Light Beneath The Dark 29

1101 Words
SAVYRAH'S POV: "Oh? Nasa'n na ang hinihingi ko sa iyo? Akala ko ba ibibigay mo?" Bagot na wika ko kay Prince Cooper nang mapansin na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik sa dati ang kaniyang hitsura. "What the heck? How did you know about that gun? Walang nakakaalam kung anong klaseng baril ito." 'E? May alam siya sa mga baril sa mundo ko? Paano nangyari 'yon? So weird.' Napakamot na lang ako sa aking ulo, hindi ko masagot ang tinatanong niya sa akin. Nag-aalinlangan pa rin ako, hindi rin makaimik sa sobrang kaba na aking nararamdaman ngayon. Paano niya ba nalaman ang gun na 'yon? Napalingon bigla ako sa direksyon ng malaking bato na 'yon, parang may kakaiba na akong napapansin habang papalapit na kami. Naglalakad pa naman kaming dalawa. Sa paglalakad namin ay nagtatanong siya ng gusto kong magamit, ngayon naman kung ano ang gusto ko, ay siya namang alam din niya. "Ipapakita ko sa iyo ang mga libro na may mga ganiyan. Nakita ko lang din 'yan sa libro, isang baril na pinakatahimik. De Lisle Carbine ito, pero pwede bang gawin na muna natin ang misyon bago tayo magdiskusyonan?" Pagbabago ko naman ng usapan. Magpapakabait ako kay Daddy kapag nakauwi kaming ligtas sa school. Siya na lang ang tanging pag-asa ko, kaya naman niya atang bumalik sa mundo namin. Tiningnan niya muna ako nang mabuti bago ibaling ang sarili sa kaniyang kanang kamay na nakataas na. Pasulyap-sulyap naman ako sa aking paligid, pinagmamasdan ang mga bahay na bukas ang mga pinto. "Please, give me De Lisle Carbine, Zack." Dinig kong mahinang sabi ni Prince Cooper pero hindi ko na muna 'yon pinansin. Naglakad ako sa isang bahay sa kanang bahagi namin. Sumunod lang sa akin si Prince Cooper, pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Habang ako naman ay dinadamdam ang buong paligid. " Nakakapagtaka lang, hindi ba't may mga kapangyarihan kayo. Kaya ninyong gawin ang mga imposible, ang ikinatatakhan ko lang ay bakit ganito ang eksena? Inaasahan na ba ng kalaban na pupunta kayo rito para iligtas ang mga mamamayan mo? Pero bakit hindi sila lumaban? Bakit hindi nila ginamit ang kanilang kapangyarihan?" "Didn't I tell you the reason why?" Malamig niyang sambit na ikinatigil ko sa paglalakad at saka nilingon siya nang may nagtatanong na titig. "Wala naman kayong sinabi sa akin o maski ikaw. Ang sinabi mo lang sa akin ay—" "Tsk! They used spells—" "Ibig sabihin hindi lang siya ang nandito na inaasahan ko..." "Kaya ng taong may pakana nito na gumawa ng spells at magpakarami... kung isa siya sa nasa S Class," pagpapaliwanag niya sa akin at muli na naman kaming naglakad para pumunta na sa malaking bato na 'yon. Inilahad na rin niya sa akin ang baril na gusto ko kung kaya't tuwang-tuwa ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang matagal ko ng inaasam na baril. Pero napansin ko na may kakaiba rito magmula ng hawakan ko. 