SAVYRAH'S POV:
"Oh! So sweet, pero hindi ko gusto ang nakikita ko. Pweeh! Hindi ba kayo nandidiri?" Napalayo kami nitong si Prince Cooper sa isa't isa nang biglang umeksena ang kalaban namin.
Napaayos pa ang aking sarili para makisali sa laban na ito. Hindi ko hahayaan na si Prince Cooper lang ang tatalo sa walang kwentang nilalang sa harapan namin.
"I think he's the real culprit," mahinang saad sa akin ni Prince Cooper na ikinatango ko rin.
Maski ako ay napansin din 'yon. Isang lalaki na mahaba ang buhok na kaya rin nitong gawing sandata. Ang kaniyang mga kuko ay masyado ring mahaba at matulis. Nakaramdam ako nang matinding enerhiya galing sa kaniya kahit na malayo pa man kami. Iyon ang pinaka-napansin ko talaga, ang kaniyang matinding nilalabas na kapangyarihan na imposible naman na magawa ng mga clone niya. Lahat ay may limitasyon kung isa lamang din 'yung peke.
"Oh! How did you know? I realize that I'm talking to the Prince of Ice. Kumusta naman na makita ang iyong mga mamamayan na mamatay? Hmm?" Unti-unting ngumiti ang lalaking nasa harapan namin.
Maski ang kaniyang mga ngipin ay napakatalas. Hindi ko mawari kung anong nilalang ba siya. Napansin ko rin na may kaliskis ang kaniyang leeg at panigurado na pati ang kaniyang buong katawan.
Nang ituon ko naman ang aking paningin sa kaniyang mga paa ay nagulat ako sa itsura nito. Wala siyang kahit anong suot na sapatos man lang o maski tsinelas, tanging nakapaa lang siya, at ang kaniyang paa ay hindi magandang pagmasdan. Mahaba at iisa lang ang daliri.
'What the heck is that person is?'
" Pagsisihan mo ang ginawa mo sa siyudad na ito. Tama lang na itinapon ka sa mundo na nababagay ka, hindi ka nararapat na tumapak sa hindi mo lugar,"
" Do you think? Dati na akong nanirahan dito, sa lugar na ito ako ipinanganak. Dito ko rin naranasan ang lahat ng sakit na ginawa ng mga mamamayan mo, kaya huwag na huwag mo sa akin isisi na mamatay sila dahil nararapat lang sa kanila iyon. Nararapat lang sa mga walang kwentang mamumuno sa mundong ito na mawala. Ha! Ha! Ha! Acck!"
"Sh*t!" Malakas na singhal ko sa matinding gulat sa aking nasaksihan.
Nagpulsitan ang mga pulang likido mula sa bibig at maski sa puso nito na wasak na wasak dahil sa kuryenteng tumama sa kaniya. Kumawag-kawag pa siya sa harapan namin kung kaya't napailing na lang ako at napapikit din ang aking mga mata.
" May your soul rest in peace." Bulong ko sa hangin saka idilat na nang tuluyan ang aking mga mata.
Napadako lang ang aking mga mata sa taong gumawa nito. Dalawa sila at pawang mga nakasuot ng damit na katulad sa royalties kapag nasa school sila. Kaso napahawak ako sa aking bibig sa matinding pagkadisgusto sa dalawang nilalang na ito.
Bakit ba hanggang sa mundong ito ay masyado silang brutal? Hindi man lang nila pinagbigyan ng kalayaan ang isang nilalang sa kabilang panig, paano maaayos ang isang kaguluhan kung ang mga nandito naman sa panig ko, ay hindi rin marunong makinig.
Paano magiging tahimik ang mundo ng Monstreus kung mga halimaw naman ang naninirahan?
'Haist! Basta bahala na nga sila sa magiging kaparusahan ng nasa itaas. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makita ang dalawang magkambal na ito na magkaakbay pa sa isa't isa. Cool na cool lang ang dating kahit na may ginawa silang hindi maganda sa aming harapan.'
"Ano pang hinihintay mo, babae? Tulungan mo kaya ang mga tao sa likuran ng malaking bato na ito, alam naming gwapo kami ng kambal ko kaso hindi kami pumapatol sa mahihina." Nakangising utos sa akin nitong si Kuya Veil sabay hawi pa ng kaniyang buhok na medyo mahaba na rin.
