May 9, 2017 bandang 10:00 ng gabi,
Nasa tabing dagat ako habang may dalang isang bote ng red wine malakas ang hangin dahil may paparating na bagyo. Umupo ako sa buhanginan at ininum ang wine mula sa bote, habang naririnig ko ang dagundong ng kulog at matatalim na kidlat na sumusugat sa mga maiitim na ulap. Unti-unting pumapatak ang ulan na may kasamang malamig na hangin sa buo kung katawan. Pero hindi nagrereklamo ang buo kung katawan, nakatingin lang ako sa nangangalit na panahon. Dahil pareho lang kami ng nararamdaman.
Matinding lungkot, galit at pagnanais na makita ang tao sa panaginip ko. At nilulunod ang sarili sa alak at sa pag iyak.
Lalong lumakas ang ulan pero hindi ako natinag sa pwesto ko, pakiramdam ko binigay ng langit ang pagkakaton na ito para umiyak ako ng malakas, walang makakarinig.
"Naalala mo rin ba ako... I'm begging you.. Please look for me.." tumayo ako at sumigaw sa harapan ng dagat habang malakas ang ulan. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiiyak, basta ang gusto ko lang ay marinig niya sa pamamagitan ng puso kung gaano ko nagnanais na makita siya. Yung pakiramdam na miss na miss mo na siya kahit hindi mo pa naman siya nakikita. Yung siya lang ang makakabuo saiyo, magpapaligaya sa iyo. Lumakas ang ulan, nangangalit ang mga alon, sumisigaw ang langit dahil sa kulog at kidlat. Habang ako patuloy pa rin sa pag-iyak. Kasabay ng lungkot ay galit na matagal nang nakatago sa akin, dahil unti-unti kung naalala lahat ng sakit na naramdaman ko, nung namatay ang aking Mommy sa isang aksidente, sa murang edad ko ng 9 yrs old. Nung nakita kung iniwan ako ng Daddy ko kasama ang isang babae na isang beses ko lang nakita at iniwan ako sa aking lola. Nung namatay ang aking lola.
Pinatatag ako ng panahon, pero ang hindi nila alam tinago ko lang lahat sa kaibuturan ng puso ko. At ngayon para na itong isang malaking bagyo na handang sirain ang anumang madadaanan.
Ngunit ngayon isang pangyayari na naman ang sumusubok sa akin. Ang isang tao na hindi pa nakikilala, pero unti-unti niyang ginagawa miserable ang buhay ko. Nababaliw na ata ako.
Kinaumagahan, nagising akong mainit ang pakiramdam, hindi ko rin alam kung paano ako nakauwi, pero naririnig ko si Nanay Ising
"Iha, anu naman ginawa mo bata ka? sobrang nebyos ko kagabi. Mataas pa rin ang lagnat mo magpahinga ka lang. May gusto ka ba?" halatang puno siya ng pangamba
"Tubig po nay." sabi ko na pinipilit kung umupo, sa sobrang bigat ng pakiramdam ko.
Nilagyan niya ng tubig ang baso sa tabi ng side table ko, at pansin ko ang maliit na planggana at tuwalya sa tabi nito
Inalalayan niya akong uminum.
"Igagawa kita ng lugaw para magkalaman ang tiyan mo, magpahinga ka muna." sabi niya habang humihiga ako ulit para magpahinga.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Nanaginip ako...
Nakita ko ulit ang babae nag pipiyano siya, narirnig ko ang tinutugtog niya. Malungkot ito nararamdaman ko sa bawat pag pindot niya ng piyesa ng piyano. Noong una kalmado pero malungkot, pero sa katagalan nagiging mabibilis ang tiyempo ng piyesa pero ramdam mo pa rin na malungkot pa rin. Haggang sa nakikita ko na umiiyak na siya, iyak ng isang naghihinagpis sa lungkot. Lalong nag eelavate sa akin ang tugtog at ang lungkot na nararamdaman kung umiiyak na rin ako.
Hanggang sa narinig ko ang boses ni Nanay Ising, ginigising niya ako. At niyakap ko siya habang umiiyak.
