May 5, 2017 3:15 pm, Makati
Nasa clinic ako ni Dra. Menguito, ang aking pinagkakatiwalaang Psychologist. Sinabi ko lahat ang nararamdaman ko at naisipan niyang mag Past-life regression kami.
Kinakabahan ako at natatakot ako at the same time, pero dahil pinagkakatiwalaan ko si Doc tumuloy kami.
"In hale, exhale...." sabi niya habang makuha namin yung deep relaxation
Unti unti kung naramdaman na nakalutang ako at may ilaw na nakakasilaw tapos unti unti akong dumilat at nakita ko ang sarili ko sa isang lugar pero parang hindi sa Europe.
"Ano ang nakikita mo?" tanong sa akin ni Doc
"Tingnan mo ang paa mo, paa ba ng bata o ng matanda na?" utos ni Doc
"Matanda na, at mukhang nasa Pilipinas ako..." habang tinitingan ko ang paligid.
"Mahaba ang suot ko, at nasa may bintana ako, may nakita akong lalaki na nakasilip sa akin, mukhang isa siyang mangangalakal, may bitbit siyang mga isda nakalagay sa balikat ang kahoy at sa bawat dulo ng kahoy may buslo na may isda." sabi ko na pinipilit inaaninag ang mukha ng lalaki.
"Ano ang hitsura ng lalaki?" tanong niya
"Nakasalakot siya, hinid ko makita ang mga mata niya, kundi may balbas siya at gusto ko mga ngiti niya." nakaramdam ako ng kilig at napangiti ako.
"Nasa sala ako, maraming tao sa bahay, parang may ipinagdidiwang. May lalaking lumapit sa akin, hindi siya ang lalaking nakita ko kanina hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. Ayoko sa kanya." anas ko.
Nagbago na naman ang lugar
"Pasakay ako ng barko, malaking barko. Parang aalis ako, kasama ko ulit ang lalaki na ayaw ko. Umiiyak ako ayoko umalis. Nakita ko ang lalaki sa pantalan habang naguumpisa nang umandar ang barko. Palayo ako ng palayo sa lalaki." tumutulo ang luha ko.
Hindi ko gusto ang sumunod na nakita ko.
"Lumulubog ang barko na sinakyan namin, hindi ako marunong lumangoy..." natatakot ako dahil ramdam na ramdam ko yung pakiramdam na hindi ako makahinga.
"Subukan mong umalis, Lilipat tayo ng ibang panahon." sabi ni Dra
"May nakita ka bang liwanag, puntahan mo yun"
Sumunod naman ako nakikita ko ang babaeng nalulunod at unti unti akong pumunta sa liwanag nakakasilaw ito
Makalipas ng ilang minuto.
"May nakikita ka na ba?"
"Hindi sa Belgium ito, maraming tao akong naririnig sa labas. Parang nasa loob akong ng malaking tent." sabi ko na pinipilit tingan ang paligid
"Tingnan mo ang paa mo, paa ba ng bata o ng matanda na?" utos ni Doc
"Matanda na, naka paa ako pero parang may palamuti or bracelet ang kaliwang paa ko." sabi ko naman
"Makakaya mo bang makita ang suot mo?"
"Maganda ang kulay ng suot ko may mga palamuti din, pero parang pakiramdam ko malamig dahil parang...." unti-unti akong nagulat sa nakita ko
"Bakit ano yun?" medyo na curiuos ang Dra.
"Isa akong... mananayaw... yung damit ko maigsi na kita ang buong tiyan ko, bawat galaw ko tumutunog mga mga may mga sequince ang dami ko, naka palda ako pero manipis din at may tabing ang kalahati ng mukha ko na manipis na tela din." hanggang narealize ko na parang damit ng isang gypsy dancer, kinabahan ako.
"Hindi yan ang hinahanap natin na panahon, gusto mo bang magpatuloy?" sabi sa akin ni Dra.
"May pumasok na lalaki sa aking tent, may dalang bumalaklak. Ang suot niya mukhang kagalang galang, nakangiti siya sa akin." nagulat ako sa sumunod na nangyari kaya sinabi ko agad
"Anong nararamdaman mo noong nakita mo ang lalaki."
"Masaya ako, masaya akong makita siya." ngumiti ako
"Ano pa ang nakikita mo?"
"Umalis siya nagpapaalam siya sa akin, pupunta siya sa malayong lugar. Sabi niya babalikan niya ako. Ayoko siyang umalis...pero umalis pa rin siya." tumutulo ang luha ko.
"Subukan mo na umangat sa nakikita mo ngayon, subukan natin pumunta sa ibang panahon" sabi ni Dra.
Nagumpisang tumulo ang luha ko..
"Nakita ko na ang mga ito sa panaginip ko, isa akong bata. Hawak ko ang isang libro na may ukit na puso. Pumunta ako sa palaruan kasi magkikita kami ng kaibigan ko, dito parati kami naglalaro." paliwanag ko.
