SAVYRAH'S POV:
(NEXT DAY)
"Kyahh!" Malakas na sigaw ko sa kalaban at saka umikot sa ere nang makabwelo na ako sa pagkilos nang mapansin na nawala sa atensyon sa aming laban ang nasa harapan ko. Bago ko i-bend ang aking kanang paa nang masigurado ko nang aabot ito sa panga nito.
Napatama ang kanang paa ko sa panga ng kalaban na naging dahilan para mapatalbo siya sa kung saan habang nakataas ang kaniyang ulo. Nang makatayo na ako sa aking pagkakaikot, ay tumakbo naman ako palapit dito. Itinaas ko ang dalawa kong kamao at marahas na pinagtatama ang hindi na nakabwelo pang katunggali ko.
I punch his face many times before he finally protect his face against my fist. Naririnig ko na rin ang mahinang pagsinghal niya at pagmumura. Pinipilit niyang makakakilos para makaganti ngunit nasasangga ko agad ang kaniyang kamao.
"Hindi sa akin makakatakas 'yan." Seryoso kong bilin sa kaniya bago ko ipunin ang lahat ng aking lakas sa aking kanang kamao.
Nang masigurado ko na kung saan ko ito ipapatama ay tuluyan ko na itong iginalaw papunta sa mukha ng kalaban na ito. Halata sa expresyon ng lalaki ang gulat at hindi pagkagalaw sa kaniyang kinatatayuan, namumutla na rin ang kaniyang mukha habang pinagmamasdan ang kamao kong nag-aalab. Hanggang sa tuluyan na nga itong mapatama sa kaniyang iniingatang mukha at naging sanhi upang mapaupo siya sa hindi kalayuan.
"Come on, Save! Defeat her! Akala ba namin ikaw ang pag-asa namin d'yan sa physical combat training na 'yan? Oh? Ano nang nangyari sa 'yo? Stand up, Save!" Dismayadong sigaw ng tatlong royalties sa lalaking nasa aking harapan.
Hawak-hawak nito ang kaniyang panga na sugatan na dahil sa pagkakapuro ng aking kamao. Hindi ko man magawang mailabas ang aking—ang kapangyarihan ni Reilly. May naiitago naman akong lakas sa aking kamao at mga paa.
Sa mundo namin, pasimple akong nag-e-ensayo. Simula pagkabata ko pa lang ay palihim na akong umaalis sa bahay namin para pumunta sa kinaroroonan ng pinakamatalik na kaibigan ng papa ko na si Tito Daen. At panigurado rin na may alam si Daddy sa ginagawa ko noong bata pa ako kung kaya't hindi niya ako pinipilit sa gusto ni Mommy. Dahil alam niya na kaya ko ng tulungan ang sarili ko kung magkaganon.
May anak din si Tito Daen, isang beses ko lang itong nakita hanggang sa wala na akong balita rito. Wala rin naman akong pakealam do'n. Napakasupladong bata kaya ang dapat isipin ko ngayon ay tungkol sa pagsasanay ko na napaka-simple lang naman gawin. Akala ko ay malalakas silang lahat sapagkat sila ang tinitingalang mga royalties sa mundong ito, subalit napatunayan ko na ang totoo.
Malalakas lang ang mga nilalang dito sa mundong ito sapagkat may hawak silang kapangyarihan na magpoprotekta sa kanila kapag hindi na nila kaya. Ngunit kung sa pisikalan naman, kailangan pa nilang i-improve ang sarili nila para maipagtanggol nila ang sarili kapag wala na silang kapangyarihan na ginagamit.
Tapos na pala ang Basic Training ko kagahapon, natulog ako sa mismong dorm nila. Akala ko nga ay bahay.
Ngayon naman ay pagtutuunan ko ng pansin ang pakikipaglaban ko sa mga royalties. Natapos ko na ang tatlo, at lahat sila ay bagsak sa aking ginawa.
At ngayon naman si Save naman ang kanilang pag-asa.
"How can I defeat her? Ang sakit na ng panga ko dahil sa kagagawan niya. Kasalanan din ninyo, nagpatalo kayo. Grr!" Inis na singhal niya sa mga kasamahan niya bago mapaupo na lang sa kaniyang kinatatayuan.
