THIRD PERSON'S POV: Nang marating na ng tatlo ang destinasyon ng matabang puno na tinatawag na 'Devil's Tree'. Napalingon pa ang tatlo sa isa't isa at saka dahan-dahan na napatango. Animo'y nakikipag-usap ang kanilang mga mata. Pero muling napadako ang kanilang mga paningin sa unahan nang marinig na nila itong magsalita. "Sino kayo? Anong ginagawa ninyo sa teritoryo kong ito?" Nakakagimbal ang tono ng boses nito. Para bang nilalamon ka ng kaniyang boses papailalim sa kaniyang kinatataniman. Ang malalaking mga mata nito na kulay itim ang lahat ay sobra ang pagkakatitig sa kanila lalong-lalo na sa hawak-hawak ni Avies na si Savyrah. Ramdam ng matabang puno ang kakaibang kapangyarihan na dumadaloy sa katawan ng babae, na kaniya namang ikinangisi sapagkat naaaliw siya sa kaniyang nakikita

