Dahil sa isang hula
Dominique POV
February 8, 2017, Maynila
Bitbit ang aking notebook na bagong bili, inumpisahan kong ikutin ang mga simbahan sa Maynila. Nais kung gumawa ng libro na dito sa Pilipinas ang plot, pero wala pa akong idea kung paano ko sisimulan ang storya. Tama po kayo isa po akong writer, novel writer to be exact. Basta ang gusto ko ang concept ngayon ay panahon ng kastila, pero ayoko naman ng masyadong common na kwento. Hanggang halos lahat ng simbahan napuntahan ko ma hanggang nakarating ako sa Baclaran. Pumasok ako sa loob upang manalangin ang masilayan ang loob ng simabahan. Paglabas ko nakita ko na may mga manghuhula at tindera sa gilid ng simabahan. Na curious ako kaya medyo lumapit ako sa kanila, Isang matandang babae ang lumapit sa akin.
"Iha.. sa wakas dumating ka rin. Halika maupo ka dito." habang hinawakan nang matanda ang kaliwang kamay ko para paupuin.
"Manang, hindi po ako magpapahula. Salamat na lang po." sabi ko na medyo naiilang sa sitwasyon.
"Ayaw mo ba malaman ang nakatadhana saiyo? " sabi sa akin ng matanda habang nakaupo na siya at nakangiti sa akin
Naisip ko na baka ako ang unang kliyente niya kaya naawa na ako at umupo na. Sa totoo lang hindi ako naniniwala sa hula. Dahil para sa akin tayo ang gumagawa ng ating tadhana, tayo ang pumipili sa pamamagitan ng ating mga desisyon.
Nagaalangan man umupo na ako at inumpisahan niya balasahin ang kanyang baraha.At isa isang nilatag ang mga ito. At isa isang binuksan ito.
"Tsk Tsk!"habang nakita ko na sobrang seryoso siya sa pagbabasa. Hindi man lang siya tumitingin sa akin. Kaya naging curios na rin ako.
"Iha... base dito, ilang beses ka ng nabuhay sa mundong ito.. " Habang si Manang ay umiiling na nakatingin sa baraha. At binuksan ang sumunod na baraha.
"At dahil doon ang hirap basahin, kung anung panahon. Pero base dito isang pangako na hindi natupad" napapangiwi siya na napapansin ko na parang hindi naman siya nag aacting lang. Kaya naging interesado na ako.
"Akin nga mga kamay mo, iha?" sabi sa akin na binigay ko naman. At tinitingan niya ang mga bawat guhit nito.
Napatingin siya sa akin at sinabing...
"Sa panahon na ito niya matutupad ang kanyang pangako iha! Ang taong nangako saiyo!" na medyo naguluhan ako sa sinabi niya habang masaya niya sinabi.
"Makikita po ba kung sino yun or kakilala ko na po ba siya?" di ko natiis na itanung sa kanya.
Ibinaba na ni Manang ang kamay ko at niligpit ang kanyang baraha
"Yun na po yun?" na medyo nainis ako kasi sobrang bitin ang impormasyon na binibigay niya.
"Iha.. malalaman mo lahat ng sagot sa tanong mo, wag kang magalala." nakangiti siya sa akin at nilabas ang kamay niya na ibig sabihin ay kukunin na niya ang bayad
Naglabas ako ng isang daan piso at nagpasalamat siya sa akin. Marami pa sana akong gustong tanungin pero nakikita ko sa mga mata niya na wala siyang planong sagutin ito kaya umalis na ako at dali-daling umuwi.
Sa sobrang traffic nakauwi ako sa condo dito sa Quezon City 10:00 pm , malapit sa publisihing company ko. Pagkatapos kong maligo at kumain ng hapunan, sa sobrang pagod natulog na ako.
February 9, 2017 5:11 am
Nanaginip ako....
Parang flasback ng mga pictures black and white ng mga buildings at bahay nama'y fireplace, napansin ko na ang damit ko parang noong unang panahon sa Europe.
Sumunod ay nakita ko ang sarili ko naglalakad sa isang alley para ang mga 7-8 years old, may hawak akong notebook na may heart shape and papunta ako ng playground at may lumapit sa aking batang lalaki na ngumiti sa akin, parang magkakilala kami. Na biglang tumibok ang dibdib ko.
Biglang naging teenager na ako sa sumunod na eksena kasama ang lalaki sa locker area, kinausap niya ako. Parang sikat yung lalaki, at matalino dahil may mga babae akong naririnig pero sa akin lang siya nakatingin. Magkasama kami umuuwi ng bahay at pag dating sa bahay ko hinahalikan niya ako sa nuo.
