SAVYRAH'S POV:
"Let's go inside. And please, can you respect the headmaster for this time?" Paalala nito sa akin bago pa man namin buksan ang pinto.
Tanging tango na lang ang itinugon ko. Hindi na ako nag-abala pang magsalita o sumagot sapagkat nasa aking utak pa rin ang mga senaryo na mangyayari sa loob.
'Haist! Hayaan na nga lang na mangyari. Bakit nakalimutan ko bang lagyan ng kahit pandikit sa sugat itong nasa kaliwang pisngi ko.' Naiiling na lang ako sa naiisip ko bago maisipan na nga na buksan ang pinto imbis na siya.
"Wh—haist! Come inside. Remember what I've said." Babala na naman nito sa akin na akala mo ay masyado akong pasaway na tao.
Parang katulad niya si Daddy, masyadong nanenermon. Wala naman akong ginagawang masama.
Nginitian ko lang siya nang malawak matapos kong ibaling ang tingin sa kaniya. Hindi ko na lang din pinagtuunan ng pansin ang nasa harapan namin.
"Mabuti naman kompleto na rin kayong mga royalties, at kasama na rin ninyo ang bago ninyong myembro," nahihimigan ko ang kagalakan sa bunganga ni Daddy kapag kasama ang limang ito kaysa kapag kasama ang mga anak niya na masyado siyang namimikon.
"Look at him. Hindi niya makikita ang mukha mo kapag nakatingin ka lang sa akin. You can look at my face, after this." He smirked after he said those words.
Napaismid naman ako sa naging akto niya. May gusto akong sabihin na mga kataga pero hindi ko na dapat pag-aksayahan ng oras ang lalaking ito. Bago tuluyan na ngang binalingan ng tingin ang aking ama. Parehas kaming nagulat sa isa't isa pero saglit lang sa kaniya 'yon.
Napakunutan ang kaniyang noo sa akin. Samantalang ang mga nandito ay hindi maintindihan ang nangyayari. Nakikita ng aking peripheral vision ang pabaling-baling na tingin ng apat na tao na nakaupo na sa apat na upuan sa kaliwang direksyon ni Daddy.
"Huh? Anong nangyayari? Nakikilala mo ba siya, Headma Klein?" Pagputol agad ni Kaze sa eksenang hindi niya maintindihan ang nangyayari.
Napatikhim naman nang mahina si Dadd— I mean Headmaster Klein sa harapan nila bago ibaling ang tingin sa katabi ko. Nang lingunin ko ito at iangat ang aking paningin, ay nakita ko ang blangkong ekspresyon nito na ibinibigay sa kaharap niya.
"Respect 'daw', pero wala namang respeto sa mas matanda sa kaniya." Bulong ko sa aking sarili matapos ibaba ang aking paningin.
Ang akin na lang na paa ang pinagtuunan ko ng pansin.
Kaso ganon na lang ang gulat ko nang may humampas nang mahina sa aking tagiliran. Masama kong binalingan itong lalaking ito na hindi nakatingin sa akin. Pero may maliit na kurba akong nakikita sa kaniyang labi, isang ngisi na pinapahalata talaga sa akin.
'Tsk.'
"Sigurado talaga kayo na si Ms. Reilly Weist ang bagong myembro ninyo? Hindi ba kayo natatakot sa kahihinatnan niyang pagsasama ninyo kapag nagkataon na isama ninyo siya? Magiging pabigat lang si Ms. Reilly, if you let her go with you." Panimula ni Headmaster Klein saka ibinago na rin niya ang usapan kung kaya't sa kaniya ko naman ibinaling ang atensyon ko.
Napaawang pa ang aking labi sa kadahilanan na hindi ko gusto ang lumalabas sa bunganga niya.
Magsasalita na sana ako para kumontra nang may pumigil naman sa akin sa nais kong ipahayag. Wala namang iba ang humawak sa aking bibig kundi ang lalaking nasa tabi ko lang naman.
"Don't worry about her, Headmaster Klein. We're here to protect and trained her to be one of us. Pero nasisigurado ako na hindi mali ang aking desisyon." Seryosong sagot nito sa tanong ni Headmaster Klein na nakatingin lang nang malalim sa kamay nitong lalaki na ito na nasa aking bibig.
