Dominique POV
Pinaupo ako ng staff sa upuan and tinawag ang isang staff para bigyan ako ng tubig
Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak hindi ko alam para siyang iyak na matagal ng nakatago kailaliman ng pagkatao ko. Hindi rin ako makahinga ng maayos.
Niyakap ko ang matandang staff kahit hindi ko man lang siya kilala habang sinusubukan niya akong pakalmahin.
Ang huling iyak ko na ganito ay yung namatay ang Lola ko. Naramdaman ko yung init ng kanyang pagyakap na lalo akong umiyak.
"Shhhh... it's okay just cry..." sabi niya habang hinihimas niya ang aking ulo habang yakap niya ako.
Umiyak ako hanggat naramdaman ko na unting-unti na lang medyo nahimas masan ako.
May lumipat sa amin ang isang staff din na binigyan ako ng bottled water, at nagpasalamat ako.
"Thank you for made me relax, sorry for this scene." nahihiya akong sabihin sa kanya
"It's okay dear, are you sure okay now?" sabi sa akin ng staff habang inaalalayan ako habang naguumpisa na akong tumayo at ngumite ako sa kanya.
"Yes.. I think I'm good now." sabi ko habang tumayo na ako.
"Would you still want to check the other rooms?" sabi sa akin ng matandang staff na halatang nagaalala pa rin sa akin kahit nakangiti siya sa akin.
"I think I'm good now, thank you!" habang papalabas na kami sa museum.
"By the way dear, I'm Dorothy Mertens!" sabi niya habang nilapit niya ang kamay niya para makipag kamay.
"Dominique Sanchez." nakangiti ako habang nakipag kamay
"I know that you have reasons why you get emotional a while ago, but If you decided to come here again, just look for me okay? I very happy to assist you again." nakangiti niyang sabi, naramdaman ko sa kanya yung warmth that she cares. Kaya napatango at nagpaalam at pumunta sa bisikleta ko at bumalik sa hotel.
Pagdating ko sa hotel, kahit na pagod ako dali dali akong nagumpisa magsulat base sa naramdaman ko noong nakita ko ang lugar, Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko matapos kung isulat ito, paulit ulit kung inaalala ang nakita ko sa panaginip at ang naramdaman ko ng nakita ko ang lugar. Nagumpisa na naman tumulo ang luha ko.
Nagdesisyon ako na mag stay pa ng ilang araw, dahil pakiraman ko unti unti ko ng natutuklasan ang kwento ng babae sa panaginip ko o kung pastlife ko man ito.
March 20, 2017 9:30am, Monday
Naghihintay ako sa lobby ng Sint-janshospitaal museum, nagpa extent ako ng another 5 days sa Bruges.
"Are you waiting for me too long?" sabi ni Dorothy
"No worries, thank you for offering me your assistance." lumapit ako na at nagpasalamat.
"Let's go.. " masaya niyang sabi at sumunod ako sa kanya at dinala niya ako sa mga kwarto na hindi ko napuntahan kahapon, nagbayad ako ulit sa entrance fee. At dahil maaga, kaya napagbigyan niya ako na samahan mag-ikot ng ako lang.
Naging comfortable na ako kaya sinabi ko na isa akong novel writer, na nag rereseach ako tungkol sa Bruges noong bago pa man mangyari ang WWI. Nagawa naman niya ibigay ang maraming kwento noong panahon na yun. Pumayag si Dorothy na irecord ko ang mga sinasabi niya, para mas madali kung isulat ito. Matapos ng isa't kalahating oras, mukhang nakuha ko naman na lahat ng kailangan ko sa lugar na yun at sakto na dumadami ng turista ang dumadating.
"Thank you for the insights and stories.." sabi ko na palabas na kami ng museum.
"Your welcome, try to check the places that I mention to you, and tell them my name and they knew me. And if you need anything call me okay?" paalala sa niya sa akin, at tumango ako habang tinitinganan ang mga lugar na pinalista sa akin ni Dorothy para puntahan, pati ang taong pwedeng kausapin.
"Thank you again I will let you know.." niyakap ko siya bilang pagpapasalamat, na ikinagulat ko rin kasi ang huling beses na ginawa ko ito ay sa lola ko. At nagmamadali akong umalis
"Be careful!" sigaw pa niya habang kumakaway at nakangiti.
Napuntahan ko lahat ang binigay ni Dorothy at nakapagbigay sila ng mga kwento noong panahon ng WWI may matanda, may may-ari ng restaurant na alam ang nangyari sa panahon ng WWI at marami pang iba. Hindi ko na makakausap first-hand ang mga mismong tao dahil sa tagal na ng information na hinihingi ko.