Pagkatapos ang sumunod na ay parang kami na, isang siyang athlete softball. They way he talked to me parang couple na kami at hinalikan niya rin ang noo ko bago siya pumasok sa arena.
Nakita ko ang sarili ko sa salamin, iba ang hitsura ko sa salamin mahaba ang buhok na maalon alon, pointed nose, manipis na mga labi at maamo ang mga mata.
Nagbago na naman ang eksena nasa isang lugar kami na maraming bus ng Army. Maraming taong kasama ang mga pamilya nila. Parang nagpapaalam sila sa isa't isa, nakita ko siya sa harapan ko nakasuot siya ng pang sundalo. Naghahanda sila sa parating na giyera, maluha luha ngunit nakangiti siyang lumapit sa akin. Yumakap siya sakin at hindi ko alam bakit ako umiyak, Nangako siya na babalik siya, at pinanghawakan ko ang pangako niya. Hinalikan ko siya sa labi.
Nakarining ako ng mga ingay at sigaw napadilat ako, nakita ko na nasa hospial ako maraming tao, ang mga doctor at nurse ay paroon at parito, maraming ring sugatan sa tabi ko. Hanggang sa unti unti kung nararamandaman na parang nagmamanhind ang buong katawan ko. Biglang kong naalala ang lalaki ang pangako niya at ayaw ko man ay unti-unting pumipikit ang mga mata ko habang may luhang lumabas.
Nagising ako...
Umiiyak man ako ay dali-dali akong pumunta sa laptop ko para isulat lahat ng naaalala ko, kailangan kung bilisan habang malinaw pa sa aking memorya ang storya. Para akong nakikipag karera sa aking memorya, dahil alam ko na pag hindi ko siya sinulat malaki ang chance na hindi ko na ito maalala.
Pagkatapos kung isulat dumiretso ako sa aking ref at kumuha ng beer can at habang malalim na iniisip ang mga pictures na nakita ko sa panaginip ko. Kung napuntahan ko na ba ang mga ito or hindi pa. Kailangan ko ng beer na malamig para kumalma ako, bumalik ako sa aking laptop ang inumpisahan mag research. Hindi ako matatahimik dahil ramdam ko lahat sa panaginip ko parang totoo. Chineck ko ang mga wars na dumaan at base sa panaginip ko somewhere in Europe ang mga buidling structures. Napatigil ako ng makita ko ang mga pictures ng Belgium noong World War 1.
Buong araw ako nakatapat sa laptop ko para mag research sa kwentong ito. Hindi ko man alam ang pangalan ng lalaki o ang pangalan ko sa panahon yun ang importante sa akin ay magawa kung itong kwento. Noong panahon na iyon tanging yun lang nasa isip ko.
February 18, 2017
Naisipan ko na balikan si Manang para sabihin sa kanya ang nangyari
"Ah si Manang Elsie...naku iha, inatake sa puso noong nakaraang linggo. Dead on arrival na daw noong nakarating sa ospital. Kamag-anak ka ba nila?" sabi noong Ale na nakausap ko.
"Ay hindi ho, nagpahula po kasi ako sa kanya." sabi ko na tumataas na ang mga balahibo ko.
"Sayang nga yun si Manang kasi madalas ang hula niya totoo, kaya yung ibang hinuhulaan niya bumabalik sa kanya para magpasalamat, o sige ah.. " sabi ng Ale at nagpasalamat ako sa kanya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
March 9, 2017, Batangas 5:37 pm
Maraming gumugulo sa isip ko ngayon, na kailangan ko ng sagot. Bitbit ang aking maliit na luggage, ng walang plano kung saan ako maguumpisa.
Nasa airport na ako papuntang Belgium, kalakip ang pag-asa na tama ang lugar na natatandaan ko. Kailangan kung makasigurado. At para malaman na din kung ang babae na nakita ko ay ang pastlife ko.
March 14, 2017 9:12pm
Mula ng dumating ako ng March 10 pinalano ko na ang schedule ko. Nakaplano na ang days na punta ko dito
Day 1 : Mannekin Pis, The Grand Place and Royal Palace, Brussels Museum, Mont des Arts, Galeries Royales Saint-Hubert, Musee des Instrument de Musique
Day 2 : Waterloo Battlefield and museum, Comic Art Museum, Parc de Bruxelles,
Day 3 : Leuven Town Hall , Atomium, Mini Europe, Mechelen Town Hall at Grote Markt Antwerp
Day 4 : Saint Bavo Cathedral, Gravesteen and Graslei Ghent
At ito ang naka schedule sa itenerary ko, nasa Burges na ako. Nagpatransfer ako ng hotel sa Burges since malayo na ako sa Brussels. Nasa tapat na ako Rosenburg Hotel, hinatid ako uber driver na marunong mag English.
