SAVYRAH'S POV:
(AFTER ONE WEEK)
"What are you doing in outside? It's already 10 in the evening." Malalim ang tono ng boses ng taong narinig ko na papunta sa aking direksyon.
Nasa labas ako ng palasyo nila. Matapos naming magawa ang misyon, naisipan naman ni Prince Cooper na sa bahay muna nila kami magpapagabi, at kapag sumapit ang araw ay babalik na rin kami sa school. Subalit humirit si Kuya Veil ng isang linggo pa rito at siya na raw ang bahala sa daddy nila at ganon din ang suhestiyon ni Kuya Vain kung kaya't nagsipayagan ang lahat. Hindi na rin ako sumali o maski si Prince Cooper pa, hinayaan na lang niya ang anim na gawin ang gusto nila, tutal naman daw ay wala sa palasyo ang mag-asawa na magulang naman ni Prince Cooper.
Maaliwalas sa labas, ang akala kong palasyo na bongga ay isa lamang pala na parang mansyon sa aming mundo. Tatlong palapag ang bahay, may dalawang veranda sa second floor at third floor. May mataas at matibay na gate na nagtatago sa mismong pinaka-main door ng bahay. Mayroon din sa pasilyo na ito na fountain at garden, nasa kaliwang direksyon ng bahay ang fountain kung saan nandoon ang statue nilang tatlo. Walang kapatid si Prince Cooper, tanging siya lang anak ng hari't reyna ng Ice Kingdom.
Parang isang normal na lugar lang ang kingdom nito pero ramdam mo pa rin ang lamig talaga. Hindi naman ganon kalamig na magiging frozen ka na. Ang nabubuhay na bulaklak lang dito na nasa kanang direksyon naman, ay mga kayang magtagal sa lamig.
May Frederita, isang uri ng halaman na iisa lang ang petal. Pero sa petal na 'yon, may lalabas na ugat at magbubunga ng isang ice ruby. Kulay pula ang tangkay nito, yellow naman ang mga dahon, at ang stigma naman nito ay isang ice ruby rin na malaki.
Schids naman ang tawag sa bulaklak na masyadong nahihiya kahit na malayo ka pa sa kaniya, kulay violet ang kulay nito hanggang sa pinakapuno. At marami pang iba na masyado ng mahirap i-pronounce ang mga pangalan, tutal nakalimutan ko na rin kung ano ba ang mga ito.
Kaunti man ang halaman dito, pero mahalaga pa rin ang binubunga ng ilan sa bulaklak nila. Lalo na ang Frederita na mahal ang katumbas na salapi sa Monstreus World. 1M Treu kada isang ice ruby. Sa mundo naman namin kung i-ko-convert ito sa salapi aabot ang 1M Treu sa 100, 000, 000 pesos. 1 Treu equivalent to 100 pesos.
Ang bunga na inilalabas ng petals ng Frederita, ay parang isang itlog lang ng langgam.
"Hey, I'm talking to you, Reilly." Malamig na pagbabanggit na naman ni Prince Cooper sa pangalan ng babaeng hindi ko naman kilala.
Binalingan ko na lang siya ng aking paningin habang wala sa tamang katinuan pa rin. Kung kaya't nakaramdam ako ng isang hindi gaanong kalakas na katok sa aking noo.
"Aray! Sakit naman no'n ah!" Angil ko sa lalaking ito habang minamasahe ang parte ng tinuktukan niya.
Sa sobrang laki at tigas ng kaniyang palad, isang dampi pa lang ay masakit na. Hindi naman ako lalaki para ganituhin niya.
"Para bumalik ka na sa normal mong pag-iisip. I'm asking you, why are you here, alone?"
"Alangan pa lang may kasama ako rito? Saka hindi ko pa naman masyadong ka-close ang mga kaibigan mo kaya ayos na ito sa akin. Ayoko rin namang masyado akong feeling close, sa libro lang masaya na ako," iyon na lang ang sinabi ko at muling binalingan ng tingin ang kalangitan.
Napangiti pa ako sa mga bituin na kumikislap sa kaitaasan, at ang anim na buwan na masyadong malayo sa amin ang dalawa kaso ang apat ay masyadong malapit naman, pero masarap pa ring tingnan. Iba't ibang kulay at panigurado ako na sa bawat kulay na ito ay may nagreresembla. At sa tingin ko ay ito ang apat na main elements na hawak nila, 'yung mismong apat na malapit na sa aming tanaw. Samantalang ang dalawa naman ay ilang distansya lang ang layo sa isa't isa, ito ay kulay itim at puti.
