COOPER HUME'S POV:
"Sa tingin mo, siya na kaya ang hinahanap nating pang-anim sa mga royalties?" Tanong sa akin nitong si Kathy habang pinagmamasdan si Reilly na tumatakbo pa-ikot sa Training Area na ito.
Kanina pa kami rito na nagmamasid sa kaniya samantalang kumakain naman ang tatlong lalaki na ito, at may galak pa ang mga mukha kapag nakikita si Reilly na nadadapa.
Hindi ko sinabi kay Reilly ang katotohanan kung bakit ko siya pinakilala sa mga royalties. Actually, she's really mysterious to me, and I want to know more about her. May nagtutulak sa akin na kilalanin pa siya lalo. Sino ba talaga siya?
Hindi na siya 'yung babaeng kilala ng lahat na masyadong creepy—hindi siya nagsasalita at nakikipagkaibigan sa iba. At lalong-lalo na hindi siya ganito kapursigido na ilabas ang tunay na kapangyarihan niya.
"Alam mo, Prince Cooper. Parang nasobrahan na ata sina Farah at Sarah sa pam-bu-bully kay Reilly. Siguro sa mga pagbabanta nito at paghila sa ilog na 'yon, baka gustong humiganti nitong si Reilly sa dalawa. There's a point na muntikan nang mamatay si Reilly sa hallway ng school dahil sa kanila... Right?" Pagpapaalala na naman nitong si Save sa nakaraang taon kung saan muntikan na talagang makitilan ng sariling buhay nina Sarah at Farah si Reilly.
Pero laging naliligtas si Reilly dahil na rin kay Prince Kaze kaso wala man lang kahit anong salita ang sinasambit ng babae. Kaya ngayon ay medyo naninibago rin ang lalaking ito sa babaeng lagi niyang nililigtas.
Sa pagkakaalam ko ay may tinatagong feelings si Prince Kaze kay Reilly, ngunit hindi niya 'yon sinasabi sa amin. Kaso halata naman sa kilos.
"Hindi natin kontrol ang isipan ng babaeng 'yan. Even reading her mind. May nagpoprotekta sa kaniya, o kaya na niyang pigilan ang mga tao rito na basahin ang utak niya." Pahayag ko naman sa malamig na boses habang pinagmamasdan pa rin ang babaeng iyon na patuloy pa rin sa kakatakbo.
Malapit na rin siya sa aming direksyon. Halata sa kaniyang mukha ang kapursigihan na matatapos niya ito sa limang oras. Wala pang limang oras subalit nakaka-tatlo na siya.
'What an amazing scene it is.'
"Mas lalong gumanda ata si Reilly ngayon, compare before..." Singit naman nitong si Amiros sa usapan namin ni Kathy pero nang lingunin ko siya ay nakataas ang kaniyang kaliwang kamay habang kumakaway kay Reilly na nakangiti lang sa amin matapos niyang makarating na rito.
Kumaway rin siya pabalik bago lingunin na ang kaniyang harapan. Napansin ko na tagaktak na ang kaniyang pawis, namumula na rin ang kaniyang buong mukha dahil sa init, at lalong-lalo na ang kaniyang tuhod na may sugat na dahil sa pagkakadapa.
Halata sa mukha niya na wala siyang iniinda na sakit. Kahit na dalawang oras na siyang tumatakbo sa napakalayong Training Area na ito.
"Napansin ko rin na hindi na siya gumagamit ng salamin pa, like before na parang ayaw niyang tanggalin sa sarili ang salamin niya. Akala ko nga ay malabo ang kaniyang mga mata. Pero mali pala ako ng kalkula." Naiiling na komento naman nitong si Kaze bago namin siya marinig na mapabuntong hininga.
Sa sobrang lakas ay parang hihigupin na niya rin kami.
"Mas maganda nga sa kaniya na wala siyang salamin 'e. Hindi na siya matatawag na losyang na nerd—" Amiros.
"Speaking of losyang. Napapansin din ba ninyo na parang hindi na rin siya nagsusuot ng mga mahahabang damit at skirts, like before? Look at her now, para siyang lalaki kung umasta. Katulad na lang sa ugali niya ngayon, hindi man lang niya tayo ginagalang—ay kagahapon din pala at ngayon." Natatawang turan nitong si Kathy habang inaalala ang nangyari kagahapon sa dorm namin dahil sa naging akto nitong si Reilly.
Maski rin ako ay nagulat, at lalong-lalo nang hindi natuwa. Pero kung mapatunayan man na isa siya sa amin na matagal na naming hinahanap. Maaari niya kaming tawagin sa kung ano bang gusto niya.
At kung hindi naman, kailangan niyang makatanggap ng parusa.
"Tama na nga ang tsismis tungkol kay Reilly, guys. Tingnan kaya ninyo ang babaeng 'yon, hindi ba ninyo napapansin na mas lalong bumibilis ang kaniyang takbo, compare kanina na nasa middle lang ang bilis niya. At alam ba ninyo na isang takbo na lang, kapag nakarating na siya rito, ay tapos na ang pagtakbo niya. 'Yun nga lang, halata na rin kay Reilly na pagod na pagod na siya. Nakakamangha lang na hindi man lang siya nagpahinga. Is she even normal?" Namamanghang turo nitong si Save kay Reilly na papunas-punas pa ng sariling pawis habang patuloy siyang tumatakbo.