Napaismid naman ako bago siya sagutin," Sipain kaya kita para magkaalaman tayo,"
"Aba't nanghahamon ka, huh? Gusto mo bang makuha ang hinaha—"
"Gawin! Hindi lang salita! Akala mo hindi kita uurungan!"
"Aba't— lagot ka talaga sa aking babae ka..."
"Ano ba? Pwede bang tumigil kayong dalawa? Para kayong aso't pusa na ayaw paawat! Kapag hindi pa talaga kayo tumigil, ako ang magpaparusa sa inyo." Naiinis na pananabat naman sa amin ni Kuya Vail na agaran naming ikinatahimik.
Parang tulad lang ng dati, ang kaibahan lang ay hindi nila ako kilala. Miss ko na makipag-asaran sa kanila na walang katapusan lalong-lalo na kapag si Kuya Veil ang kaharap ko. Ngayong nasa ibang katauhan ako, masyadong limita lang ang aking kilos kung ayaw kong mabisto ng mga royalties.
"Makaalis na nga lang," iyon na lang ang excuse ko sa mga ito at naglakad na nga patalikod.
Hindi ko na sila pinansin pa o hinintay ang pasaring ng lalaking 'yon, ang mahalaga ngayon ay ang makatulong ako sa mga mamamayan dito. Nang makarating ako sa mismong kinaroroonan nila, ay nakita ko na talaga ang higit pa sa sampong katao na magkakadikit sa isa't isa. Nagpupumilit silang makalayo ngunit hindi nila magawa. May isa naman ang pa-senyas senyas sa akin nang palihim. Isang matandang lalaki na umiiling-iling, palingon-lingon ang tingin sa punong nasa aking likuran pero malayo.
May sinasambit ang kaniyang mga mata ngunit hindi mailabas ng kaniyang bunganga dahil sa takot. Nakuha ko naman ang ipinupunto niya sapagkat naalala ko ang mga lesson na ibinibigay sa magkambal noong nagsimula na silang sanayin sa pakikipaglaban. Minsan na itong itinuro noon kaya hanggang ngayon ay naalala ko pa.
'May paparating na banta sa akin at ang kalaban ay nagtatago sa itaas ng puno.' Iyon ang naiisip kong dahilan at naghintay na lang sa atakeng 'yon.
Hinanda ko na rin ang aking hawak na baril. Pasulyap-sulyap ang aking mga mata sa buong paligid. May mga yapak akong naririnig ngunit walang tao akong nararamdaman.
'Invisible?' Pagko-konklusyon ng aking utak hanggang sa may maramdaman akong paparating na kung ano sa aking kanang bahagi.
Dahil sa hangin na humampas sa aking pisngi, ay nakuha ko na rin ang atake na gagawin nito. Kung kaya't itinapon ko sa pinakataas ng ere ang baril at mabilis na umikot pakaliwa para iwasan ang atake na 'yon, nang makalayo ako ay sakto naman ang pagbagsak ng baril sa mismong bahagi ko kung kaya't agaran ko itong hinawakan. Pinosisyon ang baril sa kaliwang direksyon ko at saka pinaglalabas na ang bala na umaapoy papunta sa bahagi ng nilalang na 'yon. Ngunit napansin ko na gumagalaw din ang hangin na 'yon, ibig sabihin nakailag siya sa aking atake.
"Kyahh!" Malakas na sigaw ko at marahas na umikot habang ang aking kanang paa ay naka-straight ang posisyon.
Nakaramdam ang aking paa na may tumama, lalo nang mapunta ito sa malaking bato na ikinasira nito sa malakas na pagkakabagsak. Narinig ko pa ang malakas na sigawan o pagmura ng mga tao sa likuran. Mas dinig na dinig ko ang boses ng palaka na si Kuya Veil.
Napabagsak naman ako sa lupa sa matinding pagkahilo sa pagkakaikot sa ere. Itinuon ko ang aking kaliwang palad sa lupa habang pinipilit ang aking sarili na bumalik sa normal ang aking pagtingin sa paligid. Pero hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng kirot sa aking ulo. Hinilot-hilot ng aking kanang kamay ang aking noo papunta sa ituktok ng aking buhok.