'Palagi na lang bang silang magkalapit? Parang may ipinupunto ang dalawang buwan ngunit hindi pinapansin ng iilan o nakikita nila pero hindi nila alam ang ibig sabihin?' Nagtatakang tanong ng aking isipan habang pinagmamasdan pa rin nang maigi ito.
"You know what, sa isang dekada lang nagpapakita ang dalawang buwan na 'yan, minsan ay hindi na rin kaya akala namin hindi na ito muling magpapakita pa sa mahabang panahon na pagkakahimlay. Some people say, because of the twins," biglang usal nitong si Prince Cooper kung kaya't napalingon ako sa kaniya... sa mismong kanang direksyon ko.
Maski pala siya ay nakatingin nang seryoso sa dalawang buwan na nakikisabay sa pagliwanag sa kaitaasan. Nakaramdam ako ng relief o kasaganahan kapag ganito ang mga buwan. Parang isang kapayapaan na inaasam ninuman ngunit sa kadiliman nga lamang.
"Bakit naman napasama ang magkambal? Saka sino naman sila?" Curious kong tanong dito kasi hindi ko talaga maintindihan ang tumatakbo sa utak niya.
Napalayo naman ang tingin niya sa kalangitan at ibinalik sa akin ang kaniyang pagtingin. Nakita ko sa mukha niya na natatakot siya pero hindi ko rin alam kung paano, kaso nagbago iyon at napalitan ng malungkot na ngiti.
"600 years ago, hindi pa ang Ice Kingdom ang tunay na namamahala sa buong Monstreus World. May isa pang kingdom na matagal ng nabura sa isipan ng nakararami, and that was Mondemoir Kingdom. Magkakaibigan ang lahat ng kingdom dito sa mundong ito, no chaos coming nor hating each other. Tanging mga halimaw lang na nangangambala sa bawat kingdom ang problema noon, not until the twins born,"
"Twins ng hari't reyna ng Mondemoir Kingdom?" Pananabat ko naman na ikinatango niya lang bago mapabuntong hininga.
"Yes, they are. Sina Vash at Lei. Si Vash ay ang panganay na lalaki at si Lei naman ang bunsong babae. Walang problema noon sa lahat ng palasyo hanggang sa may isang propesiya na nagsasabi na kung hindi mapatay ang bunsong anak na babae ng Mondemoir Kingdom, lahat ng kingdom ay magkakagulo—"
"Ginawa ba nila ang nasa propesiya? Pinatay nila ang bunsong anak ng hari't reyna ng Mondemoir Kingdom?" Pagpapatigil ko naman sa sasabihin nito kung kaya't sinamaan niya ako ng tingin.
"Itutuloy ko pa ba o huwag na?"
"Sige, go na. Hindi na ako sisingit pa." Sagot ko agad sa tanong nito dahil gusto ko talagang malaman ang katotohanan tungkol sa dalawang buwan na 'yon.
"Tsk." Umirap muna siya saglit sa aking harapan bago ibaling naman ang tingin sa kalangitan.
Napalingon din ako sa itaas habang pinagmamasdan ang dalawa na malayo sa apat na buwan na malapit sa amin. Pero kunting distansya lang sila sa isa't isa.
"They killed the innocent princess. Kahit na gaano pa man nagmakaawa ang pamilyang Mondemoir, ay walang nakinig sa kanila. Ibinaba pa nila ang kanilang trono para sa aming pamilya upang tulungan lang sila na mailayo sa kapahamakan ang anak nila, subalit hindi iyon ginawa ng mga ninuno ko. Mas pinili nila ang propesiya na ginagawa lang na panatilihin ang katahimikan sa Monstreus World, subalit ang propesiya rin pala ang sisira sa kalayaan ng mundo mula sa kapahamakan. Dahil magmula ng mapatay nila ang pitong taong gulang na si Lei, hindi rin nila sinasadyang mapatay si Vash na sobra ang galit noon sa kanila. Nagawa nitong gamitin ang puting kapangyarihan para maparusahan ang mga pumatay sa kakambal niya, ngunit iyon din pala ang araw ng pagkamatay niya. Masaya man si Vash na makapiling ang kakambal, may sumpa naman siya sa mundong ito na naging dahilan kaya hanggang ngayon hindi nagbabago ang Monstreus World. Maraming mga nilalang na nagbabago at gustong masira ang mga Kingdom, at ako na susunod na hari ay gagawin ang lahat para mabago ang landas ng lahat. Kahit na ikamatay ko man, gusto kong ituwid sa tama ang mga maling nagawa noon ng mga ninuno namin. Papatunayan ko na may isang chansa pa kami na mawala ang sumpa sa mundong ito." Mahabang salaysay niya na ikinalungkot ng aking mukha. Ramdam ko rin na hindi siya masaya sa nangyari sa dalawa, sino bang matutuwa ro'n?
