SAVYRAH'S POV: "Huh? H-hindi na kailangan... hindi rin ako naghahanap ng bagong bodyguard. Si Avies na lang ang tanungin mo, siya naman ang pala-desisyon e." Pangtutukoy ko naman agad kay Avies na naka-cross arm sa aming likuran pero halata rito ang matinding inis dahil na rin sa kilay niya na nakataas. Akmang susugod na sana siya para lumapit sa akin pero mabilis siyang pinatigil ni Avriel sa kaniyang gustong gawin. "Tsk. Sinisigurado ko lang na tama lahat ng mga desisyon mo. Hindi iyon pala-desisyon. Makapanghusga 'kala mo maganda." Napairap pa ito nang matapos niyang sabihin ang kaniyang ninanais. Naiiling na lang ako sa lalaking ito bago muling ibaling ang aking paningin sa lalaking mahaba ang buhok na ngayon ay tamang nakatitig pa rin sa akin. Kaya mabilis akong napaiwas. Nakakahu