'Baka kung ano pang isipin niya na mali.'
"If that so, then, paki-iwan muna sa office ko si Ms. Reilly para makapag-usap kami nang masinsinan,"
"You don't have to do it, Headmaster Klein. Nasagot ko na ang inaalala ninyo," salungat agad ni Prince Cooper sa kaharap niya.
Pero hindi ito natitinag sa sinasabi ng prinsipe. Mas lalo itong tumingin sa akin nang seryoso at may ipinapahiwatig ang kaniyang mga mata na kami lang talaga ang nakakaalam na dalawa.
'Sh*t! Ayoko ng ganitong klase ng titig ni Daddy.'
"Oo nga, Headmaster Klein. Hindi naman namin sisirain ang pagsasamahan namin dahil lang kay Reilly. Saka kahit naman wala siyang kapangyarihan na ginagamit, magaling naman siya sa pakikipaglaban gamit ang kaniyang kamao't mga paa. Iyon naman po ang importante, hindi po ba?" Kat'wiran din nitong si Kathy habang nakalagay ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang baba.
"I know, I know. Pero kailangan ninyo pa ring ipaiwan sa office ko si Ms. Reilly para makapag-usap kami,"
"Bakit nga po, Headmaster Klein? Saka pwede naman ninyo isabi sa kaniya ang gusto ninyong sabihin kahit na nandito kaming lima." Salungat din ni Kaze sa gusto ni Headmaster Klein.
Ngayon ay pabor na ako sa limang ito, magiging close kami kung ipagtatanggol nila ako kay Headmaster Klein a.k.a Daddy H.K.
"Oo nga, Headmaster Klein. Bakit mo naman ako kakausapin nang tayo lang? Pwede naman na kasama sila rito," pandadagdag ko naman sa sinasabi nila habang nakangiti nang matamis na ibig sabihin lang sa kaniya ay nang-aasar.
Nagawa ko pang makaalis sa kamay na nakahawak sa aking bibig, pero pilit na binabalik nito ang kanan niyang palad sa akin.
"Please respect me, Ms. Reilly. If you don't want to expell,"
"Ay expell agad? Wala pa nga akong ginagawang hindi maganda sa schyuwoqosnslsb!" Hindi ko na matapos-tapos ang sasabihin ko nang magawa na naman akong takluban ng palad niya na malaki.
Ang tanging nagawa ko na lang ay samaan ng tingin ang lalaking ito. Kahit kailan talaga kontra siya sa ginagawa ko.
"Okay, we will let you talk with Reilly. Naalala ko na ginawa mo rin ito sa amin dati, and it help us a lot to became true to ourselves and share our own problems with each other." Iyon na lang ang naging tugon ni Prince Cooper sa headmaster na malawak ang ngiti sa harapan namin. Inalis na rin niya ang pagkakataklob sa aking bibig kung kaya't minasahe ng aking kanang kamay ang aking panga.
Napansin kong tumayo pa si Headmaster Klein sa kaniyang swivel chair bago maglakad palapit sa amin. Ang apat din ay napatayo na sa kanilang mga upuan para makalapit sa aming dalawa ni Prince Cooper.
Nang makarating sa aking direksyon si Headmaster Klein, ay saka niya rin ako tinapik sa aking kaliwang balikat. Nasa gitna siya naming dalawa, hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang ngiting ibinibigay nito sa akin.
"Don't worry, Ms. Reilly. Hindi naman ako manginginain, I'm just here to ask you about yourself, hindi naman ako nagpapasok sa team ni Prince Cooper, if kung may nakita akong mali sa iyo," pagpapagaan niya sa akin ng atmospera pero mas lalo lang itong lumala.
Kung ibang tao lang ito kanina ko pa siya nasabihan ng kung anu-ano, kaso hindi 'e. Siya si Daddy H.K. kapag nagkamali ako ng sagot, panigurado na matindi ang kaparusahan na maabot ko.
'Sana pala hindi ko na lang hiniling na makita ang mga ito, lalong-lalo na ang kaharap ko. Kung ganito rin pala ang kahahantungan ko sa kamay niya.'