Hindi ko matanggap ang nangyari kina Vash at Lei. Pinatay si Lei dahil sa propesiya? So weird... Bakit ba sa mundong ito ay palagi na lang nilang pinapakinggan ang propesiya? Mangyayari at mangyayari ang mga bagay na hindi nila inaasahan.
Hindi sa lahat ng oras ay mananatiling payapa ang mundo, kapag patuloy na nadagdag ang taon, ang mga kaisipan ng tao ay nagbabago na rin.
Isang dahilan lang ito na naging bulag sa katotohanan ang mga tao noon. Pinatay ang isang inosente, at ang isa pang pinagtanggol lang ang namaya niyang kapatid.
"Nasa'n na ba ang Mondemoir sa mga panahong ito? Nagkaroon ba ng panibagong anak ang mag-asawa? Bakit nawala na sa isipan ng mga mamamayan sa Monstreus World ang Mondemoir Kingdom?" Nagtatakang tanong ko naman nang may mapansin na parang may kakaiba.
"Inalis ni Vash ang lahat ng alaala nila sa mga ordinaryong tao at sa mga kamag-anakan noon ng mga kawal na pinahirapan ang kakambal niya. Tanging ang mga royalties lamang ang hinayaan nila na maalala sila para iparating sa mga susunod na henerasyon kung gaano ba kalupit ang mga tao noon. Ang mag-asawa namang Mondemoir ay hindi na rin nagpakita pa, may nagsabi-sabi na namatay na ito sa matinding kalungkutan sa pagkamatay ng dalawa nilang anak." Pagwawakas niya sa kwento tungkol sa dalawang buwan.
Ngayon ay hindi na ako nahihiwagaan sa mundong ito. Unti-unti ko nang nalalaman ang lahat, dahil kay Prince Cooper alam ko na kung bakit ganito na ang Monstreus World. Dahil sa mga ninuno nila, ngayon ang mundong ito ay hindi na magiging katulad pa dati.
"Don't worry, Prince Cooper. I can help you to achieve your dreams. Nagkamali man ang mga tao noon, kaya naman ng mga bagong mamumuno ngayon na ibalik ang kapayapaan sa mundo ng Monstreus World. Basta ang mahalaga, ay walang magkakasiraan, manatiling magtiwala sa bawat isa. Iyon ang susi sa tagumpay." Nakangiti kong turan sabay lapat pa ng aking kanang kamay sa kaniyang balikat.
Pinisil ko iyon nang hindi malakas kung kaya't napalingon siya sa aking gawi at saka ngumiti nang tipid.
"Thank you, Reilly. Hindi ko aakalain na mayroon ka pa lang ganiyang ugali. I sometimes see you before, akala ko hindi ka na magbabago," pag-che-change naman niya ng topic na ikinangiwi ko na lang bago mapabuntong hininga.
"Lahat naman ng tao nagbabago kung alam nilang na-a-agrabyado na siya ng mga nilalang sa mundong ito. Hindi ko man alam ang tunay na kapangyarihan ko, kaya ko namang ipagmalaki na may kakayahan akong makipagbakbakan gamit lang ang aking mga kamao." Proud kong sabi sabay pakita pa ng aking kamao sa harapan niya.
Naiiling naman siya pero napatawa rin sa huli. Nagulat ma'y hindi na lang ako nagtanong pa kung bakit siya natuwa.
"Yeah, I see that too. Hindi ko inaasahan na magagawa mo 'yun. You killed the invisible man using only your stategy. Maiba tayo, ayos na ba ang pakiramdam mo?"
"Oo naman hindi naman sa akin problema ito, nagamot mo na rin naman ako kaya nawala 'yung sakit. Ang ikinainis ko lang, ay kung bakit malapit na akong mamatay ay saka ka lang kikilos na gamutin ako?" Pagpapaalala ko na naman sa kaniya noong nakaraang linggo.
Matagal naman na pero hindi pa rin sa akin nawawala ang ginawa niya.