"Shhh..." habang yakap yakap niya pa rin ako at humagahulhol ako sa pag-iyak
May 11, 2017 5:00 am, nakalagpas na ang bagyo
Naisip kong maglakad lakad habang naguumpisang lumabas ang araw, wala na akong lagnat. Payapa ang alon ng dagat, tahimik pa ang paligid. Mismong malalim na paghinga ko lang ang aking naririnig. Sa bawat araw na lumilipas lalo lumalakas ang pagnanais ko na makita ang tao sa aking panaginip. At dahil pakiramdam ko tama si Aling manghuhula pero, lalo rin niya akong winawasak, ngayon lang ako gumawa ng isang libro na halos mabaliw na ako sa kakaisip. Ito ang libro na sobrang hirap umpisahan at natatakot ako sa wakas. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano siya gagawan ng wakas, dahil pakiramdam ko ang wakas ay parating pa lang, at hindi ko pa nakikita. Unti-unti na naman akong nakaramdam ng lungkot, dahil punong puno ako ng pag aalala, na paano kung wala akong hinihintay? Paano kung hindi ko siya makita o matagpuan? At tanging nagbibigay sa akin ng pag-asa ang sabi ng isang manghuhula na hindi ko man lang alam kung mangyayari man yun. Ang tanging magagawa ko lang ay tapusin ang libro at umasa at maghintay. Hinayaan kung yakapin ako ng malamig na hangin ng dagat ng umagang iyon.
Buong araw akong nakaharap sa laptop, para tapusin ang sinusulat ko, ayaw man ni Nanay Ising na magtrabaho ako dahil baka mabinat ako, pero wala siyang magawa.
Sa totoo lang sa tuwing may nagsasabi sa akin na napaka ganda ng sinusulat ko hindi ako nakakaramdam ng saya or accomplishment sa mga yun. Dahil pakiramdam ko sa bawat sinusulat ko iniiwan ko sa mga ito ang parte ng buhay ko. Hindi nila alam na ito ang gawa ng mga frustrationa at insecurites ko, gumagawa ko ng bagong kwento sa pamamagitan ng mga sinusulat ko. Ito ang mundo ko bilang isang writer. Gumagawa ako ng mundo na pwede kung baguhin ang mga pangyayari at tanggalin ang mga ayaw ko ng maalala.
Napatayo ako sa table ko para kumuha ng tubig, hanggang sa napadaan ako sa salamin. Nakita ko ang sarili ko hapong hapo, namumutla. a ko na naman ang sarili ko, may ganito akong ugali na hindi ko matanggal may tendency talaga ako na mag self destruck. Naisip ko na walang ibang magsasabi sa akin na intindihin ko naman ang sarili ko maliban sa akin din. Naligo ako at nagpalit nga maayos na damit. At bumalik sa laptop ko para magsulat.
Sa bawat araw na lumipas hindi ako tumigil magsulat. Punong puno ang utak at puso na kailangan kong isulat sa bawat chapter ng storya na ito. Habang tahimik na sinusuportahan ako ni Nanay Ising.
June 13, 2017 11:11 ng gabi
Nasulat ko na ang katagang "THE END" sa huling kabanata ng storya na ito.
Pero pakiramdam ko may kulang pa rin.
Yung pakiramdam ko na hindi pa ito yung wakas.
Tumayo ako at sumilip sa bintana, binuksan ko ang bintana para pumasok ang hangin na galing sa tabing dagat.
Huminga ako ng malalim.. May agam agam pa rin ako sa librong ito. Pero pakiramdam ko binigay ko na ang lahat.
Pagkatapos ng isang buwan...
Nakatanggap ng tawag si Dominique na dahilan at nagising siya at tiningnan niya ang orasan. 7:00 am pa lang.
"Hello?" hindi na niya tiningnan kung sino
"Oh my god.. kagigising mo lang? Sabi ko na nga ba e." si Shari habang nag drive papunta ng Batangas.
"Bakit may schedule ba tayo ngaun?" pilit niyang inaalala.
