SAVYRAH POV:
(CITY OF THE ICE)
"Ang ganda rito 'a. 'Yun nga lang parang may kakaiba naman ata sa siyudad na ito, wala man lang akong nakikita kahit isa man lang na taga-rito. Baka naman naging yelo na sila?" pagkukuro ko sa napapansin ko sa lugar na ito.
Ni isa ay wala akong nakikita talaga, sobrang tahimik ng mga tindahan na nasa paligid namin. Lalo na ang isang mall ang dating dito sa aming harapan. Tanging malamig na simoy lang ng hangin ang aming naririnig. Mga bahay na bukas pa ang mga pinto as in lahat ng bahay rito ay bukas. maski ang mall ay naka-open din ang glass door.
"That`s why we need to be silence. Nandito lang ang mga kalaban, they might kill the hostages if they see us here." Kat`wiran naman nitong katabi ko lagi sa kaliwa na si Prince Cooper.
Npatango na lang ako sa sinabi nito at pinagpatuloy ang aking pagtingin sa buong paligid. may napansin naman ako sa hindi kalayuan sa kanang direksyon malapit sa malaking bato.
May nararamdaman akong kakaiba, wari mo`y pinagplanuhan talaga ng mga kalaban pero bakit ko rin ito naiisip? Siguro sa kakalaro ko ito ng mga shooting games kaya ganito ang aking mode ngayon.
" Sa tingin ba ninyo na dinala ng mga kalaban ang mga hostages sa iba`t ibang lugar?" Tanong ko naman sa kanila.
Hindi lang talaga mapalagay ang aking utak sa mga bato na matataas, lalo na sa mga malalaking sasakyan na nandito. Wala rin naman akong karapatang manguna sapagkat wala naman akong kapangyarihan na katulad nila. Kaya hanggang sa sama-sama na muna ako, hanggat may maitutulong ay masaya na ako ro'n.
"How did you say so?" Seryosong duda sa akin ni Prince Cooper at nang lingunin ko siya ay nakita ko ang kaniyang kilay na nakataas. Maski ang mga mata niya ay naniningkit sa akin.
"Hmm... wala lang trip ko lang," sabay kibit balikat ko rito.
"Hindi ito oras ng paglalaro, Reilly. Nandito tayo para tulungan ang mga mamayan ko—"
"Maybe Reilly is right? I open the map na ibinigay sa atin ni Headmaster Klein at ang mga pulang dots ay ang mga hostages..."
"Hindi 'yan hostages, 'yan ang mga kalaban na kailangan nating kalabanin. Nakikita ninyo ito, 'di ba? Walang hostages ang maglalakad nang nasa paligid lang nila ang kalaban," salungat ko naman agad sa sasabihin ni Kathy nang pumunta ako sa direksyon niya at tingnan ang isang mapa na kayang makita kung nasa'n ka ba, maging ang mga kalaban mo.
Ang violet dots na malalaki sa mapa ay kami, samantalang ang green dots naman ay ang mga hostages, at ang huli naman na kulay pula ay mga kalaban.
"Ilan pala ang kalaban natin kung ganon?" Nagtatakang tanong naman ni Kaze habang nakatingin din nang maigi sa mapa na hawak ni Kathy.
"Baka doopleganger 'yan," biglang usal ko na ikinatingin ng lahat ng ito sa akin. Halata sa kanilang mga mukha ang pagkagulumihan hindi alam kung ano ba ang tinutukoy ko.
Para naman akong natauhan at gusto na lang sapakin nang sapakin ang aking sarili dahil sa mga pinagsasabi ko. Bakit ba kasi nakalimutan ko na hindi nga pala ito ang mundo ko?
"Huh? Doopleganger? Ano naman 'yon, Reilly?" Tanong nitong si Save sa akin na ikinangiti ko na lang nang alanganin.
"Parang nag-mu-multiply ang isang tao, hindi ko alam kung ano 'yun. Basta kaya niyang mag-multiple ng sarili niya." Tanging naisagot ko na lang na ikinatango-tango naman nila.
"If Reilly is right, then we will find it out. Pero kailangan nating gumamit ng sandata na hindi naririnig ng kaniyang tunay na katauhan." Pinal na utos ni Prince Cooper sa amin na ikinatango naman naming lahat.
