Kabanata 4

3789 Words
Pagka-end ni Dominique ng tawag, nakatulala siyang nakaharap sa laptop. Iniisip niya ang offer ni Marco. Sa unang pagkakataon mukhang mapapayag siyang gawin pelikula ang libro na ginagawa niya. Dahil gusto niyang mapalawak ang exposure, at ang pelikula ay isang malaking industriya, lalo na at ang mga ginagawa nila Marco ay halos world class na nanalo sa mga International Awards.  Kita sa kanya ang pagaalala, mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Shari na maganda ito. O di kaya ganoon siya dahil sa pagnanais niyang mapaabot sa taong hinahanap niya ang mensahe ng librong ito. Tumalungko siya habang nagiisip pa rin. July 19, 2017 9:00 am Nasa isa sa sikat na boutique sila Shari para sa dress fitting, kasama ang iba pang abay. Si Dom ang kanyang maid of honor. Nandoon din ang mother ni Shari at Marco, since kilala na si Dom hindi naman siya na out of place. Pagkatapos nilang mag fit ng damit at mga alterations. Isa-isa ng umalis ang iba hangga't si Dom at Shari na lang magkasama kasi dadaan si Dom sa Purple leaves para sa mg documents na kailangan pirmahan at si Shari ang may kotse. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" sabi ni Shari habang nagmamaneho at si Dom nasa passenger seat. "Sa totoo lang, alam mo ang sagot diyan, pero sa tingin ko, magandang idea naman ang inoofer ni Marco at may tiwala naman ako sa kanya." nakatingin siya kay Shari habang tumango ito at nakatingin pa rin sa daan. "Alam kong may hindi ka sinasabi sa akin Dom, pero maghihintay ako sa tamang panahon na ikaw na mismo magsasabi sa akin. Hindi ko alam kung bakit nagbago ang pananaw mo kasi dati ang daming offer na ang pinlampas mo, International movie director pa yun. Pero masaya ako na nagbabago ka na for better." Nakangiti niyang sabi samantalang si Dom ay nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan at malayo pa rin ang iniisp. Nakarating na sila sa Publication house Lahat ng empleyado na makakasulubong sa kanila ay nag Good Morning sa kanilang dalawa pero si Shari lang ang responsive si Dom? poker face talaga siya. Magkaibang magkaiba sila ng personality ni Shari, pero sanay na ang mga staff nila sa kanya. Makikita mo nga lang sa kanila yung nerbyos everytime na pumupunta siya sa office. Ikaw ba naman ang may ari at ang pinaka sikat na writer sa kompanya na nagpapasahud sa kanila. Pakiramdam nila kaunting mali matatanggal sila agad. Nakapasok na ng office si Dom at sumunod si Shari at Cathy para sa mga documents. Pumunta si Irene sa Pantry at nakita niya si Luis. "Bakla, natapos mo na ba yung script? deadline yun bukas ah?" sabi Irene habang nagtimtimpla ng kape. "Malapit ko na matapos, pinagpuyatan ko nga yun kagabi kasi ayokong matengga sa akin yun nu." sagot naman ni Luis Lumapit si Cathy sa kanila na medyo pagod "Hagardo ang lola mo..." nakangiting sabi ni Luis "Grabe minadali ko ayusin lahat ng papeles para mabigay sa kanya lahat ngaun.Kailangan ko ng enerhiya.." sabay kuha ng chocolate sa ref at kinain. "Ang babagal kasi ng Finance ibigay yung kailangan ko..last week pa yun. Nung sinabi ko na hahanapin ni Ms. D ngayon ayun nag krakramming kaninang umaga." naiinis na sabi ni Cathy "Mapapadalas ang luwas niyan sa Maynila kasi nagaasikaso si Boss Shari ng kasal niya." sabi ni Irene habang humihigop ng kape "Kaya sabihin ninyo ang mga sambayanan na ayusin nila ang trabaho nila kung ayaw nilang maligwak" pagtataray ni Luis. "Bababalik na ako, kukuha lang ako ng tubig e, kayo magsitrabaho na kayo