Napansin ko rin ang pagdating ng tatlo sa aming direksyon, subalit may isa naman tumulong sa mga mamamayan ng Ice Kingdom, imbis na ako dapat ang gagawa nito. Sa sobrang pagkahilo ko ay napahiga na talaga ako sa lupa habang nakapikit nang mariin.
"Hoy babae, anong nangyayari sa iyo?" Tanong sa akin ng lalaking akala mo kung sinong feeling close.
"Tantanan mo muna ako saglit, ang sakit ng ulo ko." May inis sa aking boses saka pinapaypay pa ang aking kanang kamay sa harapan niya para ilayo lang ang lalaking ito.
"Tsk. Para kang kapatid kong bunso lagi na lamang may dalaw—"
"Stop that, Veil. Sinabi ko na sa iyong huwag na huwag mong babanggitin ang kapatid natin." Banta ni Kuya Vain sa malamig na boses.
"Yeah! Yeah! Yeah! Hindi ko na nga sasabihin, parehas talagang may mga dalaw. Hmmp!" Alam kong umirap pa si Veil sa kakambal niya kahit na hindi ko ito nakikita.
Hanggang ngayon kasi ay naliliyo pa rin ako, hindi ko kayang tumayo nang maayos. Ito ang pinaka-greatest weakness ko kapag marahas akong umikot sa ere, nagagawa ko na siyang makontrol na hindi ako mahilo. Kaso nga lang na ngayong wala ako sa sarili kong katawan, maraming nagbago. Hindi kaya ng katawan na ito ang pwersa na hindi pa niya nararanasan.
"Let me heal you," ibang boses naman ang narinig ko sa kanang bahagi ko.
Kilala ko na ang may malamig na boses na ito.. Mas malalim pa ang kaniyang tono kaysa sa daddy ko na ewan lang, himdi siya baritono. Gusto ko ulit sanang magreklamo dahil sa kaya naman pala ni Prince Cooper na gamutin ako, hindi pa ginawa kanina. Hinihintay pa yata niya akong mamatay dahil sa hilo.
'May namamatay ba talaga sa hilo lang? Ay ewan!'
"Eh? Dapat kanina mo pa ginawa, naku naman, Cooper. Hindi ka talaga sa akin papasa kapag ganiyan ka,"
"Takte naman, Veil! Umayos ka ngang lalaki ka, pati ba naman sa mundong ito dala-dala mo pa 'yang ugali mo. Sabihin ko kaya kay Daddy na ibalik ka sa mundo natin."
"Duh?! Hindi na ako babalik sa lugar na 'yon,"
"Aba'y bakit naman? Hindi mo ba gustong bumalik kay Mommy?"
"Hmmp! Basta!" Iyon na lang ang narinig ko mula kay Kuya Veil bago ko maramdaman ang presensya niya na palayo sa aming gawi.
Napansin ko rin ang kamay na humaplos sa aking noo, para akong nakuryente sa ginawa nito. Bigla ring bumilis ang t***k ng aking puso, kinakabahan man ako sa paraan ng paghaplos niya—unti-unti ko ring na-fe-feel na bumabalik na ulit sa dati ang aking pakiramdam.
Hindi na ako masyadong naliliyo, hindi ko na rin ramdam na nasus*ka ako. Parang hindi na rin umiikot ang aking paningin noong nag-try akong dumilat at nauna kong nakita ang kulay asul na asul na mga mata ni Prince Cooper. Siya dapat ang prinsipe ng tubig, kaso naging yelo pa.
"Feeling fine?" Tanong nito sa akin saka inalalayan pa nang mapansin niya na pinipilit kong tumayo sa aking pagkakahiga.
Dahan-dahan niya lang akong tinataas pero ang aking dugo naman ay pataas na rin sa aking mukha. Pasulyap pa ako nang palihim sa kamay naming magkahawak. Lalong-lalo na sa lalaking nakatingin sa ibaba. Pero napadako ang tingin ko sa iba naman nang may maramdaman akong paparating.
Nakalimutan pala naming may kaibigan pa pala si Prince Cooper na nag-aasikaso rin sa mga hostages. Masaya ang mga mukha nito noong sila'y makalapit na sa amin. Pero nagtataka sila sa dalawang lalaki na hindi rin maipinta ang mga mukha.