Nag-cross arm pa ito habang masama ang timpla ng mukha. "Hindi ko nga sinisira ang mukha ko, ngayon ang pangit na nito. Haist! Paano na lang ako magugustuhan ng mga babae rito. Pwede pa na gumamit ng kapangyarihan 'e, kaysa ang makipaglaban ng ganito lang na mano-mano. Ayoko na! Panalo ka na—"
"Are you done on your drama, Save?" Pagpapatigil naman nitong si Prince Cooper na kanina pa wala.
Kaya kaming apat lamang ang nandito sa Training Area. Napag-alaman ko na tinawag siya ng headmaster, which is daddy ko kung kaya hindi namin siya nakasama.
Mas maganda pang kasama ito dahil hindi siya tulad ng mva kaibigan niya na masyadong tsismosa't tsismoso. Kung sinu-sino na lang ang pinag-uusapan nila. Kaya may hint na ako kung sino ang pulutan nila kagahapon. Malamang, ako na iyon.
"He he he! Hi, Prince Cooper. Nandito ka na pala. Joke lang naman ang sinabi ko, syempre magsisimula na muli kami ni Reilly sa Physical Combat Training—"
"No need. We have an important mission for today. And Headmaster Klein want to meet our new member," malamig na turan nito at tiningnan pa niya kami isa-isa. Ako pala ang huli niyang binalingan ng tingin.
Ang mga royalties ay gumamit ng kapangyarihan nila na teleportation kung kaya't nakarating sila rito nang mabilis. Bakit noong kagahapon hindi nila 'yan ginamit para mabilis silang dumating sa direksyon naming dalawa ni Prince Cooper?
Ay ewan. Baliktad ata ang kanilang utak kung ganon man.
Pero... Wait lang, tama ba ang narinig ko sa bunganga ng lalaking ito? Ako ba talaga ang tinutukoy niya sa bagong myembro? O baka naman ay meron pang iba, hindi ko nga lang talaga nakikita sapagkat hindi naman kami magka-label.
'Baka nga...'
"Mabuti naman napatunayan mo na rin. Wala na tayong dapat pang gawin para—" hindi na matuloy-tuloy pa ni Kathy ang kaniyang sasabihin nang bigla na namang sumingit itong prinsipe ng yelo.
Kagahapon ko pa talaga napapansin na masyado siyang nanabat sa mga usapan kapag kailangan lang talaga.
"We need to train her even we had a mission. Kailangan niyang mailabas ang kaniyang kapangyarihan para mas lalong lumaki ang chansa natin sa future na labanan."
"Huh? Labanan? Ano 'yun world war |||?" Taka ko namang sabat sa usapan nila. Hindi ko kasi maintindihan kung ano bang tinutukoy nitong si Prince Cooper.
Napansin ko naman ang pagkabahala niya at maski ng iilan pa. Pero bumalik ulit ito sa dati, he's using his cold stares again before he shrugged his shoulder.
"You will find out soon. Hanggat hindi mo pa nalalaman ang tunay na kapangyarihan mo, wala ka pa ring karapatan na malaman ang sekreto ng Monstreus World." Sabi nito sa seryosong boses at nahihimigan ko rin ang pagkalamig sa tono na lumalabas sa bunganga niya kung magsasalita man siya. At saka pansin ko rin na masyadong confidential ng naitanong ko kung kaya't ganito ang kaniyang naging akto.
Napansin ko rin na hindi rin makatingin nang maayos ang iba sa akin, I mean ang dalawa na magkapatid na sina Save at Kathy. Habang sina Amiros at Kaze naman ay nakatingin lang sa aming dalawa ni Prince Cooper.
May pa-kagat pa si Amiros sa binili niyang hamburger sa cafeteria. Napapansin ko na mas pinagtutuunan nitong lalaking ito ang hamburger kaysa sa ibang mga pagkain na binili ng magkapatid sa cafeteria.
