SAVYRAH'S POV: "Savyrah, bakit tayo nandito?" Nagtatakang wika sa akin ni Davis nang dalhin ko siya sa lugar kung saan nakita ko ito sa aking panaginip. Panaginip nga ba o tunay na nangyari? Basta. Kung ano man iyon, gusto kong may magawa ako para sa kaniya. Nandito nga pala kami sa malaking puno na naka-bend paibaba saka tumaas bago umikot pakaliwa. Marami itong sanga na malalaki't mahahaba. Sa gitna ng puno ay may lumang bahay na sa tingin ko ay marupok na. Kapag pumunta pa kami ro'n, baka mahulog pa kami paibaba kaya tamang tingin na lang muna kami. Siguro mahigit sa dalawa o tatlong dekada na ang bahay na ito kaya ang puno ay patuloy ang pagtaas matapos nitong umikot ng isa. Humigit isang linggo na pala simula ng makausap ko si Uncle Daen. Siya na ulit ang naging pinuno ng Monstreus