"It's not my fault. Akala ko nagbibiro ka lang sa mga oras na 'yon?" Sabay kibit balikat niya pa pero halata naman ang pagngisi niya nang tipid.
"Tadyakan kaya kita para malaman mo?" Nanghahamon kong sabi rito saka itinutok pa sa kaniyang mukha ang kamao ko. Napangiwi naman siya sa ginawa ko pero parehas kaming napadako ang tingin sa kalangitan.
Napanganga kaming parehas nang makita ang dalawang buwan na gumalaw ng kaunti lang pero nakakagulat pa rin. Lalo na ang paglabasan nang napakaraming mga bituin na iba't iba ang kulay. Parang may isang rainbow rin na pumorma sa kalangitan. Nasa bawat kulay ang mga ito.
Napaalis din ang aking kamao sa kaniyang mukha at pinagmamasdan nang mabuti ang mga bituin sa kalangitan.
"You know what, since I was born. I want to see the stars for many hours. Hindi ko nagagawa ang mga bagay na ito noon dahil kailangan kong ibaling ang atensyon sa pagiging isang susunod na hari," panimula niya habang seryosong nakatingin din sa itaas.
Sobrang lalim talaga ng kaniyang tono ng boses pero masasanay na rin siguro ako sapagkat ganito rin si Daddy. 'Yun nga lang may pagkabaritono.
"Mahirap bang maging isang royalties? O anak ng hari't reyna lalo na't magiging isang hari ka na in the near future?" Nagugulumihan ko namang tanong dito.
Gusto ko lang din malaman ang feeling na isa kang anak ng mga namumuno sa mundo ng Monstreus World. Saka damdamin na rin ang sandali, ngayon lang makakausap nang matino itong si Prince Cooper. Noong mga nakaraan kasi ay para siyang sinapian ng malamig na panahon. Feel na feel ko talaga ang awra niya kahit nasa malayo siya.
"Yeah, akala ng mga nakakarami kaya naming gawin ang lahat. But the truth, we want to experience the life of the ordinary Monstreus people. Just like this, or talk to you for many hours. Kailangan naming gampanan ang pagiging royalties namin, tulungan ang mga nangangailangan, at ilayo sa kapahamakan ang lahat ng naninirahan sa mundong ito. Para na nga yatang ayoko na lang matulog ngayon, gusto ko na lang manatili na gising para hindi ko maramdaman na ang bilis lang pala ng oras. Panibagong pagsubok na naman ang kahaharapin."
"Di samahan kita rito. Pagmasdan na lang natin ang rainbow of love..."
"Rainbow of love?" Nagtataka niyang tanong na ikinangiti ko naman nang malawak.
"Nakikita mo 'yun?" Itinuro ko pa sina Amiros at Kathy na nasa fountain naman.
Malayo ang fountain sa garden pero kita pa rin namin ang dalawang magkayakap sa isa't isa.
"Oh? What about them? But, I'm happy they already confess to each other—"
"That's it. Kaya ko tinawag na 'Rainbow of Love', ay dahil sa kanila. Kapag lumalabas ang bahaghari na 'yan, ibig sabihin may isang tunay na nagmamahal ang nag-confess na sa kanilang iniibig. Sounds weird, but I like how they end up to each other. Kahit sino o ano ka pa, mamahalin ka ng taong tunay talaga."
"Dami mong alam."
"Aba syempre! Ako pa ba?" Proud ko pang sabi sa aking sarili at muling ibinaling ang tingin sa bahaghari na 'yon. Napakaganda talaga nitong pagmasdan, sana tuwing gabi ay mayroon nito.
"Tsk."
" Nawalan ka na ng sasabihin, 'no? Ha! Ha! Ha! Wala ka pala 'e!" Pang-aasar ko sa lalaking ito na hindi na maipinta ang kaniyang mukha.
"Shut up!" Naiinis na singhal niya sa akin pero mas lalong lumawak ang aking pagkatuwa sa napapansin ko sa lalaking ito.
"Nye! Nye! Nye!" Sabay belat ko pa ng aking dila sa kaniyang harapan bago tumakbo palayo sa direksyon niya. Napansin man kami ng dalawa, ay hindi ko na pinagtuunan pa ng aking atensyon.
Kailangan kong makalayo sa lalaking 'yon.
'Ang sama na kasi ng mukha. Parang papatay na. Ha! Ha! Ha!'
"Reilly! Come back here!"