Pagdating ko at binigay na sa akin ang room number ko at naiwan ko na ang gamit ko, nagumpisa na ako pumunta sa mga tourist spot dito, pwedeng lakarin at mag rent ng bike pero pinili kung maglakad.
Inuna ko ang "Basilica of Holy Blood", upang magdasal. Ito ang last stop ng byahe ko sa Burges ko nakita ang mga building na nakita ko sa panaginip ko. Sumunod na ang "The Belfry of Burges" at "Friet Museum" at ang huli ay ang "Markt of Burges". Na ikinataas ng balahibo ko dahil ang pinakaiba lang ay black and white ko siya naaalala.
Pagkatapos ko kumain ng dinner ay bumalik na ako sa hotel at binuksan ang laptop para isulat ang byahe na ito.
March 16, 2017 9:01am
Pagkatapos kumain ng breakfast, nag request ako ng bike para maikot ang buong Bruges.
"Is there any park near hear?" tanong ko sa helpdesk ng nag Eenglish.
"Yeah Koningin Astrid Park, just a follow the Schaarstraat, and then turn right to Minderbroedersstraat. Maybe 4 to 5 minutes and it's on the left side." Nakangiting niyang sabi at nagpasalamat na ako.
Tama nga siya malapit lang, pumasok ako sa loob at namangha ako. Bukod sa sobrang ganda nito malaki rin, na bigla akong nanghinayang na wala akong dalang libro. O sana dinala ko yung laptop ko para magsulat. Maaga pa kaya masaya akong nakapag ikot-ikot. Iba yung pakiramdam ko sa lugar na ito. Parang isang kaibigan na napakatagal na hindi nagkita? Masaya akong umupo sa bench at masayang nilanghap ang hangin. Umabot din ako ng 2 hours ng naisipan ko na umalis na at babalik ko bukas para dito magsulat.
Habang palabas ako, napansin ko sa aking kanan na parang may maliit na playground, kaya nilapitan ko.
Parang nag flashback yung playground sa panaginip ko. Inumpisahan na naman akong kabahan. Dahan dahan akong lumapit sa playground at nanginginig na hinawakan ang duyan. Biglang nagflashback ulit yung batang ako na at ang batang lalaki na lumapit sa akin, kasabay ng pangiginig ng mga kamay ko naisip ko tumayo sa lugar kung saan nasa panaginip ko, at kinakalkula ang possibleng alley or daanan sa panaginip ko.
Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ko pero naghanap pa ako ng lugar na pwede makasagot ng mga tanong ko. Nararamdaman ko na malapit ko ng malaman kung totoo ba lahat ng nakita ko. Inumpasahan kong ikutin ang lugar pero walang nagpapaalala sa akin. Hanggang sa sinubukan ko ng hanapin ang kalsada na naalala ko sa panaginip ko, kumaliwa ako sa unang kanto ang Gapaardstraat.... Ang laking gulat ko... Naguumpisa na akong umiyak.. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Iniisip ko nasisiraan na ata ako. Pinipilit ko alalahanin yung bahay pero hindi ko maalala. Sakay ng bike inikot ko ang buong kalsada na iyon nagbabaka sakaling may maalala pa ako. Inikot ang bawat kanto pero wala na talaga akong makitang palatandaan.
Gayunpaman, naniniwala na ako ng totoo ang napanaginipan ko, totoo na may pastlife. At totoo na may isang tao nagmahal sa akin at nangako na babalik muli.
Pag balik ko sa hotel, inumpisahan ko na ang Chapter One...habang nakikita ko sa isip ko kung paano ko sisimulan.
Katabi ko isang malamig na beer at chocolates. One thing I love here is, I love beer and chocolates and you will find it here at Burges.It's a fuel to my brain to be focus and to write continuously. It may sound weird to anyone but that is how I write. For me that is a perfect pair.
March 17, 2017 3:00 am
"Sa gitna ng umaga at gabi
Dalangin ka na makatabi.
Naguumpisa ng mangarap na balang araw
Na ikaw ay dumating, at sabihin sa akin ako'y mahal mo pa rin."
Natapos ko na ang Chapter One, sa wakas!
Dalawang araw na lang ako dito sa Burges kaya kailangan makahanap pa ako ng mga palantandaan.
