SAVYRAH'S POV: "Kung gan'on wala na rin akong magagawa kundi ang tanggapin ang kapalit na gusto mo. Pero huwag kang aasa na matutulad talaga ito." Seryoso kong tugon nang mapag-isipan ko na ang lahat ng mga nangyayari ngayong araw. Kahit na hindi sumang-ayon ang mga taong ito. Wala na akong magagawa. At hindi ko hahayaan na maging dahilan ng kanilang pagtutol ang hindi ko paggawa sa gusto ng babae na ito. Saka gusto ko ring malaman kung ano ba ang nasa loob ng Dark Kingdom. Iyon na lang ang tanging hindi ko pa natitingnan. Maski rin pala ang iba pang kingdom. Ang mahalaga nakita ko na ang Ice Kingdom kung saan doon naninirahan ang namumuno ngayong panahon na dating pinamumunuan ng Mondemoir Family. "Huh? Nahihibang ka na ba, Savyrah? Bakit mo—"bago pa man matapos ni Vain ang kaniyang s