'Galing ba ito sa kapangyarihan niya? Ang galing 'a, may konting lamig pa.' Pumupuri na sabi ng aking utak. Kaso napabalik ang aking diwa nang may pumasok na naman na hint sa aking utak. Hindi ko alam kung bakit sa ganitong bagay ay nabubuhay ang patay kong katalinuhan. "Kung ganon... kailangan nating mag-ingat sa taong 'yon. Nakaya niyang mapasunod ang mga taong nandito, so, magagawa rin niya ito sa atin. Sa tingin mo?" "I'll gonna tell them," seryosong aniya at saka hinawakan ang kaniyang kanang tenga ng dalawang daliri niya. Hindi na muna ako naki-tsismis sa mga ito. Hinanda ko na ang aking baril habang naglalakad kami sa bato na 'yon. Palapit na kami nang papalit, nakakaramdam na agad ako ng labis na pangamba, lumalakas na ang aking t***k ng puso sa matinding kaba. Namamawis na din ang aking noo, mabilis ko itong hinawi ng aking kaliwang kamay samantalang ang aking kanang kamay naman ay nakahawak lang sa baril na ito. Muli kong ibinalik ang aking kamay sa baril, naririnig ko pa rin ang mahinang pag-uusap nina Prince Cooper at ng iba pa. Kaso ganon na lang ang gulat ko nang tabigin ako nitong si Prince Cooper paibaba kung kaya't parehas kaming napatihulog sa lupa. Magsasalita na sana ako ng aray dahil natamaan ang aking dalawang hinaharap, pero may tumaklob ng aking bibig kaya hindi na ako nakapagsalita pa. "Shh..." Pagpapatigil niya sa akin at itinuro pa ang bato na ito na nagtatago sa amin mula sa kabilang gawi. Inalis na rin niya ang kamay niya sa aking bibig kung kaya't nakahiya ako nang maluwag. Hindi na rin ako nagsalita pa o umangal. Pagapang kaming dalawa na naglakad doon. Pinapakinggan ang paligid kung may papadating ba, saka nandito naman si Prince Cooper. Resbak ko ito kapag kailangan ko talaga ng tulong. Kaso hindi ko na rin pala kailangan magsalita pa, tinulungan niya akong umupo nang maayos sa pagkakadapa nang mauna na siya sa akin na makaupo sa tabi ng bato. Nang mapansin niya na ayos na ako, ay ang paligid naman ang inasikaso niya. "He moved," anito sa akin nang pumikit siya sabay dilat. Tumingin pa siya sa aking gawi bago tumayo nang dahan-dahan sa pagkakaupo, dahil mataas naman ang bato ay hindi siya sumubra at hindi rin halatang may tao sa... "Do you think—" "Kyahhh!' Malakas na sigaw ko at tumalon nang mataas saka pinatamaan ng aking kaliwang paa ang taong nanggugulat na lang sa aking likuran. Napalayo siya sa aming direksyon samantalang ako naman ay napatayo na lang sa pagkakatalon. Nakisali na rin sa akin si Prince Cooper, siya naman ngayon ang nakipagresbak sa kalaban. Ginamit niya ang kapangyarihan na yelo habang ang kalaban na nakatayo ay gumamit naman ng itim na kapangyarihan. Dark power? Ito ba 'yung kalaban nila? "Help the others, I'm gonna finish him." Utos nito sa akin sa malamig na boses kung kaya't napatango ako nang mabilis. Nagsimula na rin akong tumakbo sa direksyon niya para sa kaliwa ako dumaan at hindi sa kanan na nandito ang kalaban. Kaso ganon na lang ang gulat ko nang may umultaw sa aking tao at marahas akong inilayo sa kinaroroonan ko kanina. "AHHH!" "Kyahhh!" Napayakap na lang ako sa matinding gulat dahil sa ginawa niya hanggang sa mapagtanto ko kung sino ang tumulong sa akin na makalayo sa malakas na pagsabog na iyon gawa ng dark ball. Napasigaw pa ang mga tao na nasa likod nitong malaking bato. "Be careful next time." Seryosong paalala nito sa akin na ikinatango ko na lang kahit sa totoo lang ay hindi ako makapaniwala na muntikan na akong mamatay dahil sa dark ball na 'yon. 'Damn! Bakit ba hindi ko naramdaman 'yon?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD