SAVYRAH'S POV: "Huwag na si Savyrah ang kunan mo ng kapalit. Ako na lang! " Mabilis na pagpunta sa aking harapan ni Avies at saka hinarangan niya pa ng kaniyang mga kamay ang katawan ko. Napapakurap-kurap na lang ako dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon. Ilang beses ba ako nitong tutulungan ni Avies? Parang kapansin-pansin na mas malala pa ang kaniyang ginagawa para sa akin kaysa sa ginawa ko para sa kaniya. "Hoy, Avies! Nahihibang ka na ba? Ako ang tinutukoy niya kaya 'wag kang epal d'yan. Bumalik ka na kaya sa kinaroroonan mo!" Naiinis na singhal ko sa lalaking ito at saka hinawakan siya sa kaniyang dalawang balikat. Pilit na inaalis sa aking harapan subalit hindi niya ako sinusunod. Nanatili siya sa pwesto niya at ramdam na ramdam ko ang malakas na pwersa na inilalabas ng ka