"Sasamahan mo ako doon sa venue ng kasal ko, dahil kilala mo yung may-ari di ba baka maka discount ako. Malapit na ako mag ayos ka na. Bye!" at pinatay na ni Shari ang linya samantalang si Dom ay hindi pa rin ma process sa utak niya. At humiga ulit sa higaan.
Pag dating ni Shari wala siyang choice kundi makaladkad sa isang beach resort maganda ang set up malapit sa cliff kitang kita ang ocean view.
"Salamat po Sir!" tuwang tuwa si Shari na nakuha niya yung sched na gusto niya at na reserved na yung lugar.
"Your Welcome iha! So okay na, pwede pa kayo mag ikot ikot kung may icheck check pa kayo. Dominique ikaw na bahala alam mo naman pasikot sikot dito sa resort ikaw na lang mag assist sa kaibigan mo." sabi ng matandang lalaki na may-ari ng resort
"Salamat po ulit, Mamay Teban!" nahihiyang sabi ni Dom
"Ikaw naman, parang hindi ka naman iba. Atsaka ngaun ka lang nakiusap sa tagal ng panahon." natatawang sabi nito sa kanya.
Ngumite si Dom, totoo yun, nung mga panahon na namatay ang Mommy niya, iniwan siya ng Daddy niya, namatay ang lola niya. Hindi siya humingi ng tulog sa iba, kusang mga kapit bahay at malapit sa lola niya ang kusang tumulong.
Sa sobrang saya ni Shari nag video call siya sa fiance niyang si Marco Imperial
"Babe... okay na yung venue...magpasalamat ka kay Dom." nilipat ni Shari ang camera kay Dom at tinakpan niya ang mukha niya
"Salamat Dom, for helping Shari. Hindi kasi ako makaalis sa shooting site." sabi ni Marco
"Okay lang yun basta sa ikasasaya ninyong dalawa." sabi ni Dom at tinutok na ni Dom ang camera kay Shari
"Tingan mo Babe dito yung altar i-set up tapos yung chairs dito." habang naguusap ang magkasintahan sa gagawin sa kasal.
Dominique POV
Kitang kita ko kung gaano ka excited si Shari sa kasal niya, pitong taon na silang magkasintahan, ang kwento ng lovestory nila? Nagkakilala sila noong college, si Shari ang nanligaw kay Marco, kakaiba din tong babae na to. Sabi niya sa akin unang kita pa lang niya kay Marco alam niya na siya ang gusto niyang boyfriend at magiging ama ng mga anak niya. It doesn't make sense sa unang tingin pa lang?
Sabi niya once na maramdaman ko daw yun maiintindihan ko daw ang sinasabi niya.
Pero sa totoo lang since wala naman akong naging karelasyon, sa kanila ako kumukuha ng idea sa mga kwento ko lalo na sa mga kilig part. Minsan kahit third wheel lang ako sa mga lakad nila, natutuwa ako kasi nakakakilig silang magkasintahan. Minsan iniisip ko sana ako rin.
Kumain kami sa isa sa mga sikat na kainan na malapit.
"Lumuwas ka sa Manila para sa fitting, hindi yung naka kulong ka na lang sa apat na sulok ng kwarto mo. Pati si Nanay Ising nag aalala na saiyo." pagaalala ni Shari habang sinasandukan ako ng ulam at nilalagay sa pinggan ko.
"Para naman akong bata." nagsusungit ako ng kaunti, pero nginitian lang niya ako since kilala na niya ako.
"Medyo magiging busy ako for the next 3 months, pero sabihan mo lang ako pag may problema ah. Siyanga pala, kamusta na yung storya na ginagawa mo?" tanong niya habang sumubo ng pagkain
"Tapos ko na.." sagot ko
"Talaga? bakit hindi mo pa pinapasa sa akin?" excited na sabi niya
"Pakiramdam ko may kulang pa e, baka kailangan ko i re-read muna. Atsaka pag okay na yun isend ko saiyo. Unahin mo muna ang wedding mo." sabi ko habang kumakain
"Luluwas ka ba or wala akong choice kundi ipasundo kita?" nangaasar na sabi ni Shari sa akin.
"Kung ipapasundo mo ako sa mokong na yun wag na... ako na lang luluwas" inis na sabi ko.
Tawang ng tawa si Shari
Bigla kung naalala 2 years ago, Hawaii
Sumama ako sa kanilang magkasintahan na magbakasyon. Para daw mag unwind at binili na ni Shari ang ticket as a birthday gift, at since ayoko na rin masayang ang ticket sumige na ako.
Ang problema, ganun din ang ginawa ni Marco sa bestfriend niyang si Benj, at partner niya sa business niya as well. Doon ko na narealized na pinagtatambal kami ng dalawa.
Okay may hitsura naman siya, mukhang gentlemen din naman.Mukhang intelehente din kasi base sa sinabi ni Marco, he is one of the best Director in the industry.
Pero...
Ayoko pa rin sa kanya.. period...
Kaya yung buong bakasyon na yun hindi ako nag enjoy kasi tuwing gusto ko mapagisa susulpot si Benj para kausapin ako. Para siyang asungot na sunod ng sunod. Alam ko naman he is trying hard to make friends to me. Pero nasanay ako na walang pinagkakatiwalaan maliban sa iilang tao, then all of a sudden may taong gustong sumali sa buhay ko?
Ayoko sa tao yung nag cross ng line, trying to impress me.
After that we met once in a while, pero ganoon na lang kasi, oo iniwasan ko siya.
Present time
Hinatid ulit ako ni Shari sa bahay bago siya umuwi, binasa niya ang first two chapters ng libro. At sabi niya wala naman siyang nakikitang butas or kulang. Excited na daw siyang basahin ang buong kwento. Ayoko sana pang bigyan siya ng kopya kasi kilala ko tong babae na to pag nagumpisa siyang magbasa hindi niya titigilan hanggang hindi niya natatapos. Pero sa kakulitan niya at curios din ako sa magiging reaction niya binigay ko na yung USB na may kopya.
"Ingat sa padridrive... text mo ako pag nakauwi ka na." sabi ko at nakangiti lang na tumango at pinaandar na ang makina ng sasakyan.
Pagkatapos ng Hapunan
Noong gabi na yun, binasa ulit ni Dom ang storya, hindi niya talaga alam kung anong kulang. Mga bandang 10:00 ng gabi tumawag si Shari sa akin na pinagtataka ko rin.
"Dom okay naman yung kwento, nakakaiyak... pinaiyak mo ako... pre-wedding shoot namin bukas.." sabi niya na natatawa naman ako sa kabilang line
"Hindi ko kasalanan yan ikaw may gustong basahin yan." nakangiting sabi niya habang nasa tapat pa rin ng laptop.
"Kasama ko si Marco ngayon at pareho namin binasa." medyo nagulat ito noong sinabi ni Shari yun, kasi pag may libro siya na hindi pa narerelease silang dalawa lang nakakaalam.
"Huh bakit mo pinabasa? hindi pa yun final?" nagpapanic si Dom.
"Dom, si Marco to, maganda sa totoo lang hindi mo na kailangan i edit to as good as for published na to." sabi niya. Pero alam ni Shari na hindi niya ikatutuwa sa sinabi ni Marco
"What he mean is okay na siya, wala akong nakikitang kulang pa."
"At saka Dom, gusto mo bang gawin nating pelikula to? May foreign actor kasi kami kinukuha for a movie, at naghahanap kami ng magandang sciprt para pumayag siya. " sabi ni Marco na napaisip ako, hindi ko kasi naisip ang idea na yun.
"Alam mo naman na ayaw ni Dom ng social media exposure, gawin pang pelikula libro niya." mukhang naka loud speaker at nakatingin si Shari kay Marco para sabihin na bad idea yun.
"Kung gusto lang niya, kasi iba to sa mga libro ginawa niya e." paliwanag ni Marco dahil matalim na ang tingin ni Shari sa kanya.
"Huwag nyo ng pag awayan yan... Pagiisipan ko yang offer mo Marco kasi parang this this time gusto ko itong gawin movie." sagot ni Dom.
Na ikinagulat ni Shari
"Sige na late na may shooting pa kayo bukas, next time na lang natin pag usapan yan. Bye!" at pinutol na ni Dom ang tawag.