Tama nga ang sinabi nito na ang bilis na nga ng kilos niya, sa pagkakaalam ko ay isang runner noon ang Tatay Hairo ni Reilly, kaya baka sa tatay niya namana ang ganitong kakaibang abilidad sa pagtakbo.
"Ano na bang susunod nating ipapagawa sa kaniya?" Taka namang tanong ni Kaze bago kumuha muli ng sandwich sa loob ng picnic bag na binigay sa amin ni Tita Brianna.
Nanay nitong si Kaze kaya ganiyan ang asta niya sa sandwich na nasa tabi niya. Mabuti na lang alam ni Tita Brianna ang pumapasok sa utak ng anak, kaya nagawa nitong gawing dalawa ang small picnic bag.
Kaso napabalik ako sa tanong nito at saka kinuha sa aking bulsa ng jacket ang maliit na piraso ng papel. Binuklat ko ang papel na hawak ko para makita ko na ang nilalaman nito.
"Next, push ups." Sagot ko sa tanong nito at muling tiniklop ang papel bago ibalik sa kinaroroonan nito.
"Kaya ba ni Reilly 'yon?" Sabay-sabay na tanong ng apat na ito sa akin nang hindi man lang napapansin na may paparating na sa aming tao.
"Ano naman ang tinutukoy ninyo na hindi ko kaya?" Pananabat naman ng taong kanina pa nila pinag-uusapan.
Walang iba kundi si Reilly lang naman.
Hawak-hawak nito ang tuhod habang nakayuko at naglalabas nang maraming hininga. Bumabagsak din sa lupa ang mga pawis na tumatagaktak dahil sa matinding pagtakbo niya. Napadako naman ang aking paningin sa panyo ko na nakalagay naman sa kaliwang bulsa ng jacket ko.
Kinuha ko 'yon sa kinalalagyan at saka tumayo na sa aking kinauupuan sa lilim nitong punong kahoy na nag-iisa lang malapit sa training ground. Naglakad ako sa kinaroroonan nitong si Reilly na hindi man lang napapansin ang aking presensya.
Nang makalapit na ako sa kaniya ay saka ko na rin inilahad ang aking panyo sa kaniyang harapan. Napaangat naman ang kaniyang mukha sa akin at halata ro'n na nagtataka siya sa aking naging asal. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ginagawa ko ito, subalit naalala ko na ganito lang talaga ako kabait sa ibang tao.
Hindi lang makita ng iba kung saan bang banda. Sapagkat kung makatingin ako ay parang manginginain.
'Tsk!'
"Here, punasan mo 'yang pawis mo. And we will give you two hours to rest before we proceed,"
"H-huh?Bakit naman dalawa? Hindi ba masyado na atang matagal 'yon?" Nagtataka niyang tanong sa akin na siya ko namang ikinaismid.
"Be grateful. And don't ask, kung ayaw mong bawiin ko ang sinabi ko. Take it, nangangalay na ako." Walang emosyon kong utos sa kaniya habang ginagalaw ang panyo na nasa kaliwang kamay ko.
Dahan-dahan naman siyang tumayo nang maayos at kinuha na nga ang panyo na offer ko. Ngumiti pa siya sa akin bago itaas ang kanang kamay niya na hawak ang panyo ko.
"Salamat dito. Kailangan ko talaga nito ngayon. Pero pwede bang pakibawasan ng pagpapabango. He he he! Para kasing mamatay ako sa tapang nito. Mas matapang pa sa da—wait, dati na nga ba? Basta sa dating kakilala ko, sinasabi ko lang. Mas nakakatakot pa pala na maamoy ang pabango mo kaysa ang pagtingin mo nang malamig sa mga nakakasalubong mo. Sinasabi ko lang, hindi ako nanglalait." Nakangiti niyang salaysay habang pinampupunas ang panyo ko sa mukha niya.
Napahawak pa ang kaliwang kamay nito sa ilong niya. Napapikit na rin at patuloy na ginagawa ang pagpunas.
Napangiwi na lang ako sa narinig ko, gusto ko ring bawiin ang panyo na in-offer ko para hindi ko na marinig ang kaniyang panlalait.
" Tsk. Pasalamat ka pinagbibigyan pa kita, baka gusto mong gawin kitang yelo." Banta ko rito at saka tumalikod sa harapan niya.
Ayoko nang marinig pa ang sagot nito. Kung ano pa ang magawa ko. Mas gugustuhin ko na lang na makita ang dating Reilly na tahimik at walang pakialam sa mundo. Kaysa sa mapanglait na katulad niya.
"Prince Cooper, mukhang may kaaway ka na ngayon 'a. Saka bago rin 'yan. Hindi tulad noon na masyado kang focus—"
"Shut up, Amiros. Mind your own food." Malamig kong pagpapatigil sa sinasabi nito.