mahuli kayo dito shangrila din kayo.." at umalis na si Cathy at sumunod na ang dalawa. Inilapag ni Cathy ang tubig sa table ni Dom "May kailangan pa po ba sila Ms. D?" sabi ni Cathy "Wala na, sabihan na lang kita pag may questions ako." sagot nito habang nakatingin sa mga papeles "Diretso uwi ka ba sa Batangas niyan?" tanong ni Shari habang binabasa rin ang mga papeles na pipirmahan. "Silipin ko yung condo ko muna baka bukas na ako babalik." sagot niya sa tanong "That's Great pwede ka sumama sa amin ni Marco, mag didinner kami"  "Ayoko sumama, third wheel na naman ako." "Sige na sumama ka na..." Napahinto at tumingin sa kanya si Shari "Minsan iniisip ko ano kaya ang gusto mo sa lalaki at lahat ng pinakilala ko saiyo ayaw mo? Para magka lovelife ka na.."  Hindi sumagot si Dom, patulog pa rin siya sa pagbasa ng mga papeles "Gusto ko kasi sana na maging masaya ka rin..." "Masaya naman ako ah.." busy pa rin siya sa pag pirma "Galing sa ilong ang pagkasabi mo. Kahit sino hindi makukumbinsi sa sinabi mo." at pinagpatulog na ni Shari ang pagpirma Bago umuwi si Dom sa condo bumili muna siya ng makakain, at isang bote ng red wine. Kumain siya ng dinner sa condo habang nakatingin sa city view. Pagkatapos ay nagumpisa ng buksan ang laptop. May nakita siyang message galing kay Dorothy at sinubukan niyang i-video call. Nagkamustahan sila, at nagbigay ng karagdagang inpormasyon si Dorothy tungkol sa mga tanong ni Dom sa kanya. Pagkatapos nila magusap binuksan na ni Dom ang red wine at uminum siya habang nakatayo sa malaking bintana na kitang kita ang ganda ang mga ilaw galing sa mga maliliit na sasakyan at mga gusali sa dilim ng gabi. DOM POV Napaisip ako sa sinabi ni Shari kanina. Ano nga ba ang gusto ko sa isang lalaki? Marunong ba ako magmahal? karadapat dapat ba akong mahalin? Naghihintay ako sa kanya pero nakalimutan ko na dapat kailangan ko rin ihanda ang sarili ko na magmahal at mahalin kung sakali. Hanggang sa unti-unti ko na naman naramdaman ang mga panahon, na masaya pa kami ng mga magulang ko. Bago mangyari ang aksidente, ang pag-iwan sa akin ng Daddy ko. Ang pagiwan ng lola ko. Parang pinapaalala sa akin ng utak ko kung gaano kasakit magmahal. Pero pinaparamdam sa akin ng puso ang pagkasabik, na may tao tinadhana para sa akin. September 19, 2017 Revised na ang storya na gawa ni Dom, ang pamagat " A Love that remains" . May non-exclusive contract signing between Purple leaves at Edge-out Productions.Nabigay naman ni Marco lahat ng request ni Dom sa contract kaya hindi na siya pumunta sa contract signing pinirmahan na lang niya yung contract. At dahil na rin sa mga press na pumunta dahil sinasabi nila na isang malaking balita daw yun na mag cocollab ang dalawang companya sa isang napaka gandang project. September 22, 2017 3:00 pm, Batangas Kinasal si Shari at Marco, masaya ang lahat. Si Benj Estrada ang best man. Wala siyang choice kundi pumayag silang sumayaw dahil part ng program. "Bagay sayo ang ayos mo ngayon." pag compliment sa kanya ni Benj Hindi umimik si Dom habang magkasayaw silang sweet. "Nabasa ko na yung script at..."  "Pagod na ako..." sagot ni Dom at sumang ayon naman si Benj at binalik siya sa upuan niya. Makalipas ng ilang oras naisipan ni Dom na maglakad lakad sa tabing dagat. Sa sobrang lalim ng iniisip niya hindi niya namalayan na papalapit siya kay Benj na may kausap sa phone. Gusto na niyang umuwi pero wala siyang dalang sasakyan, okupado naman nila ang buong resot at may kwarto na naka assign sa kanya pero ayaw niyang matulog doon, hindi siya kumportable. Dom... Gabi na ah.. Tsaka lang siya napatingin kay Benj na kakababa lang niya ng tawag. Didiretso sana siya pero nakita niya na ang nasa dadaanan niya ang may dalawang lasing na bisita sa kasal na sasalubong sa kanya naglalakad papalapit sa kanya. Hinatak siya ni Benj para tumabi sa gilid niya. Hanggang sa nakadaan na yung dalawang lasing. "Kanina ka pa hinahanap ni Shari at Marco, pati ba naman yung bagong kasal imbes na honeymoon ang iniisip nila ikaw ang inaalala nila." seryoso na sabi ni Benj sa kanila Nakatingin si Dom sa dagat "Ayusin mo na gamit mo at ihahatid na kita sainyo." Sabi ni Benj habang nakatingin din sa dagat. "Wala akong dalang gamit." matipid niyang sabi. "Okay tara na." Sabay alis ni Benj at sumunod si Dom sa kanya. Tahimik sila sa biyahe, hindi nagsasalita si Benj habang nagmamaneho. So Dom naman ay na awkwardan sa sitwasyon. Pinatay ni Benj ng sasakyan sa tapat ng bahay ni Dom "Salamat!" yun lang ang kaya niyang sabihin habang binuksan na niya ang pinto at lumabas na, pagakatapos nun binuksan ni Benj ang makina ng sasakyan at umalis na. October 13, 2017 1:00 am sa Edge-out office, Quezon City Kababalik lang ni Shari at Marco sa honeymoon nila, pero may biglaang meeting sina Mark, Benj, Dominique at Shari para sa gagawing pelikula. May kasama sa meeting pero naka skype ito at through video call lang nila makikita. "Before we start this meeting I would like you to introduce Mr. Kim Ji-Cheol, he will be the main actor for this movie. He can't make it today in person because he's schedule is packed until December." paliwanag ni Marco  "Hello, My name is Kim Ji-cheol or you can just call me Ji-cheol nice to meet you all." sagot ng nasa video call, lumabas ang matatamis niyang ngiti. Boses pa lang iba na ang naramdaman ni Dominique, ang lakas ng kaba ng dibdib niya, na siya mismo hindi niya maintindihan. Sa unang pagatataon, may isang lalaki na nagka interes siya. "Hi Ji-cheol I'm Shari Imperial, editor in chief and operations of Purple Leaves Publication and I'm with Ms. Dominique Sanchez the owner and writer of this movie." Tumango lang si Dom dahil ayaw niyang mahalata na sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. "By the way congratulations Mr. and Mrs. Imperial, I'm sorry I'm wasn't able to come to the wedding. And finally Ms. Dominique, I was so impress with the story that is why I agreed for this movie." sabi ni Ji-cheol. "Thank you!" yun lang nasagot ni Dom na medyo nahalata ni Shari  "Can we start the meeting?" sabi nito kay Marco. "Okay I will proceed with meeting..." Makalipas ng isa't kalahing oras... Tahimik si Dom, nagsusulat siya ng mga gustong baguhin ni Ji-cheol sa storya. Habang si Shari naman ay kabadong nakatingin sa kanya. At matalim na nakatingin kay Benj at Marco  Alam ni Shari na kahit hindi nagsasalita si Dom, may nagaganap na signal #7 sa utak ni Dom. Dahil ayaw na ayaw ni Dom na pinakikialaman ang storya niya.  "We never expect that you were planning to change some parts? Did you and Mr. Imperial talked about it?" tanong ni Shari kay Ji-Cheol "Not yet, but I already discussed it to Benj, and he agreed that they are some part that are lacking and need to change." sabi ni Ji-Cheol na lalong nagtalim ang mata ni Shari kay Benj. Gusto ni Ji-cheol na maglagay ng isa pang character sa kwento, dapat daw tatlo ang bida. Ibig sabihin babaguhin ni Dom from chapter one ang kwento. Tumayo si Dom, at kinuha ang gamit niya at umalis. "Mag uusap tayo mamaya..." Inis na inis si Shari sa asawa at kay Benj.  "I'm sorry Mr. Kim but I don't think its possible, We do apologize!. " sumunod si Shari kay Dom.  "Ji-cheol let me talk to them first and we'll get back to you.." sabi ni Marco and humabol sa asawa. Namumula ang mukha ni Dom sa galit, kung hindi pa siya aalis doon baka may masabi or magawa siya na hindi maganda. "Dom..." tawag sa kanya ni Shari "Ano ba tingin niya sa akin scrip writer na pwede niya manduhan na palitan lahat?" hindi mapigilan na sabi niya "Sorry Babe hindi ko alam yun?" sabi bi Marco habang nagpapaliwanag sa dalawang babae na galit na "At kausapin mo yan si Benj isa pa yan, nakalagay sa contract na may final say pa rin ang writer..." nanggigil na sabi asawa niya. "Walang pelikula na mangaganap..." galit na sabi ni Dom "Hindi pa tayo tapos...tara na Dom" sabay alis ni Shari kasama ang kaibigan. Nasa kotse na sila pero hindi pa rin umiimik si Dom na lalong kinakatakot niya "Ibaba mo ako sa kanto." sabi ni Dom "Bakit? Ihahatid kita." tugon ni Shari "Please..." matigas na sabi niya, walang nagawa si Shari kundi itigil ang sasakyan.  "Kaya ko na from here... Huwag mo akong alalahanin." Bumaba si Dom ng sasakyan at sinara ang pinto at nagumpisang maglakad. "I-text mo ako pag nakauwi ka na..." sabi niya at pinaandar ang sasakyan habang nakatingin sa side mirror, sa tagal ng panahon kilala na niya ang kaibigan. Isa yun sa paraan ni Dom na mawala ang galit niya ang maglakad habang nagiisip.  Huminga ng malalim si Dom, nagumpisa na siyang maglakad, nasa kalagitnaas siya ng Quezon City, hanggang nakarating siya sa Circle, maaga pa kaya iilan pa lang ang tao. Umupo siya sa isa sa nga upuan doon at tahimik na pinagmasdan ang paligid. Unti-unit siyang umiiyak, tahimik pero punong puno ng galit.  Matapos ng ilang minuto, habang namamaga pa ang mata niya may matandang lalaki na nakatungkod na umupo sa kabilang gilid ng upuan niya. Patayo na sana siya ng biglang... "Iniwan ka ba ng boypren mo iha?" sabi ng matandang lalaki na nakatingin sa kanya "Hindi po.." natatawa niyang sinabi  "Ngayon lang kita nakita dito, naliligaw ka ba?" tanong nito ulit at umiling si Dom at umupo siya ulit. "Alam mo iha, ang daming kong pinaiyak nung kabataan ko. Magandang lalaki kasi ako noon. Hahahaha.." birong sabi ng matanda. "Babaero pala po kayo.."  "Oo pero dahil doon, walang babaeng sumersosyo sa akin kaya ito ngayon mag-isa na lang ako sa buhay." Nakatingin ang matanda sa malayo. "Malungkot mag-isa iha... Kaya ikaw huwag kang susuko magmahal." habang nakatingin pa rin siya sa malayo. "Tay nandito na naman kayo..." sabi ng babaeng lumapit sa kanya, mukhang taga bantay ng matanda. "Pasensiya po kung iniistorbo kayo, mahilig talaga makipag kwentuhan si Tatay." sabi ng nagbabantay. "Okay lang... Tay mauna na po ako. Salamat!" sabi ni Dominic Naglakad muli si Dominic palabas at naisipan na pumunta sa malapit na mall, pumunta siya sa bookstore at nagtingin tingin ng libro. Hanggang sa napansin niya ang isang magasin, ang cover page ay ang kausap nila kanina, Bigla na naman niya naaala kung gaano siya kinabahan. Kinuha niya ang magasin, at dahil bukas ito sinubukan niya basahin. Wala siyang ka ide-idea na sobrang sikat pala nito, at naikwento din niya kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya sa huling pelikula niya 2 years ago. Mayroon na siyang kasintahan at engaged na sila. Nakalagay din sa interview naniniwala siya sa past life. Dahil daw sa sobrang nahirapan siya sa huling pelikula, ni request daw ng psychologist niya na mag past life regression siya na correct naman daw.Pero dahil din doon nagbago ang pananaw niya sa buhay at nag decide na magpahinga muna sa paggawa ng pelikula o ng kdrama. Ang paborito niyang lugar ay Belgium, at marunong siyang mag French, German at kaunting Dutch. Nag aral din siya ng short courses for Business Management sa isa sa mga kilalang school sa Bruges, Belgium, noong mga panahon na nagpahinga siya sa paggawa ng pelikula.  Sinabi niya sa article na ang pag stay niya sa Bruges, Belgium mas nakilala niya ang sarili niya. At nabigyan siya ng peace of mind. At handa na siyang tumanggap ng bagong pelikula kung may magandang offer. Kinabahan na naman siya, hindi niya alam kung bakit noong nabasa niya ito lalong naging desidido siya na si Ji-Cheol ang gusto niyang maging main lead actor. . Nakauwi na siya sa condo niya, at nasa harapan siya ng laptop. "Siya na ba ang hinihintay ko?" sabi niya sa sarili niya.Pero bigla niyang naisip na may kasintahan na ito. Tininganan niya ang notes niya na ni request ni Ji-Cheol, na gusto niyang maiyak.  "Hindi ko alam kung bakit ko gagawin to Haist!" sa sobrang inis niya, pero nakita niya muli ang magasin na binili niya tungkol kay Ji-Cheol. Tanging buntong hininga na lang ang ginawa niya habang hawak niya ito. Makalipas ng isang buwan Na revised na ni Dominique ang storya niya, na-edit na rin at napasa na ni Shari Kay Marco at Benj. After ng isa pang online meeting na hindi na sumulpot si Dominique, habang binabasa ni Ji-Cheol. "I already read it and I think it's good to go. And I already send the contract Mr. Imperial. So when will start?" sabi ni Ji-Cheol na halatang excited din. "We are planning next month, all the cast need to meet for the script reading and for the final meeting before going to Bruges." sabi ni Benj habang nakatingin kay Ji-Cheol sa screen at tumango naman si Marco at Shari. "Okay that is great! Finally I can meet you all in person." nakingiting sabi niya. November 22, 2017, isa sa sikat na Hotel sa Makati Nagkitakita ang mga cast at crew gagawing pelikula na "A Love that remains" Nakaupo na sa mahabang table ang cast kasama si Ji-cheol na katabi niya si Benj at ang kanyang Manager. Huling pumasok sa conference room si Marco, Shari at Dominique. Sinigurado ni Dominique na presentable siya sa araw na yoon, naka blouse na puti at naka blazer na brown, comportableng pantalon at black boots. Naka tali ang lagpas balikat na buhok at naka salamin. Nag make-up din siya ng kaunti.  Sa unang pagkakataon nagkasalalubong ang kanilang mga mata, at hindi pinakita ni Dominique kung gaano siya kinakabahan, tumango lang siya at ni hindi siya ngumite. At umupo sa pwesto niya sa tabi ni Shari, kaharap si Ji-Cheol. Makikita mo rin sa mukha ni Ji-cheol na namangha rin siya sa dalaga at napa ngiti, habang magkaharap sila. "Okay... Shall we begin?" sabi ni Marco habang lumingon kila Dom, Benj, Shari, at Ji-Cheol. Ji-cheol kim aka Edward ang bidang lalaki Belle Pineda, ay isa sa mga sikat na aktres sa Pilipinas aka Mildred ang bidang babae Nathan Valdez, isa sa mga rising actor ng Pilipinas aka Lincoln ang dinagdag ni Dom sa storya. Nandoon din ang mga supporting cast at mga staff na part ng project na ito. January 24, 2018 4:18pm Rosienburg Hotel - Bruges Belguim Sa haba ng byahe pagod na pagod silang lumabas ng van na nagsundo sa kanila from Brussels Airport. Kasama ni Dominique, si Shari at si Luis, nauna na ang ibang staff kahapon pa. Sinalubong sila ni Marco na