"Vain at Veil? 'Yung anak ni Headmaster Klein na hindi dinadala sa Monstreus World, tama?" Kuro-kuro nitong si Kathy habang tinuturo pa sina Kuya Veil at Kuya Vain.
"Oo, kami nga 'yon. Pero hindi rin namin inaasahan na sa lugar na ito namin kayo makikita. Akala namin ay isa sa mga trainee ni Daddy kayong apat, nakita kasi namin kayo sa picture na magkakasama. And we don't know this world too, kayo pala ang tinutukoy ni Daddy na mga royalties sa mundong ito. Hanga ako sa inyo, I mean... kami sa inyo." Sumaludo pa si Kuya Vain sa apat na napangiti na lang din saka ginawa rin nito ang kaniyang ipinakita sa kanila.
Samantalang si Kuya Veil naman ay lumapit sa aking direksyon, minamasdan ko na lang ang kilos nito hanggang sa tuluyan na siyang nandito sa aking kaliwa. Si Prince Cooper naman ang nasa kanan ko, pati rin pala siya ay nakatingin kay Kuya Veil.
Hindi ko lang inaasahan ang ginawa nito sa akin. Mahina niyang dinamba ang aking kaliwang balikat ng kaniyang kanang balikat naman. Nagtataka ko siyang binalingan ng aking atensyon, tinaasan ko pa siya ng aking kaliwang kilay.
"Problema mo sa akin?" Ako na ang unang nagtanong.
Parang wala maman atang balak magsalita ang lalaking ito. Saka bata pa lang kami ay kilala ko na ang pagkatao ng mga kuya ko. Magaling silang mag-feeling close pero sinasapian din sila agad ng hiya kapag naalala nila na may ginawa silang mali.
"Bakit ang pangit mo?" Nagugulumihan niyang tanong sa akin habang tinitingnan pa rin ang aking mukha nang masinsinan.
"Tadyakan kita, gusto mo?" Mapanghamon kong sagot naman dito na ikinangiwi niya.
"Ka-babaeng tao, mahilig sa away," mahina niyang sambit sa akin na ikinakibit balikat ko na lang.
"Hindi naman ako mahilig sa away, ang away ang lumalapit sa akin. Bully is everywhere." Iyon na lang ang nasabi ko bago mapalingon naman sa lima na kasama na rin si Kuya.
"Nasa'n ang nag-iisa ninyong kapatid na babae? She's Savyrah, right? We want to see her. I think she's—" hindi na natapos pa ni Amiros ang kaniyang sasabihin nang sumabat na agad si Kuya Vain.
"Sh-she's... she didn't survive..." Halata sa tono ng boses ni Kuya Vain ang sakit nang tuluyan na niyang banggitin ang katagang 'yon.
Halata sa lahat ang gulat sa kanilang narinig, pinuntahan pa nila si Kuya Vain na napayuko na lang. Tinapik-tapik nila ang kaniyang balikat. Napabaling naman ang tingin ko sa kaliwang bahagi ko, kung nasa'n ba si Kuya Veil.
May binulong siya na tanging kami lang ni Prince Cooper ang nakakarinig.
"Ang sabi niya hindi na siya magiging mahina pa sa harapan ng iba, why now? I miss her too." Malungkot na sabi niya sa akin habang nakatitig pa rin sa kambal.
Ganito talaga ang nararamdaman ng may kambal ka, kung ano ang nararamdaman ng isa, ganon din ang ma-fe-feel niya. Kaya hindi ko masisisi na malulungkot din si Kuya Veil kapag ganito ang reaksiyon ni Kuya Vain kung pag-uusapan naman ang nag-iisa nilang bunsong kapatid.
Napayukom na lang ako nang palihim at binaling na lang ang tingin sa direksyon ng lima. Maski ako ay hindi matanggap na ang tunay na katawan ko ay nawala na. Ako lang pala ang namatay... ako lang pala ang napunta sa ibang mundo na iba na ang aking katawan.
Pero hindi ko pa rin mawari kung paano ba talaga ako namatay? Bakit ako lang ang napunta sa ibang katawan at hindi sila?
Bakit sa paglipas ng mga panahon na naninirahan ako sa mundong ito— mas lalong nagiging kumplikado ang buhay ko? Sino ba talaga ako... Lalong-lalo na ang pamilya ko?