Maliban na lang kay Kaze na mahal na mahal ang sandwich ng kaniyang ina. Ang sarap kasi ng mga palaman nito, hindi lang basta cheese, o karne ang nakalagay kundi bacon, hotdog, at may hindi ako alam na gulay na kahit kagatin mo siya ay walang pait kang malalasahan. Sobrang malasa nito na hindi ka magsasawa na kainin ito kahit ilan pa ang iyong gusto. Nasabi na sa akin ang pangalan no'ng gulay na 'yun, kaso nga lang nakalimutan ko na.
Naalala ko lang ang consequences nito kapag napasobra na nga lang. Nakakamatay, parang food poisoning na rin.
'Pero teka nga lang... Bakit ko ba inaalala 'yan? Saka ano namang kailangan sa akin ni Daddy? Alam ba niya na isa na ako sa kanila? Papayag kaya siya?' Napaisip bigla ako sa naalala ko tungkol kay Daddy.
"Let's go now. But wait, you need to change your clothes first, and you too, Save." Pagpapaalala sa amin ni Prince Cooper at itinuro pa ang damit namin na hindi na ganon kaganda ang histura.
"Eh? Saan naman ako magbibihis? Dito sa harapan ninyo? Ano ako b*ld star?" Out of nowhere kong tanong sa kanila na ikinahagikhik ng tatlo samantalang si Prince Cooper naman ay hindi na maipinta ang mukha.
Magkasalubong ang kilay nito habang nakatingin sa akin, ang kaniya namang labi ay napatikom na lang din. Hindi gusto ang nailabas sa aking bunganga.
'Malay ko rin naman sa aking bunganga kung bakit ko nasabi ang mga katagang 'yon. Haist! Hindi ko na kasalanan 'yon.'
"Huh? Ano 'yung B*ld Star na tinutukoy ni Reilly? Mukhang kakaiba kasi 'e, saka ito ba 'yung mga nababasa natin sa mga libro sa ibang mundo na mga babasahin na pang-moderno? 'Di ba't maganda—"
"Bunganga mo, kapatid. Hindi maganda sa pandinig. Baka gusto mo pang makakuha ng isang sampal sa noo." Babala nitong kapatid ni Save na si Kathy na matalim ang tingin sa kuya niya na napanguso na lang sa matinding ka-inosentehan.
Nakalimutan ko rin ang bagay na ito. May isa nga pala kaming kasama na matanda na pero masyadong hindi pamilyar sa ibang mga bagay. Lalong-lalo na kung idadamay ang 'greeny minded' ng mga taong nakakasalamuha niya.
Siya ang mas panganay sa aming anim, pero mukhang siya ang mas bata kung mag-isip.
"End that conversation. Reilly, you need to go with me, while you, Save, sasamahan ka muna ni Kaze papunta sa infirmary. Kailangan mong ipagamot 'yang sugat mo bago makita 'yan ni Headmaster Klein. You know him, he's strict when he sees us with a little bruise on our face or body." Paalala ni Prince Cooper sa lalaking ito na namutla pa dahil sa narinig. Mabilis niyang nilapitan ang katabi ng kapatid niya na si Kaze sa kaliwang direksyon niya.
"Tara na, Kaze. Bago pa man tayo mahuli sa kanila. Gamitin mo na lang ang teleportation mo, kaysa maglakad pa tayo." Utos nito sa bunso sa kaniya na ikinatango na lang naman nito hanggang sa makita na lang namin silang nag- disappear sa aming harapan.
"Let's go too. Mauna na muna kayo ni Amiros sa office ni Headmaster Klein. Tell him na nagkaproblema sa bagong myembro, okay?"
"Yes, Prince. Tara na rin, Amiros. Hayaan na lang natin ang dalawa rito. Saka pwede ba, tigilan mo muna 'yang pagkain ng hamburger. Hindi ka ba nagsasawa r'yan?" Naiinis na turan nito sa lalaking hindi pa rin tumitigil sa pagkain habang hinihila ito palayo sa amin.