"Ano ang pakiramdam mo noong nakita mo siya."
"Masaya ako, gusto ko at parati ko siyang kasama" nakangiti ako.
"Classmate ko siya at Bestfriend ko rin, at parati niya ako hinahatid sa bahay galing sa school at hinahalikan niya ako sa nuo pag magpapalam na siya." nakangiti kung sabi
"Ano pa nakikita mo?"
"Hanggang sa nagdalaga na ako at binata na siya magkaibigan pa rin kami, Galing kami sa isang pagdiriwang at hinatid niya ako sa bahay. Pero this time hindi niya ako hinalikan sa noo kundi sa labi, ang lambot ng labi niya." ramdam ko yung kasiyahan parang lumulutang ako sa langit.
"Mahal mo ba siya?"
Tumango ako at nakangiti din
"Ano pa ang nakikita mo?"
"Nasa lugar kami na madamo at nakarating kami gamit ang bisikleta, naglagay ako ng kumot at inayos ko yung gamit namin. Tapos binigyan niya ako ng wine. Nasa mataas na lugar kami at kitang kita namin ang sunset at ang syudad. Tapos...binigyan niya ako ng singsing umiiyak ako at hinalikan niya muli ako sa pisngi. " ang sarap pala sa pakiramdam yung punong puno ka ng pagmamahal.
"Mukhang masaya ka... hayaan mong maramdaman ang pagibig na binigay niya saiyo. Masarap sa pakiramandam?" sabi ni Dra na mukhang nakangiti na rin
Nakikita ko na punong puno kami ng pagibig habang kami ang nagniniig ng gabing iyon.
Pagkatapos ng ilang minuto, nagbago ang nakita ko
"Nagbago na ang nakikita ko, nasa isang malaking lugar kami, maraming bus na dumarating at maraming tao na nakasuot ng pang sundalo. Maingay... " ramdam ko na agad ang susunod na mangyayari kaya naiiyak na ako
"Huwang kang aalis... please dito ka lang..." sabi ni na tumutulo na ang luha ko
Nakikita ko na nakangiti siya at sinasabi na babalik siya at magpapakasal sila pag balik niya. Umiiyak pa rin ako, hinalikan ko ang labi niya bago siya sumakay ng bus. Nakikita ko sa mga mata niya na ayaw niya umalis pero kailangan.
"Gusto mo pa bang magpatuloy?" tanung ni Dra
"Namatay ako sa hospital, panahon ng giyera noon. Maraming sugatan sa ospital at sobrang laki ng pinsala sa lugar namin. Nararamdam ko na ayoko mamatay dahil iniisip ko ang lalaki na nangako na babalikan niya ako, pero habang tumutulo ang luha ko unti-unti nag numb ang buong katawan ko sa sakit at unti-unting napapapikit ako" tumutulo na ang luha ko.
"Subukan mong lumutang ulit at umalis sa panahon na yan"
"Sundan mo ulit ang liwanag, na magbabalik saiyo sa panahon ngayon."
"Pakiramdaman mo ang katawan mo, subukan mong unti unting buksan ang iyong mga mata." sabi ni Dra na sinusunod ko at napansin ko na may luhang lumabas sa mata ko at nakita ko siyang nakangiti sa akin at inabutan ako ng tubig habang nagumpisa na akong umiyak ulit.
Pagkatapos kung mahimasmasan
"Gusto mo bang pagusapan natin ang mga nakita mo?" nagaalangan man siya pero kailangan niyang itanong.
Tumango ako
"Sa dalawang lalaki na sinabi mo sa una at pangalawang panahon, sabi mo hindi mo nakita yung mukha nila di ba?"
Tumango ulit ako
"May posibilidad ba na iisang tao lang ang mga yun?" tanong ko
"Possible? pero paano mo naman nasabi iyon may nararamdaman ka bang connection sa bawat lalaki na nakita mo?" na curious si Dra lumapit siya ng kaunti sa akin
"Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mo." malungkot ko na sabi.
Makalipas ng isang oras..
Nakaalis na ako sa clinic at nagpapahinga na ako sa condo ko dito sa libis. Binuksan ko ang laptop ko mukhang marami akong irerevise sa gawa ko. Pero mas kampante na ako ngayon kaysa sa dati, tuloy-tuloy ang pag tipa ko sa aking laptop. Hindi ko namalayan na 3:00am na ng umaga. Nakaramdam ako ng gutom kaya tumayo ako sa pumunta sa ref, wala palang pagkain dito dahil mas madalas ako sa Batangas. nagpalit ako ng damit dahil nakapajama ako at sinuklay ko ang buhoy kung g**o-g**o at tinali ulit ng bun style. Bumaba ako dahil may convenience store sa baba ng condo, bumili ako ng instant noodles, beer at chocolate and chips na din. Nakakita ako ng sandwich bumili na rin ako just in case magutom ako mamaya. Naisipan ko na kainin ang cup noodles sa convenience store. Umupo ako sa pwesto na nakaharap sa mga taong dumadaan. Napaisip na naman ako habang naghihintay akong maluto ang noodles sa mainit na tubog. Sa daming tao sa buong mundo impossible na makita ko siya ulit, napaisip ako sa mga panahon na nalakbay ko at pinipilit kung isipin ang mga lalaki sa bawat panahon. Ang tanging paraan ko na lang na makita niya ako or makilala niya ako ay sa libro na ginagawa ko.