"Eh? Pardon?" Iyon na lang ang lumabas sa bunganga ko na ikinataas niya ng kaliwang kilay. Maging ang iba pang nandito.
"Huh? Ano ang 'Pardon', Reilly?" Nagtatakang tanong ni Amiros sa akin nang mapansin niya na hindi niya alam ang tinutukoy ko.
"Yes, Ms. Reilly, saan mo nalaman ang ganiyang mga kataga?" Pakunwari pa itong si Daddy Klein na wala siyang alam sa sinabi ko.
"He he he! Nabasa ko lang din sa mga libro, masyado kasi akong hilig sa mga books kaya marami rin akong napapansin na kakaibang salita," paliwanag ko sa mga ito pero pansin ko na may inaabangan pa sila na lalabas sa aking bunganga. "Patawad, gusto ko lang pakiulitin ang sinasabi ni Headmaster Klein sapagkat hindi ko maintindihan ang sinasabi niya." Dagdag ko sa aking sinabi na agaran naman nilang naintindihan agad.
'Buti naman kung ganon.
"Walang mangyayari sa iyong masama kapag tayo na lang dalawa rito sa loob. Mukha bang hindi mapagkakatiwalaan ang aking pagmumukha?" Tukoy niya pa sa kaniyang sarili at itinuro pa ang mukha nito.
Gusto ko sana siyang sagutin ng 'Oo' pero ayoko namang magkaroon pa nang maraming paglabag sa batas niya. Kaya ngumiti na lang ako rito sabay iling pa para ipahiwatig na wala namang problema sa kaniya.
"Mukhang magiging ayos ang aming pag-uusapan. Kung kaya't maaari na kayong magpahinga o hindi kaya ay maghanda ng inyong gagamitin sa misyon ninyo. Ako na ang bahala rito kay Reilly." Nakangiti nitong sabi sa lima na napatango na lang din.
Hindi na rin sila nagreklamo pa o nagsalita.
"Goodluck, Reilly." Pagpapagaan sa aking damdamin nina Kaze at Kathy.
Isang matamis na ngiti na lamang din ang aking itinugon bago sila tuluyang nawala. Pwera na lang kay Prince Cooper na nandirito pa rin sa aking tabi sa kaliwa.
"I'm warning you, Headmaster Klein." Babala nitong si Prince Cooper sa kaharap naming lalaki at naisipan na ring gamitin ang kaniyang teleportation na abilidad.
Hindi man lang lumabas sa pintuan mismo. Ano na lang ang katungkulan nitong pinto kung hindi naman nagagamit ng mga nilalang sa mundong ito?
"Sit down, MS. REILLY." Utos ni Headmaster Klein sa akin matapos naming maghintay nang ilang minuto sa kakatayo.
Hindi ko matukoy kung ano ba ang gumugulo sa utak nito, pero ang alam ko lang ay lagot talaga ako kapag talagang hindi na niya nararamdaman ang presensya ng mga ito sa paligid.
"Yes po, HEADMASTER KLEIN." Sabay diin ko rin sa pangalan niya rito sa mundong ito.
Hindi ko talaga lubos maisip na siya ang headmaster dito. Kaya ba minsan ay napapansin ko siyang umuuwi ng bahay kung anong oras na? Like—11 PM na.
"Don't play with me, Savyrah—"
"Headmaster Klein, baka marinig ka nila." Pagpapatigil ko agad sa sasabihin nito. Malay mo bigla na lang mag-teleport ang yelong lalaki na 'yon, 'di chimbog na ako sa pagsisinungaling ko.
Masama naman ako nitong tiningnan bago niya ako tuktukan sa noo na ikinangiwi ko dahil sa sakit. Napahawak pa ako sa ulo ko na sinaktan niya.
"'Yan ang nababagay sa 'yong bata ka, bakit hindi mo man lang sa akin sinabi na ikaw pala ang bagong myembro nila?" May inis sa tono nito nang maalala na naman ang naging usapan kanina.
Napanguso naman ako habang hawak-hawak pa rin ang aking ulo." Malay ko rin ba sa kanila, hindi ko naman aakalain na ako ang tinutukoy nila,"
"Huwag kang sumama sa kanila." Walang paligoy-ligoy niyang sabi sa akin na ikinakunutan ng aking noo.