Ang huling kausap ko ay isang 60 yrs old na ginang na ang kanyang lolo ay sundalo noong panahon ng WWI. May kinuwento daw ang kanya ang lolo naging mahirap ang buhay nila noon at kasama pa ang mga mga kaibigan niya, marami daw namatay noong panahon na iyon isa na ang isang kaibigan na binuwis ang buhay para ma save ang isang kaibigan na nangakong pakakasalan ang kanyang kasintahan. Tapos pagbalik nila, namatay pala ang kanyang kasintahan dahil may bombang nagpasabog sa Burges noon.
Habang nagkwekwento siya naramandam ko yung sakit, napabilib ako sa lalaking sumagip sa lalaki pero mas nasaktan ako sa lalaking nawalan ng kasintahan.
Nagpasalamat ako at naisipan ko na dumaan ulit sa Koningin Astridpark, at umupo ulit sa isa sa mga swing dito. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko ayaw kung umuwi ng Pilipinas. Yung nandito na ako pero kulang ang information na nakukuha ko. Napayuko ako at gusto ko ng umiyak, ngayon lang ako gagawa ng kwento na base sa personal na buhay ko, kaya ang hirap. Yung sana alam ko man lang yung mga pangalan nila para mas madaling hanapin.
Makalipas ng ilang minuto may mga bata na dumating sa palaruan at naglaro sila, habang ako ay pinagmamasdan ko lang sila.
March 21, 2017 9:00 am
Nasa lobby ako ng aking hotel, tinawagan ko si Dorothy para magpasalamat pero sabi niya wala daw siyang pasok ngayon at willing niya ako samahan. Hindi pa rin ako makapaniwala sadyang hulog ng langit si Dorothy para sa akin.
"Sorry I'm late.." sabi ni Dororthy habang papalapit sa akin at mukhang kilala rin siya ng ibang staff sa hotel.
"Can we grab some coffee first?" sabi ko
"I knew the best breakfast place here. Ready?" sabi niya habang inakbayan niya ako. Hindi ako sanay ng may humahawak sa akin pero nakikita ko sa aura niya ang pagiging sincere niya.
Isa siyang waffle house at nag order na rin kami ng coffee.
Kinuwento niya na dito na siya sa Bruges pinanganak kaya sure siya na accurate ang mga ibibigay niya sa kain facts about Bruges history. Nakakatuwa siya magkwento, biyuda na siya at may dalawa siyang anak, parehong middle school at pinakita niya ang pictures. Hindi man sapat ang kita niya bilang staff pero masaya naman siya sa ginagawa niya, lalo na pag nakakatulong siya sa mga taong interesado sa culture ng Bruges. At sa unang pagkakataon nagawa kung magkwento ng buhay ko sa isang estranghero na ngaun ko lang nakilala, siguro may nadulot na maganda yun, dahil hindi niya ako ijujudge. Inamin ko na namatay ang aking ina noong 9yrs old pa lang ako at nag asawa ulit ang ama ko kaya iniwan at lumaki ako sa lola niya sa mama niya sa Batangas. Noong nag 14 ako namatay ang lola ko, kaya lumaki akong nakatira mag-isa sa buhay. Buti na lang may yaya ako na hindi ako iniwan. Dahil doon lumaki akong aloof sa mga tao, sobrang tahimik at hanggang nadiskubre ko na mahilig ako magsulat at yun ang naging trabaho ko ngaun.
Nakita ko kay Dorothy ang awa niya sa akin, niyakap niya ako. Sinabi niya na "you did very well dear! I'm so proud of you!" gusto ko na umiyak, matagal ng panahon ko hindi narinig yan, ang huli ay sa lola ko, yung unang libro ko na pinakita sa kanya na napublished ko.
After 2 hours nag umpisa na kaming umikot ng Bruges sinabi ko kanya ang mga lugar na napuntahan ko na. At pinuntahan naming ang madalas puntahan ng mga locals at nag enjoy ako. Mahilig siya magpatawa kaya naging enjoyable ang trip namin.
Habang kumakain kami ng dinner sa Hotel..
Binigyan ako ni Dorothy ng regalo.
"Open it!" sabi niya sa akin at binuksan ko
Isa itong scarf.. handmade gawa dito Burges.
"Wow thank you! So beautiful!" niyakap ko siya,sa totoo lang para sa akin hindi mahalaga ang presyo yung thoughtfulness ng isang tao na magbibigay para sa akin yun ang priceless.
Natatawa siya sa reaksyon ko, pero niyakap din niya ako.
"Wait I have something for you!" isa itong contract na pinagawa ko kay Cathy ang aking secretarya at pinaemail ko sa kanya kagabi , na nakalagay na once napublished ang libro may part siya sa royalties for helping me for this book. Na inagulat niya, Pinaliwanag ko sa kanya na everytime na may libro ako na ginagawa part ng royalties ay binibigay namin sa isang charity or foundation pero this time sa kanya ko gustong ibigay.