"Kailangan ko siyang matapos agad.." mahinang sabi ko sa sarili ko at inumpisahan kung kainin ang noodles.
Kinaumagahan dumaan ako sa Purlple Leaves bago bumalik sa Batangas, pagpasok ko pa lang ng pinto, nakita ko silang naghihintay sa pagdating ako lahat ng staff ay nag "Good Morning" at halatang hindi sila magkandatuto sa mga ginagawa nila dahil naghahabol sila ng isang libro na mapublish ngayong linggo.
Dumiretso ako sa kwarto ko at nakasunod si Cathy habang sinasabi niya ang mga gawain na on-going at umupo ako sa table ko dahil marami akong papeles na kailangan icheck at pirmahan
"Ito po ang budget for this month Ms. D."sabi ni Cathy at habang binabasa ko pumasok si Sharie Abres, ang Editor in-chief at Operations Head. Maliit lang ang Purple Leaves, nag outsource na lang kami when in comes to printing. Nakilala ko siya sa dati kong pinagtratrabahuhan ako bilang writer at siya ang aking editor. Almost 4 years ako nagtrabaho doon ngunit hindi ko gusto ang mga patakaran ng kompanya kaya noong nakuha ko ang mana ko sa lola ko, ito ang ginamit ko bilang capital at magtayo ng isang Publishing Company. At sinama ko si Sharie at inoferran ng double sa sahud niya sa dating naming company. Siya lang tanging nakakilala sa akin at naging mabuting kaibigan na rin.
"Buti naman naisipan mo bisitahin kami?" sabi niya na medyo may pagtatampo mula ng dumating ako mula Belgium hindi kami nagkikita puro tawagan lang sa phone
Lumabas si Cathy para makapagusap sila after niya pirmahan ang Budget for the month.
"Sabi ni Cathy nagpa appointment ka kay Dra. Menguito? may problema ba sa ginagawa mong libro?" halatang nagaalala siya at umupo sa upuan sa harapan ko.
Ngumiti lang ako ng tipid at tumago dahil kilala ako ni Sharie alam niya pag marami akong iniisip at tanging si Dra lang ang pinagkakatiwalaan kung sabihan ng mga ganitong bagay.
"Since nandito ka na, mag lunch tayo bago ka bumalik sa Batangas magkukulong ka na naman doon." sabi niya habang may chinecheck sa cellphone
"Magpapa reserve ako sa paborito mung restaurant." habang nag tetext na siya
"Huwag na pwede naman sa malapit na lang." sabi ko habang tinatapos ko yung mga papeles basahin at pirmahan
"Minsan ka lang dito kaya dapat i-treat ko ang Boss ko ng lunch.." nakangiti niyang sabi, yan ang isa sa gusto ko sa kanya. Masayahin siya hindi tulad ko, para siyang "Happy virus" nagagawa niyang madali at masaya ang mga bagay bagay.
Habang naglulunch kami nagkwenkwento siya ng mga nangyari sa company nung wala ako, samantalang lumilipad na naman ang isip ko sa kung saan.
"Kamusta naman ang punta mo kay Dra. nakita mo ba ang mga sagot sa tanong mo?" tanong niya na medyo nagising ako
"Mayroon naman pero may mga bagay na kailangan ko pang alamin." sabi ko sa kanya.
Nasabi ko sa kanya kung anong klase ng kwento ang ginagawa ko pero hindi ko sinabi na base yung mga experience ko. Pag dating doon hindi nangingialam si Sharie, sanay na siya sa anong klase ang mga libro ang ginagawa ko.
"Pag kailangan mo pa ng materials or research sabihin mo sa akin, alam mo naman yun." nakangiti niyang sabi. Ganoon siya pag may mga bagay na kailangan ko sa storya ko at kailangan i -research sinusubukan niyang tulungan ako. Ngumiti lang ako at tumango at pinagpatuloy ang pagkain.
Bandang 5:00 ng hapon
Nageempake na ako, at napatigil ako na kitang kita sa bintana ng condo ko ang paglubog ng araw. Napaupo ako sa kama habang nakasilay sa araw na unti-unting pamamahinga nito. Bigla ko uli siyang naalala ang lalaking inibig ko. Nakaramdam ang ako ng pagnanais na makita siya muli, mayakap siya at mahalin siya muli.
"Sana hinahanap mo rin ako, gaya ng pagnanais ko na makita kita muli" sabi ko sa sarili ko habang may luha na palang tumutulo sa aking mga mata.