SAVYRAH'S POV: (FIRE KINGDOM'S JAIL) "Bakit nasa Fire Kingdom tayo? Akala ko ba sa Ice Kingdom ang pinuntahan ninyo? Pinagloloko mo ba ako?" Agaran kong tanong kay Avies nang malaman ko na kung saan ba kami nag-teleport. Ibang-iba kasi ang atmospera rito kaysa sa Ice Kingdom. Malalaman ko agad ang kaibahan dahil na rin sa aking nararamdaman. Medyo may pagkainit kasi rito isabay mo pa na nasa ilalim ata kami ng lupa. I don't know, basta ramdam ko lang talaga. 'Yun kasing hangin na nalalanghap sa itaas at ang hangin sa ibaba ay magkaiba. Kung hindi maganda ang lagay ng puso mo at hindi ka rin mahilig magpa-init. Mas mabuti na lang talaga na hinding-hindi ka papasok dito. Medyo nakakapanghina sa tuhod at kunti na lang ay mawawalan ka ng malay. Pero bakit nga ba kami nandito ni Avies? Sin