kahapon pa dumating at naka check in na rin sa hotel. "Ang ganda dito Mam..." manghang mangha na sabi ni Luis "Grabe nakakapagod ang byahe.." sabi ni Shari sa asawa noong nung lumapit sa kanya at binuhat ang luggage niya. "Mag check in muna kayo, tapos iikot muna ako with Benj para sa location." sabi ni Marco Pagka pasok ni Marco ng mga luggages nila 2 room suite, nagumpisa nang mag-unpack ng gamit sina Dom. Tinawagan ni Marco si Benj para sunduin siya. "Kailangan ko sumama Marco, para ma discuss yung mga lugar." sabi ni Dom na tumayo sa pagkakaupo at kinuha ang maliit na bag. "Okay lang Dom, naka detail sa story mo ang lugar, and alam ni Ji-cheol ang mga lugar kaya hindi kami magkaka problema. Actually ang laking tulong niya kasi tinulungan na rin kami sa mga papeles para sa shooting locations natin, may bahay pala siya dito." paliwanag ni Marco "Talaga... kaya pala napa oo mo e!" sabi ni Shari "Alam ko nag hiatus siya ng dalawang taon pero hindi ko alam na dito pala siya naglagi." sabi ni Marco Si Dominique ay tahimik lang habang naguumpisa nang ayusin ang laptop sa table. "Kung ganito ba kaganda ng lugar at madatung ka naman aba.. dito na talaga ako titira." sabi ni Luis habang uunpack ng gamit niya sa kabilang  "Sigurado ka na hindi kayo magkasama sa room? Pwede naman ako sa kabilang room hiwalay naman ang bed namin ni Luis" sabi ni Dom.  Napagusapan na kasi, sina Shari at Dom sa master bedroom at si Luis at Marco sa kabila. Puno na kasi ang ibang rooms at gusto ni Marco na magkakasama lahat ng staff niya sa isang hotel.  "Bakit ayaw mo ba ako katabi?" inaasar si Dom "Hindi naman sa ganoon..." "Pumunta kami dito para magtrabaho, hindi mag honeymoon" nakangiting sabi ni Shari sa asawa. "Huwag ka magalala Mam Shari, behave ako... promise.." pang aasar ni Luis "Umayos ka.. kung gusto mo makabalik ng Pilipinas.." pagbabanta ni Shari na may biro Tumawag na si Benj na nasa lobby na sila at bumaba na si Marco. Nagpa room service nalang sila ng dinner. Bandang 7:00 pm Nag rent ng bike si Dominique at bumalik sa playground, maliwanag pa naman at gusto niyang maramdaman muli yung unang beses niya nakita ito. Umupo siya sa isa sa mga swing, medyo malamig ang hangin. Tahimik siyang nakatingin sa kawalan hanggang sa.. "Ms. Sanchez? is that you?"  Kilala ni Dom ang boses na yun lalo na ng puso niya. Napatingin siya sa lalaking nakatayo sa gilid niya. Tipid lang na ngiti ang tinugon niya. Umupo si Ji-cheol sa kabilang swing, nagkaroon ng katahimikan. "I know that you don't like me because of what I did to your story..But thank you for revising it." binasag niya ang katahimikan nila "And I'm sorry for the trouble" "Apology accepted." ngumiti siya pero nakatingin siya sa malayo, pero napangiti si Ji-cheol. Nag umpisang magtanong si Ji-cheon on how Dom started the story, at pinaliwanag naman niya yung time na napanaginipan niya ang lugar at yung time na hinanap niya ang lugar na ito. Tahimik na nakikinig si Ji-cheol sa kanya. Naputol ang usapan nila ng tumawag ang manager ni Ji-cheol. It's late now I think we need to go. Tumayo si Ji-cheol at lumapit sa bike ni Dom. "Thank you for telling me your story. It was nice talking with you." Tumayo din si Dom at kinuha ang bike niya kay Ji-cheol. Naramdaman ni Dom yung parang kuryent sa pag lapit ng kamay nila. "See you tomorrow, Ms. Sanchez!" habang nakangiting paalis ni Ji-cheol. Samantalang si Dominique ay nakatayo lang habang tiningtingnan ang paalis. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD