THIRD PERSON'S POV: Dahil sa labis na pagtataka sa kakaibang ikinikilos ni Avies. Naisipan din ni Vain na tingnan ang lupa na kanina pa pinagmamasdan ni Avies, masyado na siyang na-i-intriga sa mga nangyayari kaya kailangan na rin niyang kumilos. May kakayahan si Vain na makita ang mga bagay-bagay na hindi napapansin ng iba. Pero gan'on na lang ang gulat niya nang makita ang dalawang halimaw na nagsisimula na sa kanilang paggalaw paitaas. Mga halimaw na handa na sila ay sugurin. Napalingon pa si Vain kay Avies na ngayon ay seryoso ang mga mukha na nakatitig din sa lupa. "Anong nangyayari? Anong meron, Vain?" Tanging si Veil lamang ang wala pa ring alam sa mga nangyayari sa paligid nito. Subalit alam ni Vain na may nararamdaman din ito na kakaiba na hindi nito masolusyonan. Dinadaan na