"Pinagsasabi mo, Dad? Hindi ko magagawa 'yan,"
"Then do it, hindi mo alam kung ano ang kinahaharap mo sa mundong ito. Kung sa mundo natin ay hahayaan kita na gawin ang gusto mo. Pero ibang usapan na ito kung nandito ka sa mundo na wala kang kaalam-alam kung hanggang saan lang ba ang buhay mo. Para rin sa iyo ang sinasabi ko, anak. Hayaan mong ako na ang magsabi sa kanila na—"
"No, dad! Hindi ko gagawin 'yan!" Pinal na aniko sabay tayo pa sa aking pagkakaupo.
Kapag pinanatili ko ang aking sarili rito sa loob ng office niya ay baka kusa na talaga akong sumuko.
"Anak! Kahit ngayon lang isipin mo naman ang kapakanan mo, huwag ka laging sumasabak sa gulo na wala kang sapat na kaalaman," pagpupumilit na naman nito sa akin at saka tumayo na rin sa kaniyang pagkakaupo. Inaabot niya ang aking mga braso na nanatiling bagsak lang ngunit nanginginig ito dahil sa matinding kadismiyaduhan.
"Kaya kong protektahan ang sarili ko,"
"Pero hindi sapat para mapatay ang mga nilalang na may kapangyarihan." Bwela na naman niya sa gusto niya na ikinaismid ko naman kahit na alam kong bawal gawin 'yon.
Hindi ko na talaga maiwasan na gawin ito lalong-lalo na ngayon na may misyon kami, at baka sa misyon na 'yon ay magawa ko na ngang maipalabas ang lintik na kapangyarihan ni Reilly.
"Kaya nga sasama ako sa kanila para maipalabas ito 'e. Saka hindi ba kayo naniniwala sa kakayahan nila—kakayahang tulungan ako kapag nasa panganib ako? Gaano mo ba kakilala ang mga royalties kaya ganiyan ka na lang sa kanila? Dad, naman! Hindi ko naman ilalagay ang sarili ko sa kapahamakan kung wala akong matibay na panangga?" Mahabang salaysay ko rito habang madamdaming inilalabas ang mga hinanaing ko sa kaniya.
Natigilan naman siya saglit at napayuko. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. Akala ko sa pag-angat niya ng mukha sa akin ay tuluyan ng nagbago ang kaniyang desisyon pero...
"Still no, kahit sa ayaw at sa gusto mo ay hinding-hindi ako papayag na mapupunta ka sa gulo. Tama na ang muntikan ninyong pagkamatay sa daan, hinding-hindi ko na hahayaan pang sa pangalawang buhay mo ay mawawala ka na naman sa buhay namin ng mommy mo."
"Dad, please ... Kahit ngayon lang, kahit sa huling pagkakataon man lang hayaan mo na lang akong gawin ang gusto ko gaya ng ginagawa ninyo sa mundo natin."
"Savyrah, huwag mong sirain ang mga batas ko. Kung ano ang desisyon ko, ay iyon ang gagawin mo. Kaya bumalik ka na sa dorm ninyo at sabihin sa kanila na hindi mo gustong sumama. Naiintindihan mo ba?" Seryosong tanong nito sa akin at hinawakan pa ang aking baba saka ito ipinaharap sa kaniya.
Wala na rin akong nagawa kundi ang mapatango na lang sa kaniya. Nakita ko ang unti-unting pagngiti ng kaniyang labi samantalang ang akin namang mukha ay hindi pa rin maipinta.
Malumbay lang akong nakatingin sa kaniya na masaya sa naging sagot ko kahit na tango lang naman ito. Masaya pa talaga siyang makita ang anak na ganito ang reaksyon?
"Darating ang araw na malalaman mong para sa iyo rin lahat ng ito. Inilalayo lang kita sa kapahamakan. Ayokong mawala ka na naman sa piling ko. Tandaan mo 'yan."
***
Iyon na lang ang tumatak sa aking utak matapos kong lisanin ang office niya na may lungkot pa rin sa aking mukha.
'Paano ko ba mailalabas ang kapangyarihang ito kung siya na rin ang humahadlang sa kagustuhan kong gawin?'