"Baka si Darius ang may gawa nito. Siya lang naman ang may alam kung paano niya paramihin ang kaniyang sarili, 'di ba?" Kuro-kuro ni Save na ikinatahimik naman ng lahat ng narito.
Maliban sa akin na naguguluhan kung sino ba itong si Darius.
"Hindi ba pwedeng 'yun na lang tunay na Darius ang patayin natin?" Suhestiyon naman ni Kaze na mabilis na ikinailing nitong si Prince Cooper.
"Paano natin malalaman na siya si Darius kung sobrang layo ng agwat nila sa isa't isa?" Seryosong wika nito ngunit nahihimigan ang pagkalamig.
'Bawal nga kasing galitin ang prinsipe ng yelo.'
"Ganito na lang kaya... dahil labing-isa ang kalaban, kailangan nating mapatay ito ng magkakalayo, gumamit na lang tayo ng telepathy kapag kailangan talaga ng tulong ng isa. Pwede ba nating gawin ito? O may iba pa bang plano?" Turan naman ni Kathy sa pinag-uusapan.
Kung kaya't napalingon ang tatlong kalalakihan sa nagsisilbing leader nila na si Prince Cooper.
"Ano sa tingin mo, Prince Cooper? Maaari ba nating gawin ang suhestiyon ni Kathy?" Tanong ng kapatid ni Kathy na si Save.
"Okay, gawin natin ang sinabi ni Kathy. Magkasama kayo ni Amiros at Kaze, at sina Save at Kathy naman, sa akin nakatoka ang babaeng ito. To make sure she's not dead."
"Wow! Grabe naman, patay agad! Hindi ba pwedeng naghihingalo muna?" Sabat ko naman sa lalaking ito dahil hindi ko tanggap ang kaniyang sinasabi sa kanila na hindi naman totoo.
"Tsk. It's still the same. And I know you disobey the headmaster's order," nagulat naman ako sa bigla nitong pagsingit sa daddy ko.
"H-huh?" Medyo nauutal na tanong ko rito.
Napalunok pa ako ng sariling laway dahil sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang napag-usapan namin ni Daddy. Kung narinig niya, malamang kilala na rin niya ang tunay na pagkatao ko?
"Hindi mo sinunod ang utos ni Headmaster Klein? Iba ka talaga Klein!" Manghang sambit naman ni Kaze at lalapit na sana sa akin para dambahan ako ng kaniyang kamao nang pumunta sa harapan ko itong lalaki.
"We need to proceed to our mission. Kailangan na nating magmadali kung ayaw ninyong maparusahan ko kayo kapag may nangyaring masama sa mga kababayan ko." Malamig na utos ni Prince Cooper na ikinatango na lang ng lahat at nagsimula na nga silang magsilapitan sa kanilang kasama.
At ganon din naman si Prince Cooper na tinulak pa ako sa direksyon ng malaking bato sa kanan na nakita ko.
"Doon muna tayo magsisimula, what do you want to use?"
"Weapon ba?" Tanong ko rito habang hindi pa rin nakatingin sa kaniyang direksyon.
Naglalakad na kaming dalawa sa mga bahay na wala man lang katao-tao. Hindi ko feel talaga ang awra rito. Mas gusto ko 'yung maingay kapag ang mood ko ay maganda. Kapag hindi ay gusto ko ng katahimikan.
"Yeah, what do you think? Tsk. Stupid."
"Hey, I'm not." Angil ko naman dito kahit na gustong-gusto ko na talagang sapakin ang nasa kaliwang bahagi ko.
"Just tell me what you want."
" Okay, I need De Lisle Carbine," nakangiti kong suhestiyon dito at tuluyan na nga siyang nilingon habang malawak pa rin ang aking ngiti sa labi.
"Y-You need—what?" Nakataas ang kaniyang kaliwang kilay mula ng ibaling din ang tingin sa akin habang ako naman ay natatawa sa naging reaksyon niya.
'Akala mo ay may nasabi akong bagay na hindi niya nagustuhan. Kahit sa totoo lang naman ay wala naman. Sabi niya kasi ibibigay ang kagustuhan ko, kaya akala ko magagawa niya ito. Ano bang problema? Ang labo naman niya!'