Biglang kung naalala ang lalaki sa panaginip ko, mapupungay na mata, medyo makapal ang kilay, at hindi ko makakalimutan ang ngiting niya. Naisip ko napakalaking porsyento na iba na rin ang kanyang hitsura, o baka wala rin siyang maalaala . O wala naman na talaga akong hinhintay. Pero sabi ni Lola makikila ko siya ngayong taon na to. Kaya naisip ko isulat ang kwento na ito baka sakaling makarating sa kanya.
Kaya kalakip ng librong ginagawa ko ang panalanging na sana ay makarating ang mensahe ko. Nandito pa rin ako naghihintay sa kanya.
Nagising ako sa tawag, si Cathy tinanung niya ako kung kailan ako babalik sa pilipinas, dahil sa mga papeles na kailangan pirmahan. Sinabi ko na iscan at isend sa akin.
12:37 pm, Hotel Rosenburg
Tumayo na ako at naisipan na kumain ng lunch sa hotel habang chinecheck ang mga sinend ng aking secretarya.
Sa totoo lang nagdadalawang isip pa ako na bumalik dahil kulang pa ang information na pinanghahawakan ko. Kaya pagkatapos ko isend lahat, lumabas ulit ako bitbit ang laptop ko at nag rent ako ng bike plano kung ikutin ang mga lugar na hindi ko pa napuntahan sa Bruges. Inumpisan ko ulit sa park, at sa mga alley na malapit dito. Umaasa ako na baka may maalala ako or lugar na mag caught ng attention ko. Pagkatapos ng isang oras bigo ako, naisip ko na since nag iikot na ako ieenjoy ko na rin, chineck ko sa smart watch ko kung anu-ano ang malapit sa location ko.
Naisip ko na puntahan muna ang "Burges Brewery Experience" since ito ang pinaka malayo para pabalik na ako mamaya pauwi.
Nag enjoy ako sa maraming klase ng beer at may nakausap ako ng staff nil ana nag eenglish, sinabi niya na may mga malalapit na museum sa area na iyon at isama ko daw sa list ang mga simbahan at Sin-Janshospital Musem din. Nagpasalamat ako sa pagiging friendly niya at sinunod ko ang recommendations niya, at totoo nga nag enjoy ako sa paglilibot.
Last stop.. Sin-Janshospital Museum...
Habang nagiikot ako sa lumang hospital, unti-unti ko rin naaalala ang simbahan ang huling lugar sa panaginip ko. Naduduwag man ako na harapin pero inisip ko na lang na ito ang magbibigay sa akin ng kaliwanagan. Napatigil ako, Nakita kung ang isang painting ng mga nurse, iyun suot ng mga nurses na naaalala ko.
"Do you love this painting?" sabi ng isang staff mga 40-45 na ang edad at napaka welcoming ng ngiti niya kaya hindi ako nailing na kausapin siya.
"Yes, Good thing this place don't have any damage during war?" tanong ko.
"Yes, thank god! Because it became a shelter to all injured and sick during war" as she explains to me and she was smiling as well
Bumalik ako ng tingin sa painting.
"Is this your first time here?" tanong niya habang nakatingin na rin siya sa painting.
"Yeah, I'm on vacation." tumango ako
"Oh I see.. If you wanted I show you around?" sabi niya na nakangiti pa rin sa akin at sumunod ako sa kanya
Habang naglalakad kami, sinabi niya na maraming pumupuntang mga tourist dito, lalo na yung mga researchers during WW1. Medyo makwento siya pero I don't mind kasi binibigyan niya ako ng insights sa buhay noon.
"Where you from?" tanong niya
"I'm from Philippines" sagot habang naglalakad pa rin kami
"Really? That is too far from here " bumalik ako ng tingin sa kanya at nginitian niya ako ulit.
"We do have so many Asian foreigners coming here, there are some stays more that a week to visit the while Bruges. And they said they like it here. I have a friend from Korea always come back here once in a while." sabi niya habang malapit na kami sa isang kwarto.
"At first he was the same as what you looked to the painting and I became curios and He also asked if we have files of the patients and dead patient during war. But our head let him. Maybe he knew someone or he has a relative during that time. After that he decided to have a vacation once in a while. Oh we are here now." sabi niya habang ako naman ay sumunod at pumasok din sa loob
"This is one of the rooms for the patient during war" habang tinuro niya at ako naman ay pumasok sa loob inaalala kung saan ako napwesto noon.
Pinipilit kung wag umiyak,pumikit ako saglit at kumuha ng lakas sa paghinga at kinuha ko ang cellphone ko para picturan ang lugar. Hindi ko namalayan na bumigay ang tuhod ko, buti na lang hinawakan ako ng staff bago pa ako matuluyang bumagsak
"Oh my God! Are you alright?.." nahihiya at naiiyak akong tanggapin ang paalalay niya sa akin.