"Eh? Paano ako magsasawa, ito na lang ang nagmamahal sa akin, kaya bakit ko pa titigilan? Sagutin mo na lang kaya ako para mabawasan ko nang kunti itong kaadikan ko sa hamburger. He he he!" Paniningit naman nito sa ibang bagay at tumawa pa na akala mo ay may nakakatawa.
Hindi ko na lang sila pinansing dalawa. Sarili naman nilang buhay 'yan, saka may dapat din akong gawin sa sarili ko. Kung kaya't napalingon ako sa gawi nitong katabi ko na si Prince Cooper.
Pansin ko lang na siya lang sinasabihan ko ng Prince Cooper kaysa sa apat na kasamahan din niya. So weird.
"Hindi pa ba tayo aalis?"
"What do you think?" Mataray na tugon naman nito sa akin sabay ismid pa. Wala rin siyang paalam na hinawakan ang kaliwa kong kamay at ginawa na naman ang pag-teleport nang hindi man lang pinapaalam sa akin.
Wala namang side effect ito sa akin, hindi ko lang talaga gusto na pabigla-bigla na lang siya sa ginagawa niya. Siguro kailangan kong masanay sa lalaking ito, lalo pa ngayon na isa na talaga akong official member ng 'kemene' nila na wala talaga akong maintindihan talaga.
Malalaman ko na lang siguro kapag mas lalo akong napalapit sa mga ito.
"We're here. Aren't you tired holding my hands while pinching it like a toy?" Sarkastikong anito sa akin na ikinabalik ko sa sariling diwa ko.
Napatingin pa ako sa kamay naming magkahawak. Pero hindi naman naglalaro ang mga daliri ko sa kaniya.
"Pinagsasabi mo? Wala naman akong ginagawa? Assuming ka, uyy! Makapasok na nga lang sa loob." Nakataas ang kaliwang kilay ko habang sinasabi ang katagang iyon bago tuluyan na ngang inalis ang pagkakahawak sa kamay niya.
'Kung ano pa ang isipin nito. Masyadong mataas ang tingin sa sarili.' Mahinang sambit ng aking isipan.
Naisipan ko na rin na pumasok sa loob ng dorm namin. Dito niya pala ako dinala kasi ito lang naman ang lugar na nandito ang mga gamit ko.
***
"You done? Akala ko katulad ka rin ng ibang babae na parang kinain na ng kwarto sa katagalan." Biglang usal nito sa akin matapos kong makalabas sa dorm after 2 minutes.
"Ano naman gagawin ko? Magpaganda? Pupunta lang naman tayo sa office ng headmaster. Kahit na date pa 'yan o kung ano, hindi ko gugulin ang sarili ko sa pagpapaganda, kaya ang mabuti pa ay tara na. Baka nag-aalburuto na sa galit o inis man ang headmaster na 'yon. Nababasa ko lang sa libro." Pagpapaalala ko agad dito sa palagi kong excuse kapag may sinasabi akong kakaiba sa pandonig nila.
"Tsk." Wala na siyang sinabi pa na kung ano.
Ginawa na naman niya paghawak sa aking kanang kamay at nag-teleport na kami sa mismong pinto ng office ng headmaster. Siya na rin ang kusang kumalas sa pagkakahawak sa kamay ko.
Pero parang gusto ko itong kunin at ibalik sa akin sapagkat bigla na lang rumagasa ang kaba sa aking dibdib papuntang aking isipan. Kung anu-ano na lang din ang pumapasok dito na mga masasamang pangyayari kapag pumasok ako sa loob. Hindi na rin ako makapag-isip pa nang tama dahil sa sobrang kaba na aking nararamdaman ngayon.
Namamawis na rin ang aking noo, akala mo ay nagsasanay na naman ako sa Training Area kahit hindi naman talaga. Masyado lang talaga akong nag-o-overthink sa magiging reaksyon nito.
Bakit ngayon ko lang din ba naalala?
'Sh*t! Lagot ka na talaga, Savyrah. Kapag nakita niya na may sugat ka sa mukha, panigurado na sermon ang aabutin mo!' Babala sa akin nang sarili kong utak na mas lalong ikinabahala ko at ikinatambol ng aking puso sa matinding takot na aabutin ko sa daddy ko.