THIRD PERSON'S POV: "S-Savyrah, n-nagmamakaawa kami. Ibalik mo na sa amin ang liwanag. N-naghihina na kami, h-hindi na namin kaya..." Nagsusumamo ng hari ng Ice Kingdom kay Savyrah matapos nilang makita sa kanilang harapan ang dalaga. Ang lahat ng mga tao na namamalagi sa Ice Kingdom ay nakayuko't nakaluhod. Mga kapwa nagmamakaawa at umiiyak dahil sa panghihina. May nakita rin siya na naghihingalo o nag-aagaw buhay dahil sa matinding kadiliman. Hindi niya inaasahan na ang lalabas na kapangyarihan mula sa espada na pagmamay-ari ni Davis, ay kayang higupin ang enerhiya na meron sila tulad sa mga puno't halaman na mabilis ang pagkamatay. Kung alam lang sana niya na ganito ang magiging bunga, sana hindi niya na lang ginawa. Pero may nagsasabi rin sa kaniyang isipan na maganda rin ito dahil