Ginawa rin naman niya ang inutos ko at pinukusan na lang ang sarili sa kaniyang pagkain. Narinig ko pa ang paglunok nito ng sariling laway, habang ang mga kaibigan naman niya ay tinawanan siya. Tinawanan pa nina Save at Kathy ang lalaking napanguso na lang sa pagkain niya.
***
(After 2 hours)
"Push ups? 500 talaga?" Hindi niya makapaniwalang tanong sa akin nang sabihin ko na ang susunod niyang gagawin.
Napansin ko na hindi ito tulad ng mga studyante na kapag nakakarinig na mag-pu-push up sila, ay makikita na agad sa kanilang mga mukha ang takot at pangamba. Namumutla na at parang gusto na nilang umihi sa kanilang mga pantog. Pwera kay Reilly na masyadong nakikita sa kaniyang mukha na pursigido talaga siya.
This is the right leader, that everyone finding. Except her attitude, neither us too.
"Bakit kaya mo ba 'yon, Reilly?" Sabat naman ni Amiros sabay kagat ng sarili niyang hamburger na wala ng palaman na karne ng baboy.
"Oo nga, in 4 hours lang?" Dagdag din nitong si Save at saka tinaas pa nito ang kaliwang kilay.
"Wala namang mawawala kung hindi susubukan? Saka hindi ko nagagawa pa 'yang push ups na 'yan kaya na-e-excite ako sa mangyayari,"
"Na-e-excite ka? Kami nga ay hindi magkanda-ugaga sa reklamo dahil sa 500 ito. Ang sakit kaya sa mga paa at lalong-lalo na sa kamay na gagawa ng paraan para makatayo lang ang katawan mo nang pantay." Reklamo naman nitong si Kathy habang inaalala ang naging training namin noong hindi pa kami nag-aaral sa Monstreus High.
Hindi ko rin naman siya masisisi. Masyado pa kaming bata sa ganon, I think not too. 13 kami nang magsimula na kaming turuan nang mabuti ng mga trainor namin para sa gagampanin naming katungkulan sa future.
Pero kung hindi ka marunong magpursige, walang mangyayari.
"Atleast you tried your best. Kung hindi naman ninyo natapos ang lahat ng pagsasanay, nandito ba kayo sa posisyon ninyo? Saka hindi purket nasa pamilya kayo ng mga makapangyarihan sa Monstreus World, ay makukuha na ninyo ang mga pamumunuan ninyo sa darating na panahon kung hindi ninyo pagsisikapan ang lahat." Prenteng sabi nito sa dalawa na nakanganga na sa narinig habang pumapalakpak ang tenga sa mangha.
"Paano mo nasasabi ang mga katagang 'yan? Saka parang nararamdaman ko na naranasan mo na rin ang mga ito? Like, are you one of the lost daughter in another kingdom?" Itinuro-turo pa ni Amiros ang mukha ni Reilly habang ang mga mata ay palikot-likot kung saan.
Hinahanap ang kasagutan sa paligid, pero wala siyang makuha. Napakamot na lang ang kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang ituktok ng buhok.
"Ako? Lost daughter ng kung anong kingdom d'yan? Naniniwala pa kayo r'yan, walang ganon. Ang isipin na lang natin ngayon ay ang pagsasanay ko, hindi ako matatapos kung pag-uusapan natin ang walang kwentang bagay na 'yan. Iisa lang ang mga magulang ko. At alam kong niluwa ako ng ano ni Nanay ko, basta 'yun na 'yun. Rated SPG, bawal sa mga green minded." Pailing-iling pa siya habang nagsasalita saka unti-unti na ring pumunta sa direksyon ng training area.
Doon siguro niya gagawin ang pag-push up. Hindi na rin naman masyadong mainit dito. Masyado lang talagang natagalan ang pag-uusap namin ng kung anu-ano—I mean ng mga taong ito. Hindi ako nakikisali sapagkat wala rin naman akong masasabi.
"Let's go with her too." Iyon na lang ang nasabi ko sa kanila at nagsimula na rin kaming maglakad para lang makalapit doon.
Kaso natigilan kami nila Amiros, Kathy at Kaze nang marinig namin ang mga katagang lumabas sa bunganga ni Save na nagpaiwan pala sa amin.
"Anong tinutukoy ni Reilly? Saan siya niluwal? Hindi ko maintindihan 'e. Saka saan naman ang Rated SPG ro'n? Meron ba talaga? Guys, sagutin naman ninyo ako."
Napalingon naman kaming apat sa isa't isa bago mapailing na lang dahil na rin kay Save. Napabuntong hininga pa kami nang sabay-sabay at saka muling binalingan namin ng tingin itong si Save na nakakunutan pa rin ang noo. Pakamot-kamot pa siya sa kaniyang ulo.
"Bawal sa mga inosente ang sagot. Kaya manigas ka sa kakaisip." Sabay na tugon namin dito na ikinasama ng timpla ng mukha niya.
'It's not our fault, kapag inosente bahala siyang umintindi.'