"Read it first and then sign it." Nakatingin ako sa kanya habang nakikita ko na parang naiiyak siya.
"This is too much! I can't accept!" she slides the contract back to me again.
"You are worthy for that part Dorothy, you really help me out to my story. You almost give almost all the information that I needed. It is not much since it will be in US dollars but atleast it will help you and your kids." Sabi ko sa kanya at binalik ulit ang contract habang nakangiti ako sa kanya
"Thank you so much!" umiiyak na siya at niyakap niya ako.
Tiningnan niya ulit ang contract at nakikita ko na naiiyak na siya.
March 22, 2017 10:00 am
Rosenburg Hotel.
Pababa na ako sa lobby, naka schedule na ako pabalik sa Pilipinas ng 12:15 pm.
Nakita ko si Dorothy at ang mga anak niya nagaabang sa akin at may dala silang mga souvenirs
"I'm sorry I cannot drive you to the airport." Sabi sa akin ni Dorothy
"It's okay.. I can manage!" Tapos niyakap ko siya.
Umalis ako ng Bruges ng may masayang pakiramdam.
April 12, 2017 11:55 pm, Batangas
Mula sa bintana ng aking kwarto, maririning mo ang tunog ng mahinahon na alon ng dagat. nakabukas ang aking bintana, hinahampas ang kurtina ng hangin na galing sa labas.
Chapter 7 na ako sa sinusulat ko,katabi ko ang isang beer in a can and chocolate na tinitipid ko galling Bruges. Nasa stage ako na hindi ko na alam ang susunod na isusulat ko, maraming ideas ang pumapasok pero hindi ko alam kung ano ang iuuna ko at ihuhuli kaya kinuha ko muna ang notebook ko at isinulat ang mga gusto kung mangyari at saang chapter ko siya ilalagay.
Nakailang revisions na ako mga pang 14 ko na ata ito, buong araw akong nakakulong sa kwarto, alam na ni Nanay Ising yun kaya dinadalhan na lang niya ako ng pagkain na madala hindi ko nauubos. Gusto ng sumuko ng utak ko pero ang puso ko gusto pang lumaban para sa kwentong ito. Biglang naalala ko ulit ang mukha noong lalaki sa panaginip ko nakangiti siya. Kinuha ko ang beer sa tabi ko at inubos ko ang laman at nagumpisa ulit ako magtype sa laptop ko.
April 25, 2017 madaling araw, Batangas
Nasa tabing dagat ako habang umiinum, sa bawat kabanata ng libro aking ginagawa, nakakaramdam ako ng pagnanais na makita siya kahit alam ko na hindi ko alam kung nasan siya. Na lalo kung kinalulungkot, may mga araw na umiiyak ako at sinasabi ko sa hangin na nasaan na siya, hinahanap rin ba niya ako. Naalala niya kaya ang pinangako niya? Dahil wala man lang akong sagot sa lahat ng tanong ko kaya minsa gusto ko na lang uminum habang umiiyak sa tabing dagat. Pakiramdam ko minsa nakakabaliw ang isang pagibig na hindi mo alam ang tao iyong iniibig.
Ang bigat sa dibdib kaya kailangan ko siyang iiyak. Napansin ko na lumapit sa akin si Nanay Ising, at niyakap niya ako.
"Nay... ang sakit dito..." sabay turo ko ng puso ko
"Anak.. tama na yang pagiinum... halika na pumasok ka na sa loob magkakasakit ka niyan." pag aalala sa akin ni Nanay na sumunod naman ako kahit na umiiyak pa rin ako.
Makalipas ng isang linggo
Nasa Chapter 10 na ako nasa part na ako, na nag confess si lalaki sa kanilang Highschool ball, at tinugunan ni babae ng isang halik sa labi....
Isang linggo na akong umiinum tuwing gabi kasi hindi ako makatulog. Habang unti unti kong natatapos ang kwento, lalo naman akong nalulungkot. Siguro dahil kahit kailan hindi ako nakaramdam ng pag-ibig sa isang lalaki maliban sa aking ama na hindi mo rin matatawag na pagibig yun dahil iniwan din ako. Mula ng mawala ang lola ko maliban kay Nanay Ising, yung mga tao na nasa paligid ko pakiramdam ko naawa sila sa akin, dahil sa buhay na mayroon ako. Oo nga may pera ako sucessfull ang mga libro ko, pero may emptiness pa rin, pakiramdam ko hindi ako buo. At para kahit kailan hindi ako mabubuo.
Madalas ko nga sabihin mabuti pa ang mga libro ko may magandang ending, dahil kahit kailan hindi magkakaroon ang sa akin.