SAVYRAH'S POV: "Huh? Ano namang mali ro'n? Imposible naman na magkaparehad sila. Haist! Ito na nga lang ang pagtuunan ko ng pansin." Naiiling na wika ko sa aking sarili bago tingnan muli ang envelope na hawak-hawak ko. Agad ko itong binuksan at saka dahan-dahan na inilabas ang puting papel na nakatiklop. Nang ibuklat ko na ito. Doon ko na nakita kung ano ba ang nakasulat. 'Dear Savyrah, Kung nalaman ko lang na ikaw ang babaeng binabantayan ko. Sana hindi na lang ako nagdalawang-isip pa na palayain ka. Alam kong wala kang kasalanan. Hindi ikaw ang batang basta-bastang magnanakaw ng hindi iyo. Tama ka, ano nga bang tunay na halaga ng mga bato na iyon? Sa muling pagkakataon, may nagawa na naman kaming kasalanan sa inyo. Akala ko o namin ay magagawa na naming mabago ang aming kapalaran at

