THIRD PERSON'S POV: "Sana sa pangalawang pagkakataon na ito, hindi na ninyo gawin pa ang pangingikil ng buhay ng wala kayong sapat na proweba. Kung maaari lang ay ipataw ang kamatay*n sa mga taong labis ang ginawa sa mundong ito. Kung pagnanakaw lang o hindi gan'on ka-grabe ang naging pinsala, sana ipakulong na lang ninyo, at bigyan ng taon kung kailan ba sila makakalaya. Iyon lang at sa oras na ito ibabalik ko na ang kaliwanagan sa mundong ito. Sana maging masaya kayo at wala ng kaguluhan pa na mangyayari!" Matapos ni Savyrah sabihin ang mga katagang iyon. Itinaas niya ang kaniyang kanang palad at saka dahan-dahan na hinigop nito ang kadiliman na nagtataklob sa buong Monstreus World. Kitang-kita ng lahat ang unti-unting pagsinag ng araw sa kanilang harapan. Dinig na dinig ni Savyrah a

