuan nito. Malalaman ko rin ang kasagutan kung ako ay tuluyan na ngang nagsimula sa pagsasanay ko. "Kapag hindi mo nagawa ang pagtakbo sa loob ng limang oras, hindi na namin ipagpapatuloy pa ang pagsasanay sa iyo. Pero kung may ipinamalas kang galing, ay kami na rin mismo ang tutuloy sa pagsasanay mo. Kaya't galingan mo, Reilly. Maaasahan ba namin 'yan?" "Oo naman, Prince Cooper. Hindi naman ako sasama sa iyo kung hindi ako seryoso sa pagsasanay na ito. Kaya simulan na natin para makapagpahinga na ako at makatulog." Komento ko rin dito bago ibaling muli ang tingin sa kaniya na nasa tabi na ng mga kaibigan sa aking kaliwang direksyon. "You need to go. No need the 1,2, 3, and go. Cause it's—" hindi ko na pinatapos pa si Prince Cooper na magsalita. Tuluyan ko na ngang tinakbo ang pagitan ko at ng Training Area na ito. 'Para sa iyo ito, Reilly. Kung nasa'n ka man, sana lumakas din 'yang pananalig mo.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD